WAKAS

EPILOGUE


"Mama, bakit kasi kasama pa ako?" angal ko habang sinusuot ko kay Serise ang sapatos niya. Nanganak si Auntie Ria kahapon at sabi ni Mama ay puntahan daw namin si Caius sa ospital para sunduin.


"Siyempre, para makita mo yung baby sister ni Cai." Sagot ni Mama. Napangiwi ako. Sister? Katulad ni Serise? Kadiri. Kawawa naman si Caius.


Nangingilabot ako habang naiisip ko iyong kapatid ni Caius. Kung sister siya ibig sabihin kakawawain din niya si Cai. Pakiramdam ko ay magigin katulad talaga siya ni Serise. Nakakatakot.


Noong makarating kami sa ospital ay dumiretsyo kami sa kwarto ni Auntie Ria. Nakaupo na siya at may blanket na nakalagay sa balikat niya. Sa tabi niya ay si Uncle habang sa paanan naman ni Auntie ay si Caius na natutulog.


Excited na lumapit si Mama kay Auntie.


"Oh! Siya na ba yan?" tanong ni Mama habang inaabot iyong blanket sa balikat ni Auntie. Ngumiti si Auntie Ria at inayos iyong blanket sa balikat ni Mama.


"Yes. Athan's bouncing baby girl." Anas ni Auntie. Lumapit ako at sinilip iyong blanket sa balikat ni Mama.


"What's her name?" Serise asked. Sumampa siya sa kama habang sinisilip rin iyong blanket.


Ngumiti si Uncle Athan. "Chantal Eleanor."


'It's always been a mystery to me

How two hearts can come together

And love can last forever

But now that I have found you, I believe

That a miracle has come'


Inayos ko iyong tie ko habang si Serise ay inaayos naman ang buhok ko. Hindi ko mapigilan ang mapangiti noong maalala ko iyong araw na pinanganak si Chantal. Ang liit pa lang niya nun. Akala ko nga ay blanket lang siya.


"Stop smiling Seven. Mukha kang tanga." Masungit na sabi ng kapatid ko. Ngumuso lang ako at tinitigan siya.


"Basag trip ka Sese." Angal ko. Lumapit sa amin si Shawn at tinitigan lamang ako ng masama. Ngumiti lang ako dahil natakot ako sa titig ng kapatid ko.


"Huwag mo ngang inaaway si Se. Panira ka Seven eh." Shawn said. Lumapit ito sa akin at tinitigan iyong neck tie na hindi ko pa rin maitali ng maayos.


"I think we should call Seth." Aniya. Napatango ako.


"Bakit? Hindi ka ba marunong?" anas ni Serise. Umiling kaming dalawa ni Shawn. She rolled her eyes and then suddenly took her phone out.


"Hello? Seth. Yeah. Bilisan mo, Seven doesn't know how to wear a necktie. No.. dir in marunong si Shawn. Yeah, yeah.. they're both stupid Seth what would you expect?" natatawang sabi ng bunso namin. Lumapit ako kay Shawn at tinapik ang braso nito.


"Did she just say we are stupid?" anas ko. Ngumisi si Shawn bago ako nilayuan.


"Ikaw lang ang bobong Montreal, Seven." Aniya. Nanlaki ang mata ko at binato sa kuya ko ang pinakamalapit na bagay sa tabi ko.


'When God sends the perfect one

Now gone are all my questions about why

And I've never been so sure of anything in my life'


Kinakabahan ako habang nag uusap usap sina Papa at ang mga kabanda niya. Desperada party, de joke, despedida ni Shawn noon dahil ipapatapon na siya ni Papa para mag aral.


Sa gilid ko ay naglalaro iyong bata kasama ang kambal na kapatid ni Rome. Nakasabog na naman iyong kulot niyang buhok sa mukha niya habang sinusuklayan ang manika niyang si Chacha.


Huminga ako ng malalim noong naramdaman ko na naman iyong kakaiba sa dibdib ko kapag tinititigan ko ang bata. She's just a child Seven. She's just a fucking child!


"Si Seven, wala akong napapansin na nililigawan iyan Stan." Biglang sabi ni Uncle Ethan. Napatingin ako rito bago napalunok.


"Po?"


Si Uncle Greg ang sumagot. "Baka may natitipuhan na si Seven pero nahihiya lang."


"Yan? Mahihiya? Wala sa dugo namin ang mahiya. Nak, kapag gusto mo, sunggaban mo agad." Si Papa ang sumagot. Napangiwi ako. Yeah, right. Sunggaban ko ang bunsong anak ng matalik mong kaibigan Pa? I don't think that will help.


"Baka kasi lalaki ang gusto. Ako dati lalaki ang gusto ko." Si Uncle August naman ang sumabat. Napangiwi na naman ako lalo dahil dito.


"Augustine Yturralde!" si Auntie Shana ang sumigaw. Tumawa si Uncle bago nagtaas ng kamay.


