Unloved


24



Tahimik na ang bahay noong lumabas ako ng kwarto. Muntik mag away sina Mama at Papa dahil sa eksena noong nagharana si Uncle Ethan. I really want to ask but I should stop first. Masyado pang mainit ang bangayan na nangyari and it will only hurt my father more if I push the issue now.


Kinuha ko ang jacket ko at wallet para pumunta sa pinakamalapit na 7 11 sa village namin. It's already 11:30 in the evening and everyone is already asleep. Ako lang talaga ang hindi makatulog sa mga nalaman ko ngayong araw.


What did my father tell him? Kaya ba niya ako tinutalak noon dahil sa takot niya kay Papa? But I know my father. He only wants my happiness. Maybe there's a catch in this. Hindi ko talaga maintindihan. Kung nagsabi si Seven noon kay Papa, anong nangyari para tanggihan siya?


Pagkapasok ko sa 7 11 ay agad akong dumiretsyo sa section ng Gulp. Kumuha lamang agad ako at nagbayad bago dumiretsyo sa labas. Sa may gutter ay nakita ko si Kuya Shawn na nakaupo habang tinitingala ang buwan, sa bibig niya ay may kagat kagat siyang stick-o.


"Kuya.." tawag ko rito. Napalingon siya sa akin bago inalis ang stick-o sa bibig niya.


"Cha? Gabi na, nasa labas ka pa." aniya. Ngumiti lamang ako at tumabi sa kanya. Sinubo niyang muli iyong stick-o. Mukha tuloy siyang batang nagkukunwari na naninigarilyo.


Tahimik lamang kaming dalawa at walang kahit na anong sinasabi sa isa't isa. He kept on looking at the moon as if it was the only thing around him at that time.


"You really love the moon don't you?" I joked. Nilingon niya ako bago napangiti.


"I love the person the moon reminds me of." Imbes ay sagot niya. He rubbed jis neck and just laughed. Iyong hikaw niya ay kuminang sa dilim dahil sa ginawa niyang paggalaw.


He sighed and stared at the moon once again. Akala ko ay hindi na siya magsasalita pa ulit noong tinawag na naman niya ako. Nilingon ko siya at hinintay ang sasabihin niya.


"I wish I can unlove her." he said. My heart just went out to him. I wish I can unlove your brother too Kuya. Everything will be easier if that will be the case.


"Seven said those words back then Chantal." Seryoso na niyang sabi. Nanuyo ang lalamuna ko habang hinihintay ang kasunod ng mga salita niya.


"W-what?"


Tumikhim si Kuya at nilingon ako. "He was fifteen, sixteen I guess, I'm not sure. Papaalis na ako noon para mag aral sa States kaya nagkasalo salo sa bahay. Tinanong ni Papa kung bakit walang nililigawan si Seven, because you know how he was when we were young. Mahilig siyang magpanggap na bakla kaya natakot si Papa. Everyone was there Cha, ang buong AEGGIS nandoon, noong sinagot ni Seven si Papa. And damn it, but I remember his exact words."


Tumigil siya at tiningnan ako ng diretsyo sa mata. "I'm waiting for Chantal. Liligawan ko siya kapag lumaki na siya."


Natigilan ako sa narinig ko kay Kuya Shawn. I opened my mouth to speak but nothing came out of me. Umiling si Kuya Shawn bago napanguso na lamang.


"Pinagtawanan siya ng lahat nun Cha. Walang nagseryoso sa sinabi ni Seven. Uncle Athan says he will never let him be his son-in-law until he proves that he deserves you. Pabiro iyon Cha, pero alam kong nasaktan si Seven noon. Magmula noon ay hindi na siya nagsalita tungkol sa nararamdaman niya para sayo."


"Pero si Allanis..."


Umiling ulit si Kuya. "It was just an agreement. They never really loved each other." Sigurado niyang sabi. Napayuko ako sa nalaman ko. Does that mean...


