Kabanata 5
"ARE you sure you're not going with me?" tanong ni Eriz sa kaniya. Umiling lang siya at muling umupo sa sofa sa salas habang nanonood ng patalastas sa telebisyon.
Kanina pa siya niyaya ni Eriz na pumunta ng mall pero umayaw siya matapos nitong ipakita ang telebisyon. Nawili siya sa mga tao na nasa loob. Lalong nakakuha ng atensyon ang imahe ng pulang-pulang kalangitan na nakita niya kagabi. Nabanggit din ito ni Valeria kanina bago umalis.
Umupo si Eriz sa tabi niya. "That's boring, love. It's just all about human news. Labas na tayo riyan."
"Gusto kong manood kaya huwag kang makialam."
"Ako na lang panoorin mo, babe." Hinawakan nito ang magkabila niyang pisngi dahilan para mapatingin siya sa pagmumukha nito.
Kaagad niyang winaksi ang kamay ng lalaki. "Don't touch me."
"Sumama ka na dali," pamimilit nito at niyugyog ang kaniyang braso.
"Ayoko nga!"
"Bibili ako ng damit mo. Kabisado ko naman ang size mo, but still, boring kung wala ka sa tabi ko."
Inis niyang tinignan si Eriz na nakangiti nang pagkatamis-tamis sa kaniya. Gusto niyang tusukin ang mapupungay nitong mga mata, suntukin ang mapulang mga labi, at hilahin ang mahaba at nakakaakit nitong buhok.
"Tigil-tigilan mo 'ko. Umalis ka na. Hindi bagay sa magandang tulad ko ang makatabi ang isang kagaya mo," she said and flipped her hair. Sinadya niyang patamaan ang mukha nito.
But instead of getting mad, Eriz just smiled at her and blew an air in her face. Natigilan siya sa ginawa nito. Ilang saglit din, kinuyom niya ang mga kamao. Umusbong ang galit sa puso niya nang maalala ang mga pinaggagawa ni Eriz dati. One of the things he used to do was blowing an air on her face. Before, she had liked it, but now, she couldn't feel anything but anger.
"Don't you fucking do that to me!" Nagpakawala siya ng isang suntok pero mabilis namang iniwisan ni Eriz.
"Whoa! Calm down, love. Masisira ang kagandahan mo niyan," natatawang saad ni Eriz.
"Fuck you!"
"Later, love," he said. Tumayo na ito.
Siya naman, binalik na ang atensyon sa telebisyon.
"I'm going out," paalam nito.
"Layas." Hindi na niya ito pinansin pa nang tuluyan nang lumabas si Eriz ng bahay.
Salubong ang mga kilay niyang nanonood dahil hindi mawala-wala sa isipan niya ang ginawa ni Eriz. Buwisit talaga. Hindi na siya natutuwa. Araw-araw na lang siyang nayayamot. Hindi 'to makabubuti sa kagandahan niya.
Tumayo siya sa pagkakaupo at nagtungo sa bath room. Naligo muna siya upang tanggalin sa isipan ang lalaki. Nag-isip siya ng paraan kung papaano niya pagdudusahin si Eriz.
"His healing ability is fucking annoying."
Lumabas na siya sa bathroom at saka nagbihis sa dinalang damit ni Valeria kanina. Isang puting dress. Masiyado itong maikli sa kaniya kaya nagsuot siya ng itim na pants.
Nang makabalik siya sa salas, ang laman pa rin ng patalastas ay tungkol sa pulang kalangitan.
"Lahat ng resident ay nagtataka sa biglaang pagpula ng kalangitan kagabi. Ibang klaseng lamig din ang naramdaman na para bang uulan ng niyebe sa buong lugar," saad ng news reporter.
Sinuklay niya ang mahaba niyang buhok bago itinali. Wala naman siyang ibang magagawa sa loob ng bahay kaya mag-eensayo na lang siya. Dahil sagabal ang saya ng dress pinutol niya ito gamit ang kaniyang ice spike.
Napatigil siya sa pag-pu-push up nang may presensya siyang naramdaman mula sa pintuan. Kaagad siyang tumakbo papalapit doon. Isang pamilyar na amoy ang sumusuot sa kaniyang ilong. Isang amoy na kaninang umaga niya lang natandaan. Binuksan niya ang maliit na pintuan sa gate at bumungad sa kaniyang harapan si Valeria.
"Hi!" bati nito sa kaniya. May dala itong bag. Napalunok siya nang maramdaman ang panunubig ng kaniyang bibig. Isang nakakatakam na amoy ang nagmumula sa bag. "Sabi ni Eriz dalhan daw kita ng pagkain pagkatapos ng class ko."
"Pinuntahan ka niya?"
"Nope. He texted me." Tinaas nito ang hawak na cellphone.
Tumango lang siya bilang sagot at pinatuloy ang babae. Nagugutom na rin siya. Kanina pa nagrereklamo ang tiyan niya.
Sabay silang nagpunta sa kusina. Nilagay ng babae ang bag sa ibabaw ng mesa bago ito binuksan.
