Kabanata 4
"WHAT did you do? What was that? Ano 'yong usok na lumabas? Anong klaseng box 'to, Eriz?" sunod-sunod na tanong ni Misty.
"I don't know." Nagkibit-balikat si Eriz at inabot ang takip ng kahon na nasira. Kinatok-katok pa niya ito.
Napakunot naman ang noo ng babae. "What do you mean?" Inagaw nito sa kaniyang kamay ang takip at muling tinakip sa kahon kahit sira na.
"I don't what is this box. Aalamin ko pa lang," sabi niya.
"'Pag tayo napahamak dito, papatayin talaga kita."
Napatawa naman siya nang mahina. "Abangan ko 'yan." Kinuha niya ang kahon bago bumaba ng kama.
Nagtungo siya sa walang laman na kabinet at doon nilagay ang box. Bumalik siya sa kama at nahiga katabi ni Misty na nakasimangot lang na nakatingin sa kaniya. Nakasandal ang babae sa headboard habang nakakrus ang mga braso.
Hihilahin na niya sana ito para yakapin pero mabilis na lumikha ng Ice Spike ang babae at tinuon sa kaniyang mata.
"Subukan mo."
"Why are you always threatening me?" nakanguso niyang tanong, kunyari ay naiiyak.
Napangiwi naman si Misty at inirapan siya. "Asshole."
Bumaba ito ng kama. Niyakap niya ang unan na sinandalan ng babae kanina habang pinagmamasdan itong naglakad papunta sa glass window. Malalim na ang gabi. Binuksan ito ni Misty at tumingin sa kalangitan.
"Misty," tawag niya rito pero hindi nakinig ang babae.
Humikab muna siya bago tinawag itong muli. "Misty, let's sleep."
Pumipikit na ang kaniyang mga mata. Si Misty naman ay nanatiling nakasilip sa labas ng bintana.
"Love, tulog na tayo." He groaned as his eyes couldn't fight the sleepiness anymore. Pinikit na niya ang mga mata dahil napagod siya ngayong araw.
"Eriz."
"Yes, baby?" sagot niya habang nakapikit pa rin.
"Your coronation is tomorrow, right?"
"You mean my twin's coronation." Sinubsob niya ang mukha sa malambot na unan. "I don't want to be king."
"Hindi ka na magiging hari at mukhang hindi ka na rin makakauwi sa inyo."
Napakunot naman ang kaniyang noo sa sinabi ng babaeng kinababaliwan niya. "What do you mean, hon?" Minulat niya ang mga mata. He almost forgot to breath when her eyes were looking at him.
My beautiful Misty.
"I will gladly let you stab me million times if it's you I'll see in my last breath," he said unknowingly, captivated by her beauty.
Her eyebrows furrowed. He sent her a flying kiss to tease her more, but he got a flying spike in return.
"Come here," utos nito.
"Coming, love." Parang aso, mabilis siyang nagtungo sa kinatatayuan ni Misty habang tinatanggal ang ice spike na bumaon sa kaniyang braso.
Binalik nito ang tingin sa bintana. "Look at the sky."
"Hmm?" Dahil nakaharang ang babae sa bintana, niyakap niya ito mula sa likuran at dinutdot ang sarili bago sumilip.
Narinig niya itong nagmura kaya mahina siyang natawa. He was quite distracted with the sweet scent of her hair, so he landed a kiss on it before looking at the sky.
Nawala ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ito ng pagtataka.
"What is that?" nakanganga niyang tanong.
He was expecting a sky full of stars, but he was greeted by clouds flooded with the crimson color instead. It was spiraling. As it continued to circle, thunders were also rumbling. The center of the tornado-like clouds were painted with black. A black hole that symbolised an opened portal.
"What is that, my Misty?" he asked again, but this time with excitement. He hugged his tough woman tighter as he was enthralled by the beauty of the sky.
"It's your doing, idiot," sagot nito. "I think it's because of the box." Tinulak siya nito nang malakas dahilan para mapabitiw siya.
Yayakapin na niya sana ulit ang babae pero naglakad na ito pabalik sa kama at umupo. Seryoso ang mukha nito at nag-iisip.
"What are you thinking, love?" Tinabihan niya naman ito. "I would love it if it is me."
