Special Chapter- MIDLOGUE #1


MIDLOGUE


May midlogue ba? Di ko rin alam. Imbento ko lang yan. Pauso pa more. Haha di ko na alam sinasabi ko so shut up na lang ako. Break lang before tayo magseryoso sa Seven Stars :)

Hala, enjoy the patikims :) Maikli lang po kasi nga patikim lang haha. Wag nyo na bombahin inbox ko neh?

Happy Mother's Day. Mahal ko kayo Penders. Enjoy :)


Sa susunod sina Shawn :)

--------------------------------


Nakakaloka. Iniwan ako nung mga kasama kong mag isa sa kwarto. Wala na si Allanis tsaka si Chantal nung nagising ako. Ang aga aga lumandi ng mga yun.


Noong nagdilat ako ay muntik pa akong malaglag sa kama ko. Sino ba naman kasing matinong tao ang hindi magugulat kapag nakita mo yung boss mong nakahiga at nakatitig sayo hindi ba?


Diba? Abnormal ka na lang kung di ka magugulat! Lalo na kung ganyan kagwapo---este kagago yung nakatitig sayo! Bwisit, nadulas ako.


"Oy! Hanggang kailan ka matutulog diyan? Hindi pa ako nagaalmusal." Reklamo niya. Siyempre di ako sasagot. Kadiri. Di pa ako nagmumog.


Inalis ko lang iyong kumot na nakabalot sa akin. Si Seth ay naiwan lang na nakatayo sa may paanan ko at lantaran na nakatingin sa dibdib ko.


"Manyak kang balahurang bakla!" asar! Aish. Kung makatitig parang susunggaban na ako ah!


Ngumisi siya. Ay, pisting ngisi yan oh. "Sinong bakla?" aniya, naghahamon. Yumuko siya at pagapang na lumapit sa kinahihigaan ko.


Hala, hala! Ginagapang ako!


"Rape!" sigaw ko. Huhu, ayaw kong marape! Ayaw ko ng ganun! Mahal ko ang hymen ko!


Bigla ay natawa si Seth habang nasa ibaba ko. Ako naman ay halos mapahiga na para lumayo lang sa kanya. Jusko, tukso! Ang aga aga mong rumaket! Di pa ako ready!


"Damn it." Aniya habang napapangisi. Lumayo na siya sa akin tuloy. Sayang... ay ibig kong sabihin, buti naman lumayo na siya.


"Wag ka ng magbihis. Cook my breakfast while wearing your nighties." Utos niya. Nanlaki ang mata ko.


Hala, manyak talaga oh.


"Pakyu Seth." Sabi ko sabay takbo sa banyo. Bwisit!


Dapat pala nagpanty na lang ako, kaasar!


Nicheck ko iyong phone ko. Nakatulog na kasi ako kagabi bago ko pa makachat iyong kachat ko, hehe. Ang gulo. Alangan naman kachat mo yung katext mo diba? Aish basta.


Bawat alas dose ng gabi, nakakachat ko yun. Nag oonline siya tapos kinikwneto niya kalandian niya. Babaero din kasi yun eh. Parang yung boss ko lang. Pero atleast si MushroomPalitaw, haha iyan kasi yung username niya, ay mas mabait sa boss ko.


Dumiretsyo agad ako sa kusina para hainan iyong boss ko. Kung bakit ba naman kasi anak ng mayaman si Seth at umaasa lagi sa akin. Pag ako talaga nakapag asawa ng mayaman, who you siya sa akin.


Promise, mag aasawa talaga ako ng mayaman.


Pinagluto ko siya ng paborito niya. Dalawang pirasong itlog at isang hotdog na tostado. Inilapag ko iyon sa harapan niya habang siya ay napapangisi lang na nakatingin sa akin.


"Kumain ka na!" sigaw ko dito. Kakabwisit na ngisi yan. Burahin kita sa mundong ibabaw eh. Bawal yan!


Napailing lang si Seth at tinusok iyong hotdog ng tinidor. Habang kumakagat siya ay nakatitig lang siya sa akin bago napapatawa.


"Ang gwapo ko diba?" aniya. Aish.


"Bubuhusan kita ng kape, bwisit ka." Masungit kong sabi bago siya iniwan sa kusina.


