Spell
4
"Mama, how many times do I have to tell you that I am fine here. I'm with the Montreals." Paliwanag ko kay Mama. Kumuha lang siya ng panibagong tissue at muling bumaling sa aming facetime.
"Bakit kasi kailangang diyan ka pa mag-aral? Ang layo." Umiiyak niyang sabi. Grabe siya oh. Dalawang araw pa lang ako sa Italy.
"I'm pursuing my passion Ma. I'm here because I want to get my dream." Sagot ko. Suminghot lang si Mama bago ako tiningnan. Ayan na naman po, magtataray na naman si Leria Falcon.
May sasabihin pa sana si Mama pero inunahan ko na siya. Pinatay ko agad ang tawag bago siya maglitanya tungkol sa walang pakundangan kong pag aaral dito. Sorry Ma. But I love you tho.
I looked around my room. Pabagsak akong naupo sa kama ko habang inililibot ang tingin ko sa kwarto. Ang boring naman ng interior. Masyadong panlalaki. Walang kahit na anong pink. Paano ba yan?
Maybe I should talk to Seven? Paparenovate ko itong kwarto ko. Tapos lalandiin ko na rin siya nun. Shucks! Talino ko talaga.
Kaagad akong nagbihis para mapuntahan ko na ang 'asawa' ko. Nagsuot ako ng puting midriff at blue na high wasted jeans. Sapat lang ang balat na nakalitaw para masilip ng kaunti ang tattoo ko sa likuran.
I fixed my hair in a messy bun before going out. May naghihintay na sa aking golf cart. Nagpahatid ako sa opisina ng magkakapatid. Habang nasa daan ay panay lang akong ayos sa sarili ko.
Habang nasa daan ay nakita ko si Allanis na sakay ng isang itim na kabayo. Naka suot talaga siya ng pang cowgirl na attire, iyong mahaba niyang legs ay mas lalong humabang tingnan dahil sa boots niya. Noong tumigil siya ay napansin kong patakbong lumapit si Seven dito at inalalayan siya sa pagbaba. I saw how their bodies brushed and I suddenly hate her more.
Agad kong pinahinto ang cart at bumaba ako para puntahan sina Seven at Allanis na nagtatawanan. Nakakairita!
"Seven!" tawag ko dito. Nilingon niya ako at nawala ang ngiti niya.
"Yo!" bati niya. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa bago ngumiwi.
"Why are you dressed like that?"
Hindi ko siya pinansin. Tiningnan ko si Allanis habang hila hila niya ang kaniyang kabayo. She's very pretty kamukha na niya ang kabayo niya.
"Hi Chantal." Aniya. Plastik akong ngumiti sa kanya. Baka masabihan pa akong atribida kapag di ko siya pinansin.
"Marunong ka palang mangabayo." Puna ko sa kanya. She smiled sweetly before touching her horse's back.
"Oh she's really good. You're very good in riding, right hon?" tukso ni Seven dito. Namula ng bahagya si Allanis bago niya hinampas ang braso ni Seven.
What the hell?
Hindi ko napigilan ang matawa sa kanilang dalawa. Sabay silang tumingin sa akin na nagtataka.
"Why?" Seven asked. Oh my god, ang dense mo.
"Wala. It's just amazing na sobrang bagay kayo." Sarkastiko kong sabi. Seven's grin grew wider upon hearing me. Inakbayan pa talaga niya si Allanis.
"Bakit ka pala nandito? Naglilibot ka?" si Allanis ang nagtanong. Hindi man lang siya gumalaw para maalis ang braso ni Seven sa balikat niya.
"Nope. Gusto ko sanang kausapin si Seven." Sagot ko. Dumiretsyo ng tayo si Seven.
"About what?"
Kunwari ay nagkamot ako ng batok. "It's about my room..."
"May problema ba doon?" tanong niya. Tumango lang ako. Bnitiwan niya si Allanis.
"I'll check on it."
"Now?" paninigurado ko. Tumango si Seven.
"Hindi ba ako nakakaabala?" I even aasked, siyempre, para hindi halata.
"No." Allanis said. Hinarap niya si Seven. "Dito muna ako. I'll just play with Dapple." Aniya. Hindi na ako naghintay. Nauna na akong naglakad kay Seven para bumalik sa cart.
Noong nakasakay ako ay nakatitig si Seven sa aking likuran. I even waved at him just to snap him out of his trance.
