Push and Pull
21
"Wear this." Sabi ni Mama sa akin bago iniabot iyong red na dress sa akin. I smiled and took it. Pumasok agad ako sa banyo at sinuot iyon.
I have a dinner date with Ruan later. Well, simpleng kainan lang naman iyon. He wants me to take him to a Filipino restaurant and who am I to say no right? Isa pa, magandang lumalabas labas na rin ako para kahit papaano ay hindi ko nakakasama si Seven. Kahit kasi sa trabaho ay nandoon siya, katwiran niya ay binabantayan niya ang pagdedesign namin sa resort nila. Neknek niya.
Pinabayaan ko lamang ang kulot kong buhok. Nagheadband lamang ako, kaunting pulbo at lipgloss and voila! I am already ready for my date.
Pagkababa ko ng bahay ay naroon na si Ruan at hinihintay ako. Lumawak ang ngiti niya at sinalubong ako sa may hagdan.
"Aalis na po kami Ma." Paalam ko. Mabuti na lang at wala si Papa dahil mahaba habang paalaman pa ang mangyayari kung sakali.
"Let's go!" excited kong sabi. Inakay ako ni Ruan papunta sa sasakyan niya at pinagbuksan pa ako ng pintuan. I waved at my mother before going inside.
"Where will we eat?" tanong ko habang nagseseatbelt. Ngumuso si Ruan bago ako tinignan.
"Anywhere. It's your choice." Napaka gentleman niyang sagot. Haay, kaya siguro crush na crush siya ni Bullet. Speaking of, hindi naman siguro magagalit si Bullet na kakain kami ni Ruan sa labas hindi ba? I mean, I'll just tour the guy.
Dinala ko siya sa isang Filipino restaurant para naman maexperience niya ang pagkaing Pinoy. Mabuti na lamang at hindi pa ganoon karaming tao sa resto at agad kaming nakaupo. Noong naibigay ang menu sa amin ay ako na mismo ang nag order para kay Ruan.
"You will really love sisig." Sabi ko rito. Tumango lamang siya.
"Oh yeah? If that's true, then I will certainly live here." He joked. Tumawa lang ako habang siya ay naiwang nakatitig sa akin. Napatigil ako sa pagtawa at tiningnan rin siya.
"Why?" I asked. Nangalumbaba siya bago umiling.
"You look really beautiful tonight Chantal." Aniya. Nanuyo bigla ang lalamunan ko bago napayuko na lamang.
"Ruan.."
Ngumiti siya, it was as if he is comforting me. "I'm sorry. Did I make you uncomfortable?" aniya. Umiling agad ako.
"No, no..uhm—"
Hinawakan niya ang kamay kong nakapatong sa lamesa. Nanlaki agad ang mata ko at tinitigan siya.
"I.. I really like you Chantal." Pag amin niya. What? He.. oh my. Pilit kong hinila iyong kamay ko at agad naman niya iyong binitawan.
"I know that Filipinos are traditional. If you want, I can court you. Just tell me how." Sabi pa niya. He looks so determined while staring at me. What should I say?
"But—"
Naputol ako sa pagsasalita noong biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko iyon at nakita ang pangalan ni Seven sa screen. Pinatay ko lamang ang tawag at muling hinarap si Ruan.
"Ruan, we really don't know each other that much." Sabi ko. I won't lead him on. I won't entertain him. Not until I am sure that there is no Seven in my life anymore. Kapag ginawa ko iyon ay magiging panakip butas si Ruan. I won't do that.
Sasagot pa sana ito noong tumunog ulit ang cellphone ko. Si Seven na naman ang caller kaya sinagot ko na.
"What---"
"You have one minute to get out of there Chantal." Mapanganib ang boses niyang sabi. Kumunot ang noo ko at tinignan ulit ang screen ng phone ko. Tama ba itong naririnig ko?
"Hey!"
"Pag hindi ka lumabas, babanggain ko talaga yang restaurant Chantal. Sasagasaan ko yang kasama mong gago." Banta niya pa. Napalunok ako at lumingon sa labas. Doon ay nakita ko si Seven na nakasandal sa pula niyang Ferrari Enzo, matigas ang mukha at nagngangalit ang bagang.
"Your time's running honey." Tuya niya. Kinuha ko ang purse ko lalo pa't nakita ko na siyang pinatunog ang sasakyan niya.
"I.. I have to go. Emergency." Sabi ko kay Ruan at nagmamadaling lumabas. Hindi ko na hinintay pang may masabi ito. Pagkarating ko sa kotse ni Seven ay agad kong kinatok ang bintana nito.
"What the hell was that?!" inis kong sigaw. Just look at this guy! Akala niya ay madadaan niya ako sa ganiyan niya? Hah! Huwag niyang paganahin ang pagiging Montreal niya sa akin!
"Get in the car Chantal!"
"Never! God Seven!" I shrieked. Naglakad ako palayo sa sasakyan niya. Narinig ko naman kaagad ang paghabol niya sa akin.
"Chantal!" tawag niya. Hindi ko siya hinarap. Bwisit siya. He can't go cave man on me! Alam kong gagawin talaga niya iyong banta niya kanina. Babanggain talaga niya iyong restaurant! Hindi talaga marunong mag isip.