Inis naman siya nitong nilingon. "Puwede ba, Eriz. Magseryoso ka nga muna. Tignan mo ang ginawa mo." Tinuro nito ang direksyon ng bintana. "Hindi maganda ang kutob ko ro'n."
"Correction. Ginawa natin. Ikaw kaya nagbukas ng kahon. And how can you say it was our doing? Baka abnormal lang ang kalangitan ngayon."
Umirap naman ito. "Argh. Fine. Natin."
Biglang lumukso ang puso niya matapos marinig ang mga katagang iyon. He liked to be involved in her words. Dahan-dahang umangat ang kaniyang mga labi.
"Who would cause this phenomenon if it's not the troublemaker Eriz, huh? Imposible magiging ganyan ka-abnormal ang kalangitan. The weather was fine earlier before we opened that box. But when that smoke came out, I started feeling chills. The wind became heavier, and everything just became unusual. I don't like it, Eriz."
"Anong gusto mong gawin natin, love?" ngiting-ngiti niyang sabi at pinulupot ang kamay sa braso nito.
"Malay ko. We don't even know what that box is." Tinanggal nito ang pagkakahawak niya. "May ideya ka ba? Total ikaw naman ang nagnakaw niyan."
"Sabi ni Tiyo Rauis niregalo daw 'yan sa ama niya dati. It was a box that shouldn't be opened, for I don't know what reason."
"Tapos?"
"Iyon lang alam ko. Let's just continue digging informatiom tomorrow, puwede ba, love? Antok na antok na ako, e." Humikab siya ulit at tinapon ang sarili sa kama.
"But Eriz!"
"Good night, my Misty."
"At least bring me back to Raeon," rinig niya nitong sabi. Naramdaman niya ang paggalaw ng kama sa kaniyang gilid, nangangahulugang tumabi ito sa kaniya.
Isang sipa ang natanggap niya dahilan para mapausog siya sa gilid.
"Usog. Wala kang karapatang tabihan ang magandang kagaya ko."
"Yes. The most beautiful," he muttered while scratching his stomach that Misty just kicked. "Your love is violent as always."
Hindi niya makita kung anong ginagawa ng babaeng pinakapaborito niya dahil nakadapa siya at nakasubsob ang mukha sa unan. Ang likot-likot. Hindi matigil ang kutson sa paggalaw dahil sa kalikutan ni Misty. Ilang sandali pa, naramdaman niya na lang ang kumot sa kaniyang likuran.
Napangiti siya at sinilip ang katabi.
Nakatalikod ito sa kaniya kaya ang maputi lang nitong buhok ang nakikita niya.
"Good night, my Misty."
---
NAGISING si Misty na may sumisiksik sa kaniyang leeg at may mga brasong nakayakap sa kaniya. Umaga pa lang pero kaagad nang kumunot ang kaniyang noo.
"Lintek," inis niyang sabi at pilit na tinutulak ang lalaking naging dahilan kung bakit nasa mundo siya ng mga tao ngayon.
Nakakainis. Kagabi pa siya wala sa mood. Pakiramdam niya tuloy nagka-wrinkles na siya dahil sa sunod-sunod na pagsimangot niya.
Hindi 'to maaari. Paano na lang ang maganda niyang mukha? Hindi siya papayag na dahil lang sa manlolokong nakayakap sa kaniya ngayon ang magiging dahilan nang pagkulubot ng kaniyang iniingatang balat.
"Bitaw nga!" Tinulak niya ang mukha nito kaya napabitaw si Eriz.
Bumangon siya sa kama habang ang lalaki ay nanatili lang tulog. Sinulyapan niya ang bintana na napapasukan na ng sinag ng araw. Mukhang maganda na ang panahon. Hindi na rin niya nararamdaman ang kakaibang lamig kagabi.
Nilingon niya si Eriz at tinapik-tapik ang pisngi nito.
"Eriz, gising. Kailangan ko ng mga damit. Gutom na rin ako. Where can I hunt food?" tanong niya habang patuloy pa ring tinatapik ang pisngi nito.
"Hmm." He just groaned and didn't bother to open his eyes.
Is he still asleep? Or is he just trying to be asleep?
"Eriz the asshole Ares, wake up."
But the man just remained asleep.
She heaved a deep sigh and just stared at him. Her hand was still on his warm and soft cheeks. He looked like a calm and tamed creature as if it was impossible for him to hurt anyone. Too deceiving. And too lovely.
