KABANATA 37


Hindi sila nag-usap ni tyduse dahil pagkatapos nitong lumabas ilang minuto ang lumipas lumabas siya sakto na nasa kusina ang apat kaya nakatakas siya na hindi napapansin nito naalala niya pa ng magkita silang dalawa ni Ackmalie

"Oh girl bat ang pula ng pisnge mo?" tanong nito yumuko siya "Ha? ah eh ano mainit oo tama mainit kase" sabi niya pero tinignan pa siya nito ng ilang minuto salamat kay Red ng kausapin niya si ackmalie kaya nabaling ang atensyon nito Kay red.

Nakaupo siya ngayon sa Isa sa mga benches ng academy kasama ang Class Officer ng Class 215 "bakla lalim ng iniisip mo ah" sabi ni Red Kaya napatingin sa kanya si precious "May problema ka friend?" tanong ni Ackmalie umiling ako

Nahihiya kase akong Sabihin sa kanila ang paghalik sa akin ni tyduse baka hindi sila maniwala

"Wala to Nami-miss ko na kase ang pamilya ko" sabi niya "Girl Kung gusto mo sumama ka sa amin mamaya mag sho-shopping kami sa mall para malibang ka naman" sabi ni Sonia "Wahhh sama kami" singit ni sonic inirapan siya ni Sonia "Gago girls bonding to bakit bakla ka? Baka?" sabi ni brentyna

"Sabi ko nga girls bonding Lang tch sungit nito" sabi ni sonic at lumipat sa kabilang bench kung nasaan ang boys
"ano girl sama ka ba?" tanong ni red "wala akong Pera" sabi niya "Anong wala Kang Pera? Gaga pwede mong gamitin ang card na binigay ni headmaster as long as nasa loob ka Lang ng Seville Academy" sabi ni Ackmalie

"So sama ka na?" tanong naman ni Sonia tumango siya sumigaw si Red 'sa wakas sumama rin siya' napangiti na lang si precious at napailing

HAPON na at nasa mall sila ngayon tapos na kase ang klase nila at dumiretso sila sa mall at hindi niya matandaan Kung pang ilang boutique na ang pinasukan nilang anim

Tahimik Lang siya habang ang lima ay  pumipili ng mga damit nila at damit niya wala kase siyang kainteres sa mga ganito Kaya tahimik lang siya

"Tagal pa ba? Nagugutom na kase ako" sabi ni rakki "Oo nga mamaya na lang ulit tayo bumili ng damit Nagugutom na ako magpahinga muna tayo kahit saglit nangangalay na rin ang paa ko" sabi niya nagsitanguan naman silang lima

At habang naglalakad sila nag-aaway naman Sina Red at Rakki Kung saan kami kakain sa sobrang ingay nila napapatingin na sa amin ang ibang Tao napailing na lang ako.

Ng sa wakas ay nakahanap rin sila ng restaurant pumasok na sila sa loob at umupo sa mahabang table dahil anim sila habang naghihintay ng inorder nila nagkwe-kwentuhan silang anim hanggang sa dumating ang order nilang pagkain.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top