"Hey!" tawag ko dito. Kinamot niya iyong batok niya at pinuntahan ako. Pasakay pa lamang siya ng cart ay pinitik ko bigla ang kaniyang noo.
"Aaw Chantal!" reklamo niya. Ngumiti lang ako.
"Bata." Tukso niya. Tumawa lang ako. Kung alam mo lang Seven.
Noong makarating kami ay agad niya akong inalalayan sa pagbaba sa cart. Hinawakan niya ang beywang ko and I even felt his hand linger on my exposed waist. Pero siyempre kunwari hindi ko napansin iyon. Kunwari lang.
Pagkapasok namin sa elevator ay tahimik lang kaming dalawa. Pareho lang kaming nakatingin sa repleksyon namin sa pintuan. Hanggang sa tumigil iyong elevator at makaakyat kami sa kwarto ko ay hindi siya nagsasalita.
"I really have a problem with this room." Reklamo ko habang binubuksan ang pintuan. Tiningnan ko siya na nakatingin lamang sa kamay kong pumipindot ng numero para sa code.
Noong mabuksan ko iyon ay tuloy tuloy akong pumasok. Alam ko namang nakasunod lamang siya sa akin.
"Anong problema ng kwarto mo?" tanong niya habang nakatayo sa may sala. Sumalampak ako sa sofa at ngumuso.
"Ayaw ko yung design." Sabi ko. Kumunot ang noo niya at tiningnan ang buong paligid.
"This is the best room that we can offer Chantal."
"Pero masyadong panlalaki itong kwarto. Wala man lang kahit na anong pink. Atsaka saan ako magpipinta dito? Wala ng space para sa canvass ko." Tuloy tuloy kong sabi. He was about to say something when an idea popped into my mind.
"Saan ka nakatira?" I asked.
"Sa towers, malapit doon sa rancho."
"Malayo ba yun dito?"
Nag isip siya sandali. "Twenty minutes siguro kung may sasakyan ka." Aniya. Ngumisi ako.
"Can I stay there? At your house?" I said. Seven's eyes widened.
"Chantal---"
"Panigurado malaki iyong bahay mo dahil isa ka sa mga boss dito. And I'm sure there is something pink there, you likepink too right? Sige na Seven doon na lang ako sayo." I pleaded. He closed his eyes tightly.
"Cha...hindi pwede."
I held my breath to force my eyes to water. "Bakit hindi? Ayaw ko dito. Wala akong kilala. Ang layo pa ninyo nila Kuya Shawn. Gusto ko malapit sa inyo." Dagdag ko. I looked downwards before sniffing.
"Please?" I begged. He looked at me for a moment before sighing. Labag sa loob siyang tumango.
"Fine fine." Sagot niya. Napatili ako at tumalon mula sa kinauupuan ko. Yumakap ako sa kanya at lumambitin sa kanyang leeg. Hmmn, bango talaga ng asawa ko.
"Thank you Seven!" I whispered on his ear. Awkward niyang tinapik tapik ang likod ko.
Humiwalay ako ng kaunti sa kanya. Our faces were just mere inches apart. I looked at his lips and I felt my heart skipping a beat.
"Chantal..." bulong niya. Bahagya niya akong itinutulak.
Pumikit ako at idinampi ang labi ko sa gilid ng kanyang bibig. I heard him groan. Lalayo pa sana siya pero iyong braso ko sa kanyang leeg ay lalong humigpit.
"Cha!"
Mas lalo kong idiniin ang katawan ko sa kanya. Iyong buong bigat ko ay nasa kanya na. His hands tightened around me.
"Fuck!" mura niya noong bumagsak kami sa sofa, with me on top of him. Iyong kamay niya ay pumaikot sa ulo ko, pulling me deeper, kissing me more. He bit my lower lip, nibbling it not so gently.
Pinilit kong hindi gumawa ng kahit na anong ingay. I know any sound will break the spell. And this magic is too damn wonderful to end now.
His hand tightened around me and I groaned. Doon ay bigla siyang tumigil. Nagdilat siya at naitulak ako.
Pinunas niya ang kanyang dalawang kamay sa mukha bago ako tiningnan.
"Iligpit mo na ang gamit mo. Ipapasundo na lang kita mamaya para makalipat ka." Madiin niyang sabi. Matapos noon ay walang lingon likod siyang naglakad palabas.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top