Shade No. 1

A/N: Most of the POV's is coming from Nemesis so if it is silent, ibig sabihin point of view 'yon ni Nemesis.

This part may contain foul words so please read at your own risk.

Note: IED (Intermittent Eplosive Disorder) is an impulse control disorder characterized by several episodes of impulsive behavior that may result in a serious damage to either persons or property wherein the degree of agressiveness is grossly disproportionate to provocation or any circumstances.

-Psychology Today

* * * * *

Shade #1 - The Mistaken Identity
* * *

"Nabalitaan n'yo ba 'yung nangyari kay Beatrice Alvarez ng Grade12A?"

"Oo, narinig kong usap-usapan 'yon kanina habang naglalakad ako sa pathway. Narinig ko pa nga na napakabrutal ng ginawa sa kanya."

"Sino naman kayang walang puso ang may gawa no'n sa kanya noh? Sigurado ako na may kung anong sanib ng demonyo 'yon!"

Ano na naman kayang kaguluhan ang nangyayari sa school at puro 'di matapos-tapos na bulungan ng patayan ang naririnig ko. Kaaga-aga eh, nauna pa nilang pagtsismisan ang buhay ng iba kesa ang pag-ibayuhin ang mga buhay nila. Nakakasira ng araw. Tss.

"Babe!" tawag sa'kin ni Lucas sa 'di kalayuan. Marahil ay namimiss na ko ng monggo na 'to. Oops! Hindi monggo as in 'mongoloid' aah... mahilig lang talaga siya sa monggo.

"Yes babe?"

Hindi pa man ako nakakalapit sa kanya nang bigla siyang tumakbo palapit sa'kin at hinila niya ko papunta sa likod ng isa sa mga nakahilerang lockers.

"What? You're hurting me!" ang higpit kasi ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Tell me, ikaw ba ang may kagagawan ng sinapit ni Bea?"

"Bea?" anong--- I mean sinong Bea? Ni hindi ko nga kilala 'yon. Teka, siya ba 'yung pinaguusapan ng mga nadaanan kong estudyante kanina?

"Alam kong ikaw ang may pakana no'n kaya please... umamin ka na, kahit sa'kin lang."

"Can you please stop accusing me, Lucas! I don't know who the hell that Bea is. And remember, nasa session ako kahapon para sa therapy ko." Boyfriend ko nga ba talaga 'tong monggo na 'to? How dare he accuse me from doing things that I didn't do and didn't even know in the first place!

"You sure? Wala kang kinalaman dito?" he asked again as if I'm a criminal.

"The hell I am!" I said as I left him hanging there. Akala ko pa naman namiss niya ko. Mahigit tatlong araw rin kasi kaming hindi nagkikita dahil kinailangan kong mag-undergo ng psychoteraphy dahil sa lumalalang sakit ko. Matapos niya ba naman kasi akong kwentuhan ng isang nakakatakot na story noong isang linggo. Tapos ngayon, pagbibintangan niya lang ako sa kasalanang wala akong kaalam-alam.

"Babe! I'm sorry, okay? I am just afraid and paranoid at the same time," he said with a teary eye. Kung hindi ko lang mahal 'tong monggo na 'to kanina ko pa 'to nasapak.

"Afraid of what Lucas? Of the story that you made up in your mind? Hindi 'yon mangyayari sa'kin kaya nga nagpapagamot na ko 'di ba? Please stop being paranoid. Wala ka bang tiwala sa'kin? Gano'n na ba kalala ang tingin mo sa'kin?"

"N-no babe. I'm sorry."

"Fine. See you later." I can't believe na tatanungin niya ko ng gano'n. Halimaw na rin ba ang pagtingin niya sa'kin tulad no'ng Nemesis na nasa kwento niya?

I can't fvcking believe him!

Matapos kong makarating sa room ay hindi pa rin matapos-tapos ang usap-usapan tungkol do'n sa sinapit ng Bea na 'yon. Ano ba kasing nangyari sa kanya?

"Ahem," I cleared my throat just to get the attention of my seatmate, Princess. Busy kasi silang lahat sa pagtsitsismisan. "Excuse me, can I ask something?"

"Sure. Ano 'yon Nemi?"

"I just wanna ask if what the hell happened to that girl, Bea?"

"Hahahahaha."

"Is there... anything funny?" I was damn serious asking tapos tatawanan niya lang ako. Wtf!

"W-wala. Hindi lang kasi ako sanay na magtatanong ka ng ganyan. Kadalasan kasi wala ka namang pakialam sa nangyayari sa paligid mo. How come you asked about Bea?"

"Just answer me. What the hell happened to her?" I hope this girl will notice that I am losing my patience already.

