Videoke
14
It has been two hundred and forty nine days eversince I went back from Italy. Magmula noong makauwi ako ay wala ng binanggit si Kuya tungkol sa nangyari. We told our parents that I just got tired of studying there. Kung sabagay ay tatlong buwan lang ang itinagal ko sa Italy. Wala ng kahit na anong sinabi sila Papa dahil mas gusto naman na dumito na lang ako.
I am already working at Auntie Iris's architectural firm. Fortunately, my job is helping me get over with my stupidity. Kahit papaano ay naaliw na ako. But don't get me wrong. I still think of him. Always. Hindi na yata magbabago iyon. Seven is a part of me and I will never forget him.
Naglagay lang ako ng kaunting lip gloss bago ako dumiretsyo sa baba. Wala akong pasok ngayon pero kailangang magising ng maaga dahil uuwi si Kuya Caius. Hindi ko ba alam kung bakit kailangang maghanda, parang isang oras lang ang layo ng unit niya sa village namin eh.
"Morning Ma." Bati ko dito. Hinalikan ko ang pisngi ni Mama bago yumakap sa beywang niya. Mama kissed my hair bago niya pinagpatuloy ang pagluluto.
"Si Papa?"
"Nasa labas, hinihintay si Caius." Sagot ni Mama. Inamoy ko iyong sauce ng spaghetti at muntik na akong maglaway. Ang galing talagang magluto ni Mama!
"Pag natapos ito, maghatid ka sa mga Auntie mo ha? Lalo na kina Avvi. Wala yata silang ulam kasi may sakit si Manang. Walang magluluto sa kanila." Utos ni Mama sa akin. Masigla lang akong tumango at pinanood ulit siya.
I just sighed. My Mom is an awesome woman. Kapag naiisip ko iyong mga pinagdaanan niya, nagkakaroon ako ng lakas na magtuloy tuloy ngayon. She experienced two miscarriages already. One before Kuya and then one before me. Kaya siguro ay ganoon na lang ang ingat nila sa akin dahil na nga rin sa mga nangyari. Kapag tinatanong ko si Mama kung paano niya nakaya, she'll just tell me never to let myself be swallowed by pain.
And that is what I am doing now. I am trying to be happy. I have to be happy.
Inilagay na ni Mama iyong mga spaghetti sa plato. Kumuha muna ako ng dalawa para ihatid kina Auntie Avvi at Aunti Tori since sila ang mas malapit sa bahay namin. Noong makarating ako kay Auntie Avvi ay ang pinsan kong si Ruan ang sumalubong sa akin.
"Si Auntie?" tanong ko habang inaabot ni Ruan ang spaghetti.
"Na kila Ninang Tori." Sagot nito bago pumasok na. Napanguso na lang ako at dumiretsyo naman sa bahay ni Auntie Tori. Hindi na ako kumatok dahil sanay naman silang basta na kami pumapasok.
"Auntie! Nagpahatid po si Mama ng spaghetti." Tawag ko. Walang tao sa sala nila pero naririnig kong may nag uusap sa kusina. Naunang lumabas si Ate Serise at nakita agad ako.
"Oh finally! May normal na tao!" sigaw nito at tinakbo ako. Kinuha niya ang spaghetti sa kamay ko bago ako inakbayan.
"Savior." Bulong niya sa akin. Ano bang sinasabi ni Ate ha?
"Hoy Serise, kinakausap ka pa!" narinig kong galing sa kusina. I looked at Ate Serise who just pouted.
"Kuya Shawn's here?" I asked. I'm sure that was Kuya Shawn. Nagmura si Ate Serise sa tabi ko bago napapadyak.
"Umuwi sila. Nakakairita, gosh!" she screamed. Kumuha siya ng isang pirasong mushroom mula sa spaghetti ni Mama at kinain iyon.
My heart thumped when I heard her. Umuwi sila?
As if hearing my question, lumabas nga ang tatlo galing sa kusina. Si Kuya Shawn ay kunot ang noo habang nakatingin kay Ate Serise. Papunta na sana sila sa amin noong mapahinto rin sila noong mapansin ako. Napasipol si Kuya Seth bago tiningnan si Seven... ermm.. Kuya Seven.
"Awkward." Natatawa nitong bulong bago lumapit sa amin. Inabot niya iyong spaghetti mula kay Ate at ginulo na rin ang buhok ko.
"Hey baby girl. It's been... what, almost a year already?" bati ni Kuya sa akin. I smiled widely and nodded.
