Chapter 1

Magkakasamang kumakain ang Black Veil Brides sa bahay ni Andy  Biersack. Nag kita kita kasi sila dahil wala naman silang gagawin wala pa din namang sinabi ang manager nila na may performance sila.

Jinxx: Andy wala ba tayong magagawa sa araw na ito ?

Andy Biersack: Wala nga akong maisip na pwede nating gawin

Ashley Purdy: ( Nagtitingin tingin ito sa Magazine ) Andy tignan ninyo itong resort na ito mukhang magandang puntahan ngayon wala naman tayong gagawin bakit hindi na lang tayo pumunta dito ? ( Pinakita ang Magazine kay Andy )

Andy Biersack: Mukhang magandang idea yan

Jinxx: Ibig sabihin ba nyan pupuntahan natin yan ngayon ?

Jake Pitts: Mukhang Okay yan kung pupuntahan natin yan

Christian Coma: Oo nga mainit naman ang panahon ngayon kaya mukhang magandang idea na puntahan natin ang lugar na yan

Andy Biersack: Kung ayan ang gusto ninyo mukhang okay naman sa akin yan

Natuwa naman ang lahat dahil sa pumayag si Andy na mag punta sila sa Resort na nakita ni Ashley sa Magazine.

Jinxx: Paano uuwi muna kami sa amin para makapag ayos kami ng dadalhin namin

Ashley Purdy: Tama si Jinxx duon

Christian Coma: Babalik na lang kami dito mamayang 4 ng hapon

Jake Pitts: Ano Andy Okay lang ba sayo yun ?

Andy Biersack: Oo ayos lang sa akin yung gusto ninyo

Umalis na sa bahay ni Andy ang mga bandmates niya kaya naman agad ng nagligpit ng mga kalat sa bahay niya at mayamaya lang ay nag ayos na din siya ng mga dadalhin niya.

Bahay Ni Ashley Purdy

Nang makarating si Ashley sa kanyang bahay agad naman siyang nag tungo sa kwarto niya para makapag ayos ng dadalhin niya. May nakita siyang isang Libro na nakakuha sa attention niya.

Ashley Purdy: ( Kinuha ang libro ) Tungkol ito sa mga Fox sino nga ba ang nagbigay sa akin nito ? ( Nag isip ito habang nakatitig sa cover ng libro ) Mukhang nakalimutan ko na pero makakatulong itong maka alis ng bored kapag nasa biyahe na kami ( Inilagay niya ang librong hawak niya sa bag na dadalhin niya )

Ang cover ng libro ay isang magandang babae na may 9 na buntot ng fox at may dalawang tenga na parang sa fox din.

Pinagpatuloy na ni Ashley ang kanyang pag aayos ng kanyang dadalhin ng matapos na siya ay agad naman na siyang pumunta sa bahay ni Andy.

Bahay Ni Andy Biersack

Anduon na ang kanyang mga bandmates at mukhang siya na lang ang iniintay ng mga ito.

Christian Coma: Bakit naman late ka Ashley ?

Jinxx: Oo nga usapan nati 4pm tayo babalik dito

Ashley Purdy: Pasensya na natagalan lang ako sa pag aayos ng gamit ko ( nakangiti nitong sagot )

Jake Pitts: Hayaan na natin kung late siya ang mahalaga andito na siya at kumpleto na tayo ( masayang sabi nito )

Andy Biersack: Tara na kayo sa Van natin para makarating na tayo sa Resort at makapag saya naman tayo

Sumunod naman ang lahat sa sinabi ni Andy kaya naman pumunta na sila sa Van.

Van

Si Christian Coma ang nag drive at si Jake Pitts at Andy Biersack naman ay masayang nag kwekwentuhan. Habang si Ashley Purdy naman ay nakatulog na dahil sa pag babasa niya ng Librong dala niya. Napansin naman ni Jinxx ang cover ng librong binabasa ni Ashley Purdy kaya naman kinuha niya ito at binasa.

Andy Biersack: Jinxx ano yang binabasa mo ?

Jake Pitts: Oo nga ano yan ?

