Kabanata 6
Nakangiting bumangon si Eriz sa kama nang maamoy ang nakakatakam na pritong karne mula sa kusina. Nagtungo muna siya sa bath room upang maligo bago puntahan si Misty. Nakalugay ang hanggang balikat niyang buhok habang nasa kaniyang pulso ang scrunchie na binigay nito sa kaniya dati.
Nang makita niya si Misty, kaagad siyang tumakbo at niyakap ito mula sa likuran. But before he could even touch her, she turned around and aimed the frying ladle in his face. Kaagad siyang umatras upang hindi siya matamaan.
"Whoa! Chill, love." Ngumisi siya.
Inirapan naman siya ni Misty. Tinuro nito ang kaniyang katawan na walang pang-ibabaw na damit. Tumutulo pa mula sa kaniyang buhok ang tubig. "Ba't ka nakahubad? Magdamit ka!"
"No." He scratched his abs. Still wearing a teasining smile, he said, "I'm trying to seduce you, so no."
"Fuck you!"
"Later, love." He chuckled and sat on the table. Kukuha na sana siya ng karne pero pinigilan siya ni Misty.
"It's still hot. Let me get you a fork." Kumuha ito ng tinidor at binigay sa kaniya.
Lihim siyang napangiti at inabot ito. Akala niya ba gusto siya nitong patayin pero bakit pinipigilan siya nitong masaktan sa init ng karne?
Naupo ito sa upuan katapat niya at pinanood lang siyang kumain. Kinindatan niya naman ito habang ngumunguya. He made sure that his abs were exposed, and his hair was flowing against his shoulder because those features were what she liked the most. Still winking at her, he ate the meat as if he was endorsing it.
"Crazy asshole," she commented. She crossed her arms and looked away.
Napatawa naman siya nang mahina dahil sa reaksyon nito. Namumula ang pisngi nito at ilang beses na napalunok. Bumaba siya sa mesa at kumuha ng upuan. Tinabihan niya ang babae. Tinusok niya ang isang piraso ng karne at inabot kay Misty. "Gusto mo?"
Winaksi naman iyon ni Misty. "No." Tatayo na sana ito pero hinila niya ang baywang nito palapit sa kaniya dahilan para mapaupo ang babae sa kaniyang lap.
Namilog ang mata nito. "Let go!" Tatayo na sana itong muli pero hinigpitan niya ang pagkakahawak sa babae.
"Eat this."
"Ayoko nga!" sigaw nito.
"Bahala ka, hindi kita bibitawan." Nilamon niya ang karne at kumuha ulit ng panibago. "Say ah, love."
"Fuck you!" He received a slap from her, but it just made him smile more.
"Later, love. Kainin mo muna 'to."
She glared at him, her emerald eyes darkened. "I'm not fucking joking with you. Let me go or else . . ." He heard a sound of crashing crystals beside his ear. He glanced on side and saw Misty's hand forming an Ice Dagger.
Pero imbes na matakot, mas lalo lang siya ginanahan.
My cold Misty.
"Sige na kasi, ito lang."
"Eriz!" She gave him a warning tone. Ramdam na rin niya ang matulis na dulo ng Ice Dagger sa kaniyang leeg.
Magsasalita na sana siya nang may malanghap na amoy. Sabay silang napatingin ni Misty sa direksyon ng pinto. Kaagad silang napatakbo sa labas nang maamoy nila si Valeria.
Binuksan ni Misty ang pinto ng gate at bumungad sa kanila ang maputlang Valeria. Ang ilalim ng mga mata nito ay nangingitim habang ang labi ay puting-puti ang kulay.
"Are you okay?" tanong ni Misty.
Tumango naman si Valeria. "O-okay lang . . ." Sinubukan nitong humakbang papalapit sa kanila ngunit nawalan ito ng balanse at nawalan ng malay. Mabilis naman itong nasalo ni Misty.
"She's unconsciousness," saad nito at dinala ito papasok ng bahay.
