Seven Stars
3
"What is this Chantal Eleanor?" galit na galit na tanong ni Papa sa akin. Ibinagsak niya sa harapan ko ang plane ticket ko at ang admission letter na natanggap ko. Humarap ako ng nakangiti rito bago ako tumayo at niyakap siya.
"Papa..."
"Huwag ka ng mag pacute." Sabat ni Kuya habang nakanguso at naglalaro ng saxophone niya. Sinimangutan ko lang siya at binalingan ulit si Papa.
"Bakit hindi mo sinabi sa amin ng Mama mo ito?" inis niyang tanong. Nilingon ko si Kuya na nanahimik na sa may sala. Siya lang kasi ang nakakaalam na pupunta akong Italy para mag aral ng fine arts. Pero siyempre kunwari lang iyon. Ang totoo ay susundan ko si Seven.
Four years ago he brought Allanis here in the Philippines as his fiancée. Pero hanggang ngayon ay hindi pa sila naikakasal dahil wala pa rin silang basbas ni Uncle Stan. Hindi ko alam kung bakit ayaw ni Uncle kay Allanis pero masaya ako dahil doon. Ibig sabihin noon ay hindi pa huli ang lahat para sa amin ni Seven. May chance pa ako.
Pupunta ako ng Italy at ipapakita ko sa kanyang hindi na ako bata at ako ang dapat niyang pakasalan. I don't care if I become the bad guy here. Alam ko anmang hindi nila mahal ang isa't isa. Kasi kung mahal ni Seven si Allanis, dapat walang makakapigil sa kanyang pakasalan ito diba? Ate Serise told me that no one can stop a Montreal who is inlove. Kaya kung may pumipigil kay Seven at ibig sabihin noon na hindi niya mahal si Allanis.
"Kasi nga magagalit ka. Papa matanda na ako. Gusto ko ng ipursue ang passion ko." Katwiran ko. Yeah, I'll pursue my passion Pa. A passion named Seven Montreal.
Huminga ng malalim si Papa. "Saan ka titira sa Italy? Wala ka pa namang kakilala roon. You don't even speak the language."
"May resort sila Seven doon diba? Sakto, fifteen minute drive lang sa University yun, free accommodation pa. And I can easily learn Italian Pa." patuloy kong pangungumbinsi. Tinitigan lamang ako ni Papa ng matagal.
Well,I know I am Athan Falcon's weakness, aside from Mama siyempre. Di naman ako matitiis ni Papa. I am his princess and he is bound to follow all of my whims.
Noong tumango si Papa ay napatalon ako sa sobrang saya. Niyakap ko siya ng mahigpit at masayang tumakbo sa aking kwarto para ipagpatuloy ang pag iempake.
Hindi ko namalayan na nakasunod pala si Kuya sa kwarto ko. Umupo siya sa may sahig habang ako ay aligaga sa pagliligpit.
"Di mo ako tutulungan?" tanong ko dito. Umiling lang si Kuya.
"Pagod ako." sagot niya sa akin. Napaismid na lang ako at tinalikuran ulit siya. Nakakainis na kapatid.
"Dalhin mo ito." Aniya. Tiningnan ko siya habang nakatingin sa box ng tissue. Kumunot ang noo ko doon.
"Bakit naman?"
"Para may pampunas ka kapag umiyak ka na naman." Simple niyang sabi. Humikab siya at umakyat sa kama ko. Hindi agad ako nakakilos sa sinabi niya.
"Kuya..."
"Nagpatattoo ka pa talaga Cha. Pasalamat ka tinatamad akong magsumbong." Iritado niyang sabi. He is referring about my back. I have the seven stars tattoed on my lower back. I had it when I turned 18. Mula noon ay nakatatak na si Seven sa balat ko.
"Suportahan mo na lang ako Kuya." Sabi ko dito. Nagdilat siya bago pumikit ulit. Hindi na niya ako sinagot kaya nagpatuloy na lamang ako sa pagliligpit.
Kinabukasan ay hinatid ako nila Mama sa airport. Gulat na gulat pa nga ang ina ko noong malaman niyang aalis na ako. Muntik pa silang mag away ni Papa dahil daw kinukunsinti ako ni Papa.
"You will call Chantal. Bawat oras ha?" paalala ni Mama sa akin. Niyakap ko lang siya bago tumawa.
"Mama naman, di ba pwedeng every after class?" natatawa kong sabi. Pero hindi man lang ngumiti si Mama. Noong bumitaw ako sa kanya ay si Papa ang sinabunutan niya sa inis.