Jinxx: Libro ito ni Ashley ewan ko nga bakit siya nag babasa ng ganito

Andy Biersack: Bakit tungkol saan ba yang librong yan ?

Jinxx: Ayon dito sa libro tungkol siya sa isang babaeng kitsune

Jake Pitts: Kitsune ano naman yun ?

Jinxx: Kitsune Japanese word siya na Fox sa English

Andy Biersack: Oh kelan pa naging interesado si Ashley sa ganyang bagay

Jake Pitts: Oo nga kelan pa niya nagustohan yang Kitsune na yan

Jinxx: Ewan ko ngayon ko nga lang nakita na nag basa siya ng ganitong libro

Bigla namang nagising si Ashley Purdy at ng magising ito ay halata sa kanya ang pamumutla na tila ba masamang panaginip ang kanyang napanaginipan.

Jake Pitts: Oh Ashley bakit para kang nanaginip ng masama ?

Andy Biersack: Oo nga bakit ano ba yang napanaginipan mo ?

Ashley Purdy: ( Biglang na alala yung binabasa niyang libro kanina ) Teka nakita nyo ba yung libro na binabasa ko kanina bago ako nakatulog ?

Jinxx: Ito ba yung hinahanap mong libro ? ( Inabot ang libro kay Ashley )

Ashley Purdy: ( Kinuha ang Libro kay Jinxx )

Andy Biersack: Ashley Okay ka lang ba ? Bakit parang ang weird mo naman ? ( nagtatakang tanong nito kay Ashley )

Jinxx: Oo nga

Ashley Purdy: Pasensya na kung medyo naging weird ako ngayon ( Tumingin ito sa bintana ) Malapit na ba tayo ?

Christian Coma: Medyo malayo pa tayo

Jinxx: Ashley about sa tanong namin kanina ano ba ang nangyayari sayo at bakit ka nag babasa ng libro na tungkol sa kitsune ?

Ashley Purdy: ( Napatingin ito sa librong hawak niya at napatitig siya sa cover ng libro na hawak niya )

Andy Biersack: Ashley ano ba ayos ka lang ba ?

Jake Pitts: Para kang wala sa sarili mo ?

Ashley Purdy: Pasensya na hindi lang kasi maalis sa isipan ko ang napanaginipan ko kanina. Hindi ko alam kung bakit ganun ang panaginip ko ( Halata sa muhka nito ang pag tataka )

Christian Coma: Bakit ano ba yung napanaginipan mo ? Bakit parang masyadong big deal sayo yung panaginip mo ?

Ashley Purdy: Hindi ko din alam kung bakit hindi matanggal sa isip ko ang napanaginipan ko ngayon sa totoo lang hindi ko lang ngayon napanaginipan ito. Ilang araw ko na ding napapanaginipan ito hindi ko alam kung bakit ?

Jinxx: Tunkol saan ba yang napanaginipan mo ?

Ashley Purdy: Tungkol sa isang babae na humihingi ng tulong sa akin pero hindi ko makita ang mukha niya

Andy Biersack: Babaeng humihingi ng tulong sayo ?

Jake Pitts: Baka naman may makikilala ka lang na babae mamaya sa resort kaya ganyan yung napanaginipan mo ?

Christian Coma: Oo nga madami tayong makikilalang magagandang babae duon sa resort mamaya

Ashley Purdy: Sira talaga kayong dalawa tiyak ko hindi ito tungkol sa pupuntahan nating resort

Jinxx: Eh tungkol naman saan yan ?

Ashley Purdy: Ewan ko hindi ko alam kung tungkol saan ang panaginip na yun

Andy Biersack: Alam mo Ashley kung ako sayo kalimutan mo na lang muna yang panaginip na yan

Jake Pitts: Oo nga buti pa mag focus ka na lang sa pupuntahan natin

Jinxx: O hindi kaya mag basa ka na lang ulit nyang binabasa mong libro

Ashley Purdy: Buti pa nga ( ngumiti ito at tinignan ulit niya ang librong binabasa niya )

Tahimik na binasa ni Ashley ang libro na binabasa niya kanina. Ang mga bandmates naman niya ay bumalik na din sa kanina nilang ginagawa.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top