Sinara muna niya ang gate bago sumunod papasok ng bahay. Naabutan niya itong hinihiga si Valeria sa sofa. Lumapit naman siya ro'n at tinignan ang kalagayan ng kaibigan.
"Val." Marahan niyang tinapak ang pisngi nito.
He squinted his eyes when he smell a different scent lingering on Valeria. Hindi lang siya ang nakapansin dahil napako rin ang tingin ni Misty sa leeg ng babae. Doon nanggagaling ang kakaibang amoy. Pinilig niya ang ulo nito at tinaas ang buhok upang makita kung anong mayroon sa leeg ng babae.
"A bite mark?" takang tanong ng babae.
"I guess so," sagot naman niya habang hindi inaalis ang tingin sa dalawang malalim na butas sa leeg ng babae. Nakapagtataka dahil hindi ito dumudugo. Nilingon niya ang katabi. "Do you think it's a canine?"
"No," sagot nito. "These teeth are smaller compared to a canine." Nakasalubong ang mga kilay nito at seryosong nakatingin kay Valeria.
Hindi siya sumagot at pinagmasdan ang babae. Every expression she does always had a huge effect on him. He reached some strand of her white hair and tucked it behind her ear.
Nilingon naman siya nito. "What?"
"I want to see your beauty clearly."
Natigilan naman si Misty sa kaniyang sinabi pero ilang saglit ay inirapan siya at naglakad patungo sa upuan na kaharap ng sofa. Umupo ito ro'n. "That scent is actually familiar to me. I sensed it earlier."
"Hmm?" Naupo siya sa sahig. Eyes locked on her, he asked, "Did you find out the owner of the scent?"
Umiling ito. "No. It moved too fast that I failed to see what kind of creature is it."
Napaisip naman si Eriz. A creature that moved fast just like them and had sharp teeth, but way smaller than them. What could they be? Eriz doubted that they were wolves because they would never going to leave their prey alive. If Valeria was attacked, it was impossible for her to only get a wound on the neck.
"Why are you glaring at me, love?" takang tanong niya nang mapansin ang masasamang tingin na ipinukol ni Misty.
"I just have a hunch that this might be your doing why there are other creatures lurking in this place," she said, pertaining about the box.
Napasimangot naman siya. "Why is it my fault now? We're not even sure yet, but you're already glaring at me. It hurts me too, you know." He held his chest and acted like he was in pain. "But I love you glaring at me though." He loved those eyes looking only to him. It made him feel special.
"Eriz?"
Napalingon siya nang marinig si Valeria. Nagising na ang babae pero hindi pa rin bumabalik ang kulay ng balat nito. Pinigilan niya itong bumangon. "Rest for a while."
Lumapit din si Misty sa kanila. "What happened to you? Bakit may bite mark ka sa leeg?"
Dahan-dahan namang napahawak si Valeria sa kaniyang leeg. Napamulagat ang mata nito nang mahawakan ang sugat. Kaagad itong napalunok na para bang may naalala.
"K-kanina, no'ng papunta na ako rito may nakasalubong ako sa daan," nanghihina nitong sabi. "Nagda-drive ako sa scooter ko nang biglang mawalan ng preno ang nakasalubong kong dump truck. Napunta ito sa lane at akala ko talaga mamatay na ako pero nagulat na lang ako nang may pigura na biglang kumuha sa akin sa scooter." Ang kaninang mahinang boses ay napalitan ng pagkamangha. "Niligtas niya ako."
"And? How did you get your bite mark?" tanong ni Misty.
"Sabi niya sa akin nagugutom daw siya kasi ilang taon na raw siyang hindi nakakakain. Bago pa ako makasagot bigla niya ako kinagat. Tapos no'n bigla na lang siyang nawala."
"Did you see what it looked like?"
"Pogi. Pogi siya." Napaigtad si Eriz nang bigla na lang tumili si Valeria. Si Misty naman ay napanganga sa sinagot nito.
"Para siyang bampira! Ah!" Tili nito ulit.