"Kapag may nangyari sayo doon.." naiiyak na si Mama. Umakbay sa kanya si Papa.
"Ria, nothing will happen."
"Bakit mo kasi pinayagan Nathaniel?!" sigaw ni Mama. Sunod kong nalaman ay umiiyak na siya. Tumawa lang ako at niyakap ang mga magulang ko. Bumitiw lang ako sa kanila noong tinawag na ang flight ko. Kinuha ko ang mga bagahe ko kay Kuya na busy sa lollipop.
"Alis na ako." paalam ko sa kapatid ko. Tumango lang siya at tinulak pa ako. Ang sweet lang talaga grabe.
"Yung noo niya ha? Huwag mong masyadong pipitikin." Biro ko dito. Muntik mahulog ang lollipop niya.
"Lumayas ka na Chantal." Malamig niyang sabi. Tumawa lang ako at pinitik ang noo ni Kuya. Pumasok na ako at nagpaalam na sa pamilya ko.
Hindi ako makatulog sa buong byahe. Sobra akong excited. I am about to go to war now. And I plan to win this even though I will bleed to death. Bahala na si batman, basta sa huli ay Montreal na dapat ako.
Umaasa ako sa batas nila. A Montreal only falls inlove once. Iyon dapat ang panghawakan ko. Akin ang kaisa isang pagkakataon ni Seven na magmahal.
Pagkarating ko sa Italy ay may sundo na agad ako. May placard siya ng pangalan ko habang nakaabang sa aming mga lumalabas. Mabilis akong tumakbo papunta rito.
"Hello po. Chantal Falcon." Pakilala ko sa lalaking nakaabang sa akin. Inalis niya ang salamin niya sa mata bago ginulo ang buhok ko.
"Alam ko." Natatawang sabi ni Kuya Seth. Napabilog ang bibig ko at agad na niyakap siya. Grabe, ang tagal ko siyang hindi nakita!
"Welcome to Italy, Chantal." Sabi niya sa akin. Pinakuha niya sa mga bodyguards ang gamit ko bago niya inilahad ang braso sa akin. Kumapit ako sa brother-in-law ko at sumabay maglakad rito.
"Thank you po. Wala kayong trabaho Kuya?" tanong ko dito. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.
"May meeting dapat ako at si Shawn ang susundo sayo. Pero biglang nag bago ang isip niya at ako ang pinapunta dito sa airport." Paliwanag niya. Tumango lang ako at hinintay siyang makapasok sa kotse.
"Si.. si Seven po?" tanong ko dito. Tiningnan ako ni Kuya Seth.
"Nasa meeting kasama si Shawn. Pero siguro tapos na sila niyan. Kaya makakasabay pa natin silang mag lunch sa resort. By the way, I will introduce you to your bodyguards Chantal. Hindi ka pwedeng pumasok sa university na wala sila sa tabi mo ha?" sabi niya. Napalabi naman ako. Bodyguards? Ibig sabihin ay walang freedom.
"Pero Kuya..."
"No buts Cha." Natatawang sabi ni Kuya Seth. Tumawa na lamang ako at nakipagkwentuhan kay Kuya. Kahit kailan talaga ang easy going ni Kuya Seth. Pero minsan masungit. Sabagay, kung ikaw ba naman ang may mukhang ganyan, legal na ang magsungit. But still, Seven pa din ako.
Nakarating kami sa resort nila. Muntik pa akong malula noong makita ko kung gaano kagara iyon. What the hell. How did the three of them build this? Ang bata bata pa nila ah.
May nagescort na sa aming dalawa sa isang private room. Nauna akong naupo at pumwesto naman si Kuya Seth sa may tapat ko. He talked in Italian before looking back at me.
"Let's wait for Shawn. Parating na daw sila." Sabi niya. Tumango lamang ako at tiningnan ang buong lugar. Gothic red tiles and gold plated red and black walls. Iyong kwarto ay parang bahay ng isang sosyalerang bampira.
Noong bumukas ang pintuan ay naunang pumasok si Kuya Shawn. Mabilis akong lumapit dito at yumakap sa kanya. Sinagot naman niya iyon bago ako binitawan at tumabi kay Kuya Seth.
"Si Seven?" tanong ni Kuya Seth. Buti na lang tinanong niya iyon. Hindi pa nakakasagot si Kuya Shawn ay nagbukas ulit ang pintuan. Pumasok mula roon si Seven habang kinakalas ang kanyang necktie.
