Thirty-Five

Sorry HiroMi shippers. T_T. Aangat ko muna yung RaDar. Filler chapter nanaman. -.-

Daily updates, diba? :)

Akemi.

Family love.

I have already thought about that the other day. Yung i-treat siya like family? But I'm afraid to suggest kasi baka sabihin nilang ridiculous ang pinagsasabi ko. But now, they're all on the same page with me. We can now treat her as family. Ang isang aspeto sa buhay niya na she's lacking off. Family love.


All my life, thankful ako kahit hindi ko nakita ang biological kong Mama. But someone took care of me. Hindi ako pinabayaan hanggang sa mag-reunite ulit kami ng totoong Papa ko. I didn't lack family love.


But Lux, she's a different case. A very very different case. May Papa nga siya, but he doesn't treat his like her daughter. Dahil siguro sa sobrang mas mahal ng Papa niya ang mafia nila na mas napagtutuunan niya ito ng pansin kesa sa mismong anak niya. And as for her mom, hindi ko pa alam kung anong trato sa kanya ng Mama niya. She's right, we don't know her nor her story enough to judge.

"Aw."


I rubbed my forehead nung maramdaman kong may pumitik dito. Did I spaced out again? Tumingala ako to see a very unexpected person. Actually, marami akong hindi din alam tungkol kay Darwin. Ni hindi ko nga rin alam kung ano ang pinagkakaabalahan niya dito sa Tantei High, or kung saan siya natutulog. I don't really know. Does that make me a bad friend?


"Kain tayo?"


Gutom na din ako eh. "Tara, plaza tayo."



Tumayo ako at sumabay din sa paglalakad niya. Ngayon habang pinagmamasdan ko yung mukha niya. Unti-unting nawawala yung scar niya below the eye. Nilalagyan niya siguro ng gamot. Darwin is hood looking at masasayang naman yun kung magkakaroon ng permanent damage sa mukha niya.


"Darwin."


"Curious ka sakin no?"


"Baliw." hinampas ko yung braso niya at ngumiti, "Well, medyo."


"Shoot."

Inalis ko yung tingin ko sa kanya at tumingin sa dinadaanan namin. Lunch break pala ngayon kaya yung ibang students nasa labas din para kumain.

Pinakamabenta ngayon yung Pizza parlor sa may medyo gitna ng plaza. Ang sarap kaya ng pizza doon.


"Ano.. saan ka ba natutulog?"


"Sa kama."


Sinamaan ko siya ng tingin at hinampas ulit siya sa braso niya, "Isa."


"Sorry na." nag-peace sign siya sa akin at ngumiti, "Sa may malapit sa Boy's Dorm."

"How.." yumuko muna ako at pinaglaruan yung kamay ko. What I'm about to ask him is so private. "Saan yung Mama mo?"

Bumuntong hininga siya at ngumiti sa akin. "Doon tayo diba?"


Okay. Sorry. Confidential. Sabi ko na nga ba na it's private. Dapat hindi ko nalang tinanong. I'm so nosy. Pinaka-ayaw kong trait sa sarili ko iyon. He just ignored my question. Alam kong may tinatago siya sa akin. but I think I'm not so much of a good friend na hindi niya kayang i-share sa akin ang mga problema niya. He doesn't trust me enough. At okay lang sa akin yun. It's not a big deal for me. I'm still earning his trust. At kapag na-earn ko na yun, I can be his shoulders to cry on.


"Right, doon tayo."


Ngumiti ako sa kanya. Meaning, okay lang sa akin na hindi niya sabihin. Nakita ko kasi yung face niya nung hindi agad-agad akong sumagot sa tanong niya. I think he thought that I felt offended kaya nag-pause muna ako bago ako sumagot. But, really, I'm not. Kaya binigyan ko siya ng smile.

"Anong gusto mo?"


Pinindot ko yung red button and it showed a hologram kung nasaan ang menu. Hmm, ano nga bang masarap? I don't really like pizzas, minsanan lang ako kumain kaya hindi ko alam kung anong masarap sa panlasa ko. I think I need a person's opinion.


