Forty-Seven

Have a merry christmas dear readers.

--

"Nahanap niyo na."

Kita sa mga mukha namin ang gulat sa pag-pasok ni Miss Reina, Sir Hiroshi at Sir Hayate. They knew? That this book existed? Bakit.. bakit hindi pa nila ipinakita ito para matapos na ang lahat? I'm sure they have a valid reason, hindi nila itatago ito kung wala.

"Alam niyo ang tungkol sa librong ito Miss?" tanong ni Akane.

"Of course, Akane." sabi ni Sir Hiroshi habang inaayos ang lagay ng kanyang tie, "But imposible ang nakasaad sa librong yan."

Kumunot ang aking noo, "What do you mean imposible, Sir?" tanong ko. We just decoded the title of the book na Butterfly pero hindi pa namin nasisilip kung ano ang mayroon sa loob ng librong ito.

"You decipher it, malalaman niyo din kung bakit." sabi ni Sir Hiroshi. "But first, punishment sa paglabag sa curfew. No red velvet cakes for you."


No red velvet cakes? Para naman yatang hindi kami mabubuhay ng anim ng wala iyon. Sari-saring reaksyon ang narinig ko mula sa mga kasamahan ko sa silid. Red velvet cakes na lang ang hinihintay namin tuwing break time at mawawala pa yon sa amin ng isang araw? That's a big no!


Tila nabasa nila ang mga isip namin, "No red velvet cakes or whole day of community service?"


I guess a whole day of no red velvet cake is okay. Kesa naman masayang yung buong araw namin sa community service kesa mag-decipher kami ng books. Tsaka, may raspberry tort ba naman ano! Hindi pa end of the wor-


"Ang light naman yata ng parusa niyo, Sir."


"Okay, then no food stub 'til 3 pm."

We all glared at Ken. Alam naming nagjo-joke lang siya, but Sir Hayate took it seriously. Kaya pati ngayon no raspberry tort na! End of the world na! No food, no drinks, and no desserts. Siniko ni Akane si Ken at napadaing naman ito but he still showed a smile bago umalis sila Ms. Reina.


"Ikaw kasi! Ang ingay mo talaga!"


"Nagbibiro lang naman ako eh."

"Ano ngayon ha? Anong kakainin natin. Tadyakin kita papuntang pluto eh!"

"Babaeng manok, ikaw kakatayin ko eh! Gagawin kitang tinola kapag hindi ka tumigil diyan!"

And another UFC round began. Kung hindi pa pinigilan ni Reiji si Akane baka wala ng buhok si Ken at magiging kamukha niya na si Saitama ng one punch man. Hindi ko alam kung saan nila nakukuha yung mga pambanat nila na full of humor. Tawang- tawa ako sa kanilang dalawa habang si Hiro ay ngumingiti-ngiti lang eh.

Uutusan ko nga si Akane na lusawin itong yelong ito.

"Anong babaeng manok! Litson ka, litson! Laki kasi ng ilong mo!"

"Mas malaki pa ngala-ngala mo sakin eh!"

Hindi ko na alam pero napaupo nalang ako sa antique na red couch sa kakatawa. Gosh, I think they're the most humorous couple if they ever date. Tinakpan ko ang bibig ko ng makaamoy ako ng hindi maganda. Anong amoy it-

"Look, may bumubukas." sabi ni Riye at tinuro ang kaninang bookshelf.


Books fell ng bumukas ang bookshelf. Hindi lang pala ito ang libro sa buong kwarto. Sa likod ng bookshelf meron pang mga libro at isang kwarto para sa isang baby na babae. May crib na kulay violet, maalikabok dahil sobrang tagal ng hindi ito nakikita.

"Ken, tawagin mo sila Ms. Reina. Baka may alam sila dito," utos ni Hiro at agad namang sumang-ayon si Ken.

A desk was on the side of the crib. Pumunta ako doon at binuksan ang drawer na nasa baba. Maybe there are clues here, or even things na hindi pa namin nalalaman tungkol sa history. Or whatever that might help us..

..hilippines.

Kinuha ko ang napunit na bahagi sa drawer. Ito ang nasa libro na may punit. So, philippines talaga iyon ha? "Hiro, ito yung napunit sa libro oh."

"I guess this is too late since nahanap na natin ang seventh agent."

"Still, hindi ka ba nagtataka kung bakit pinunit iyon at inilagay dito?"

Nagkibit-balikat si Hiro at may kinuhang notebook sa may drawer. It's pages are yellow at ang ginamit na pag-sulat dito ay quill. Hindi na kailangang i-decipher because poems are written on it.

