Try Harder
19
"Don't wear that." Naiinis na sabi ni Seven habang hinihila iyong strapless kong blouse. What the hell is his problem? Late na ako sa trabaho!
"Kanina ka pang don't wear that, don't wear that! Umalis ka na nga sa kwarto ko!" sigaw ko. Pilit ko siyang tinutulak pero mas malakas talaga si Seven. Ngumuso lang siya at hinila iyong damit ko.
"Aissh!" sa sobrang inis ko ay ginulo ko na lamang ang buhok ko. Napangisi siya bago sumandal sa may closet ko. Tinitigan niya ako habang nakataas ang kilay niya.
"Come on Cha, fight me. I dare you. Fight me now." Aniya. Lalo siyang ngumisi habang ako ay hindi na makakuha ng damit. Nakakaasar na talaga siya. Ang sarap niya..
I mean, ang sarap niyang kalbuhin. Bwisit.
Tinitigan ko lamang siya at humalakhak naman siya. Binuksan niya ang closet ko at siya ang nangalkal ng mga damit ko. Kumuha siya ng maroon na long sleeves at floral na skirt bago iyon inabot sa akin.
"Next time, magshoshopping tayo ng damit mo." Aniya. Hinila ko iyong damit at inis siyang tinitigan.
"Pakialam mo ba sa damit ko! Lumayas ka na nga!" sabi ko rito. Dumiretsyo agad ako sa banyo at naligo. Nakakainis na kasi siya eh.
Ano bang trip niya? Walong buwan siyang hindi nagpakita pagkatapos niya akong isuka tapos ngayon ay babalik siya na parang okay na ang lahat? Ano siya, timang ganoon? O baka naman iniisip niya na tanga pa rin ako? Hah! Akala niya, makakalimutan ko din siya.
Pagkalabas ko ay nasa kwarto ko pa rin siya at inaayos iyong mga stuff toy ko. Noong narinig na niya ako ay hinarap niya ako at tiningnan ulit ang suot ko. Nilampasan ko lang siya at kumuha ng sapatos ko.
"Do you want me to braid your hair?" aniya. Di ko siya pinansin. Yumuko lang ako at tinanggal ang nakataling tuwalya sa buhok ko. Noong umayos ako ng tayo ay nag belat lamang ako sa kanya.
Ngumiti siya. "Bata." Aniya. Asar. Pukpok ko sayo yung sapatos ko eh.
Umupo na ako sa tukador ko. Sumunod naman siya at kinuha ang suklay ko.
"Ako na!"
"Ako na. Parang bago sayo ito." Aniya. Sinuklayan niya iyong kulot kong buhok bago kinuha iyong blower at pinatuyo iyon. Maya maya lang ay naramdaman ko na ang pagbebraid niya sa akin. He made a messy bun and pinned my hair with my floral hair clips.
Nakanguso siya habang nakatingin sa repleksyon ko. Tumayo lang ako at hindi nagpasalamat sa kanya.
"Iniipitan mo rin ba si Allanis?" tanong ko. Lalong tumulis iyong nguso niya. halatang nagpipigil ng ngiti.
"Bakit?" aniya. Kinuha niya ang sapatos ko bago lumuhod sa harapan ko. Damn it. Bigla akong namula habang siya ay nakayuko sa may paanan ko.
"What are you doing? Kaya kong magsuot ng sapatos ko po." Sabi ko rito. Tumawa lang siya at kinuha ang isa kong paa bago isinuot ang sapatos ko.
"I know. But I will spend the rest of my life on my knees, following all your whims. Sinasanay ko lang ang sarili ko." Sagot niya. Ano bang pinagsasabi nito?
Sa sobrang asar ko sa kanya ay iniwan ko na lamang siya sa kwarto ko. Pagkababa ko ay nandoon na si Auntie Iris na hinihintay ako. Lumabas agad ako ng gate namin at nagmamadaling pumasok sa sasakyan ni Auntie.
"May humahabol ba sayo Chantal?" nagtatakang tanong ni Auntie. Nilingon ko lang si Seven na papalabas na.
"Mayroon po. Maniac na baliw Auntie." Sagot ko. Napangiti si Auntie habang nakatingin kay Seven na isinasara ang gate namin.
"Ang gwapong baliw naman niyan." Natatawang sabi ni Auntie bago nagmaneho paalis. Si Seven ay humilig lang sa pader ng bahay namin habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Auntie.
Agad akong nagtrabaho pagkarating ko sa firm. Marami pa kasing dapat tapusin at half day lang ako ngayon dahil sasamahan ko si Ruan na manood ng sine. Gusto rin niya kasing mag tour sa Pilipinas.