"Are you serious? Kinagat ka na nga tapos 'yan pa sasabihin mo?" hindi makapaniwalang tanong ng babae.
Napatawa naman si Eriz. "If you were to bite me too, I would react the same."
Inis naman siyang nilingon ni Misty. "Manahimik ka. Masiyado akong maganda para kagatin ka."
"Hmm? Kinagat mo nga ako da--" Hindi niya natapos ang sasabihin nang bigla nitong takpan ang kaniyang bibig.
"I said shut the fuck up!"
Napatawa naman siya sa namumula nitong mukha. Hinalikan niya ang palad nito dahilan para mapabitiw ito sa pagkakatakip sa kaniyang bibig. Binalik nito ang tingin kay Valeria.
"Are you starving? Do you want to eat?"
Tumango naman si Valeria.
Naglakad na si Misty papunta sa kusina habang siya naman ay nagpaalam upang pumunta sa labas. Base sa kuwento ng dalawang babae sa kaniya, posibleng nasa malapit lang ang nilalang na pogi na tinawag ni Valeria na bampira.
Madilim na ang paligid, hindi rin maliwanag ang buwan at walang makikitang mga bituin. Makulimlim ang kalangatin at nakakaramdam din siya ng kakaibang init. Mukhang uulan mamaya.
Napagpasyahan niyang sumuot sa kagubutan. Nang wala siyang mahagip na kakaiba, bumalik siya sa gilid ng kalsada at naglakad-lakad. Ilang minuto rin siyang nagpalakad-lakad hanggang marating niya ang lugar kung saan may nagkukumpulang mga tao. May malaking truck na natumba at isang wasak na scooter.
Scooter ito ni Valeria. Mukhang dito yata naganap ang aksidente.
"Excuse me," tanong niya sa isang babae.
Nang lumingon ito, ngumiti siya nang pagkatami-tamis dahilan para matameme ang babae.
"Artista ka po ba?" manghang tanong ng babae. Napalingon din ang kaibigan nito at dalawa na silang nakanganga sa harapan niya.
"No. But may I know what happened here?" tanong niya.
"May naaksidente po. Kinuha na po katawan ng driver sa dump truck kanina pero 'yong nasagasaan po nitong scooter, hanggang ngayon, hindi pa rin nahahanap ang driver."
"Hmm. I see." Ngumiti siya at saka naglakad papalapit sa sasakyan. Iwawaksi na niya sana ang kulay dilaw na parang lubid pero pinigilan siya ng mga pulis.
"Bawal kang pumasok dito, hijo."
"Ah, ganoon po ba?" Hindi naman siya pumalag. Umatras siya at naglakad pabalik sa dalawang babae. "Do you have a scissor, miss?"
Dali-dali naman nitong binuksan ang bag at inabot sa kaniya. "Ano pong gagawin niyo--ay!" Bigla itong napatili nang bigla niyang tinarak ang gunting sa kaniyang braso. Kaagad na naglabasan ang dugo mula roon.
"Kuya, ba't niyo po--"
"Don't talk," he commanded. Kaagad na tumahimik ang babae at ang lahat ng tao na nakarinig sa boses niya. "And don't move."
Naglakad siya pabalik sa mga pulis at winasiwas ang braso sa ere upang maglipana ang amoy ng kaniyang dugo.
"Oh, hijo, sabi nang bawal ka nga rito." Napakamot sa ulo ang pulis na may malaking tiyan.
"Shut up. And turn around." Just like he said, the police followed his order and turned. Bakas sa mukha nito ang pagtataka bakit bigla na lang gumalaw ang sarili nitong katawan.
"You three!" Turo niya sa tatlong police na napatingin sa kaniya. "Sit down on the ground." Wala pang isang segundo, parang aso na napaupo ang tatlo.
Napangisi siya at naglakad na papalapit sa wasak na scooter na nadaganan ng dump truck. Napasingkit ang kaniyang mga mata nang mapansing may dugo ang wasak na side mirror ng scooter.
Katulad ang amoy nito sa nilalang na tinawag ni Valeria na isang bampira.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top