"Eight months lang Kuya." Pagtatama ko. Tumawa lang siya at inakbayan si Ate Serise na masama ang tingin kina Kuya Shawn at Seven.
I bit my lip. Hindi ko siya nililingon dahil ayaw ko pa siyang makita. Damn! But it has been eight months and yet... No, Chantal. You have to be happy. You are choosing to be happy. You won't look at him and be reminded of everything that you have wanted before.
"I'll go first. Baka pauwi na si Kuya niyan." Paalam ko. Ate looked at me before nodding.
"Yeah. Umalis ka na. Baka mainfect ka pa ng mga bobo dito." Masungit niyang sabi. I just smiled at her and then looked apologetically at Kuya Shawn who doesn't have the slightest idea of what is happening.
Pagkalabas ko ay halos hindi ako makahinga. My heart is racing. Nanginginig pa ako dahil lang sa kanya. Tinapik ko pa ang pisngi ko ng ilang beses at patakbong umuwi sa amin.
"Oh, ang bilis mo?" puna ni Mama sa akin. Hindi ko siya sinagot at nagtuloy tuloy lang ako sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga. Ipinikit ko ng madiin ang mata ko.
Why is he here? Why are they here? Will they stay here permanently? Bakit ngayon pa?
Maybe I should talk to Kuya. Magpapakuha na lang din ako ng unit para kung sakali ay malayo ako kay Seven, I mean, Kuya Seven. I am still on the process of moving on. Kumbaga ay nasa bargaining stage pa ako. Baka bigla na naman akong umasa kapag may pinakita na naman o ginawa siya.
Buong maghapon ay nakakulong lang ako sa kwarto ko. Kahit noong dumating si Kuya ay hindi ako bumaba. Kung hindi lang niya ako kinatok ay hindi ko malalaman na nandito na siya.
"Bakit nagkukulong ka?" tanong niya habang nakasandal sa may hamba ng pinto. Umupo ako at niyakap ang unan ko.
"Wala lang."
Tumaas ang kilay niya. "Okay." Aniya. Sinamaan ko ng tingin si Kuya bago siya binato ng unan. Ni hindi man lang siya umiwas. Nasapol tuloy siya sa mukha.
"Bakit hindi ka umiwas?" naiinis kong tanong. Tumayo na ako at pinulot iyong unan ko.
"Ayaw ko. Mag eeffort pa ako." aniya. Bwisit talagang kausap si Kuya kahit kailan.
Namulsa siya bago napanguso. Tinitigan pa niya ako bago siya huminga ng malalim.
"Pinapatawag tayo sa bahay nina Uncle Stan. May handaan daw kasi umuwi sila Shawn." He said. My shoulder slumped. Agad akong umiling sabay hampas pa ng kamay. No way! Hindi ako pupunta!
"Kuya naman..."
"Si Mama ang nagpapatawag sayo. Baka mahalata nila na may problema kapag hindi ka bumaba. Nandoon naman kami ni Serise, Cha." He assured. I bit my lip and shook my head again.
"Kuya!"
"Bilisan mo na." aniya sabay hila sa akin. Hala! Ni hindi pa nga ako nakakapagbihis. I am just wearing my tight blue tank top and a white short shorts. Ni hindi pa nga ako nakakapagsuklay!
Pagkarating namin sa bahay nila Uncle Stan ay dumiretsyo kami ni Kuya sa may garden. True to his words, nandoon nga ang lahat. Pati ang mga pinsan ko at ang iba pang anak ng AEGGIS. May videoke roon at si Ate Serise ang kasalukuyang kumakanta. Our parents are at the far side of the pool, talking. Lumapit kami ni Kuya kina Kuya Rome. Pinatabi niya ako sa pinsan ko at agad naman akong umupo roon kahit na marami pang spaces sa tabi ng mga Montreal.
'Stone cold, baby
God knows I tried to feel
Happy for you
Know that I am, even if I
Can't understand, I'll take the pain
Give me the truth, me and my heart
We'll make it through
If happy is her, I'm happy for you'
Ate Serise was singing while looking at me. I just crossed my arms and sighed. Bakit pakiramdam ko ay pinapatamaan pa niya ako. She even winked at me before continuing singing.
Pasimple kong nilingon si Seven na nakatingin lang kay Ate habang kumakanta. He's pinching the bridge of his nose while sighing. Anong problema niya?
