Thirteen

Akemi.

"Next time partner na kita ah?" sabi ni Ken at rinig na rinig yun ng mga tao. Naghiyawan nga kami eh, si Lux ayun naka-cross arms.

"Tss, ano ulit yun?" tanong ni Akane.

Jusme, diba hearing yung sixth sense niya? Impossible na hindi niya narinig yun. Pero baka siguro nagpapakipot lang. Tumawa naman si Ken at inulit yung sinabi niya kaya tinulak siya ni Akane at um-oo habang nagba-blush siya. May something?

"Akemi, tayo na" sabi ni Hiro at hinila niya ako papasok ng dome.

May pinindot nanaman si Ma'am Michiko sa labas at biglang may nag-appear na isang staff. Bakit isang staff lang? Dalawa kami dito, ano yung pagde-defend ni Hiro?

Then, naalala ko nung PE dati wala silang weapon at may ginagawa silang movement gamit yung kamay nila. I don't know kung anong tawag dun, or karate yata? O baka taekwando. Ewan. basta kinuha ko yung staff at sinusubukan kong isipin yung tinuro na Jodo sa akin ni Ma'am Michiko.

Zen Nihon Kendō Renmei Jōdō yung gagawin ko habang si Hiro, karate nga. May lumabas na tatlong robots pero hindi sila gawa sa metal kung hindi sa wood. Yung dalawa walang weapon tapos yung isang malaki meron.

Tinignan ko naman yung aim namin. Stomach, Head and Joints. Tinignan ko si Hiro at sinabi niya sa inner voice na yung sa kanya yung stomach at sa akin yung head tapos sabay kami sa malaki mamaya sa joint.

Sabi ko una na siya dahil medyo natatakot ako. Tumakbo siya papunta doon sa isang robot na stomach yung aim, tapos sumuntok siya sa magkabilang side nung robot, hindi niya tinamaan yung robot purposely. Ginawa niya yun para maalis yung kamay ng robot doon sa may stomach. Nung wala ng sagabal sa stomach niya, ginamit ni Hiro yung tuhod niya tapos natamaan yung stomach kaya nag-disappear na yung robot.

Tinanguan niya naman ako kaya kinuha ko yung staff ko at pumunta doon sa isang robot na walang staff. Gumawa ako ng trick shot katulad ng ginawa ni Hiro, kunyari ko siyang inattack sa stomach at napunta doon yung mga kamay niya, tapos inikot ko yung staff ko papunta sa ulo niya pero na-block nya yun. Hindi ako mabilis tapos nabalibag ko yung staff ko palayo sa akin. Kaya nataranta ako at sinipa ko yung robot sa head. Hindi ko alam na I'm capable of doing that.

Nakarecover naman ako at kinuha yung staff ko at pinaikot ko ito tapos natamaan ko na yung robot at nagdisapper na rin.

Humihingal ako pero hindi pa tapos, nasa tabi ko na si Hiro at parehas namin sinugod yung malaking may staff. Kinuha ni Hiro yung paa ko at inikot niya ako sa ere, since nasa baba ako na-knock ko yung knees at nawalan yung robot ng balance. Binato nanaman niya ako sa ere at habang pababa ako tinamaan ko yung elbow nung robot at nag-disappear na siya.

Nag-apir kaming dalawa ni Hiro at lumitaw yung time namin. Woah, 5.7 seconds?

Lumabas na kaming dalawa at pinalakpakan kami. Nag-thankyou naman ako sa kanila.

Aalis na sana ako tapos biglang hinawakan ni Hiro yung wrist ko tapos hinigit ako palapit sa kanya. Yinakap niya ako. Bakit ang bango niya? Eh, Akemi! I hugged him back at naghiyawan nanaman yung mga tao. Gumagawa ba kami ng commotion?

"Congratulation hug, Akemi" sabi niya at umalis na sa pagkaka-hug, "Tsansing ka ah" he teased.

"Ikaw kaya, ikaw nauna eh!" sabi ko at pinigil ko yung sarili kong ihampas yung kamay ko sa kanya, kawawa yung biceps- I mean, baka tignan niya ako ng masama.

"Sino bang umaamoy amoy sa akin?" sabi niya and I felt my face flushed with embarassment. Hindi naman sadya eh! Kainis naman.

"Ewan ko sayo" sabi ko at tinalikuran siya. Narinig ko pa siyang tumatawa-tawa.

Sinalubong na ako ng Atama family at they all congratulated us, nag-thank you naman ako. Nakita ko naman si Lux sa side at wala doon si Ken kasi kasama niya si Akane. Mukha pa kang naiinis eh. Medyo naaawa ako.

Tumingin naman siya sa akin at ginesture ko siyang pumunta dito. Nung una na-shock pa siya pero inirapan lang ako. Hay nako.

--

Tapos na ang training namin ngayong araw. Kanina pa ako may adrenaline rush tapos ngayon ko lang na-feel yung pagod. Nasa library ako since hindi ako makatulog, puyat ako bukas. I just don't feel like sleeping.

Kukuha lang naman ako ng books at aalis na rin, gusto kong mag-research ng books na may translations of codes kasi baka ma-solve ko kahit konti yung nasa book. Ay! Napasapo ako sa noo ko. Nakali Hiro pala yung book! Hihiramin ko lang naman diba?

Ugh, Akemi 4 am in the morning manggulo ka? I'll just sneak in.

