Shade No. 2

Note: Again, this chapter may contain scenes that are not suitable for young ages. If you are sensitive, please don't read further. Thank you.

You Hit Me, I'll Hit You Too
* * *

As I was seriously reading a Harry Potter wizard book series which is The Order of the Phoenix, someone accidentally hit me by soccer ball. It hits me hard to the point that I already lose my temper. Hindi ko na namalayan na sinipa ko na pala pabalik 'yong bola sa taong may kasalanan kung bakit may pasa ang noo ko ngayon. Luckily, the ball hit him hard too. We're done, asshole.

Hindi pa ko nakontento sa ginawa ko sa kanya kaya kaagad ko siyang nilapitan.

"Sa susunod kasi, eyes on the net lang dapat hindi 'yong kung saan-saan ka nakafocus. Nakatama ka pa ng civilian. Sa susunod na lalampa-lampa ka, pumili ka ng target mo at 'wag ako or else tumigil ka na lang sa paglaro total mukhang hindi ka naman marunong," I said fearlessly as I left him dumbfounded. Wala na akong paki kung pinagtitinginan man ako ng mga tao sa paligid namin ngayon, ang importante--- naiganti ko ang sarili ko.

Ayaw na ayaw ko kasi sa lahat 'yong naiistorbo ako, lalong-lalo na kapag nagbabasa ako.

Matapos ang nakakainis at nakakasira ng mood na pangyayari ay naisipan ko na bumili na lang muna sa canteen ng maiinom at pumasok ng classroom kahit maaga pa para sa first subject ko. Atleast do'n walang bola na mang-iistorbo sa pagbabasa ko so I can read peacefully.

But I was wrong...

The room was filled with noises and guess what? Panibagong tsismis na naman ang pinagkakaabalahan ng mga kaklase ko.

"Have you seen his face?"

"Well, that clumsy soccer player deserves it."

What? 'Wag n'yong sabihin na 'yong lampang player na 'yon ang pinag-uusapan nila.

"Excuse me, sinong soccer player ang pinag-uusapan n'yo? At anong nangyari sa kanya?"

Instead na sagutin nila ko sa tanong ko ay sabay-sabay silang napanganga at napatulala.

"Whoaaa!" they said in chorus. This is so not me, talking to them is so weird and irrititating.

"Ano kayang nangyayari sa walang pakialam slash invisible Nemi na kaklase natin at bigla siyang naging interesado sa mga nangyayari sa paligid niya?" nagtatakang tanong mg seatmate ko na si Princess. What the hell.  Kailangan ba talagang mag-intro muna siya bago nila sagutin ang tanong ko?

"Are you going to answer my question or you're going to leave this room with bruises?" I said with conviction. Kailan kaya nila ako sasagutin ng diretso?

"Fine Nemi, you're too agressive talaga. Kakapasok lang kasi ng balita na bugbog-sarado raw si Jack matapos niyang matamaan ng bola ang isang estudiyante kanina." Wait... as far as I remember, hindi ko naman siya binugbog.

"Are you referring to a guy with a coconut shell haircut?" Iyon lang kasi ang napansin ko sa kanya. Ang mala-lampaso niyang buhok.

"Yes. May natamaan daw kasi siyang girl kanina and binawian din siya no'n ng isa ring malakas na sipa at pagkatapos no'n dumiretso raw ng cr si boy and after that---" Bakit kaya ang hilig mangbitin nitong Princess na 'to? So she was talking about me and the incident that happened a while ago. Walang nagsasalita sa'ming lahat kasi hinihintay namin ang kasunod niyang sasabihin nang biglang dumating ang teacher namin.

Kahit kailan talaga, panira ng moment 'tong si Ma'am Cabrera.

"Good morning class! We will have a conference meeting at this hour so I'll just leave you with this book and copy the content on page 259 to 263." wika niya at saka umalis. Haaaays. Ba't kailangan niya pang mag-iwan ng susulatin eh pwede naman naming kunan na lang ng picture 'yon. Tss.

"Going back to what you we're saying, ano bang nangyari do'n sa boy at sino raw ang may gawa no'n sa kanya?" pabulong na tanong ko kay Princess na busy na sa pagkopya ng sinusulat ng secretary namin sa board.