"Ikaw, anong masarap ba?"


"Best-seller nila dito yung Hawaiian." fli-nip niya yung page ng hologram ko and showed the Hawaiian one. "Do you want that?"


"Kung best-seller," nag-thumbs up ako at ngumiti, "Edi okay."

I played with my fingers. Wala akong masabi dahil baka magkamali nanaman ako sa pagtatanong at mairita siya sa pagiging pakialamera ko. Hindi naman awkward ang katahimikan na iyon. It's comfortable yet we know na may kailangan mag-initiate ng conversation.


And he chose to start, "So.. Lurixia Adams huh?"



"Yes. She's actually the seventh one. Akalain mo yun."



First, I don't really have a clue. Humdrum siya. Oo, nagpapakita siya ng ibang klaseng strength but hindi ko pinansin yun because I know she's in the mafia and they're trained to fight. But unti-unti it was revealed. Her sixth sense, the butterfly symbol and the prophecy. Peace or annihilation.



"Pero, baka nagkakamali kayo. Maybe, she just got those skills because of that drug."


Umiling ako. I thought about that, too. "Butterfly symbol. Yun ang nakalagay sa book. Siya yun."



"Do you think so? Malay mo it's just a coincidence."



That. That's what I never thought about. Ang pagiging coincidence. Talaga bang dahil lang sa drug yun? Now because of what Darwin said parang mas dumami yung doubts ko about Lurixia, her life. I want to know her better. Gusto kong malaman ang storya niya. Umiiral nanaman ang pagiging nosy ko.



"That's a big coincidence kung ganun." nag-kibit balikat ako sa kanya. "Let's just wait at unti-unti ding mare-reveal lahat ng answers sa mga questions natin."



And I can't wait for that moment.



Yung moment na makikilala ko na si Lurixia Adams.



"Saan ka galing?"

Umupo ako sa isa sa mga desk sa room namin. Pinapunta nila ako dito eh. Bonding daw. Well, I did went here. With Darwin. Parang ang sama ko naman kung iwan ko siya doon sa middle ng pag-uusap namin. That's bad and not a what a friend will do. Bumili na din ako ng pizza para sa kanila.

"Sa may pizza parlor lang."

Binuksan ni Ken yung pizza at kumagat dito, "Kasama mo?"


Tinuro nila si Darwin at tumango ako. Matapos noon ay hindi na nila ako kinausap at kumain na ng pizza. Wow, wala man lang thank you? Umiling ako sa pag-aagawan ni Ken at Akane. Sometimes I think na yun ang way ng pagiging sweet nilang dalawa. Ang daming boxes ng pizza pero pinag-aawayan nila yung isang slice. God. Sweet.




Tinitignan ko si Akane and Ken and I saw someone with a bitter expression sa likod nila. Why isn't he eating? Ayaw niya ba ng pizza? Baka nahihiya pa ang isang ito. Tumayo ako at kumuha ng slice sa tissue.



Naglalakad na ako patungo kay Hiro but someone suddenly grabbed my pizza at ngumiti siya sa akin ng malaki.



"Thank you." hinablot niya yung kamay ko at tinuro ulit yung pizza, "Bigyan mo ulit ako."



Binigyan ko siya ng nagtatakang tingin. Nasa harapan niya na yung pizza. Two steps lang ang kailangan niyang gawin. Kumuha ng tissue at kumuha ng pizza. Bakit ako pa ang kailangang mag-bigay sa kanya? So weird.



"May kamay ka naman."




Sinamaan niya ako ng tingin, "Bigyan mo nalang ako."




Para hindi na mas humaba yung usapan ay sinunod ko na siya. Kinuha ko yung tissue at nilagyan ko ulit yun ng pizza. Nilalahad ko ito sa kanya but hindi niya kinukuha. Tinaas niya yung kamay ko at kinagat yung pizza.




"Ang baliw mo.." hinampas ko yung braso niya at binitawan yung pizza, "..Darwin."




Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top