Noong matapos si Ate kumanta ay pinukpok niya ang microphone. "Since this stupid party is celebrated for the comeback of my stupid brothers--- minus Kuya Seth, of course, I love you Kuya---- the next one to sing will be the most stupid of all the stupid people on earth, Seven Alessandro Montreal!" mahaba niyang sabi. Tumaas lang ang kilay ni Seven bago inagaw ang mic kay Ate bago hinila ang buhok nito.
"Aaw!" reklamo pa ni Ate pero umupo lang. Si Seven naman ay naghahanap pa ng kanta niya sa may songbook.
I looked at Kuya who is now.. oh my gosh, sleeping beside Kuya Noah. So much for, "Nandyan naman kami ni Serise" talk a while ago. Tutulugan lang pala ako.
Noong nilingon ko ulit si Seven ay nakatingin siya sa binti ko paakyat sa dibdib ko. Lalong kumunot iyong noo niya, even his jaws moved while looking at me. Pinisil niya muli iyong ilong niya at humarap na sa may videoke.
"Go baby! I love you!" sigaw ni Kuya Noah. Humarap si Seven at ngumisi.
"Shet baby, mahal din kita. Para sayo itong kanta." Malandi niyang sagot. Haay, bumabalik na naman ang pagkabakla niya.
'Miss you
When I close my eyes,
That's when you're near...
I kiss you,
But I know that I'm dreamin'
Girl, it's unfair
And I can't help but cry every night,
When I'm weak & you're not by my side'
The song was unfamiliar. Nakatalikod lamang si Seven sa akin at nakatutok sa screen noong videoke. Well, his song says 'I miss you..'. Maybe he's missing Allanis. Speaking of, where is she?
'Girl I just wanna hold you, in my arms
Think of you each day now we're apart
And I just want things back the way they were
Find a way back to your heart'
He glanced at me before looking at the screen again. I bit my lip and just stood up. I don't want to watch him singing, damn it! Hindi na dapat ako pumunta dito eh.
Noong palabas na ako sa gate ay huminga ako ng malalim. Be calm Cha, you have to be calm.
"Where are you going?"
Ay bullshit! Napaharap ako kay Seven na biglaan na lamang sumusulpot. Humawak ako sa gate nila kasi baka matumba ako ngayong kaharap ko siya. Oo na, ako nang tanga! Namiss ko siya, bwisit.
"Uuwi na po." I answered. Tumaas ang kilay niya.
"Po?"
Tumango ako. "Yes. You're older than me, remember?" I said. The sides of his lips curved upwards.
"Yeah right. Go home, Chantal." Pagtataboy niya. Tiningnan ko lang siya at binuksan na ang gate nila. Noong isasara ko iyon pabalik ay lumalabas na rin siya.
"W-wait, where are you going?" tanong ko. He smiled at me.
"Ihahatid ka." Sagot niya sa akin. Umiling lang ako at tinuro ang bahay namin na katabi lang ng sa kanila.
"Ayan lang yung bahay namin. Hindi mo na ako kailangang ihatid Kuya." I said. Thank god, I did not stutter.
Hindi niya ako pinansin at sinarado lang ang gate nila. Muntik pa akong mapalundag noong magdikit iyong hintuturo ko sa hinlalaki niya. Tangang kamay ko! Bakit nakahawak pa rin ako sa gate.
He smirked at me. "Relax Cha. Wala pa akong ginagawa." Aniya. Namulsa siya at tinitigan ako. I stared at him too. Ano bang nangyayari dito?
"Oh, akala ko ba uuwi na?" paalala niya. Tiningnan ko iyong bahay namin na sobrang lapit lang sa bahay nila.
"Just go back in there. Kaya ko namang umuwi ng mag isa." Katwiran ko. Tiningnan niya ulit iyong suot ko bago ngumuso.
"Nah. Not when you're wearing something like that." Aniya at naglakad na papunta sa bahay namin. Tumakbo na ako at inunahan siyang makarating sa bahay namin. Binuksan ko agad iyong gate namin at papasok na sana noong iniharang niya ang paa niya.
"Ano ba! Go away!" I hissed. Napangisi lang siya at ginulo iyong buhok ko.
"Change your clothes Chantal." Utos niya at umalis na agad. Noong makabalik siya sa bahay nila ay pabalibag kong sinara ang gate namin.
Just damn it Montreal! Asar!
----------------------------
Songs Used:
Stone Cold - Demi Lovato
Miss You - 4 Tune
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top