"Hmm. Iika-ika raw na bumalik si boy sa field at sinabi niya na isang nakahood na estudyante ang may gawa no'n sa kanya. Ni hindi nga raw niya nakilala kung babae ba 'yon o lalaki at binataan pa raw siya na... siya ang taong mahirap kalabanin at hindi dapat kinakalaban."

The same thought again, huh? Mukhang pinupuno talaga ako ng kung sinumang nilalang na 'yan na walang magawa sa buhay. Anyways, darating din ang panahon na magsasawa 'yon sa kakasabi ng line ni Nemi sa kwento ni Luke.

Matapos ang nakakabagot na paghihintay ko ng dismissal ay naisip ko na dumiretso na pauwi. Ayokong hintayin si Luke kasi may 2 hours pa siyang pasok and I wanted to take a bath immediately.

"Nemi, wait. Where's your notebook?" tanong ng class president namin na parang naghehesitant pa siya kung tatanungin niya ko o hindi.

"As if I have a note," I answered as I left the room immediately.

"Okay, I'll just sign your notes tomorrow early para hindi ka mapagalitan ni Mrs. Cabrera," pahabol na sabi niya. As if naman magsusulat ako? Nakakatamad kayang magsulat tapos hindi man lang chinicheck ng teacher mo kung may sinulat ka o wala. Mahilig lang silang magpatakot palibhasa may hawak silang alas laban sa mga estudiyante.

Ipagpatuloy ko na nga lang ang pagbabasa ko.

"What the---" bulalas ko nang bigla akong matumba dahil may isa na namang lampa na tumatakbo nang hindi tumitingin sa dinadaanan niya.

"I'm sorry Miss, di ko sinasadya," he said and I was shocked when I saw the same guy who hit me with a ball.

"Kahit kailan talaga ang lampa mo ano? Sinabi ko naman na sa'yo na sa susunod na lalampa-lampa ka, maghanap ka ng ibang target at 'wag ako. Para sabihin ko sa'yo, iba ako pag nagagalit. You should've not mess with me."

"I-i'm sorry. 'Di na mauulit," wika niya na para bang maiiyak na siya. Tss. Lalaki ba 'to o hindi?

"Talagang hindi na mauulit kasi ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo." Sana lang talaga 'wag mo ng uulitin 'yon dahil hindi ko na alam kung anong magagawa ko sa'yo kapag naulit pa.

Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay ay tinext ko si Luke na nakauwi na ko para hindi na siya mag-abalang pumunta pa ng classroom namin. Matutulog na sana ako nang biglang makaramdam ako ng gutom so naisipan kong lumabas muna para kumain ng miryenda.

Naisip kong kumain sa katapat na 7'11 pero biglang nawala 'yong apetite ko nang makitang 'yong lalaking lampa ang cashier dito. Pati ba naman dito sinusundan ako ng kamalasan. Wtf.

At dahil sa gutom ako, I have no choice but to order a cheesedog burger and a coffee. Pampatanggal kasi ng stress ang kape para sa'kin. Kinuha niya naman ang order ko nang hindi tumitingin sa mga mata ko. Marahil ay natatakot na 'to sa'kin. Ganyan naman talaga ang mga tao, ni wala nga akong kaibigan kasi halos lahat sila naiintimidate kapag nakikita ako. Ang mata ko kasi, ibang-iba sa karaniwang mata ng mga tao. Iyong tipong kahit nakangiti ako ay walang bakas ng kahit anong emosyon ang masisilayan mo rito.

But, that's what I wanted. I wanted to seem intimidating para hindi nila ako ma-misjudge. I also tend to isolate myself from people kasi bukod sa nakakairita sila, nakakasuffocate pa.

As I finished eating, naisipan ko na munang maglakad-lakad at magpahangin. May malapit lang kasing mini-park dito sa lugar na nirerentahan ko. Nagrerenta lang kasi ako ng room sa isang semi-appartment style boarding house.

Habang naglalakad ako ay bigla akong nakakita ng magkasintahang nagmumurahan sa public. No, sratch that... si boy lang pala ang nagmumura dahil tahimik na nakayuko lamang si girl. Naku, kung sa'kin gawin 'yan ni Lucas ewan ko na lang kung masilayan pa siya ng araw kinabukasan.

