Rose Scented Breeze
33
Agad na ipinasok si Seven sa emergency room. They did not allow me to enter and left me at the hallway, waiting for him.
Nanatili lamang akong nakasandal sa pader at hinihintay na bumukas iyon. I stared down at my bloody dress. Pilit kong pinunasan iyong natuyong dugo mula roon pero ayaw na nitong maalis.
It hurts too much. My chest hurts too much. Why can't the blood just go away? Why can't it just fade? Why did that happen to Seven?!
Napahawak ako sa dibdib ko at umupo sa sahig. My tears are uncontrollable already. Hindi na ako makahinga sa kakaiyak. Sising sisi ako. If only I did not insist on going to the bar. If only I lowered my pride. If only I did not become too stubborn. If only I let him explain.
If only I am mature enough to see that I am truly childish. Kung sanang tinanggap ko na pareho kaming mali ni Seven dahil hindi namin inintindi ang isa't isa. Kung sanang nag usap kami ng mas maayos at hindi ko siya pinangunahan, hindi kami aabot sa ganitong sitwasyon.
If only.. damn it!
Napahawak ako sa dibdib ko habang tuloy tuloy lamang ang iyak ko. Natatakot ako. NAtatakot ako na baka kapag lumabas ang doktor ay sasabihin niya sa akin na wala na si Seven. At kapag nangyari iyon, alam kong ako lang ang dapat na sisihin.
Bakit ba kasi ang damot ko? He's right. I am childish. A child is selfish. A child never shares his toys. I never wanted to share him with anyone else. Hindi ko nakita na may puso si Seven na nakalaan para sa lahat, hindi lang para sa akin.
I cannot completely own him. His heart is his. I can only have one piece of it and the rest for everyone.
"Cha.."
I looked up and saw Allanis standing near me. Agad na napalitan ng awa ang ekspresyon niya noong makita niya ang kalagayan ko.
"Oh god Chantal." Naiiyak niyang sabi. Nilapitan niya ako at agad na niyakap. I cried on her shoulders and she rubbed my back.
"Si Seven.."
Kahit ako ay naawa sa tono ng boses ko. I sounded like a child who is too afraid of being left alone for the first time. But right now, my fear is more than that. I am afraid of him dying.
'I'm unable to say anything anymore
And am closing my eyes
I said this pain is too strong
For me to cry, watching you with open eyes'
Death leaves a scar that nothing can heal. I am afraid of being scarred for life because his love will no longer there to tend for my wounds.
"Stop crying. Seven will not like that." Aniya. Pinunasan ni Allanis iyong luha ko at pinatayo ako.
"I already called Shawn. Papunta na sila ngayon dito. Baka bukas narito na sila." She said, trying to lift my spirits up. Tumango lang ako at patuloy ang pag iyak.
"Chantal.."
"It's my fault. He's there because of me." Mahina kong sabi. Huminga ako ng malalim para pigilan iyong panibagong grupo ng luha na malapit na namang bumagsak.
"It's not Cha. Normal lang na matakot tayong mawawala sa atin yung taong mahal natin." Masuyo niyang sabi. Umiling ako at hinarap siya.
"You don't understand!"
"I understand it perfectly Chantal. You're young and you're scared. Seven understands that too. That is why he will never blame you for anything Cha." Nilingon niya iyong emergency room at nagkibit balikat.
"I bet he will not even regret fighting for you." Halos pabulong lang niyang sabi.
Niyakap ko iyong braso ko sa aking katawan. "Pinilit kong magbabar ako kahit alam kong hindi ko pa kaya. But I forced myself because I want him to see that I am mature enough to protect myself. Allanis, hindi niya ako pinigilan. Sinamahan niya ako. Sinakyan niya yung kagagagahan ko. And that hurts me more because I know that it is my fault. If... if only I stopped myself from trying to prove myself.. if only I stayed.. if only.." tinakpan ko iyong bibig ko noong halos masuka na ako sa iyak. Allanis hugged me tight and I cried on her arms again.
