KABANATA 10
"ANAK wala ka na bang naiwan?" tanong ng kanyang mama umiling siya at zinipper ang maleta at sinuot ang bagpack.
Lumabas na siya ng kanyang kwarto at bumaba nasa likuran naman niya ang kanyang Mama.
"Apo mamimiss kita, hindi ka man lang tumagal dito" sabi ng kanyang lola at niyakap siya malungkot siyang yumakap rito "Mamimiss ko rin po kayo" sabi niya. gusto niya pang matagal na tumira sa lumang bahay na ito pero gusto niya ring mag-aral sa Seville Academy
Bumitaw na siya sa yakap at tumingin sa kanyang mama na umiiyak kahit ayaw niya mang umiyak hindi niya magawa dahil ramdam niya ang lungkot ng kanyang lola at mama
"Ma wag ka nang umiyak" sabi niya at niyakap ito "Anak alam mo naman ito ang unang pagkakataon na magkamahiwalay tayo" umiiyak na sabi ng kanyang mama at yumakap rin sa kanya "Ma....kahit gustuhin ko man pong manatili sa bahay kailangan ko parin pong mag-aral" sabi niya
"Mag-iingat ka don alagaan mo sarili mo wala kami don ng papa mo kung may kailangan ka tawagan mo lang kami" sabi nito tumango siya at humiwalay sa kanyang Mama.
"Ma,hon kailangan na naming umalis" sabi ng kanyang papa tumango ang kanyang mama lumandas ang luha sa mata niya at niyakap ang kanyang lola at Mama umiyak ang dalawa ganun din siya "Kaya ayoko kayong sumama dalawa eh kase iiyak lang kayo" sabi ni lolo at sumabay na rin sa yakapan.
"Alis na kami" sabi ng kanyang papa nagpaalam na siya sa kanyang mama at Lola at sumakay na sa kotse.
Si lolo at papa ang maghahatid sa kanya sa Seville academy nakapag enroll na siya dahil agad iyon inayos ng kanyang lolo.
Tumingin siya sa labas at nagflying kiss sa dalawa na umiiyak sa labas umandar na ang kotse "Apo tulog ka muna malayo layo pa ang Seville Academy" sabi nito tumango siya at natulog na rin.
Late kase siyang nakatulog kagabi dahil marami silang pinagusapan ng kanyang mama,papa,lolo at lola.
Magkalayong agwat
Gagawin ang lahat
Mapasayo lang ang
Pagibig na alay sayo
Kahit Nasaan ka man
Hindi ka papalitan
Nag Iisa ka lang
Kahit na langit ka at lupa ako
Ang bituin ay aking dadamhin
Pag naiisip ka sabay kayong
nagniningning
Dito ay umaga at diyan ay gabi
Ang oras natin ay magkasalungat
Ang aking hapunan
ay iyong umagahan
Ngunit kahit na anong mangyari
Balang araw ay makakapiling ka.
"Apo gising na nandito na tayo" rinig niyang sabi ng kanyang lolo. iminulat niya ang at tumambad sa kanya ang malaking gate na kulay ginto at itim nakasulat naman sa taas noon ang 'Seville Academy' at nasa magkabilang gilid non ay kulay gold na dragon na pula ang mata
"Welcome to Seville Academy!" sabi ng isang boses bumukas magisa ang pinto ang akala niya ay agad tatambad sa harap niya ang Buildings pero Puro kahoy lang iyon napatingin siya sa likod ng magisa ring nagsirado ang gate 'Cool'
Ilang segundo ang lumipas huminto sila sa isang building na "Faculties" ang nakalagay sa taas huminto ang kanilang kotse at bumaba ang kanyang lolo at papa sumunos naman siya naglakad lakad pa sila at maraming nadaanan na pasilyo hanggang sa tumigil sila sa isang kulay gintong pinto na may dragon din ng biglang may babaeng naglakad galing sa likod niya.
"Good morning Sir's and Ma'am welcome to Seville Academy the headmaster are already waiting for you I'm Crosta Manuel the secretary " sabi nito at yumuko konti bago binuksan ang pinto pumasok ang kanyang lolo ganon din ang kanyang papa sumunod naman siya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top