Seven

18


"Just damn it Serise! Nakikipag usap ako sayo ng maayos!" I shouted. Kulang na lang ay ihampas ko sa pader ang laptop ko habang iyong bunso namin ay prenteng naglalagay lang ng pangkulay sa kuko niya.


Bigla na lang umuwi si Chantal pagkatapos niyang ibinigay iyong painting sa akin. And goddamn it but I understand the painting very well! She painted the seven stars! She's giving the seven stars back to me! She's fucking giving it back to me! And fuck it, but I get so... so... oh just damn it!


Tapos ngayon ay uuwi siya? Asar. How can that happen? I never meant for her to leave. I just want some time and space to sort my shits out! Chantal is scaring me. Natatakot ako sa kanya! Oh, just fuck this life.


That child will be the death of me. Hindi ko alam kung anong mayroon sa kanya at nagkakaganito ako. We are born to rule. Nanalaytay sa dugo namin iyon. Walang kahit na sino ang magiging rason para maging mahina kami. But then, si Chantal, she's making me weak.


"I told you I won't talk to you until you are bobo." Mataray na sagot ng kapatid ko. I pinched the bridge of my nose. Minsan talaga nakakaubos ng pasensiya si Serise.


"Bakit biglaang umuwi si Chantal, Serise? Anong sinabi mo sa kanya?" tanong ko. Serise just scoffed at me. Ibinalabag niya iyong nail polish sa mesa bago ako tinuro.


"Ang... arrgh! Kapatid ba talaga kita? Why are you so stupid?!" she screamed. Napangiwi ako dahil sa lakas ng boses niya.


"Nanggigigil ako sayo! And don't you dare ask me why did Chantal returned here. Common sense naman Seven." Daldal niya. Inihilamos ko na ang palad ko sa pisngi ko bago ko pinilit na kumalma.


I tried calling Caius a hundred of times pero tinatamad yata siyang sagutin ang tawag ko. My last resort is my sister. Siya lang talaga ang makakasagot kung bakit biglaang umuwi si Chantal. If my guess is right, then I am doomed. I am completely doomed.


"Se.. please." Nagmamakaawa ko ng sabi. Tinitigan ako ng kapatid ko bago lumambot ang ekspresyon niya.


"Why do you insist on hurting yourselves, Seven? Pareho kayo ni Shawn." Nagtatampo niyang sabi. Hindi ako sumagot. Tinitigan ko lamang siya.


Umiling lamang siya. "I won't give you the answer. Alam kong alam mo kung bakit siya umuwi Seven." Aniya. Nakagat ko ang labi ko sa sagot ng kapatid ko. I just smiled bitterly.


"She's giving up on you." Dagdag pa niya. Napangiwi ako. Fuck. This is what I want right? I want her to give up on me. I want her to stop. I want her to leave. Iyon ang gusto ko dahil natatakot ako sa kung ano man itong mayroon ako para sa kanya.


"You're so stupid. Bakit kasi hindi mo na lang pabayaan si Allanis." Galit nitong sabi sa akin. I just stared at my sister. Wala siyang alam. Kaya niya nasasabi iyan dahil hindi niya alam ang totoo.


"Bye Serise. I love you. Tell Mama, I love her." sabi ko bago pinatay ang tawag. Sinara ko ang laptop ko at tiningnan ulit iyong binigay na painting ni Chantal. I just breathe hard while looking at it.


The legend of the seven stars. Naalala kong ako pa mismo ang nagturo sa kanya noon. It's a Japanese legend about a girl having seven men who will dedicate their lives just to protect her. Among those seven men is the girl's greatest love.


Maybe she was fascinated by the thought of a man and a woman finding each other despite being separated by two different worlds. Or maybe it is because of the promise of love. Alin man doon, alam kong nahumaling si Chantal sa kwento. But it is just a story. The seven stars is just a legend. Sa huli, hindi rin naman pwedeng magkasama ang babae at lalaki sa kwento dahil magkaiba sila ng mundo. It's too tragic and realistic.


I've always believed that I should never be with Chantal. Bata pa siya. Masyado pa siyang nahuhumaling sa mga kwento. Masyado pa siyang naniniwala sa mga fairytales. What if reality hits her? Will she get tired of the legend? Will she give up? Will she run away?


She did not get tired of the legend. She got tired of me.


Kumuha ako ng alak at sigarilyo bago ako pumunta sa dagat. Hindi na ako nagulat noong makita ko si Allanis na nakaupo sa may dalampasigan at nakatitig sa buwan. Hindi niya napansin na tumabi ako sa kanya hanggat di ko pa siya kinakalabait.


"Hey." Bati ko dito. Ngumiti lang siya at tinitigan ulit iyong buwan. Pinagsalin ko siya ng alak sa baso bago ko iyon iniabot sa kanya.


"Dumating daw si Serise?" aniya. Tumango lamang ako. Uminom si Allanis bago biglang natawa.


"Your sister really hates me."


Tumango ako. "She hates everybody." Dagdag ko na lang. Tumawa ulit si Allanis bago ako tiningnan.


"Hindi ka ba uuwi sa inyo? Chantal's there." She said. Humithit ako sa sigarilyo bago ako umiling.