Noong sinabi niyang mahal niya ako at pinagtawanan ko lamang siya ay hindi siya nagulat. He even said he was not surprised. Dahil ba sa ganoon din ang nangyari noong nagtapat siya kay Papa? Iniisip ba niyang hindi ko siya seseryosohin?


And what is Papa's problem? Naguguluhan na talaga ako.


Tumayo na si Kuya at inalalayan rin akong makatayo. Sabay kaming naglakad pauwi. Walang nagsasalita sa aming dalawa. It's better than this. Sa lahat ng sinabi niya ay naguluhan ako.


Did Seven really love me for that long?


Noong makarating kami sa kanila ay naroon si Seven. Nakasandal siya sa gate nila at nakayuko lamang, may earphones sa tenga at nakikinig ng kanta. Hindi niya napansin na nakarating na kami.


Lumapit si Kuya sa kanya at hinila iyong earphones. "Si Cha." Aniya at nilampasan lang si Seven. Napatingin si Seven sa akin at inalis na ang earphones sa kabilang tenga niya.


"Gabi na Cha." Aniya. Muntik pa akong mapangiti noong pareho sila ng sinabi ng Kuya Shawn kanina.


"We had a talk." Sabi ko sabay turo sa gate kung saan pumasok si Kuya Shawn. Nilingon rin ni Seven iyon bago kumunot ang noo.


"Tungkol saan?" iritado niyang sabi. Ang init ng ulo mo Montreal.


"Tungkol sayo."


Tumitig lang siya sa akin habang hinihintay ang sasabihin ko. He breathed hard before pinching the bridge of his nose.


"Kuya told me that you planned to court me when I get older."


Tumawa siya ng pagak, halatang nainis lang lalo. "Yeah, and everyone laughed their ass off after." Bitter niyang sabi. Tinitigan ko siya at nawala na ang ngiti ko.


"Iyon ba yung rason ka..."


"No." maiksi niyang sagot. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking kamay.


"But that incident made me realize that we really can't be together Cha. Mahihirapan lang tayong dalawa kasi huhusgahan tayo ng pamilya natin. Hindi nila seseryosohin kung ano man mayroon tayo dahil nga sa edad natin. I was just fifteen back then Cha, natakot ako. So I tried, god knows I really tried to move on. I tried to forget about the fact that I am in love with a six year old girl." Paliwanag niya. Huminga ako ng malalim dahil nararamdaman ko na naman ang luha ko.


"I am inlove with a six year old girl Cha." Ulit niya. Tumawa ako para mapigilan ko ang luha ko.


"Shawn told me that it was just an infatuation. Mawawala rin iyon kapag nalayo ako sayo. Kaya noong pumunta ako sa States para mag aral, naging desidido akong kalimutan ka. Kasi nga bata ka pa. Kasi masyado akong matanda sayo. Your father told me that I will just clip your wings Cha. Itatali kita sa akin dahil hindi ko kayang sabayan iyang passion mo. Na mas pipiliin mong manatili sa tabi ko kaysa ang habulin ang mga pangarap mo. Na darating yung araw, na baka ako pa mismo ang maging dahilan kung bakit hindi ka naging masaya." Huminga siya ng malalim at naramdaman ko ang panginginig niya ulit. Oh Seven..


"I'm nine years older than you Chantal. Your opportunities will be just a history to me. And you're father's right. Pipigilan lang kita sa---"


"No! No, you're wrong!" sigaw ko. Nanlaki ang mata niya at napatitig sa akin.


"You're my dream. You're the man I wished for, for every seventh day of the seventh month. You are the only one who can make me happy Seven. " pag amin ko. Naiwang nakatitig si Seven sa akin at hindi makapaniwala sa naririnig niya.


"Chantal.."


Yumuko ako at sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Naramdaman ko ang pagyakap niya sa akin. And right then and there, I knew it.


I am home.


"Don't try to unlove me again Seven. It's hopeless." Banta ko. Humigpit ang yakap niya sa akin bago tumango.


"I know." Aniya. Ngumiti lamang ako at niyakap pa siya lalo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016