Young


7



First day of class ngayon at si Kuya Seth ang naghatid sa akin sa University. Buong biyahe ay tahimik lamang ako dahil hindi ko pa rin makalimutan iyong nangyari noon sa beach.


Pero hindi ako susuko. I can make Seven love me, I know that. Hindi ako pumunta ng Italy para lang matalo sa larong ito. I know at the end of this, he will be mine just like the way I want him to be. He will love me too. I will be his rule.


"Kuya Seth?" tawag ko dito. He glanced at me before looking at the road again.


"Yes?" he said. I just sighed. Umuulan na naman sa Italy ngayon kaya malabo ang bintana ng kotse dahil sa mga patak. I looked at it and traced Seven's name on it.


"How powerful is the rule Kuya? The Montreal rule?" anas ko. Nag redlight kaya tinitigan ako ni Kuya Seth. Nakalobo ang pisngi niya at naguguluhan sa sinabi ko.


"I don't know Cha." Inosente niyang sagot. Nag green na ang traffic light kaya pinaandar muli niya ang sasakyan. Humarap ako sa kanya ng kaunti.


"You don't know?"


Umiling siya. "I haven't experienced the rule yet Chantal. All I know is that, it is our family's absolute rule. Once we fall, there's no way out. Talo na kami kahit hindi pa nagsisimula at papatay kami kapag hindi namin siya nakuha. Walang nakakabali doon o nakakatakas Cha. The girl that will walk on the altar on my wedding day is the girl in my rule. Something like that, I don't really know." Natatawa niyang sabi. Tumango lang ako at tumingin ulit sa labas.


Walang makakabali. Walang makakatakas. A Montreal's absolute rule.


I want to be Seven's rule. Gusto ko ako iyong batas na hindi niya kayang baliin, iyong hindi niya babaliwalain, iyong ipaglalaban niya ng patayan. Gusto kong mahalin niya ako. Pero sa bawat panahon na nakikita ko siyang kasama si Allanis, nawawalan ako ng pag asa. I don't know if what I am doing is actually good.


But I love him. I love him so much. Mali bang ipaglaban ko iyon? Mali bang maging madamot ako? I am just like everyone else. I also want to be happy.


"We're here." Pukaw ni Kuya Seth sa atensyon ko. Hindi ko namalayan na nasa may University na pala ako. Kinuha ko lamang iyong bag ko bago ko binuksan ang pintuan.


"Your security team will pick you up later Chantal. They will be here one hour before your dismissal." Aniya. Tumango lang ako at nagpaalam na kay Kuya.


Buong araw ay wala ako sa sarili ko. Kahit iyong sinasabi noong student guide ay hindi ko masyadong pinakinggan. I know I am spacing out.


"Hey, you really looked unwell. Are you sure you still want to tour?" tanong sa akin noong student guide. Tiningala ko siya. I was greeted by the bluest eyes I have ever seen. Nakakunot ang noo niya at para bang nag aalala sa akin.


"No, I'm fine." I lied. Am i? Damn it.


"Are you sure? We can head to the clinic if you want to." He said. I just shook my head and looked at... what was his name again?


"I'm sorry, I forgot your name." sabi ko rito. Kinabahan akong baka naoffend siya pero mukhang hindi naman. Inilahad niya ang kamay niya sa akin at nagpakilala.


"Ruan Scott. Literature Major." Aniya. Namilog ang mata ko dahil kapangalan pa niya iyong isa sa mga kambal ni Uncle Ethan.


"You have the same name with my cousin." Natatawa kong sabi. Lumawak lalo ang ngiti niya.


"Well, Ruan is really a unique name, I guess." Aniya. Nilibot niya akong muli sa buong University hanggang sa mag lunch na kami. At dahil siya ang student guide ko ay hanggang sa pagkain ay kasama ko siya.


Noong hapon na ay nagkita kami ulit ni Ruan sa Contemporary English namin. Electives ko lamang iyon pero dahil maraming magagandang arts ang England ay kinuha ko na. Noong makita ako ni Ruan ay agad niya akong pinaupo sa tabi niya.


"The cab's waiting at the rear gate. Do you want me to go with you?" tanong ni Ruan sa akin noong uwian na. Mabilis lamang akong umiling.


"I have someone to pick me up."


Tumaas ang kilay niya. "Boyfriend?" he asked. Tumawa ako.


"Nope. Bodyguards." I said. Nakita ko na iyong gray na Huayra ni Kuya Seth na nakaparada sa may parking. I waved Ruan goodbye at tumakbo na ako papunta sa sasakyan.