"I don't know Lane." Sagot ko. Iyon naman kasi ang totoo. Hindi ko alam ang gagawin ko. Will I chase her? Is that what I really want? Will I keep on running away? Damn.


"Baka naman nagdadalawang isip kang umuwi ng dahil sa akin Seven. I already told you that I'm fine---"


"Nah, Allanis, I promised you I will help you."


Lalong umigting ang pag iling niya. Umayos siya ng upo para mas makaharap ako. "Look, Seven Montreal. I know you're doing this because you are a good friend and I am thankful for that. Pero hindi natin pwedeng ipilit na makasal tayo. I'm turning 28 already. Wala na akong magagawa kung hindi sundin si Papa. At ikaw.. it's much better if you go home and fix everything with Chantal." Utos niya. Napanganga ako. Alam kong may dapat akong sabihin pero hindi ko magawa. Hinawakan ni Allanis ang kamay ko at ngumiti sa akin.


"It's high time you accept it Seven. You can't run away from her. Ngayon pa nga lang na wala pang isang araw na nakakauwi siya, nagkakaganyan ka na." biro niya. But I couldn't laugh.


"Allanis..."


Sumeryoso siya. "Look, Seven. I know if I will not be married to you, I will be married to a total stranger and that's perfectly okay. Hindi mo responsibilidad iyon. Who knows, baka yung stranger na yun talaga yung para sa akin." natawa siya ng bahagya. Hinawakan niya ang baba ko at pilit akong pinatingin sa kanya. I willed myself to be affected by her eyes the same way Chantal's affects me. I waited. And waited.


It did not come.


"Siguro di mo pa tanggap sa ngayon. But Seven, I can clearly see it. You love her, right? Let's call the engagement off. Go to Chantal." aniya. Nanlaki ang mata ko. Biglang kumalabog ang dibdib ko.


"W-what?" nanginginig kong sabi. Allanis laughed so hard.


"Oh my gosh, Montreal. Manang mana ka sa kuya mong dense." Aniya at tumayo na. Pinagpagan niya iyong buhangin sa binti niya at hinila na rin ako patayo.


"I-I'm not... Allanis, I'm not.." nauutal kong sabi. Fuck this shit!


Naglakad na siya habang natatawa. Pabaligtad ang hakbang niya at nakaharap pa rin sa akin. She pouted and stared at me.


"Ang cute mong magdeny." Natatawa niyang sabi. I was about to say something when I saw Shawn walking towards us. Humakbang ulit si Allanis at nabangga siya sa katawan ni Shawn. My brother immediately held her shoulders to keep her from falling.


"Sorry." Sabi ni Allanis at agad na lumayo sa kapatid ko. Tiningnan lang siya ni Shawn at hindi ito nagsalita.


"Gabi na."  masungit niyang sabi. Nagkibit balikat lamang ako. Inakbayan ko si Allanis at hinila palapit sa akin. I saw how my brother's jaw clenched before looking away.


"Shawn.." tawag ko dito. Tumaas lang ang kilay niya.


"What?" inis niyang sabi. Tiningnan ako ni Allanis at kinindatan ko lamang siya.


"Allanis and I..." pasuspense kong sabi. Wala lang. Gusto ko lang inisin ang kapatid ko. Duwag na nga, bobo pa.


"We're not getting married anymore. Ibang lalaki na lang daw papakasalan niya." sabi ko. Narinig ko ang pagsinghap ni Allanis sa gilid ko.


"What the fuck are you saying?!" gigil na sabi ni Allanis. Ginulo ko lamang ang buhok ko. Si Shawn naman ay mas lalong nainis sa akin.


"Why won't you marry her?" tanong ng kapatid ko sa akin. Bigla ay ako naman ang natigilan.


Why won't I marry her? She's almost perfect for me. Bakit nga ba? Isang sabi lang ni Allanis na wala akong responsibilidad sa kanya ay umurong na ako sa kasal.


"He loves Chantal." Si Allanis ang sumagot para sa akin. Nakatingin ito kay Shawn habang ang kapatid ko ay pabalik balik ang tingin sa amin.


"So you finally realized it now?" Shawn mocked me. Napangisi lang ako at lumapit dito. Tumango ako at inakbayan siya.


Do I? Am I? Am I really inlove with that child?


Natatawa na lang ako sa sarili ko. "Tang ina Kuya, she's my rule." Sumusuko kong sabi. Yeah.. yes.. she is. Fuck it. Bakit ngayon ko lang narealize iyon?


No. I knew it a long time ago. Hindi ko lang tinanggap. Hindi ko matanggap na mahal ko si Chantal. Damn it.


Hinawakan ni Allanis iyong kamay ko at ngumiti sa akin. "You're no longer stupid." Aniya. Tinitigan ko siya at niyakap ng mahigpit.


"Thank you Lane." Anas ko. Tumango lamang siya at tiningnan ko ang Kuya ko.


Napailing talaga ako. Serise is right. I am stupid. But Shawn is more stupid.


Pucha, mahal ko si Chantal. Ang bobo ko.


She's my fucking rule.

----------------------

Chantal po.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016