"Ganito kasi 'yon, natagpuan kanina 'yong bangkay niya sa loob ng abandonadong building, 'yong dating library. And guess what? There's a note na nakadikit sa noo niya saying..."

"Says what? Please stop making me speculate what the hell happened to her!"

"You're too agressive Nemi. Easy ka lang! As I was saying, may nakita nga kasing note na nakadikit sa noo niya na nagsasabing I am the worst opponent you can never defeat."

"W-what?!" Parang pamilyar sa'kin 'yong line na 'yon aah? That was my line on Luke's story.

I am Nemesis, the worst opponent you can never defeat.

Kaya pala gano'n na lamang ang naging reaksyon ni Luke kanina. He didn't accuse me. There was a basis, the note. Pero sino naman kaya 'yong taong magsusulat ng gano'n? Sa pagkakaalam ko, kami lang naman ni Luke ang nakakaalam ng kwento na gawa-gawa niya. At isa pa, it was just a fiction story. Hindi 'yon totoo.

Pero paanong nangyari----

"Okay class, let's start our lesson for today." Naputol ang pag-iisip ko nang biglang dumating si Ma'am Cabrera. Siguro mamaya ko na lang iisipin kung paano nangyari 'yon.

As time passes by, sa kabila ng walang katapusang pagsasalita ng teacher namin sa unahan ay ang walang pigil na pag-iisip ko rin ng kung ano-anong bagay.

Sino naman kayang tao ang gagawa no'n at idinamay niya pa si Nemesis sa kwento ni Luke? 'Di kaya may iba pang pinagsabihan si Luke about sa ginawa niyang story at ginamit niya 'yon para isagawa ang plano niyang pagpatay kay Bea? May balak ba siyang idiin ako? Haaays.

"Class dismissed!"

That was the go signal that I was waiting for kanina pa. Hindi ko na kasi mahintay pa na makausap si Luke kaya naman naisipan kong hintayin na siya sa labas ng room nila which I don't usually do. It's either kakain ako sa labas or magbabasa ako ng libro sa library o kaya naman uuwi na lang ako kesa ang hintayin siya mag-isa rito.

I stood up when I saw him combing his hair with his bare hands. At hindi na nakapagtataka na gulat ang naging reaksyon niya matapos makitang naghihintay ako sa kanya ngayon.

"Babe! What are you doing here? Is there something wrong?" he said as he put his hands on my forehead probably checking if I'm sick or not. Ang kaninang gulat na reaksyon niya ay napalitan ng pag-aalala.

"You're being paranoid again. I am not sick, okay? I'm here to ask you something," wika ko habang inaalis 'yong kamay niyang walang sawa pa rin sa pagsipat ng noo ko.

"What is it babe?"

"May iba ka pa bang pinagsabihan ng kwento na ginawa mo no'ng isang linggo?"

"So alam mo na? Alam mo na kung bakit gano'n 'yong naging reaksyon ko kanina?" he said, not telling me the answer that I needed to hear.

"Why do humans always answer a question with another question?" I answered him sarcastically, probably showing him my irritability.

"You're being you again, Babe," he said as he was putting his hand on his chest probably showing that he's hurt. Hello? Alangan namang ipakita ko 'yong ugaling hindi ako 'di ba? May pagka-monggo din talaga 'tong mokong na 'to. "Iyon nga rin ang ipinagtataka ko babe, sa pagkakaalam ko, wala naman akong pinagsabihan no'ng kwento na ginawa ko para sa'yo. But I remember telling the plot on 3 people."

"Who's that lucky 3?"

"Abigail, Mark and Britney."

"So your best friend, classmate and a cousin huh? Kwinento mo ba sa kanila lahat?"

"Nope. 'Yong plot lang. I told them what I wanted to write, the dialogues I wanted to say but I didn't told them the reason why I wanted to write it."

"So possible na nasabi mo 'yong dialogue ko sa kwento mo na... I am Nemesis, the worst opponent you can never defeat?"

"Sort of. Why babe? Are you thinking that one of them is trying to frame you up, using the fictional Nemesis that I made?"

"Probably, yes."

"So basically you were saying na maaaring isa sa kanila ang pumatay kay Bea?"

"Probably, yes."

"Babe naman, that's impossible. Malay natin na nagkataon lang talaga na gano'n 'yong naisulat ko sa kwento tulad ng isinulat niya sa note. It's a mere coincidence only. No more, no less."

"You're right. Maybe I should not meddle with this kind of thing. It'll just contribute to my unending problems. Let's go?"