Lalampasan ko na sana sila ng biglang sampalin ni boy si girl na siyang ikinabigla ko. Hindi ko namalayan na nakalapit na pala ako sa kanila at bago dumampi ulit ng isa pang sampal si boy ay inunahan ko na siya.

"You can't kill her with just set of slaps. Here, use this." I calmly said as I give him my swiss-knife disguised as a pen.

"Go, kill her in front of my face," dagdag ko pa. Parehong gulat sa mukha ang naging reaksyon nila. Lalo na sa babae, akala niya naman siguro ipapapatay ko talaga siya. I am just teasing the boy. And I prefer to use violence than a peaceful talk.

"Are you going to kill her or not? Kasi kung hindi, sinasayang mo lang ang oras ko. Sa susunod na mananakit ka, especially ng babae at girlfriend mo pa... make sure na mapatay mo siya agad para isahan na sakit lang. Hindi 'yong paisa-isa ka pang mananampal at may kasama pang mura," wika ko sabay bawi ng armas ko. 'Di niya naman pala kaya eh. Kabanas.

Bakit kaya sa tuwing ninanais kong nagrelax saka naman ako makakakita ng mga nakakairitang eksena? Mga tao nga naman.

Sa paglalakad-lakad ko ay iniwasan ko ng magmasid sa mga tao kasi for sure, maiirita lang ako. Kaya naman mga punong-kahoy at halaman na lang ang pinagkaabalahan kong tingnan. Maya-maya pa ay naisipan ko ng umuwi dahil magtatakip-silim na.

Nang makarating ako sa boarding house ay naabutan kong nakaupo si Luke sa visitor's area kasama ang landlady namin. Para kasing semi-appartment style 'tong inuupahan ko at pagkapasok na pagkapasok mo ay bubungad sa'yo ang isang katamtamang-laking sala para sa mga bisita. At dahil suki na si Luke rito, naging close na sila ni Mrs. Milan, ang landlady namin.

"Babe, sa'n ka galing at bakit nakabusangot na naman 'yang pagmumukha mo?" wika niya sabay abot sa'kin ng pagkaing niluto pa ng mama niya.

"Wala 'to, nakakita lang naman ako ng nakakairitang magkasintahan do'n sa park na walang ibang ginawa kundi ang magbangayan."

"Tapos? Anong ginawa mo?" he said, probably guessing what the hell I did to the couple.

"Wala. I just give the boy a knife and tell her to kill his girlfriend immediately. Pero duwag din naman pala siya. Mananampal kasi hindi naman pala kayang panindigan."

"Babe, sa susunod na makakakita ka ng gano'n, hayaan mo na lang. 'Wag ka ng makikialam especially kapag wala ako sa tabi mo dahil baka mapano ka. Okay?" wika niya habang hinihimas ang buhok ko. Kitang-kita rin sa mga mata niya ang bakas ng pag-aalala.

"Pero kung hindi ko 'yon ginawa, for sure lasog-lasog na 'yong pisngi ng babae kakasampal sa kanya."

"What if the boy really stab his girl? Tara na nga sa taas, samahan na kitang kumain. Ipangako mo na lang na 'wag mo ng uulitin 'yon."

For sure hindi naman magagawa ng lalaki na patayin 'yong girlfriend niya. Kadalasan kasi sa mga tao, hindi marunong pakiusapan--- so para saan pa ang pagsasayang ng laway sa pakikipagusap sa kanila? That's the human nature.

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya papunta sa kwarto ko at sabay rin kaming naghapunan. Matapos no'n ay umuwi na rin siya dahil mag-aalas otso na ng gabi.

Makalipas ang mahigit 30 minutong pagbabasa ko ay nakarinig ako ng sunod-sunod na sirena ng sasakyan ng police sa labas. Mabilis akong dumungaw sa bintana at nakita ko ang mga nagkumpulang tao at police sa katapat na 7'11.

I wonder, ano kayang nangyari?

Lalabas na sana ako para tingnan at makibalita nang bigla akong makarinig ng sunod-sunod na katok sa labas ng pinto ko. Kaagad ko naman itong pinagbuksan at bumungad sa'kin ang isang matabang police na may nakausling tyan at makapal na bigote.

"Magandang gabi 'ho. Ikaw po ba si Ms. Nemesis Villafuente?"

