Peephole

31



The relief was too intense. My legs shook when I heard his answer. He is not the father Cha. Seven is not the father. Thank God.


"Chantal.."


Huminga ako ng malalim. "I'm hanging up." Sabi ko na lamang at pinatay na ang tawag. I laid my hand on my chest to calm my breathing. Ganito pala ang pakiramdam ng nabubunutan ng tinik. It's liberating and scary as hell. Nakakatakot na baka maling akala na naman ako.


Noong nakarecover na ako ay binalikan ko sina Alex na naghihintay sa akin. Kinuha ko iyong pitaka ko at naglabas ng pera.


"I'll pay for the hospital bills." Alok ko. Nakakahiyang sila pa ang magbabayad gayong nasaktan si Ashton ng dahil sa akin.


"Hindi, huwag na—"


Biglang tumayo si Ash at kinuha ang pera sa palad ko. Ngumisi siya at hindi pinansin ang kapatid niyang umaangal.


"Ash!"


"What? This is money already Alex." Mayabang niyang sabi. Kinuha na niya ang leather jacket niya at sinabit lamang iyon sa balikat niya. Lumapit siya sa akin at marahang tinapik ang noo ko gamit ang isang paper bill.


"Take care young lady, alright? And talk to that asshole too." Payo niya. Napanguso lang ako at tumango.


"Thank you." Sinsero kong sabi. Ngumiti si Ashton at doon lumitaw ang malalim niyang dimple sa kaliwang pisngi. I broke into a smile when I remembered Uncle August and Ate Illea because of the dimple.


"Una na kami." Paalam ni Alex bago hinila ang Kuya niya. Kinuha ko naman iyong bag ko at umalis na rin sa ospital.


Bumalik ako sa hotel para ihanda sana ang gamit ko pauwi. Kinuha ko lamang ang maleta ko at siniksik ng kung papaano iyong mga damit ko. I really don't want to go yet.


Kinuha ko iyong plane ticket at tiningnan ang oras ng flight ko. I am scheduled for a nine pm flight. Ilang oras pa bago ako aalis. It's already dawn here in Italy. What should I do?


I really want to talk to Seven but, I guess he is busy. I want to clarify things. I want answers. I want this fear to be erased. Paano kung niloloko lang niya ako? What if I assumed that he is not the father. What if I heard him wrong?


Napapadyak na lamang ako sa iritasyon. My gosh! I can't go home like this! Not with these questions bugging me! Nakakaasar, damn it!


How will I talk to him without being childish? Iyon talaga ang concern ko eh. Baka magmukha na naman akonr irasyonal pag nag usap kami. I lost my temper that is why he lost his temper and we ended up biting more than we can chew. Kapag talaga inuna iyong galit ay walang nangyayaring maganda.


Naputol iyong pag iisip ko noong biglang nag ring ang cellphone ko. Pagkadampot ko ay halos mapamura ulit ako ng malakas. My father is calling. Nathaniel Falcon is calling.


Lumunok muna ako ng malakas bago sinagot iyong tawag.


"Pa—"


"Where the fuck are you Chantal Eleanor?!" sigaw niya sa kabilang linya. Napangiwi ako sa lakas ng boses niya. Hindi ka naman masyadong galit, hindi ba Pa?


"You told me you will stay here Cha! Isang buwan pa lang nawala nakasunod ka na agad diyan?!" dagdag pa niya. I can hear Mama on the other side. Kinakalma niya si Papa pero hindi naman ito nakikinig.


"I missed him." Sabi ko na lamang. Iyong dapat niyang sasabihin ay biglang nahinto. Huminga ng malalim si Papa at matagal hindi nagsalita.


"Sorry Pa, alam kong hindi ka papayag kaya tumakas ako." anas ko. I bit my lips and stared at my nails.


Kung may isa pa sigurong nahihirapan sa relasyon na ito, si Papa iyon. Sanay siyang sa kanya lang ako. I think it is very hard for him to see me crazy over a guy. I think that's very painful. It is painful for a father to let his daughter go.


"Alam ba niyang pupunta ka riyan?" tanong ni Papa. Kahit na alam kong hindi niya ako nakikita ay umiling pa rin ako.


"No Pa!"


"Baka naman pinagtatanggol mo lang siya." Paninigurado niya. Napatayo na ako.


"Papa, promise. I went here to surprise him." I swore. I heard him chuckle on the other line and I knew I am already safe. Haay Cha. Nakalimutan ko palang tawagan si Papa.


"So, are you with him?"


Umupo ulit ako. "No. Actually, he bought me a plane ticket. Pinapauwi na niya ako." sabi ko. Sa kabilang linya ay napatawa ng malakas si Papa.


"Really? He wants you to go home?" tukso niya. I rolled my eyes and pouted.


"Papa naman!"


"Ah, I'm starting to like him more." Aniya. Natigilan ako at hindi agad ako nakapagsalita. He likes him? More? So even before, he already liked him?


"Are you staying at their resort? I hope you're not." Matigas na ang boses niya noong sinabi niya iyon. I smiled and played with the sheets. Ang protective talaga ni Papa.


"No. Sa hotel po ako nagstastay." Sagot ko. He made a sound of approval before clearing his throat.


