KABANATA 05
NAGISING si Aria dahil sa ingay sa labas ng bodega agad kinusot niya ang mata at lumabas malapit lang ang bodega sa Kusina "Clarisson bakit kailangan pa nating umalis?" tanong ng kanyang tita agad huminto siya at nakinig "Martha kung hindi tayo aalis baka ano pang mangyari sa atin nahanap na nila ako" sabi ng kanyang daddy "At saan naman tayo pupunta aber?" tanong ng kanyang tita "Ako na ang bahala sa ngayon gisingin mo ang mga bata para kumain pagkatapos mag-impake kayo aalis tayo ngayon" sabi ng kanyang daddy
Agad niyang inayos ang sarili at walang ingay na Umalis sa kanilang bahay tumakbo siya papuntang ilog ng makarating agad siyang lumapit sa lalakeng nakatalikod
"Nix" tawag niya lumingon ito sa kanya "May problema ba?" tanong nito umiling siya at ngumiti saan tayo pupunta ngayon?"nakangiting sabi niya "Dadalhin Sana kita sa isa sa mga paborito kong lugar" sabi nito "Sige ba, sasama ako sayo ngayon kahit saan ka magpunta" nakangiting sabi ni Aria hindi mapigilan ni Nix na hindi tumingin sa mukha ng dalaga
May pakiramdam siyang ito na ang huling araw na makikita niya ito pero agad din niyang inalis ang ideya na nasa isip niya at hinawakan na lang ang kamay ni Aria
"Aria may ipapakilala ako sayo" sabi niya "Huh? sino?" tanong nito ngumiti lang siya "Mamaya pag nakarating na tayo roon" sabi niya at ngumiti Kay Aria at bigla silang nawala
Nakarating sila sa bungad ng isang tunnel na puno ng Halaman "Nix paano mo yun nagawa?" manghang tanong ng dalaga na nakatingin sa kanya "Mamaya sasabihin ko" sabi nito at tumingin sa tunnel "Nix ang ganda" manghang sabi ni Aria habang nakatingin sa tunnel "Halika na!" sabi ni niya at hinila si Aria
Nagsimula na silang naglakad nakatingin lang si Nix kay Aria na manghang mangha nakatingin sa tunnel ilang minuto ang nilakad nila walang nagsalita,nakatingin lang siya kay Aria habang si Aria naman ay nakatingin sa Tunnel at nakahawak parin sila ng kamay
"Aria nandito na tayo!" sabi niya ngumiti si Aria at tumingin sa unahan "Paano mo nalaman na may ganitong ka gandang lugar Nix" sabi nito hinila niya si Aria sa kahoy na bahay na pinagawa niya habang sa harap ng bahay ay sapa at ang lugar ay napapalibutan ng Mga kahoy at halaman. marami namang nagliliparang mga paru-paro
umupo si Aria sa bangko na gawa sa kayo na nasa labas ng bahay may dalawang Bangko roon at isang mesa
"Diba sabi mo may ipapakilala ka sa akin?" tanong ni Aria at humarap sa kanya natigilan si Nix at naging serysoso ang mukha.
"Aria promise mo sa akin na Hindi ka matatakot" sabi niya lumapit si Aria sa kanya at pinagdikit ang kanilang noo may ngiti na nakapaskil sa labi nito "Promise" sabi nito ngumiti si Nix at pinaupo si Aria sa upuan
"Aria ipapakilala ko sayo ang tunay na ako" sabi nito nakatitig lang sa kanya si Aria lumayo ng konti si Nix
ipinikit niya ang Mata naghihintay
lang naman sa kanya si Aria sa oras na idinilat niya ang mata pula na iyon
at lumabas ang mahahabang pangil niya. Tinignan niya sa mata si Aria walang emosyong makikita sa babae natakot si Nix baka Hindi siya nito tanggapin.
Pero pagkatapos ng ilang segundo ngumiti ito at tumayo at lumapit sa kanya at hinaplos ang pisngi niya napapikit ng mata si Nix bumaba ang kamay ni Aria sa mata niyang nakapikit "Kahit sino ka man tanggap kita dahil kaibigan kita" nakangiting sabi ni Aria napamulat ng mata si Nix bumungad sa kanya ang pangalawang babaeng pinakamaganda sa paningin niya maliban sa kanyang Inang reyna.