'That promise from past days
You say that it's just a memory now
When you leave my side
With that cold smile'
Nanatili lang kami sa ganoong posisyon hanggang sa matigil na ako sa pag iyak. I hugged her so tight I feared I might crush her baby. Humiwalay agad ako sa kanya.
"I'm sorry. Nakalimutan kong buntis ka." Sabi ko rito. Ngumiti lang siya at inakay ako sa mga upuan.
"Ayos lang. Malakas kapit nito. Mana sa tatay." She said while caressing her tummy.
I stared at her and then she smiled. Lumunok ako bago ko pinaglaruan iyong laylayan ng damit ko.
"I'm sorry. I thought Seven was the father..." panimula ko. Hindi ko na natapos iyong sasabihin ko noong tumawa lang si Allanis.
"Cha, it's fine. Stop blaming yourself. No one is blaming you for anything that has happened so far." Paninugado niya. She tapped her tummy then smiled.
"Seven's not the father. Pero plano ko siyang gawing Ninong kung papayag siya." Aniya. Napangiti lang ako at tumango.
"He'll be more than happy." Pangako ko. Ngumiti lang siya at hinawakan ng mahigpit ang kamay ko.
Nasa ganoong posisyon lamang kaming dalawa noong bumukas na ang ER. Lumabas roon ang doktor at nakasunod agad si Seven. Mabilis kaming lumapit roon ni Allanis.
"How is he?" tanong ko. Tumingin iyong doktor kay Allanis. They spoke Italian and the immediately left.
"Anong sinabi?" tanong ko. Kinagat ni Allanis ang labi niya.
"They'll be transferring him to the ICU first Cha. Malalim daw ang tama ni Seven and he lost a huge amount of blood. Under observation pa raw siya."
"Pero okay na siya?" tanong ko ulit. Yumuko lang si Allanis bago umiling.
"Hindi pa daw masasagot ng mga doktor yan Cha. The next 48 hours will be.. very crucial for him." Aniya. Nanuyo ang lalamunan ko at napaupo akong muli.
'The rose's scent is blown away by the wind
Even my sorrowful sigh scatters in the void
I can't hold onto you
The sight of you walking away, in its form as it is now
I can't hold onto it anymore'
Ilang oras pa kaming nanatili roon bago dumating iyong pamilya ni Seven. Tumayo ako at sinalubong sila.
"Ate Serise." I called. She walked past me and straight to Seven's room.Kuyom ang palad niya habang nanginginig na nakatingin lamang sa kapatid niyang tulog pa rin hanggang ngayon.
Lumapit si Kuya Seth sa akin at hinawakan ang braso ko. "Kami muna rito Cha. Tatawag na lang kami kapag nagising na Cha."
Umiling agad ako. "I want to stay here." Desidido kong sabi. Humarap si Ate Serise sa amin at tinitigan ako ng masama.
"Why will you stay here? You can't stay here!" sigaw niya. Nanlaki ang mata ko sa reaksyon niya.
"Serise, nag aalala lang si Chantal—" sabat ni Allanis. Serise looked at her, her eyes are bloodshot and her face is too pale.
"Isa ka pa! That is why I told them not to fall inlove. My brothers will just be hurt if they will fall. Kasalanan ninyong dalawa kung bakit ganito ang lagay ni Seven. Lalo ka na Cha." Aniya, iyong titig niya ay sapat na para matunaw ako sa kahihiyan.
"Serise, that's enough." Anas ni Kuya Shawn. Hinarangan niya ako mula sa titig ni Ate na nagbabaga.
"Bullshit." Basag ang boses na sabi ni Ate Serise bago hinarap si Seven ulit.
"Umuwi ka muna Cha. Matulog muna kayo ni Allanis." Kuya Seth said. Nilingon ko ulit si Seven at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko.
"Promise, tatawag kami. Nasa baba ang Kuya mo at hinihintay ka. Ihahatid ka niya sa hotel mo." Aniya. Lumapit na si Allanis sa akin at marahan akong hinila.