"Is that meat? I don't eat anything unless it is meat," saad niya at umupo.
"Yup, yup! I know you, wolves, are carnivorous," nakangiting sabi ng babae. Mula sa bag may hinila itong isang malaking kahon. Napalunok si Misty nang makita ang laman nito. Doon nanggagaling ang nanunuot na amoy. "At alam ko ring malaki ang appetite niyo."
Binuksan ito ng babae dahilan para lalo siyang matakam. It was meat. But one thing she was confused of was its color. Kulay kayumanggi ito at may malagkit na sabaw rin.
"Why is the meat like this?" taka niyang tanong.
"It's Adobo. I cooked it," sabi ni Valerian. Kumuha ito ng tinidor at tinusok ang isang piraso ng karne. Inabot ito ng babae sa kaniya. "Try mo."
Nagdadalawang-isip pa siya pero dahil sa bango, tinanggap niya ang tinidor at kaagad na nilamon ang karne. Natigilan siya nang malasahan ito. Nanibago ang kaniyang bibig sa lasa. When she got back to her senses, she immediately pricked the pieces of meat inside the box like a barbeque. Hindi na niya ito nginuya pa at diretsong nilunok.
"How was it?" masiglang tanong ni Valeria.
"What did you put in this? It's so good!" she exclaimed and held the box. Tinaas niya ito at tinunga upang inumin ang malagkit na sabaw.
Nakanganga naman siyang tinignan ni Valeria. Ilang saglit pa ay napatili ito na para bang tuwang-tuwa sa ginawa niya. "Ah! Oh my! Werewolves are really cool! I think I'm going to die. I'm so happy!"
Hindi niya pinansin ang nagniningning nitong mga mata at nagtuloy-tuloy sa pagkain. Wala pang sampung minuto pero naubos na niya ang kahon na singlaki ng isang balde. Naupo siya ulit sa upuan habang nakangiti. She was so full.
"That was so good. Thank you," saad niya at saka dumighay.
Tumili ulit ang babae. "You're welcome!"
"Can you cook that again next time?" tanong niya dahil sobra siyang nasarapan sa Adobo.
"Yes. Sure. Of course. Why not!" masiglang saad ng babae.
Bahagya siyang natawa dahil sa kasiglahang taglay nito.
Napatingin ito sa wristwatch. "It's one o'clock. Kailangan ko nang umalis. May class pa ako. Balik ako mamaya rito."
"All right. See you."
Kumaripas na ng takbo ang babae palabas ng bahay at muli na naman siyang naiwan mag-isa. Bumalik na ulit siya sa pag-eensayo ngunit sa pagkakataon ito, ang kaniyang ice ability naman ang pinagtuunan niya ng pansin.
Mula pa pagkabata, hirap siyang gamitin sa mahabang oras ang kaniyang ice ability. Mabilis siyang napapagod kapag tuloy-tuloy ang paglabas niya ng mga yelo kaya ang kaniyang ginawa, imbes na maglabas lang ng sandamakmak na yelo, bumubuo siya ng mga sandata. In that way, she didn't need to produce ice crystals continuously, and she could even use it for offense.
"Five, six, seven . . ." She counted the amount of Ice Axes she created. Nang umabot na sa bente ang kaniyang nagawa, tumigil muna siya saglit.
Pinahid niya ang pawis na namuo sa kaniyang noo. Habol-habol niya ang paghinga bago tumayo at nagtungo sa kusina upang uminom ng tubig. Babalik na sana siya sa salas nang biglang magsitayuan ang balahibo niya sa katawan.
Napatingin siya sa direksyon ng pintuan nang makaramdam nang kakaibang panlalamig. Isang amoy ang sumuot sa kaniyang ilong. Dali-dali siyang nagtungo sa labas at sinipa pabukas ang gate.
Isang itim na pigura ang dumaan sa kaniyang gilid na mabilis na tumawid sa kalsada at sumuot sa kagubutan. Hindi niya ito nakita dahil sa bilis ng galaw nito.
"What was that?" bulong niya. Doon nanggagaling ang amoy. Tumawid din siya sa kalsada para sundan ito. Sumuot siya sa kagubutan.
Ngunit pagpasok niya nawala na ang kakaibang amoy at pumalit ang amoy ng lupa at mga puno.
Napailing na lang siya. Using her teleportation ability, she went back to the house. Pumasok siya sa kuwarto, kinuha ang suklay sa drawer at naupo sa harap ng salamin.
Nakangiti niyang sinuklay ang maputi niyang buhok habang pinupuri ang kagandahan niyang taglay sa kaniyang isipan. Nanatili lang siya sa kuwarto hanggang sa makalanghap ng mahalimuyak na amoy.
Kaagad niyang ginamit ang teleportasyon upang makapunta sa salas kung saan naroroon ang kaniyang mga Ice Axe. Kumuha siya ng isa. Saktong pagbukas ng pinto, binato niya ito sa mukha ng lalaking pumasok.
"Whoa! Chill, love," nakangiting saad ni Eriz habang may hawak na dalawang malaking bag. Naamoy niya mula roon ang karne.