If only his peaceful look while sleeping was the same as his personality, she wouldn't have to feel enraged every time she would look at him. But no, Eriz was a manipulator who loved to do shit with everyone just so he could enjoy anything he wanted to enjoy in life. In short, he only cared about himself.
Muli siyang bumuntonghininga habang hindi namamalayan na napunta na pala ang mga daliri sa may kahabaan nitong buhok. Kahit na magulo itong matulog, nandoon pa rin ang tali sa buhok nito.
"Why are you still wearing this?" she murmured.
It was her hair tie that she gave Eriz not too long ago. Tatanggalin niya sana ito pero biglang nagising ang lalaki.
Napatigil siya at napatitig sa asul nitong mga mata. Nakakalunod. At gusto niyang malunod.
She gritted her teeth in annoyance. She couldn't control her emotion. "You're using your ability on me again, aren't you?"
Ngumiti naman ang lalaki. "You don't understand how my ability works, do you?"
Bago pa siya makasagot, hinawakan nito ang kaniyang pisngi at ninakawan siya ng halik sa labi. "Good morning, lov--"
Hindi nito natapos ang sasabihin nang agad niya itong sinampal.
"You are going to die by my hands someday, you piece of an asshole," saad niya at saka umalis ng kama. Naglakad siya papalapit sa bintana at sumalubong sa kaniya ang tahimik na kalsada. Sa katapat naman ay kagubutan na walang mga bahay.
She heard Eriz chuckled. "Wait, babe. I need to call someone."
Lumabas ito ng kuwarto kaya naiwan siya sa loob.
Naupo siya sa bintana. Ilang saglit, nakita niya si Eriz na lumabas. May hawak itong maliit at hugis parisukat na bagay sa kamay habang sinenyasahan siyang bumaba.
A cellphone. She had seen that a couple of times before when Eriz used to tell her stories about his stay in the human world. She had known a lot about the humans because of Eriz.
Tumalon naman siya sa bintana kaya agad siyang nakarating sa harapan ng gate kung saan naroroon ang lalaki.
Binuksan naman ni Eriz ang gate.
"May hinihintay ba tayo?" tanong niya dahil panay ang silip nito sa kalsada.
He nodded. "Yep. You'll be meeting my human friend."
Ilang saglit pa, may scooter na tumigil sa kanilang harapan. Isang babae ang nagda-drive nito. Nakasuot ito ng pantalon at simpleng white t-shirt. May malaki rin itong bag na dala-dala. Nang makababa ito at matanggal ang helmet, mabilis itong lumapit sa kanila.
"Good morning, Val. Sorry naisturbo ko pa ang umaga mo," bati ni Eriz sa kaniya.
The girl was smaller than her. May suot din itong glasses.
"Okay lang," sagot nito. Napunta ang tingin nito sa kaniya at napanganga ito nang makita siya. "Whoa! Your mate really is beautiful."
Napataas naman ang kaniyang kilay. The girl looked at her with admiration. Kulang na lang kuminang ang mukha nito sa sobrang tuwa sa kaniya.
"We're not--" Naputol ang kaniyang sasabihin nang hapitin ni Eriz ang kaniyang baywang.
"Right? She is Misty, the most beautiful." Eriz glanced at her. "And Misty, this is Valeria. She's into werewolves and vampires."
"What's a vampire?" taka niyang tanong.
Nagkibit-balikat naman si Eriz. "I don't know. She said they bite, too. Just like us."
"You're a werewolf too, right?" namamanghang tanong sa kaniya ng babaeng nagngangalang Valeria. "Ah, right. I almost forgot." Tinanggal nito ang malaking bag na dala. "Here's the dresses. I'm not sure kung magkakasya ba kay Misty ang mga damit ko dahil mas matangkad pala siya sa akin. Kaunti lang din ang dinala ko kasi sabi mo bibili kayo ng sarili niyo mamaya."
"Thanks, Val." Tinanggap ni Eriz ang malaking bag ng babae.
"No problem! Anyway, I need to go. Lapit na time ng class ko. Ba-bye!" Kumaway ito sa kanila at sumakay na ulit sa kaniyang scooter.
Pero bago pa ito makaalis ay nagsalita muna ito. "Hoy, alam niyo ba nangyari kagabi? Grabe, ang weird ng sky. Iyon din ang laman ng news ngayon."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top