Thirty-One

Mianhe. Hindi ako nakapag-UD in the past two weeks. Ehh.. sa mga napromise-an ko na ide-dedicate ko sa inyo ang mga next chapters, sorry pero makakalimutin ako eh. T__T. Ide-dedicate ko sa inyo yung chapter base sa mga comments, emkay? O kaya kapag na-tripan ko lang. Haha.

Dedicated sa kanya dahil sa message niya sa akin. Kamsahamnida.

Akemi.

"Ah! Alam ko na!"


Nagsi-tinginan kami sa detective ng itaas niya yung ballpen niya at tumayo sa kinauupuan para tignan yung sinabi ni Akane, "Excuse," sabi niya dito at itinulak si Akane palayo doon sa nadiskubre niya.


Kitang-kita dito yung pag-usok ng ilong niya sa ginawa nung detective. Atleast he excused, right? Mas masama naman kung itutulak ka lang bigla. Agh, anyway..


"Dito nagtago yung culprit and his or her victim when Mrs. Cortez first entered the room, yung akala niya wala na si Kiana, then naligo siya because Coke spilled over her. That's the perfect time to escape for the suspect. And, para ma-reveal yung lifeless body ni Kiana, tinulak niya ito from where she is, underneath the bed,"


Some parts are what I were thinking, but some parts were also wrong.


"How could you explain the smudge blood near the bed? Imbes po sa sinasabi niyong tinulak niya si Kiana, maybe he or she moved the bed," tuloy-tuloy na sabi ni Reiji. That's right! That's what I'm talking about.


"Also," tumayo si Hiro with his notepad, "The tactic of the suspect is really risky. Paano kung hindi pumuntang banyo si Mrs. Cortez? Magste-stay siya doon until dawn?"


Natahimik yung detective sa sinabi nila Hiro at Reiji. He fidgeted pero bigla niyang tinaas nanaman yung ballpen niya. Maybe he does that mannerism kapag may naiisip siyang feeling niya ay tama.


"Let's say na ganun na nga ang nangyari, but how can he move the bed all by himself. Or baka may kasama siya?"


Nagtaas ng kamay si Riye sa sinabi nung detective, "Sir, single bed lang po ang nandito. How could three people fit in that po?"


Nilagay nung detective yung kamay niya sa chin niya and started thinking. I wonder matapos niyang mag-isip ng malalim ay gagawin niya nanaman yung mannerism niya. I don't know pero nae-entertain ako sa mannerism niya.

Why am I thinking about that right now? Dapat akong mag-investigate.


"Staring at that detective like that makes me hate him more,"


Kinunot ko ang noo ko sa sinabi ni Hiro, "Huh?"


Umiling siya at suminghap, "You, too, are dense," yumuko naman ako and tried initializing what he said pero winagayway niya yung kamay niya sa harap ko and gave me a smirk, "We need to solve this case, get things off your mind,"

Paano ko maalis yung mga bagay-bagay sa utak ko kung palagi mo itong

dinadagdagan? I can't get your logic, Hiro.

"Sa tingin ko, the suspect knew that you had dinner with his husband, that contains alcohol kaya alam niyang iinom ka ng beverage. So he shook up those cans in your fridge. Kaya pagkabukas mo, the Coke spilled over you. Kaya alam niyang makakaalis siya,"


Tinaas nanaman nung detective yung kamay niya sa sinabi ni Akane and I

tilted my head, what makes that mannerism interesting? Eh, Akemi, stop.

"That means, kilala ng murderer si Kiana and Ms. Cortez," the detective said at binalik nanaman niya yung kamay niya sa chin.


"The possible murderers are the stalker and the husband," mahina kong sabi.

Natahimik kaming lahat at prinoproseso kung anong dapat gawin. Should we check on some more evidence o puntahan na namin yung stalker and detective? Nagtinginan kaming anim at nagsitanguan. Okay, that's what we are going to do.


"Tignan muna natin yung mga suspects, and investigate more there,"

-


"Nasaan po ang anak niyo ma'am?"


