KABANATA 15


PAGKATAPOS ng klase ng hapon na ring iyon nagmamadali ang ibang studyante na umalis habang hinila naman siya ni Ackmalie at umalis na rin sila "Ackmalie bakit sila nagmamadali?" tanong niya "Mamaya ko na sasabihin sayo ang importante ay makapasok muna tayo sa dorm" sabi nito at tumingin sa relo nito

Palalubog na ang araw at malapit na papagabi hinila namab siya ni Ackmalie at tumakbo ito kaya napasabay na rin siya ng makarating sa dorm agad nitong sinirado ang pinto at ika ilang ulit na chineck iyon bago binitawan ang kamay niya.

"Precious magluluto muna ako para makakain na tayo kung gusto mo magpahinga ka muna basta wag na wag mong bubuksan ang bintana mo at kung may kumatok man sa pinto wag mong bubuksan promise sasabihin ko sayo mamaya" sabi nito tumango siya at pumasok na sa loob ng kwarto niya

Dahil wala naman siyang ginagawa kinuha na lang niya ang isang pocket book at binasa iyon napatigin siya sa ilang minuto ang lumipas kaya tumingin na siya sa alarm clock

Time checked: 6:03pm

Napatingin siya ng may kumatok sa pinto niya "Precious Kakain na tayo" sabi nito agad siyang tumayo at lumabas nakasunod lang siya kay ackmalie napatingin siya sa pinto ng may kumatok sunod sunod na katok iyon kaya napatingin siya kay ackmalie.

"Wag mo na iyon pansinin kumain na lang tayo" sabi nito at ganon nga ang ginawa nila pero napahinto siya sa pagtangkang pagsubo ng marinig ang isang nakakatakot na ungol

"Ano yon?" tanong niya rito "Nagsisimula na gusto mong malaman sumunod ka" sabi nito at naglakad papuntang kwarto nito dahil na curious siya ay sumunod siya

Nasa bintana si Ackmalie katulad ng sa kanya ay nasa tapat din Ito ng study table "Wag kang maingay sumilip ka lang" sabi nito kaya ginawa niya pero napasinghap siya sa nakita maraming students sa ibaba at dahil ang nasa likod ng dorm nila ay gubat maraming hayop doon

Hindi lang iyon nakita ng dalawang mata niya kung paano biglang mawala, sumulpot, tumakbo ng mabilis at bumaon ang mga pangil ng mga ito sa ibang hayop.

"Ba-bampira sila?" Obvious na tanong niya tumango si Ackmalie at tumingin sa kanya "Lahat ng nag-aaral dito ay alam nila pero bakit ikaw Hindi?" tanong nito "Ba-bago lang ka-kami dito" sabi niya at tumingin kay ackmalie "Bampira ka din ba?" tanong niya umiling ito at ibinaba ang kurtina "Hindi isa akong witch" sabi nito nanlaki ang Mata niya "Ano?" gulat na sabi niya tumawa ito

"Wag ka ngang maingay pero totoo iyon isa akong witch saka maka react ka ha btw dalawang uri lang naman ang mag-aaral sa academy na to Precious ang bampira at ang witch at sa dalawang iyon ano ka?" nakangiting tanong nito umiling siya

"Hindi ako witch o bampira normal na tao lang ako at hindi ko alam na nag-eexist pala kayo sa reality" sabi niya "Weh? imposible Hindi ka makakapasok sa academy na to kung Hindi ka bampira o witch alam mo bang walang normal na tao sa academy na ito dahil pag meron para na rin siyang nagsuicide" sabi nito

Bumagsak ang balikat niya ano ba itong pinasok niyang paaralan mamatay pa ata siya sa Seville academy na ito "Meron ako! isa lang akong normal na tao walang kapangyarihan at hindi rin umiinom ng dugo ang gusto ko lang naman ay mag-aral." sabi niya

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top