Pumunta na ako sa room ng Boys, tapos na rin naman yung curfew at pwede ng lumabas. Kaya ayun, I sneaked in. Buti hindi nagsasara ng windows sila Reiji kaya nakapasok ako.

I'm super careful kasi baka magising ko sila at maistorbo.

Nakita ko naman yung book sa may side table malapit sa kama ni Hiro. Kinuha ko naman siya kaya lang may biglang humawak sa kamay ko at ngayon nakaholdap position na kami.

Binuksan naman ni Ken yung pinto at nakasakal pala sa akin si Reiji, wala na naistorbo ko na sila.

"Bitawan mo na, Reiji" sabi ni Hiro at lumapit sa akin, pinitik niya pa nga yung ilong ko eh. Ang sakit, napa-pout nalang ako sa kanya.

"Bakit mo ginawa yun?" tanong ko kay Hiro habang rinurub yung nose ko. Ang sakit talaga ng pagkakapitik niya, kung alam niya lang.

"Just checking if you're true" sabi niya at tumingin naman sila sa akin while their foreheads are creased.

"Gusto ko lang naman kunin yung book kaso ayaw ko kaying istorbohin kaya I sneaked in" sabi ko at tumawa naman yung dalawa, syempre hindi kasama si Hiro. KJ yan eh, bleh.

"Akemi, meron naman kayong copy nun eh! Gumawa kami ng kopya bawat isa tapos binalik na namin sa agency yung book. Hindi mo ba narinig yun?" tanong ni Ken at napatulala naman ako.

Yun siguro yung time na nakita ko si Darwin tapos tinatawag-tawag nila ako kaso ang lalim ng iniisip ko nun kaya hindi ko sila naintindihan.

"Sorry, naistorbo ko kayo!" sabi ko at nag-bow. Nakakahiya yung ginawa mo, Akemi. Palibhasa kasi ulyanin at gurang ka na!

"Nope, don't say that" sabi ni Hiro, "Hindi din kami makatulog ng boys" he added.

"Bakit?" tanong ko naman at nagsi-tinginan silang tatlo. "May tinataho kayo ano? Porn ba yan?! Jusme! PORNOGRAPHY JUS-" tinakpan ni Hiro yung bibig ko pero naka-point pa din yung mga fingers ko sa kanila.

"Hindi kami ganun, noh. Sadyang adrenaline rush lang" sabi niya at napahinga naman ako ng maluwag. Grabe yung isip ko, porn agad?

"Weh? Eh bakit nagkatinginan pa kayo bago sumagot?" tanong ko at ngumisi. Huh, akala nila hindi ko makikita yun? Sixth sense ko yata ang eyesight, dude.

"W-wala!" sabi nila at nagsi-iwas ng tingin.

"Sige.." binuksan ko na yung window, "Kunwari naniniwala ako" sabi ko at lumabas.

"CHECHECK KO MAMAYA YUNG ROOM NIYO KUNG MAY PORN!" sigaw ko at narinig ko naman yung tawanan nila sa loob.

Umalis na ako ng boy's dorm at dumiretso na aulit pabalik ng girl's. Meron pala akong copy, tatanungin ko nalang si Akane kung nasaan yung akin. You know me, burara ako.

Habang naglalakad ako pabalik, may nakita akong familiar na figure sa may puno sa likod ng Technology Dept. agad-agad naman akong lumapit sa kanya.

Si Lux pala.

"Hey" bati ko sa kanya pero nagpatuloy lang siya sa pagsuntok nung nakasabit na unan sa puno. "Anong ginagawa mo?" tanong ko naman.

"You're so nosy, it's none of your business" sabi niya at nagpatuloy lang sa ginagawa niya.

Hindi ko alam pero may nag-urge sa akin na turuan siya. Kinuha ko yung kamay niya tapos binigyan iyon ng stick na nakita ko sa gilid-gilid. Pwede ko.naman siyang turuan ng Jodo.

Mukhang nakisama naman siya kaya mga isang oras ko na syang tinuturuan. For a beginner, fast learner siya! Ang galing nga eh, tapos everytime na maga-attack ako alam niya kung paano sanggahin.

"Why are you doing this?" tanong niya ng maka-upo kami. May tubig naman siya sa gilid at binigyan niya ako. Wow, first time.

"Ikaw muna sumagot ng tanong mong yan" sabi ko at lumagok ng tubig. Tinignan niya naman ako at parang ine-examine kung nagjo-joke ako.

"Ako una nagtanong" sabi niya.

"Edi dapat ikaw unang sumagot"

"Ugh, ikaw dapat!"

"At bakit?"

"Kasi, Akeruchuchu or what your name is, ikaw ang nanggulo sa akin dito kaya answer my question nalang"

Napatingin naman ako sa kanya, "Honestly, I don't know" sabi ko at nag-shrug ng balikat. I looked at her at parang signal na yun na siya na yung magsalita.

Bumuntong hininga muna siya at ri-nub yung thumb fingers niya.

"Kapag kasi malakas, talented, o maganda. Katanggap-tanggap ka"

Huh?

"Gusto kong matanggap, Akeruchuchu"

--

Advance Happy New Year. Hindi ako makakapag-type for the rest of the sembreak kasi I'm stuck with a project. Urgh, unfair right? So, yeah.

Haha bye

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top