Chapter 18
Kinabukasan
Maagang nagising si Cheyanne Luna pag mulat ng mata niya ginala agad niya ang kanyang mata sa buong kwarto at nakita naman niya na nasa kwarto na niya siya.
Cheyanne Luna: Pano akong napunta dito ? ( Nagtatakang tanong nito habang nakaupo sa kama niya ) Teka nga ano ba ang nangyari kagabi ? ( Nanlaki na lang ang mata niya ng maalala ang nangyari kagabi ) Si Ashley Okay lang kaya sya ? ( Bigla itong napatayo sa kama )
Agad naman na pinuntahan ni Cheyanne Luna ang kwarto ni Ashley para matignan niya kung ayos lang ito. Nang makapasok siya sa kwarto nito nakita niyang andoon din natutulog sina Jinxx na sofa si Jake at Christian naman nasa kutson na nakalatag sa sahig at Andy naman katabi ni Ashley sa kama
Cheyanne Luna: Buti naman at andito sila ( Umupo ito sa gilid ng kama ni Ashley at pinagmasdan ang mukha ni Ashley at napansin niya ang pasa at sugat nito sa mukha ) Dahil sa akin napahamak ka pa ( Malungkot na sabi nito ) Siguro dapat lang na makabawi ako sa ginawa mo kagabi. Alam ko na kung ano ang gagawin ko. ( Hinawakan niya ang mukha ni Ashley at lumiwanag ang kamay niya ) Ayan pag gising mo wala na yang mga sugat mo. Hindi lang ikaw kundi kayong lima. ( Nakangiting sabi nito )
Tulad ng ginawa niya kay Ashley na pang gagamot ng mga sugat nito ganun din ang ginawa niya kela Jinxx,Christian,Jake at Andy. Matapos niyang gamutin ang apat naisipan naman niyang lumabas ng kwarto at agad pumunta ng kitchen.
Kitchen
Cheyanne Luna: Ano pa kaya ang pwede kong gawin para naman makabawi talaga ako sa kanila lalo na kay Ashley ( Nag isip ito at naalala niya yung nabasa niya sa libro na binabasa niya ) Sabi sa libro na nabasa ko yung mga tao daw natutuwa sila pag pinagluluto sila. Pero paano ko gagawin yun hindi ko alam kung paano gagawin yun ( umupo ito sa upuan at nag isip ng paraan )
Bigla naman mawala sa pag iisip si Cheyanne Luna ng may mag salita mula sa likod niya.
Jinxx: Good Morning kanina ka pa ba gising ? ( Masayang sabi nito )
Cheyanne Luna: ( Napalingon ito sa likod niya ) Hay naku Jinxx ikaw lang pala yan nagulat naman ako sayo bigla bigla ka na lang nag sasalita
Jinxx: ( Natawa ito ) Pasensya na kung nagulat kita ( Pumunta ito sa upuan na katabi ni Cheyanne Luna at doon umupo ) Mukhang malalim ang iniisip mo ano ba yan baka makatulong ako
Cheyanne Luna: Pano kasi gusto ko sana makabawi sa ginawa ninyo kagabi gusto kong lutuan kayo ng breakfast kaso hindi ako marunong mag luto ( Nahihiyang sabi nito kaya naman niyuko niya ang ulo niya sa mesa )
Jinxx: ( Natawa ito ) Madali lang yang problema mo tutulungan kitang gumawa ng breakfast nating lahat kaya wag ka ng malungkot dyan
Cheyanne Luna: ( Inangat ang ulo mula sa pag kakayuko ) Talaga tutulungan mo ako ( Nakangiting sabi nito )
Jinxx: Oo naman tutulungan kita. Alam mo mas bagay sayo yang ganyan ka yung nakangiti at masaya hindi yung katulad kaninang malungkot at problemado ka
Cheyanne Luna: ( Napangiti na lang ito dahil sa sinabi ni Jinxx )
Jinxx: Tara umpisahan na natin para pag gising nila nakahanda na ang breakfast
Cheyanne Luna: Sige ( tumayo na ito )
Nag umpisa na silang mag luto ng breakfast.
Kwarto Ni Ashley
Pag mulat ng mata ni Ashley naisip nya agad si Cheyanne Luna. Dahil nasa abandonadong gusali pa lang sila ay nawalan na ito ng malay.
Umupo siya sa kama at napansin nyang parang hindi na masakit ang katawan niya tinignan din niya ang braso niya na alam niyang nasugatan pero wala na siyang nakitang sugat at parang hindi siya nabugbog kagabi. Pero kahit na nag tataka siya agad naman nabaling kay Cheyanne Luna ang isip niya.
Ashley Purdy: Kamusta na kaya siya ? Okay na kaya siya ?
Tumayo si Ashley at pumunta sa kwarto ni Cheyanne Luna pag dating niya sa kwarto nito ay wala doon si Cheyanne Luna.
Ashley Purdy: ( Bigla naman siyang kinabahan dahil sa wala si Cheyanne Luna sa kwarto nito ) Asan na kaya siya ? Sana naman hindi siya napahamak baka mamaya nakuha nanaman siya nung nakalaban namin kagabi
Agad naman na bumaba si Ashley at may narinig siyang nagtatawanan sa kitchen. Kaya naman agad siyang pumunta sa Kitchen para tignan kung ano yun. Bigla siyang nakaramdam ng kalungkutan sa kanyang nakita.
Kitchen
Habang tinuturuan ni Jinxx si Cheyanne Luna nasa likuran si Jinxx ni Cheyanne Luna tapos hawak niya ang kamay nito habang hinahalo nila yung sangkap nasa mixing bowl.
Cheyanne Luna: ( Napatingin ito kay Jinxx at ngumiti ito )
Jinxx: Oh bakit ? ( Nakangiting tanong nito )
Cheyanne Luna: Wala lang natutuwa lang ako kasi tinulungan mo ako dito siguro kung wala ka dito hindi ko kayo magagawan ng breakfast
Jinxx: Wala yun ( Nilagyan ng flour ang ilong ni Cheyanne Luna at tumawa )
Cheyanne Luna: ( Natawa ito sa ginawa ni Jinxx kaya naman ginantihan niya ito at nilagyan din niya ng flour ang ilong nito )
Gumanti ulit si Jinxx kay Cheyanne Luna kaya naman masaya silang nag lalaro na dalawa.
Habang sa labas naman ng Kitchen hindi lang nag papahalata si Ashley na pinapanood nya lang ang dalawa na masayang naglalaro.
Ashley Purdy: Bakit ko ba nararamdaman ito bakit nasasaktan ako sa nakikita ko ngayon ( Mahinang sabi nito habang pinapanood ang dalawa na masaya )
Dahil sa hindi na din naman kaya ni Ashley ang nakikita niya nag pasya siyang pumunta sa salas at umupo sa may sofa.
Habang nakaupo si Ashley sa sofa nakita naman niya ang librong binabasa niya yung tungkol sa kitsune kaya naman kinuha niya iyon at sinimulang basahin.
Ashley Purdy: Habang nakikipag laban ang babaeng kitsune sa mga masasamang tao dumating ang isang lalaki para iligtas siya ( Napahinto ito sa binabasa niya dahil sa naalala niya ang nakita niya sa kitchen ) Hay Naku Ashley ano ka ba ayusin mo nga yang sarili mo bakit ba apektado ka sa nakita mo kanina
Bigla naman na may nag salita sa likod ni Ashley at humawak ito sa kanyang balikat. Kaya naman napalingon siya sa kanyang likuran.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top