"Darating daw yung client natin para dun sa model ng resort sa Pundaquit." Narinig kong sabi noong kasamahan namin. Inayos ko na ang ginagawa ko bago ko nilapitan ang mga ito.
"Ngayon po siya darating?" tanong ko. Tumango si Peter, iyong leader namin.
"Actually, nandiyan na daw. Kausap si Ma'am Iris." Sagot nito. Sakto namang pumasok si Auntie at diretsyo ang tingin sa amin. Sa likod niya ay si Seven na ngumunguya pa ng bubble gum. Nakashades siya, puting tshirt, at ripped blue jeans. Noong makita niya ako ay agad siyang napangisi.
"Yan? Ang gwapo pala." Narinig kong sabi noong kasamahan ko. Tiningnan ko lang iyon. Ang landi. Sarap hampasin ng clearbook eh. Yung makapal. Yung talagang makakasakit na.
"Morning." Bati ni Seven sa amin. Sumagot ang mga kasama ko habang siya ay titig na titig sa akin.
"Seven Montreal. I am one of the owners nung resort sa Pundaquit." Pakilala niya. Kumunot ang noo ko.
"May bago kayong resort? Paano iyong sa Italy?" biglaan kong tanong. Napatingin ang mga kasamahan ko sa akin.
"Someone's managing it already Cha. Kaya nagtagal kami ng walong buwan bago kami nakabalik dito dahil inayos pa namin iyong resort sa Italy." Paliwanag niya. Tumango lang ako at hindi sumagot.
Inilapag ni Peter iyong mga model para ipakita kay Seven. Ipinaliwanag niya iyon doon sa mayabang na Montreal na hindi naman nakikinig. Nakatingin lang ito sa akin habang pinaglalaruan iyong bubble gum sa bibig niya.
"Kumain ka na?" tanong niya bigla. Napatigil si Peter na nagsasalita. Ang bastos talaga.
Hindi ako sumagot. Nagkunwari akong hindi ako ang kinakausap niya.
"As I was saying.." Peter started. Tumayo si Seven at tiningnan ang kasamahan ko.
"Lagi bang kumakain ng lunch si Chantal?" aniya. Namula na talaga ako at tinitigan siya ng masama.
"Kuya!" I hissed. Pinalobo lang niya ang magkabila niyang pisngi. Lahat ng kasamahan ko ay sa akin na ngayon nakatingin. Ngumisi lang si Seven at mas lalo lang akong naasar.
Ang yabang yabang mong Montreal ka!
Nag walk out ako dahil hindi ko na kayang tiisin iyong titig ng mga katrabaho ko at iyong pang aasar ni Seven. I don't get him. Nakakairita na siya. Anong gusto niyang palabasin ha? Na alagain ako? That I need constant supervision? Hanggang kailan ba niya ako tatratuhing bata?
"Cha!" tawag niya sa akin. Agad akong pumasok sa elevator. Mabilis naman niyang naiharang ang kamay niya at sumunod sa akin sa loob.
"What?" inis kong sabi rito. Lumapit siya sa akin at tumabi.
"Are you mad?" aniya. Grabe lang. Ang dense talaga.
"I'm not." Sarkastiko kong sabi. Tiningnan lang niya ako at para bang hindi naapektuhan sa sagot ko.
"Why are you doing this? BUmalik ka na sa Italy! Balikan mo na si Allanis! Just let me be! I want to move on okay. I want to forget about you! Huwag ka ng lumapit sa akin dahil nahihirapan akong---"
Natigil ako sa pagsasalita noong bigla siyang gumalaw. Ikinulong niya ako sa braso niya habang nakayuko sa akin.
"I don't want that Cha." Bulong niya. Napatitig lamang ako rito. Pumikit siya bago huminga ng malalim.
"I don't want you to move on. You'll be forever stuck. I'll chase you forever. I'll chase you until you stop running away. I will keep you locked to mine." Tuloy tuloy niyang sabi. Nanlaki ang mata ko lalo na noong nagdilat siya.
"You're mine Cha." Deklara niya. Napalunok na lang ako at pinilit siyang itinulak palayo pero hindi siya natinag.
"You have to try harder than that Chantal." Paghamon niya. I can feel my tears burning.
"Lumayo ka nga..."
"Try harder." Ulit niya. Suminghot lang ako dahil sa takot ko. Natatakot akong bumalik sa dating Chantal. Ayaw ko na.
"I'm going all out now Chantal. So you really have to try harder." Aniya bago lumayo sa akin.
---------------------------
Fushigi po yung pinagkuhanan ko ng seven stars. :)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top