Noong makababa kami ay naroon nga si Kuya. Nalukot agad ang mukha ko at tumakbo papunta sa kanya. He hugged me tightly and just stayed like that for a while.
"Mukha kang kamatis." Sabi ni Kuya. Binitiwan niya ako at pinunasan ang luhaan kong pisngi. Pinagbuksan niya kami ni Allanis at pumasok na kami sa sasakyan.
Noong makarating kami sa hotel ay agad kong napansin iyong naiwan ni Seven na bulaklak. Naroon pa rin iyon sa lamesa kung saan ko ipinatong.
Iilang petals na ng rosas ang nahulog sa sahig dahil sa malapit na nitong pagkalanta. Isa isa ko iyong pinulot bago ko dinampot muli ang bouquet. Kinuha ko iyon at dinala sa kwarto.
Hinaplos ko iyong mga pink na tulips. Noong napalalim iyong mga kamay ko ay doon ko napansin iyong pink na sobre. Maliit lamang iyon at hindi ganon kahaba. Kinuha ko iyon at binuksan.
'My hollow heart
Only wants you'
Bumungad sa akin iyong sulat kamay ni Seven. It was written in a beautiful print, the paper was rose pink with a faint scent of the flower itself.
Sinimulan ko iyong basahin.
Chantal,
I don't know how to say sorry for the countless of things that I have done to hurt you. Aaminin ko, mali ako. Ganoon yata talaga Cha, pag gwapo ka lagi kang nagkaka mali? Rights? Ay mali, sorry.
Tumawa ka ba? You know, seeing you smile made wonders on my life Cha. I remember when you were four. You smiled at me and that was the moment that I think, became my downfall.
I saw you smiled and I told myself, yeah, damn right Montreal. Ayan na yung batas mo. Batang bata pa.
I knew it was you when I saw you on your baby cradle Cha.
I realized you will be the biggest part of me when you were two.
I fell inlove with your smile when you were four.
I have been loving you for my whole life now Cha. I ran away from that reality way too many times, broke your heart along the process and yet, I kept on coming back to you.
I love you Chantal Eleanor Falcon. I will love you until the day I die. And if there is still a life after death, I will still love you.
'The rose's scent is blown away by the wind
Even my sorrowful sigh scatters in the void
I can't hold onto you
The sight of you walking away, in its form as it is now'
Pinunasan ko iyong luha ko at tinupi muli iyong sulat. Noong ibabalik ko na iyon sa sobre ay may nakapa akong matigas sa loob. Binaligtad ko iyon at nahulog ang isang silver na lace ng kwintas. Kinuha ko iyon at tinitigan.
Lalo lamang akong napaiyak noong makita ko ang pendant noon. Isa iyong dogtag.
And on that dogtag, the words "WILL YOU MARRY ME?" was beautifully written.
Nagulat ako sa biglaang tunog ng cellphone ko. Binuksan ko agad iyon dahil umaasa akong text na iyon ni Kuya Seth na nagising na si Seven.
Si Ate Serise ang nagsend sa akin ng text. Ni hindi ko iyon nabuksan noong mabasa ko na ang mensahe sa screen pa lamang ng cellphone ko.
Napasigaw na lamang ako. I faintly heared my brother opening the door. Tumakbo siya palapit sa akin at pilit akong kinakausap.
"Chantal!" he called. Umiyak lamang ako ng umiyak. Hawak ko iyong cellphone at hindi makapaniwala sa nakasulat roon.
I feel torn. I feel like being unraveled from inside out. Nanginginig na ako at halos hindi makahinga.
"What happened?" tanong ni Allanis na kakarating lang. Kinuha ni Kuya iyong cellphone ko at binasa iyong text.
Nanlaki ang mata niya at nanlalambot na ibinaba ang phone ko. Hinarap niya si Allanis bago yumuko.
"He's gone." Aniya. Napapikit na lamang ako at paimpit na sumigaw.
The petals flew and the breeze smelled like it. I closed my eyes and let the pain consume me.
----------------------
Song Used:
Red Velvet – Rose Scented Breeze (English Version)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top