"Hindi ka natatakot sa akin?" tanong niya umiling si Aria at ngumiti "Pwede ko bang hawakan?" tanong nito habang nakatingin sa pangil niya mahinang tumango siya.
Hinawakan ng malambot na kamay ni Aria ang mahaba at matulis niyang pangil hinawakan ito ni Aria napapikit nalang siya hanggang sa umabot sa dulo ng pangil niya ang daliri nito tumibok ng malakas ang puso niya ng malasahan ang isang matamis na likido
Agad siyang lumayo ng makitang nasugatan ang daliri ni Aria A-Aria so-sorry pwedeng lumayo ka muna" sabi niya at mas lalong naging pula ang mata niya ng maamoy any matamis at mabangong dugo nito.
Pero sa halip na lumayo sa kanya lumapit pa ito "Nauuhaw ka?" tanong nito at inilahad ang palapulsuhan niya napatingin doon si Nix at mas nadagdagan ang pagkauhaw niya para siyang mamamatay sa pagkauhaw
Rinig na rinig niya ang tibok ng puso ni Aria ang dugo nitong dumadaloy sa bawat ugat niya "Sige na nix" sabi niya at ngumiti agad siyang lumapit at parang uhaw na uhaw na hayop dumaiin ang pangil niya sa babae
ng dumaloy ang kaunting dugo sa lalamunan niya para ininit ang buong katawan niya. parang ngayon lang siya nakainom at ang inaasam asam pa niyang dugo.
Napapikit ng mata si Aria sa sakit ng bumaon ang pangil ni Nix sa palapulsuhan niya sa bawat pag inom nito ng dugo niya nawawalan siya ng lakas.
Hinaplos na lang niya ang buhok nito. hindi niya alam pero may pakiramdam siya na pagkatapos ng araw na ito hindi na sila magkikita.
"Nix......." tawag niya dito nag-angat ito ng mukha habang ang pangil niya ay nakabaon parin sa pulsuhan niya "Baka maubusan ako ng dugo" natatawang sabi niya parang napapasong lumayo si Nix
"Sorry" hinging paumanhin nito ngumiti lang siya at pinusan ang konting dugo "Okay ka na ba?" tanong niya tumango ito
Pagkatapos ng ilang minuto "Nix pag dumating ang oras na hindi na tayo magkikita wag mo akong kalimutan ha" sabi niya at tumingin Kay nix na nakaupo sa tabi niya "Bakit aalis ka ba?" tanong nito hindi sumagot si Aria
"Tumingin ka lang sa buwan at makikita mo ako"nakangiting sabi nito " Aria I have a gift for you"sabi nito napatingin sa kanya si Aria "di ko naman birthday ngayon ah" natatawamg sabi niya
"Still I want to give you this"sabi nito at inilabas ang isang kwintas sa bulsa niya may pendant iyon na buwan at katabi non ay heart shape ding pendant na may kulay asul na ilaw sa loob.
Umalis si Nix sa pagkakaupo at pumwesto sa likod niya inipon nito ang buhok niya at inilagay sa kabilang balikat niya naramdaman na lang niya ang malamig na bagay na dumikit sa leeg niya
Umupo ulit si Nix sa tabi niya " Thank you"masayang sabi niya "Your welcome" nakangiting sabi niya "Nix Kailangan ko ng umuwi gusto ko mang mag istay dito ng ilang oras pa pero baka hanapin na ako ni daddy" sabi nito tumango si nix at tumayo na sila
Tinignan ni Aria ang buong paligid 'kailan kaya ako makakapunta ulit dito? o makakapunta pa ba ako?' "Halika na" sabi nito at hinawakan ang kamay niya sa isang iglap nasa gubat na ulit sila "Hatid na kita" sabi nito umiling si Aria "Wag na dito na lang thank you Nix sa lahat" sabi nito at lumapit sa kanya at hinalikan siya sa Noo natulala si Nix sa ginawa ni Aria
"Paalam" sambit nito at unti unting bumitaw sa kamay niya sa mga oras na iyon ayaw niyang kumurap man lang dahil pag ginawa niya may pakiramdam siyang Hindi na niya
ulit makikita ito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top