"Ito naman Prinsesa, biro lang." anas ni Uncle. Yumuko na lamang ako at akmang aabutin iyong juice noong mapansin kong nakatitig si Uncle Athan sa akin.


I glanced at Chantal and I felt the feeling again. But.. but I am just fifteen.. and she's just six. Is this even real?


God, I don't know. Ang alam ko lang ay gusto ko ang batang iyon. I always braid her hair, I am the one who takes care of her because I want her to be dependent of me. Gusto ko ako ang hinahanap niya. Ako ang takbuhan niya. Ako lang. Walang iba dapat.


Lumunok ako at tinitigan ng diretsyo sa mata si Uncle Athan. "Wala po akong balak manligaw. I am waiting for Chantal. Liligawan ko siya kapag lumaki na siya." Sinsero kong sabi. My heart was pounding on my chest. I feel like the only thing that is keeping me from bursting out of nervousness is my skin.


Nanahimik ang lahat ng nasa hapag dahil sa sinabi ko. Ang tanging naririnig ko lang ay ang hagikgik ng mga batang naglalaro sa gilid. Sina Caius, Matthew, Noah, Rome at ang iba pa ay natigilan din sa sinabi ko.


Naunang tumawa si Uncle August at sumunod na roon ang iba pa. Maya maya ay tumatawa na silang lahat. Napayuko ako dahil sa kahihiyan.


Is that funny? I just.. I just poured my heart out and all that I get is a bunch of laughter.


Umiling si Uncle Athan bago ako pinakatitigan. "No, Seven. Chantal's too young for you." Aniya. Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas dahil sa narinig ko.


It's a no Seven. All because of age. You got a fucking no.


'I wonder what God was thinking

When He created you

I wonder if He knew everything I would need

Because He made all my dreams come true

When God made you

He must have been thinking about me'


Dumating si Seth at humahangos pa. "It's just a necktie!" aniya habang ibinababa iyong baby bag sa balikat niya. Lumapit siya sa akin at mabilis na tinali iyon sa leeg ko.


"I don't wear neckties. And so is Shawn. Ikaw lang namang vain sa atin." Ganti ko. Narinig ko ang tawa ni Shawn sa gilid namin. Nagfist bump kaming dalawa noong biglang hinila ni Seth ang necktie at muntik na akong masakal.


"Kung hindi ko lang mahal si Chantal, papatayin na talaga kitang gago ka." Anas niya. Ngumuso lang ako at hindi pinansin ang pang aasar ng kapatid ko.


"That's enough. Baka mauna pa si Cha sa simbahan Seven." Paalala ni Serise. Tumawa lang ako bago ko pinadaan ang daliri ko sa aking buhok.


Fuck! Ito na Seven!


'I promise that wherever you may go

Wherever life may lead you

With all my heart I'll be there too'


Alas onse na ng gabi at hindi pa rin bumabalik si Chantal sa unit ko. Ilang beses ko siyang sinubukang tawagan pero dial tone ang laging sumasalubong sa akin.


"I saw her at the bar." Biglang sabi ni Shawn habang paakyat sa kanyang unit.


"What? What the fuck is she doing there?" galit kong tanong. Anong gagawin ng batang iyon sa bar? Maglalasing? Magsasayaw? Paano kung mabastos siya roon? Tangina lang.


"Imbes na magwala ka, bakit hindi mo na lang puntahan? Seriously Seven. You're all talk." Inis na sagot ng kapatid ko. Pabalibag niyang isinara ang pintuan ng unit niya. Hindi naman ako nagdalawang isip at pumunta kaagad sa bar.


Habang naglalakad ay sinubukan kong tawagan ulit si Chantal. Sa pangatlong ring ay sumagot na siya. Buti naman!


"Where the fuck are you?" bungad ko. Rinig ko na ang malakas na sound system at hiyawan ng mga tao roon. Shit!


Kahit isa lang, kahit isang lalaki lang ang magtangka, makikita nila. Di nila dapat hawakan ang akin!


Tinanong niya ako kung magsesex ba daw kami kapag iniuwi ko siya. And damn it! Ganito ba talaga siya kapag lasing? I never waited for you to grow up and just become a slut Chantal.


Noong gabing iyon ay nakita ko ng buo ang tattoo niya. The seven stars are painted on her back, iyong pangalan ko ay maganda ang pagkakasulat sa ibaba lamang ng tattoo.


Napangiti ako noong hinaplos ko ang pangalan ko sa balat niya. You are marked Chantal. You are my rule. I am your dead end.


I was about to take her clothes off and do the thing I have been wanting to do eversince. Pero noong bumagsak siya at naghilik ay saka lamang ako natigilan. Tangina, Seven! You have almost taken her!


Naging mainit ang ulo ko sa buong araw na iyon. Everything has been so chaotic lately. Magmula noong sinugod ako ni Chantal sa Italy ay naging magulo na ang lahat.