Napairap siya nang maiwasan nito ang binato niyang Ice Axe. "You should've at least let me hit your head. You will heal, anyway."
"Yeah, but I don't want to pour blood in your dresses." Tinaas nito ang malaking bag na may lamang mga damit. "And mine as well."
Naglakad ito papalapit sa kaniya at nilagay sa sofa ang mga bag. Naupo naman siya katabi nito at hinalungkat ang mga damit na binili ng lalaki. Ang laman naman ng isang bag ay mga karne.
"Where did you get the money to buy these?" tanong niya habang hawak-hawak ang isang cargo pants.
"Uncle Leven." Naupo si Eriz sa tabi niya. Napakunot ang noo nito nang mapansin ang kaniyang damit. "Did you cut Valeria's dress? Hala ka, pinahiram niya lang 'to, hindi niya 'to binigay."
Nagkibit-balikat siya. "Wala naman siyang sinabi sa akin kanina. Anyway, Uncle Leven is here?" Nilingon niya si Eriz. Sa pagkakaalala niya, umalis si Uncle Leven sa Raeon dahil ninais nitong maglakbay sa mga mundo ng mga tao. Ilang taon na rin ang nakararaan at ngayon niya lang ulit narinig ang pangalan ng isa sa mga hinahangaan niyang Knight.
Tumango si Eriz. Biglang napunta ang tingin nito sa kaniyang mga labi habang nagtataka. He squinted his eyes as if he was looking at something small.
"Bakit?" nagtataka niya ring tanong.
Tinuro nito ang kaniyang mga labi. "What's that?"
"Ang alin?" Pinahid niya ang kaniyang palad sa mga labi. "Wala na?"
"Nandiyan pa rin. Wait. Let me." Inabot ni Eriz ang kaniyang mga labi. She gulped when he felt his finger. She was about to look away when he held her chin up. He leaned forward and stole a kiss.
Napalaki ang kaniyang mga mata.
"Fuck!" Kaagad niyang sinuntok ang pagmumukha nito matapos nitong humiwalay.
Eriz just chuckled while caressing his cheek that she just punched. "So violent, love."
Tinalikuran niya ang lalaki habang dala-dala ang bag na may mga damit at nagtungo sa kuwarto. Napahigpit ang hawak niya sa bag nang maramdaman ang pamumula ng kaniyang pisngi. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang napamura upang pakalmahin lang ang nagwawala niyang puso.
"Fuck this . . ." Tinapon niya ang bag sa kama. Huminga siya nang malalim.
What she felt toward the man before didn't perish until now. Even though she had cursed at him so many times, her feelings still remained, and her gorgeous self knew how much she wanted to stab herself for feeling this way.
"Fuck his ability," she muttered.
"You don't really know how my ability works, love. Do you want me to explain it to you?" Hindi niya pinansin si Eriz na pumasok. Humiga ito sa kama. "I got three abilities. One from my dad and two from my mom."
"I know." Umirap siya. "You got the king's telepathy, and the queen's blood manipulation and healing ability."
"That is correct!"
Nilingon niya si Eriz. Maaliwalas ang mukha nitong nakatingin sa kaniya subalit namumutla ang mukha nito. Muli siyang napairap nang marinig ang pagkulo ng tiyan nito.
"You haven't eaten yet?" tanong niya.
"Yeah." Pinagsaklop nito ang dalawang palad at nagpapaawang tinignan siya. "Can you fry meat for me, love?"
"I'm not your servant."
"You are serving under me, my right hand woman."
"And? You didn't become king."
Eriz pouted. "That doesn't still change the fact that you are my right hand woman and my ma--"
"Shut up." Hindi niya ito pinatapos at aabutin na sana ang bag na hinagis niya kanina ngunit napatigil siya nang may magsalita sa kaniyang isipan.
'Misty, my love. Sige na. I'll reward you after.'
Inis niyang tinignan si Eriz. "Don't use your telepathy on me. Ikaw magluto."
'But I'm tired. Look, oh, I'm getting weak.' Hinimas nito ang sariling tiyan habang nakanguso pa rin. 'I'm so starving, love.'
Kaagad niyang iniwas ang tingin bago niya pa pisilin ang mapupulang labi ng lalaki. "I said don't use your telepathy on me."
Hindi nakinig si Eriz at tinadtad ang isipan niya ng kaingayan nito. Napapikit siya dahil sa inis.
'Please, please, please, please.'
Hindi siya tinigilan ng lalaki hangga't hindi siya um-oo.
"Argh! Fine!" Padabog siyang bumababa ng kama at naglakad palabas ng kuwarto.
Narinig niya pang natawa si Eriz at muling nagsalita sa kaniyang isipan. 'Thanks, love. I'll let you kill me later.'
Hindi na niya ito pinansin pa at nagtungo sa salas para kunin ang dinala nitong karne. As if naman mamamatay ang lalaki kahit hayaan pa siya nito. Pumunta siya sa kusina at nagsimula nang magprito.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top