"Chantal, get in the car now!" utos niya. Hinarap ko siya bago ko hinampas ng purse ko.
"I said no!"
Kinurot niya ang puno ng ilong niya bago huminga ng malalim. "Cha!" sigaw na rin niya. Natawa ako. Frustrated ka na ba Seven? Asar.
Naglakad lang ulit ako palayo sa kanya. Asar siya.
"Putangina, pumasok ka na sa sasakyan Chantal Eleanor!" sigaw nito. Hindi ko siya pinansin. Mamatay ka diyan Montreal. Hindi lang ikaw ang marunong magalit.
Narinig ko ang hakbang niya papalapit sa akin. Pumulupot iyong kamay niya sa braso ko at hinila na lamang ako bigla.
"Ano ba!" pagpupumiglas ko. Pinasok niya ako sa sasakyan niya at agad din siyang umikot para makasakay na rin. Pinaandar niya agad iyon at napahawak na lamang ako sa sobrang bilis niyang magpatakbo.
"What the hell is your problem?! Ang tino tino naming naguusap ni Ruan doon!" sigaw ko. Halos mamuti na iyong kamay niya sa manibela sa sobrang higpit ng hawak niya.
"Seriously Cha? Talagang tinatanong mo yan?! You're flirting with that guy! You're letting that motherfucker hold you! Shit! Shit! Ano kayo na ganoon? Nagsuot ka ng ganyan kaikli kasi makikipag flirt ka? Pucha!" mas galit niyang sabi. Kumulo na talaga ang dugo ko at hinarap siya.
"Wala kang pakialam! At huwag mo akong minumura!" I said.Tinitigan lamang niya ako bago pinalo ang manibela.
"Nagmumura ako kasi nagagalit ako! Nagagalit ako kasi alam ko wala pa akong karapatan! Ano Cha? Binigay mo na kay Ruan yung karapatan sayo ha? Nagpapahawak ka na?!" galit na galit niyang sabi. Pinagkrus ko ang kamay ko sa dibdib ko at hindi na siya nilingon.
"Wala kang pakialam Montreal. Magmula noong pinaalis mo ako, wala ka ng pakialam sa kahit na anong ginagawa ko." Matapang kong sagot. Iniliko niya ang sasakyan niya at inihinto iyon. Nagmamadali siyang lumabas habang ako ay nakasunod sa kanya.
"Oh diba ito naman ang gusto mo? You want me gone, now I'm gone! You made me leave you! Ngayong nag momove on ako gumaganyan ka! Ang kapal mo din!" anas ko. Pisil pisil na niya ang ilong niya at humarap sa akin.
"I told you I don't want you to fucking move on Chantal Eleanor! Damn it!" sigaw niya. Tumawa ako. Para na akong siraulo. Sa sobrang inis ko sa kanya ay nanginginig na ako sa galit.
"Hah! As if I would believe you! You're playing with my emotions again! Kasi diyan ka magaling diba? You always kiss me then tell me you don't want me! You want me to leave and yet you run after me! Ano ba talagang gusto mo?!" frustrated ko ng sabi. I can feel my tears already. Sa sobrang inis ko ay gusto ko ng umiyak.
Tinitigan niya ako. Galit pa rin siya habang nakatingin sa akin.
"Really Cha? Hindi ko sasabihin sayo kung anong gusto ko dahil nag aaway tayo. This is not the way I planned it." Mahina niyang sabi. Napapadyak ako sa galit.
"Sabihin mo na ngayon! Kasi ako napupuno na sa mga ginagawa mo! Sabihin mo na para tigilan na natin ito!" sigaw ko sa kanya. Napasabunot siya sa buhok niya bago umiling.
"Stop it Chantal!"
Fuck! "Oh just damn you! You push and pull king." Sumusuko kong sabi. Napaupo ako sa may gutter. Kailangan kong kumalma. Kailangan kong maging mahinahon. Sa huli, kapag nagpadala ako sa galit ay ako rin lang ang matatalo.
Umupo siya sa harapan ko at hinawakan ang braso ko.
"Chantal.."
Yumuko ako lalo. "I hate you." Sabi ko. Suminghot ako dahil naiiyak na talaga ako. Naramdaman ko ang paghila niya sa akin at niyakap ako.
"Mababaliw talaga ako kapag nakuha ka ng iba Cha. Akin ka lang." aniya. He kissed my hair and I pushed him away.
"I'm not yours." Matapang kong sabi. Tinalikuran ko siya at pumasok sa sasakyan niya. Iniisip ba niyang ganoon kadali na papasukin ko ulit siya sa buhay ko? He broke my heart. He tore me to pieces. He shattered me. Hindi niya ako makukuha sa pamimilit niyang yan. Hindi na niya ako makukuha kahit kailan.
Hanggang ganyan ka naman eh. Mahilig kang manghila para umasa. Tapos itutulak mo para masaktan. This is your game Seven.
Tiningnan ko siya na pabalik na sasakyan. Tumitig lang ako sa labas ng bintana habang siya ay nagmaneho ulit.
Ang kapal ng mukha mo Montreal. Bakit, ikaw na naman ba ang maghahabol? Kaya mo ba?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top