My breathing hitched as I watch him. Ginugulo niya ang buhok niya pati na rin ang coat and tie niya. Noong makita niya ako ay bahagya pa siyang natigilan. Inunahan ko siya at agad na lumapit sa kaniya. Binigyan ko siya ng isang halik sa pisngi bago ako lumayo.
"Hello Seven." Bati ko sa kanya. Ngumiti lang siya at ginulo ang aking buhok bago ako nilampasan. Umupo agad siya at hindi na ako tiningnan.
Damn it! Dapat ay tingnan niya ako. I specifically wore a body hugging shirt and jeans just for him to notice my curves at para marealize niyang hindi na ako bata. Kung hindi niya ako titingnan ay masasayang lag ang effort kong magsuot ng pambalot ng suman.
Naglakad ako pabalik sa upuan ko noong narinig ko ang tawag ni Kuya Shawn sa akin. Noong humarap ako ay nakakunot ang noo niya.
"May dumi ka ata sa likod mo Chantal." Sabi niya. Tumawa lamang ako at umupo.
"Hindi po dumi yan."
Lalong nangunot ang noo niya. "Then what is that?" he asked again.
"A tattoo." I said. Biglang naibuga ni Seven ang iniinom niya at gulat na gulat na tumingin sa akin.
"Tattoo? Are you out of your mind?" tanong niya na para bang ang laki kong tanga. I just crossed my arms against my chest before drinking.
Biglang nag iwas si Seven noong mapansin ang dibdib ko. Uminom ulit siya bago niya chineck ang kanyang cellphone. Gusto kong matawa sa reaksyon niya pero pinigilan ko iyon.
Dumating na ang pagkain namin. Kasabay noong waiter ay ang pagpasok din ni Allanis. Nakasuot siya ng puting dress at nakalugay ang kulot kulot niyang buhok. Ngumiti siya sa akin at agad na tumabi kay Seven.
"Welcome to Italy." Pagbati niya sa akin. Tumango lang ako at pinagdiskitahan ko ang pagkain ko.
"Kumain ka ng lobster Chantal. Masarap iyan." Alok ni Kuya Seth sa akin. Tumango lang ako at aabutin sana iyon noong si Seven ang kumuha at iniabot sa akin.
"Huwag kang tuwad ng tuwad Chantal." Madiin niyang bulong sa akin. Ngumuso lang ako at kumuha ng lobster.
Si Allanis naman ay tahimik lang na kumakain sa tabi ni Seven. Kami lang ni Kuya Seth ang nag uusap tungkol sa Pilipinas at panakanakang sumasali sa usapan si Seven. Si Kuya Shawn naman ay kumakain lang din.
"Gusto mo ng nuts?" tanong ni Kuya Shawn sa akin. I was about to reject it when Seven talked.
"Allergic siya sa nuts Shawn." Simpleng sabi ni Seven. Napanguso ako at tiningnan ang reaksyon ni Allanis. Nakatingin siya sa pinggan na iniaalok ni Kuya Shawn sa akin bago siya yumuko at umiling.
"Oh? Sorry di ko alam. By the way, I have a meeting. Mauuna na ako." paalam ni Kuya Shawn sa amin. Pinunasan niya ang kanyang bibig bago tumayo at umalis na sa kwarto.
"Pinapakumusta kayo ni Ate Serise." Sabi ko. Ngumiti si Kuya Seth.
"Oh I miss that brat." Aniya. Tumango lang ako at tiningnan ulit si Seven na nakatingin lamang sa aming dalawa ni Kuya Seth.
"Excuse me." Paalam bigla ni Allanis at lumabas na din. Sinundan ko siya ng tingin bago ko muling binalingan si Seven at Kuya Seth.
"Mauuna na rin po ako sa kwarto ko. Gusto ko sanang magpahinga muna." Anas ko. Tumayo si Kuya Seth at inilapag ang kanyang table napkin.
"Ihahatid na kita---"
"Ako na... ako ng maghahatid Seth." Matigas na sabi ni Seven. Tuloy tuloy siyang lumabas ng kwarto at hindi ako hinintay.
"Eh di ikaw." Parang batang sabi ni Kuya Seth. Ngumiti lamang siya at niyakap ako.
"Pahinga ka na Chantal." Bilin niya. tumango lamang ako. Sasagot pa sana ako noong kumatok si Seven.
"Chantal!" tawag niya. Kinuha ko na ang purse ko at lumabas.
"Ang tagal." Reklamo niya. Tumawa lang ako at naunang naglakad sa kanya papunta sa elevator. Sumunod siya at siya na rin ang pumindot sa floor number.
Ang sungit sungit mo Montreal.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top