Buong araw akong ginulo ni Seth. Siguro wala siyang kasama dahil si Sir Shawn ay nakatutok sa resort habang si Sir Seven at si Cha ay di pa rin bumabalik. Si Ma'am Allanis naman ay di ko alam kung nasaan. Nalunod na yata.


Bakit ganun? Lagi na lang akong iniiwan? Ano bang meron sa akin ha? Kakaasar.


Noong gabi na ay inaya ako ni Seth sa beach party. Ayaw ko pa sana kaso mapilit siya. Libre daw niya ako. Pumayag na ako. kawawa naman eh.


Nagsuot ako ng seksi. Yung mapapaluwa talaga mata ng mga tao. Jusko, malapit na akong mag twenty five, wala pa akong boypren. Malaki naman boobs ko ah.


Nagsuot lang ako ng shorts na parang panty na tsaka puting sando. Pagkalabas ko ng kwarto ay napanguso na si Seth noong makita ako.


"Suot mo yan?" tanong niya. Di ko siya pinansin. Mag aaway na naman kami eh.


Nung ngang nag shorts kaming tatlo muntik na silang mag world war nila Sir Shawn. Kakaloka yun. Pinagkumot ako buong byahe. Asar. Ang arte arte nila. Di naman niya ako girlfriend ah.


Sumunod siya sa akin at sumabay sa paglalakad ko. Tahimik lang kami ni Sir habang naglalakad papunta doon sa beach party. Ilang beses pang nagbubungguan iyong kamay namin kasi nga magkatabi kami.


"Aish." Narinig kong sabi niya sabay kuha sa kamay ko. Pinagsalikop niya yun at hinawakan.


"O-oy Ser!"


"Huwag kang maingay. Bumabangga sa kamay ko eh. Hinawakan ko na lang." paliwanag niya. Ah, kaya pala eh.


Asus Bullet. Akala ko naman minamanyak na ako.


Nagsisimula na iyong sayawan noong makarating kami ni Sir. Agad kaming pumwesto sa may gitna ay nagsayaw.


"Hahanap lang ako ng lalaki ko!" sigaw ko sa tenga niya dala na nga rin ng ingay.


"What?"


"Sabi ko hahanap ako ng lalaki ko!" sigaw ko ulit. Ang gwapo gwapo mong bingi Sir.


Umiling siya. "Dito ka lang." aniya. Napanguso ako at lalayo na sana noong hinila niya ako. Nagsayaw siya sa likuran ko at halos di na ako makagalaw.


Ay bwisit naman oh! Ang dami palang tao. Paano ako hahanap ng lalaki? Osya, dito na lang nga ako.


Wala na akong choice eh.


Lumapat iyong kamay ni Sir sa beywang ko habang sumasayaw sa likod ko. Ramdam ko iyong init ng palad niya dahil nga litaw iyong tiyan ko sa suot ko. Patuloy lamang kaming sumasayaw dalawa. Di ko na nga namalayan na nakaharap na ako sa kanya at nakapulupot na iyong braso ko sa leeg niya.


Tinitigan ko lang si Sir. Ang gwapo pala nito noh? Kaya siguro ang daming babae. Sabagay, mayaman na, gwapo pa. Nag eenglish pa. Ano pang hahanapin diba? Kung di lang talaga hinayupak tong boss ko, magugustuhan ko siya.


"Bullet..."


"Oh?"


Ngumisi na naman siya. Mas dinikit niya iyong katawan ko sa kanya at halos di na kami sumasayaw. Magkayakap na lang kami.


Yumuko siya at dinampi ang labi sa akin. Napapikit naman ako at sinagot iyong halik niya. Dumako iyong kamay niya sa batok ko at mas pinalalim iyong halikan namin. Noong hinawakan niya ang pisngi ko ay doon ko binuksan ang bibig ko para sa kanya. Narinig kong napaungol siya at lumayo sa akin.


"Gumagaling ka na ah." Aniya habang nakatingin pa rin sa labi ko. Tumawa lang ako.


"Magaling kang magturo eh." Sagot ko. Umiling lang siya at hinalikan ako ulit.


------------------------------

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016