"Ako nga po. Ano 'ho bang maipaglilingkod ko sainyo?" Kung hindi lang siguro 'to police ay malamang sa malamang, nasungitan ko na 'to. Minsan lang ako maging magalang and it's a devastating feeling.

"Maaari ka ho ba naming maimbitahan sa baba para sa kaunting katanungan? Naikwento kasi sa'min ng biktima na isa ka sa mga huling customer na pumasok sa store at nasabi niya rin na may alitang namamayani sa pagitan ninyong dalawa kaya naisip namin na---"

"What?! 'Wag n'yong sabihin isa ako sa mga suspect n'yo?" wika ko matapos kong putulin ang pagpapaliwanag niya. Wala kasi akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya.

This doesn't make sense.

Ni wala nga akong kaalam-alam kung anong nangyari tas pagbibintangan pa nila ako? Sa oras na makita ko talaga 'yang si coconut shell haircut boy malilintikan 'yan sa'kin. Dahil wala akong laban sa police, at para na rin mapatunayang inosente ako ay sumama na lang ako sa kanya.

Pagkababang-pagkababa namin ay bumungad sa'kin ang nanginginig na si 'coconut shell haircut boy'. Hindi ko tuloy naisagawa 'yong plano kong tadyakan siya. How dare he accused me?! Hello, nasa park kaya ako buong hapon!

"Maaari mo bang isalaysay ang buong pangyayari bago ka takutin at pagbantaan ng suspect?" tanong ng police na sumundo sa'kin kay coco.

"M-mga bandang alas kwatro 'y media po habang nag'aayos ako ng mga gamit dahil malapit nang mag alas sais kung saan ta-tapos na ang duty ko nang may biglang pumasok na naka--- nakahood na customer. Hindi ko namataan kung lalaki ba siya o babae kasi nakamask din siya. Akala ko nga bibili lang siya kaya tinanong ko siya nang bigla niya po akong si-sinakal. Sinabi niya po na 'wag na 'wag na akong magpapakalampa kung ayaw kong tuluyang maging lampa. Takot na takot po ko no'n dahil nakita ko 'yong galit sa mga mata niya na para bang anytime ay katapusan ko na." Kwento nito na para bang natrauma siya sa nangyari sa kanya. Hindi pa rin kasi kumakalma ang katawan niya. Pati sa pagsasalita niya ay mararamdaman mo 'yong takot at kaba niya.

"So anong kinalaman ni Ms. Villafuente sa krimeng ito?" tanong ng police habang nakatingin siya sa'kin na para bang sinusuri ako kung kahina-hinala ako o hindi.

"Siya lang naman po kasi ang nagbanta sa'kin na 'wag na kong lalampa-lampa dahil malilintikan na talaga ako sa kanya. At isa pa po, bago umalis 'yong taong 'yon ay nag-iwan muna siya ng mga kataga na hanggang ngayon ay nakatatak pa sa isipan ko." Wtf! Kung ako lang naman ang pagbibintangan niyang nanakot sa kanya ay hindi ko na kailangan magdisguise pa. Prangka akong tao at hindi ko kailangan ng anumang costume. Malilintikan talaga 'to sa'kin bukas sa school.

"Ano ba ang mga katagang sinabi niya sa'yo iho?" tanong ulit ng police at bigla na lamang tumahimik ang paligid dahil hinihintay naming banggitin niya ang mga katagang iniwan sa kanya ng salarin.

"I'm an avenger.
I punished whoever bucks on my way.

I'm a castigator.
I criticize someone harshly.

I'm a scourge for I always end up causing great amount of trouble and suffering.

I'm harmful. I'm dangerous.
I'm destructive. I'm wicked.

Don't you dare mess with me 'cause I can be the worst opponent you can never defeat."

What the fvck! Is this for real?

That was the exact line of Nemi on Luke's story. Except on the last line na, 'I am Nemesis, the worst opponent you can never defeat'.

Naiwan akong nakatulala at hindi makaalis sa kinaroroonan ko kahit na sinabihan na ko ng mga police na bukas na lang namin ipagpapatuloy ang pag-iimbestiga.

Whoever that human is that is using my line, I'll make sure I'll kill him/her when our path cross.

* * *

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top