"Wala nga siya dito,"


"Saan nga po pumunta?"


"Sa ano nga.. nag-bike kasama yung mga kaibigan niya,"


Hindi ako naging kumbinsido sa sinabi nung Mama ng stalker. Una namin siyang pinuntahan dahil feel namin na mas mataas ang probability na siya yung murderer.


I looked at my watch, 9:16 pm. Kailangan na naming matapos itong case na ito hanggang 6pm. Sa ngayon nagsasayang kaming oras dahil sa ayaw sabihin ni Ma'am kung nasaan yung anak niya.


Nilukot ko yung mukha ko ng makita ko yung bike nung sinasabi niyang anak niya na ginamit with his friends. Inikot ko pa yung paningin ko and saw a blue cloth stuck on the side of the sofa, that's odd. Pero, tumingin pa ako until I confirmed my speculations.


"Kanino po yung bike na yun?" tanong ko, "And, speculation lang po, pero nagtatago po ba yung anak niyo sa amin sa may likod ng sofa?"


Nanlaki yung mata nung Mama ni stalker at yumuko siya, "Hoy, Julian, umalis ka na nga dyan at harapin mo ang mga 'to,"


Pinanuod naming umalis sa pinagtataguan niya si Julian, na stalker ni Mrs. Kiana. Now, sa ginawa niyang pagtago parang mas lumaki yung probability na siya nga yung suspect sa nangyaring murder sa Room ni Mrs. Cortez.

"Anong kailangan niyo?" pinagpagan ni Julian ang sarili niya at tumingin sa amin. I tilted my head dahil red yung mga mata niya at may malalaking eyebags.

"Are you aware na may nangyaring murder and ang victim ay si Mrs. Kiana Sanchez?"

Tinaas ni Julian ang kilay niya at iniwas ang tingin sa amin, "Bakit ko naman malalaman?"


"Ah.. kasi stalker ka niya?"

Nagsilakihan ang mga mata namin ng tinanong iyon ng detective. That's so straightforward.

"Hindi pa naman nave-verify na stino-stalk ko nga yang Kiana-ng yan eh!"

Itinaas ng detective yung mga kamay niya at lumayo sa pagsigaw ni Julian,

"Sorry, sorry,"


"Pero, bakit po kayo nagtatago kung wala naman po kayong kasalanan?" tanong ni Akane.


"Baka kasi akusahin niyo nanaman ako sa kasalanang hindi ko ginawa,"

Phew, my instincts say na wala talaga siyang kasalanan. But, true detectives doesn't stick to their guts, kailangan may mga based facts. Hindi porket nakikita mong sa outside ay hindi siya ganoong tao, eh ganun na siya sa loob-looban niya.


"Sige, sir. May tatanong lang po kami,"


"Sabi na nga ng anak ko na wala siyang kasalanan diba?! Bakit kailangan pa ng ganyan-ganyan?!" dinuro-duro pa ni Ma'am, yung Mama ni Julian, si Ken ng sinabi niya iyon pero pinigilan siya g anak niya.


"Ma, okay lang. Ako na bahala dito,"



Sumunod sa amin si Julian papunta sa nearest Cafe' dito sa may hotel. Chineck ko ang orasan ko and that took us nearly 15 minutes, it's already 9:28 pm. Half an hour na kaming nagi-investigate dito and still, wala pa din kaming lead.


"Nasaan po kayo between 7-8 pm?"


"Kumakain kami ng Mama ko sa hotel room, and kausap ko yung lawyer ko sa phone dahil sa inaakusang kaso sa akin,"

Sa phone? "Pwedeng patingin ng call-log niyo?"


Binigay niya sa akin yun ng walang imik and I looked at the time between the calls made. Merong isa doon na fastfood hotline na tinawagan niya on 6:48-7:20. Then, may pangalan nga na lawyer doon, the time of the call was between 7:36-8:19. So, talagang sinasabi niya ang totoo.


Umiling ako at tumingin kila Hiro, "It's true,"


Now, left is Mrs. Kiana's husband.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top