"Akala ko ba hindi ikaw ang susundo sa akin?" nakangisi kong tanong habang pumapasok ako sa kotse. Pero noong makasilip ako ay nagulat ako ng makita ko si Seven sa likod, at iyong guard na nakahanda ng magmaneho.


"Bata, dito ka." Tawag ni Seven sa akin sabay tapik sa upuan sa tabi niya. Umikot lamang ako at lumipat para tumabi sa kanya.


"Nasaan si Kuya Seth?" tanong ko pagkapasok pa lamang. Nilingon lang ako ni Seven bago bumuntong hininga.


"May emergency meeting kaya siya ang pumunta roon. Hindi kasi pwede si Shawn." Paliwanag niya. Habang nagsasalita siya ay niluluwagan niya iyong necktie niya.


"Who's that guy?" he said while looking at Ruan. Hinihintay kasi nitong makaalis ako.


"He's a friend." Maikli kong sagot. Ano bang pakialam mo? Si Allanis ang pakialam mo Montreal.


"Oh ang bilis naman. Unang araw mo pa lang may friend ka na. Galing naman." Sarkastiko niyang sabi. Sinamaan ko lamang siya ng tingin bago ko inayos iyong buhok ko. Pero habang ginagawa ko iyon ay nainis ako.


Damn curly hair. Magpaparebond na ako! Damn this Montreal! Bwisit! Asar!


"Hindi ka hahanapin ni Allanis?" tanong ko dito. Umiling lang si Seven.


"No. Allanis is not clingy. Basta't nagpaalam akong susunduin kita, alam na niya iyon." Aniya. Napangiti na lamang ako.


"Ganun ba? So, kung may gawin pa ako sayo na higit pa sa pagsundo mo sa akin, alam na rin ni Allanis iyon? Kung hahalikan kita ngayon, alam na ni Allanis iyon?" paghamon ko. Seven just stared at me before grinning.


'Turn down the lights

Turn down the bed

Turn down these voices

Inside my head

Lay down with me

Tell me no lies

Just hold me closely

Don't patronize

Don't patronize me'


Tinitigan ko siya. Seven just stared at me before shaking his head. "Hindi ko alam bakit ginagawa mo ito Chantal. Ikakasal na ako. Kung bored ka, tigilan mo na ito."


"I'm not bored! Do you really think I went here just because I am bored?" halos pasigaw ko ng sabi sa kanya. Nanatili lang si Seven na kalmado.


"Hindi ko alam. Bakit ako ang tinatanong mo?" inis rin niyang sagot. Oh, just look at this man! Ang taas ng sense niya sa pakikipag usap.


Inilapag ko iyong bag ko at libro sa sahig bago ako lumapit sa kanya. Nakapatong ang binti ko sa upuan at hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi. Bahagya pa siyang napalayo at pinigilan ang kamay ko.


"Chantal, stop it." Pagpipigil niya. Umiling lamang ako.


"Look at me, Seven." Halos desperado ko ng sabi. Nanginginig ang boses ko habang nakatitig lamang sa kanya.


'Cause I can't make you love me if you don't

You can't make your heart feel

Somethin' that it won't

And here in the dark, in these final hours

I will lay down my heart

'Cause I can't make you love me

When you don't'


Tinitigan lamang niya ako at hinihintay ang sasabihin ko. Pumikit ako para kumuha ng lakas ng loob. Noong nagdilat ako ay diretsyo ko siyang tiningnan.


"Mahal kita Montreal. I am inlove with you, Seven." Buong puso kong sabi. Nanlaki ang mata niya sa narinig. Doon ay lumayo na ako at umayos ng upo. Matagal na walang nagsasalita sa amin. Pareho kaming tahimik habang ako ay gusto ko ng maiyak.


This is now what I had imagined. Pangarap ko noon ay ang magtatatalon siya kapag narinig niyang mahal ko siya. Masaya siya dahil mahal ko siya. Halos maiyak siya dahil mahal ko siya.


But this.. this is not what I had expected. Not him looking at me with pity. Ayokong kaawaan niya ako dahil mahal ko siya.


Narinig ko ang malalim niyang hininga. Nilingon ko siya. Inihilamos niya sa mukha niya iyong dalawa niyang palad.


"You're too damn young for me Chantal. Fuck!" nanghihina niyang sabi. He closed his eyes and pinched the bridge of his nose.



--------------------------------

Song Used: (video below)

Alex G.  cover - I Can't Make You Love Me


https://youtu.be/B5rzdS-FIXw

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016