Two chess pieces
The king of the blacks, the king of the whites
War is to come
Truce is just a word

"Anong nakita niyo dy-"

Tinakpan ni Ms. Reina ang bibig niya ng makita ang silid. Nagulat din sila Sir Hayate at Sir Hiroshi. Agad nilang ki-nontact si Papa at sinabihang pumunta rito. But what is this about? Bakit sila gulat na gulat?

"We found a notebook of poems." sabi ni Hiro habang lumalapit si Ms. Reina sa silid.



"So, this is where she kept all of it." sabi ni Ms. Reina habang hinahawakan ang crib.

"Sinong she?" tanong ko.

"Eliza Quiré." sabi ni Ms. Reina, "Lurixia's mom."


Lux's mom? Paano siya nakapasok ng Tantei High? Is she a senshin too? Misteryoso, nababalot ng misteryo ang buhay ni Lux. Na kahit sinong detective hindi maso-solve. Tanging ang mga witness lamang ang makakapagsabi kung ano talaga ang mga tunay na nangyari.


Alam nilang lahat. They knew all along at hindi man lang nila sinabi sa amin. They knew Lux's mom. Ang dahilan kung bakit nila kami pinag-travel sa 6 countries ay para patunayan na nandito nga si Lux sa Pilipinas. But, bakit hindi nila kami pina-unang maghanap dito sa Pilipinas? Or, they didn't know about the torn page also?


"Alam niyo po ba na nasa Pilipinas si Lux?"


"No," sabi ni Sir Hiroshi. "You know that seventh agent book? Eliza wrote that. She's a Senshin, but her Mom left Tantei High along with her kaya namuhay siya sa mundo ng mga humdrums."


"Like.. me." So, parehas pala kami ng sitwasyon ni Eliza. Hinawakan ko ang picture frame, there's a picture of a a woman in her late twenties. Maybe, that's Eliza. She's carrying a baby with her, we can conclude that it's Lux since made-determine mo talaga ito dahil sa features niya. And a guy na mukhang kasing-edad lang nya.


"She belongs to the Atama family, nung bata pa lang siya. Before ng generation ng Papa mo."


"How? They're the same age?" tanong ni Hiro.

"It's because of her sixth sense. She can turn herself younger. And nung umalis siya at the age of sixteen, she met a humdrum."

"Lux's father.." Akane mumbled.


"But, there was a rumor. Kaya siya hinabol ng mga shinigami. His husband.. yung tungkol sa sinabi ni Darwin about him killing Lux's mother because of a drug? That's false. Dahil si Francisco Adams ang gumagawa ng drug-"


A sound from the trapdoor was heard. It's not Papa, si Darwin. Narinig niya?


"Wow, so I killed an innocent woman." Bakas sa mukha ni Darwin ang frustration.

"No, Darwin. Isa kang biktima. You're a follower, and you just did what you were asked to."

"But I still had commited a crime, Sir Hiroshi."


"Darwin, clear your head. Naiintindihan namin kung bakit mo ginawa iyon. And you were not the only one there. Mapurok pa ang isip mo since you were just six. " sabi ni Papa. Now I can see how old he is. Hindi pa naman maputi yung buhok niya but you can see signs of aging. Wala na syang gilas habang bumaba sa ladder. . It's because he's always in his office.


Inayos niya muna ang kanyang salamin at bakas sa kanyang mukha ang familiarity sa nakikita niya ngayon.


"Eliza."


"Eliza."


"Anong Eliza? Ate, tawag mo sakin, ate!"


Sa tingin nanaman nito, parang namamatay ng tao. She can't review dahil kanina pa siya kinukulit ng kasama niya. Well, she's 5 years older kaya nagpapatawag siyang ate, but kasalanan niya naman dahil ginamit nanamn niya ang kanyang sixth sens para bawasan ang kanyang age.

"Sabi nila aalis ka na daw." Little Hideo said in a motionless manner. Nonchalant, as always.

"Why you care?" taas kilay nitong tanong.

"Because Naomi's asking."

Napaubo si Eliza at binalik ang tingin sa librong binabasa. "Kailangan eh. Ayaw ko pero kailangan."


"Bakit?"


"No more questions little Hideo."

Nagkibit-balikat si Hideo at binalik ang tuon sa pagbabasa.

--

Years passed. Without Eliza Quiré. Until one day, on the 1st day of December. Bumalik ito, but she's not her usual self. Kitang-kita sa mukha niya na may pinagtataguan siya. Isa lamang ang dahilan nito, dahil isa siyang Senshin. And, she's a member of the Atama family.

"H-hideo, Naomi.  Please. Get my child. Hindi siya ligtas sa piling ng kanyang ama."

"Where is he? Saan niya ito dinala?"

"There are six countries written on the book. The seventh is torn off its-"

"Eliza! Eliza!" sigaw ni Naomi while hugging Eliza's lifeless body.

It's time to unfold her secrets. Everything that happened years ago. Everything.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top