Siguro tama naman ang naging desisyon ko na 'wag nang makialam total hindi rin naman talaga ako pakialamera sa mga nangyayari sa paligid ko. I'd rather sleep than investigate who the hell that bastard is, who kill that poor little girl. But still, I can't help but wonder, ano kayang kasalanan no'ng babae na 'yon sa kanya? Anyways, it's not one of your business anymore, Nemi. Mind your own fvcking life.

Bago umuwi ay naisipan muna namin ni Luke na dumiretso muna sa kalapit na carenderia which is nasa tapat lamang ng school. 'Di kasi kami 'yong couple na mas pipiliing kumain sa mamahaling resto at fastfood chains. And as usual, isang cup ng ginisang monggo with matching pork and chicharon na naman ang inorder niya. Kaya nagmumukhang monggo na ang utak niya. Ako naman, isang order ng pritong talong at adobo ang kinakain ko. Ni hindi nga siya makatingin sa'kin habang kumakain ako ng talong. Hahaha. Ayaw na ayaw niya kasi ng talong. At syempre ako 'to si Nemesis, ang pasaway at mapang-asar na girlfriend kaya mas lalo ko pa siyang inasar sa pamamagitan ng pagsubo sa kanya ng kinaiinisan niyang talong. At the end, hayun--- minadali niyang kumain kasi mukhang babaliktad na ang tyan niya. I'm a brat slash sweet girlfriend right?

"So babe, anong plano mo?" he asked me out of the blue habang naglalakad kami pauwi.

"My plan for what?"

"Sa kaso ni Bea?"

"Huh? Ano namang gagawin ko do'n eh sa pagkakaalam ko, hindi naman ako police."

"You're really a silly, sarcastic naughty girl and you never fail to make me fall in love over and over again."

"Tss. Is that an insult or a compliment? Ang sabihin mo, I never failed to make you fall for my trap."

Ang sweet ni monggo noh? Pero sobrang paranoid. Akalain mo 'yon naisipan niya pang maging isang romance slash mystery writer para lang mapilit akong magpa-psychotheraphy. Kung hindi lang talaga ako natakot sa maaaring kahinatnan kapag hinayaan ko ang pagiging aggressive ko eh 'di sana hindi ko na kailangang mag-attend ng nakakairitang mga sessions.

Sa Saturday kasi ay nakaschedule ako na mag-undergo ng panibagong session. Which is, walang katapusang debriefing na naman ang mararanasan ko. Actually, hindi naman nila ako pinipilit na ikuwento lahat ng nararanasan ko at nararamdaman ko sa tuwing sinusumpong ako ng galit ko. Hinahayaan lang nila ako na magkuwento at mag-open up ng mga bagay na gusto kong i-share. But, I still find it irritating. Para naman kasi sa'kin, wala naman talaga akong sakit at kung ako lang ang masusunod ay mas pipiliin matulog maghapon kesa um-attend sa mga sessions na ganyan. I'm not a psycho and I don't need anybody's help. Pero ito kasing monggo slash paranoid kong boyfriend, hindi mapakali hangga't hindi ako gumagaling nang tuluyan.

Well, hindi ko naman siya masisi. To tell you a bit story, nakita na kasi ako ni Luke in my unwarranted anger state. He saw me hurting my classmate before, kasi naman kinuha niya 'yong favorite pen ko which is coming from my Dad pa. 'Di ko naman kasi alam na hindi niya naman talaga 'yon kinuha, actually... napulot niya 'yon sa room nang maiwan siya para maglinis. Ako naman kasing si agresibo, nanugod na lang basta-basta. Buti na lang guidance office lang ang inabot ko at hindi suspension or worst, expulsion.

Aside from having psychotherapy sessions, binigyan din nila ako ng mga gamot na kailangan kong itake hanggang sa tuluyan akong gumaling.

"Babe, we're here."

Sa kakaisip ko ng kung ano-ano, hindi ko namalayan na nasa bahay na pala kami which is walking distance lang. Heto naman kasing si Lucas hindi man lang ako kinakausap. Para siyang ewan na nakatitig lang sa'kin habang naglalakad kami.

"Babe, I know how irritated you are for taking those sessions and pills but always remember that you have to do this for your own sake. This is for you and you need to help yourself from drowning on the sea of anger. Okay?"

"As if I have a choice."

"Babe?"

"Yes?"

"If ever you're the one behind this crime, please tell me sooner, I promise I won't tell and I still love---"

"What the hell Lucas! Haven't I told you that I am not the one who killed her!"

"O-okay fine. I'm s-sorry, babe."

You just fvcking cross your line Joaquin Lucas. You just did.

* * *

Note: The story aims to show awareness to the teens that are suffering this kind of disorder and is not promoting any kind of violence and agressiveness.

Thanks for reading!

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top