I don't want to offend her father. Alam kong kailangan kong maghintay para makuha ko si Chantal. She's too young, too naïve, too innocent, and too perfect she makes my heart weak.


Noong araw ring iyon ay kinausap ako ng Papa ni Allanis. He wanted to push through with the wedding and I know I have to yield with that. Nangako ako kay Allanis na tutulungan ko siya sa kahit na ano. Montreal ako at hindi ako babasag sa pangako ko.


"You don't have to marry me Seven." Anas ni Allanis. Namulsa ako habang umiling. Lately, litong lito na talaga ako. Hindi ko alam kung paano ba pakikiharapin itong nangyayari.


If only Shawn will sort his shits out, hindi na sana mahihirapan si Allanis.


"My father wants us to be married soon, Seven."


Huminga ako ng malalim. "I know. Kinausap na niya ako kanina." Sagot ko. Habang nag uusap kami ay biglaang sumulpot si Chantal. She accused Allanis of things. She was angry.


She was heartbroken.


I just want everything to stop, or to slow down. Hindi ko pa kayang harapin itong nararamdaman ko para kay Chantal dahil sa edad niya. I don't want to break my promise to her father. I don't want to break my promise to Allanis.


Pero tangina, isang iyak lang niya, kahit ano ay babaliin ko na. Fuck her father. Fuck that damn promise. If it is for her, then fuck it. Gagawin ko.


'From this moment on I want you to know

I'll let nothing come between us

And I will love the ones you love'


Nagsimula ng maglakad iyong mga flower girl papunta sa altar. I almost smiled when my four year old niece walked down, showering the altar with cute, little pink petals. Siniko ko si Shawn na nasa tabi ko.


"Thalia's very pretty." Anas ko. Ngumisi lang siya.


"I know." Proud niyang sabi bago namulsa.


'He made the sun He made the moon

To harmonize in perfect tune

One can't move without the other

They just have to be together'


Bumukas iyong kurtina, kasabay noon ay ang pagpapalit ng kanta. Halos hindi ako makahinga habang naglalakad siya palapit sa akin. Hawak niya ang Papa niyang humahagulgol sa iyak.


Pumailanlang sa paligid iyong tunog ng violin, piano at saxophone nina Serise, Matthew at Caius. Iyong malamig na boses ni Uncle August ang narinig kong kumanta.


'Anywhere you are, I am near

Anywhere you go, I'll be there

Anytime you whisper my name, you'll see'


Huminto sila ng Papa niya sa gitna dahil halos matumba na si Uncle sa pag iyak. Oh no. Please, Uncle, release her now. I've waited for her, please let her go.


"Papa.." aniya, iyong boses niya ay sapat na para manghina ako. Nilingon niya ako bago ngumiti.


Lumapit sina Mama kina Uncle Athan at inabutan ito ng panyo. Si Papa naman ay tawa ng tawa habang tinitingnan si Uncle.


"Mukha kang bakla A." aniya. Tumitig lamang si Papa ng masama.


"Tangina mo Stanley!"


"Nathaniel, nasa simbahan tayo! Ikaw naman kasi Stanley!" pagbabawal ni Mama. Parehong natahimik sina Papa at Uncle. Nagsimula ulit silang maglakad habang ako naman ay kay Chantal na lamang nakatingin.


"Here she comes Seven." Anas ni Seth. Hindi ako sumagot. Pakiramdam ko ay kahit anong oras ay tutulo na ang luha ko. Damn it. Here she is. She's mine now. After all the wishes on the seven stars. She is mine now.


'When it's love

Yeah, you say them out loud

Those words, they never go away

They live on, even when we're gone'


Hindi na ako nakatiis dahil sa bagal ng lakad nila. Ako na mismo ang bumaba sa altar at lumapit sa kanila.


"Seven, wala sa seremonyas yan!" anas ni Cha. Ngumisi lang ako at inabot na ang kamay niyang hawak ni Uncle.


"Let her go Uncle." Anas ko. Umiling si Uncle at biglang umiyak na naman.


"Uncle, bitaw na please." Halos magmakaawa kong sabi. Mabigat ang loob niyang binitawan ang kamay ni Chantal. Niyakap naman ni Cha ang Papa niya bago sumama sa akin.


"Take care of my princess, Montreal." Banta niya. Ngumiti lang ako at tumango.


"I will. Itaga mo pa sa seven stars Uncle." Pangako ko. Tumawa lang si Chantal at sabay na kaming naglakad papunta sa altar.


How.. how does a story end? I have read a countless of love stories before. I guess I should just say, Chantal and I lived happily ever after.


But the main point is, we lived. With all the hardships and sufferings and pain, we lived.


And that is all that matters.


=WAKAS=

-------------------------------

Maraming salamat sa suporta!


Eleven Signs upnext!


Songs Used:

When God Made You - Newsong

What Are Words - Chris Medina

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016