"Magpapadala ako ng pera diyan para may pangdagdag ka sa allowance mo. Stay there for a week Cha." Aniya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Papa.


"Really?"


Napabuntong hininga siya. "You need that. Halos hindi ka na kumakain ng maayos noong bumalik siya sa Italy." Sagot niya sa akin.


Oh my! I love you so much Pa!


"But, Chantal, I trust you honey okay? I trust your decisions already. You won't do anything that is reckless right?" paninigurado niya. Tumango ako at halos mahalikan ko na iyong cellphone ko sa tuwa.


"Yes Pa." pangako ko. Just rest assured Pa, I won't be childish. I'll try. Hihi.


Haay, ang hirap naman kasing magpaka mature. I don't like that. I want everything to be fun and lively and less serious. Kapag mature ka na ay dapat mas malalim kang mag isip, mas pasensyoso ka, mas mabilis gumawa ng desisyon. That is too boring.


Noong natapos ang tawag ni Papa ay bigla na naman akong nalungkot. What now Cha?


Lumapit ako sa bintana at pinanood iyong mga tao na busy sa kung ano man ang ginagawa nila. I bit my lip and think of something to do. Hindi ko dala iyong mga gamit ko sa pagpipinta at wala naman akong ibang kakilala rito.


How can I be mature huh? I want Seven to see that I am not a child anymore. That eventhough nine years separates us, it still doesn't make me less of a woman.


Yes! Yes, that is right! I am a woman! Shit! Bakit ngayon ko lang naisip iyon. I am a woman. I am no longer a child.


Sa naisip ko ay agad kong tinawagan si Bullet. Sa unang ring pa lang ay sumagot na siya.


"Channie beybe!" sagot niya. Baliw baliw talaga si Bullet minsan.


Sinabi ko agad sa kanya ang pakay ko. Nanghingi ako ng tips kung paano makaattract ng lalaki sa club. I will show Seven that I am a woman now. I might be inlove with him, but I don't want him to think that my world revolves around him.


"Hala! Manlalandi ka ng lalaki Cha?" anas ni Bullet sa kabilang linya. Tumango lang ako at kumuha ng notebook para ilista iyong mga tips niya.


"Ayy, hala. Naloka naman ako. Paano nga ba manlandi ng lalaki? Sandali lang, my braincells are ano pa.. haha yeah." Tawa na lang niya. Jusko, Bullet. Paano ka nagsurvive na maging secretary kung di mo kaya ang diretsyong English?


"Ay ito! Yung mga nanlalanding babae kay Ser palaging kita legs Cha. Dapat ikaw din pakita mo legs mo ha? Pangalandakan mo! Huwag kang pavirgin para magkaboypren ka!" aniya. Nabigla ako at napatingin sa hita ko.


But the last time that I wore shorts... ay Cha. Stop it. Stop thinking about Seven. Think about yourself first. Ipakita mo sa kanya na kaya mong maghanap ng iba kunwari. Just for tonight, I want to be a Chantal without a Seven. Bukas na lang ulit ako magpapakabaliw sa kanya.


"Pangalawa, dapat palagi kang kumikindat. Kindat ka lang ng kindat ha?! Yung parang napuwing ka na."


Natawa ako. "Totoo ba yan Bullet?"


"Oo kaya! Iyong mga babaeng malandi dito laging gumaganyan kay Ser. Sarap bulagin isa isa eh." Inis niyang sabi. Napahagalpak na lang ako at nilista iyong sinabi niya.


"Ano pa?"


"Sino bang kasama mong manlalandi ha? Kasama mo si Ser Seven?"


Napanguso ako at sinara iyong notebook. "Nope. Ako lang."


"Hala! Ay kung malapit lang ako, ako ng sasama sayo." Aniya. Aww, how sweet.


"Kaso malayo ka. What's next Bullet?" tanong ko pa. Nakakatuwa talagang kausap itong babaeng ito. Ang swerte ni Kuya Seth kasi may secretary siyang ganito.


"Boobs. Cha, magtiwala ka sa kapangyarihan ng boobs." Sabi niya. Napatingin ako sa dibdib ko at agad akong namula.


"Bullet!"


"Cha! Para sa kinabukasan ng egg cells mo! Paano ka mapapansin ni Ser Seven kung di ka magiging ano.. ano kasi yun? Da.. darling ba yun? Ay basta!" pagsuko niya. I just rolled my eyes. It's daring Bullet.


"Bakit nasama si Seven sa usapan---"


"Aysus, wag ako. Don't me Cha. Don't me. Pabebe ka." Inis niyang sabi. Ang sarap sabunutan nito.


Nagpaalam na ako sa kanya at agad akong nagprepare para lumabas. Habang nasa bath tub ay iniisip ko iyong mga nilista kong payo ni Bullet.


Noong matapos akong maligo ay nagsuot ako ng bathrobe at dumiretsyo sa kwarto para kumuha ng damit. Habang nangangalkal ako ng susuotin ay may biglang kumatok.


"Di naman ako nag pa room service." Sabi ko sa sarili ko. Sumilip ako sa peep hole at halos mapalundag ako noong makita ko si Seven na sumisipol at nakatayo sa harapan ng pintuan ko.


What the hell is he doing here?! Paano ako makakaalis nito?


-------------------

Malapit na pong matapos ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016