Painting


8




Noong makarating kami sa resort ay hindi pa rin nagsasalita si Seven. Nagmamadali siyang bumaba at agad ko naman siyang hinabol.


"Seven!" tawag ko dito. Hindi siya tumigil. Tuloy tuloy lang siya sa paglalakad. The employees were looking at us but I don't really care.


Noong pumasok siya sa elevator ay doon pa lamang akong nakahabol. Hinihingal pa ako habang nakatingin lang ng diretsyo sa kanya.


"Hindi na ako bata, Seven." Naiiyak kong sabi. Narinig ko ang buntong hininga niya. Nag iwas siya ng tingin bago umiling sa akin.


'If anyone asks,

I'll tell them we both just moved on

When people all stare

I'll pretend that I don't hear them talk'


"Shut up Chantal." Galit niyang sabi sa akin. Pumikit siya ng mariin at hindi pa rin ako hinaharap. I bit my lip as I felt the tears started falling.


"Is that your problem? Is it just that? Nine years lang yan Seven. It's not a bad thing---"


"Chantal!" sigaw na niya. Napatalon pa ako sa gulat dahil ito ang unang beses na pinagtaasan niya ako ng boses. He was so gentle and kind to me back then. He took care of me as if I am a precious gem.


Inihilamos niya ang palad niya sa kanyan mukha bago ako tiningnan. "I am marrying Allanis, Chantal. The wedding has been planned for four years now. At hindi ko siya ipagpapalit para sa..sa.. sa kung ano man ito." Aniya. Iyong kamay niya ay pabalik balik sa paggalaw habang ipinapaliwanag niya iyon sa akin.


"Do you love her?" isang beses ko pang tanong. Sige lang Chantal.. sige, saktan mo pa ang sarili mo. Pero kahit na masakit ay hindi ako bibitaw. Lalaban ako dahil ito lang ang tanging makakapagpasaya sa akin. I know it.


'Whenever I see you,

I'll swallow my pride

and bite my tongue

Pretend I'm okay with it all

Act like there's nothing wrong'


Inayos niya iyong necktie niya bago ako nilampasan at lumabas ng elevator. Nakarating na pala kami sa bahay niya ng hindi ko napapansin.


"Seven, do you love her?" patuloy kong pangungulit. Dumiretsyo siya sa bar at kumuha ng alak doon bago siya uminom.


"Just stop it, Chantal." Sumusuko na niyang sabi. Ibinaba niya iyong baso ng alak at tuloy tuloy na pumasok sa opisina niya, leaving me alone in the large room.


'Is it over yet?

Can I open my eyes?

Is this as hard as it gets?

Is this what it feels like to really cry?

Cry'


Pinunasan ko ang luha ko at kinuha ko ang telepono ko. Dinial ko ang number ng kapatid ko at hinintay na sumagot siya. Nakailang ring na ay hindi pa rin niya iyon kinukuha. Tumawag akong ulit at doon pa lang niya sinagot.


"Nagluluto ako." sagot niya sa inaantok na boses. Natawa ako bigla bago suminghot. Nagluluto o natutulog? Baliw ka talaga Kuya.


"Are you crying?" bigla ay naging concern niyang tanong. Suminghot ulit ako.


"Hindi. Malamig lang dito kaya nagkasipon ako." pagsisinungaling ko. My brother yawned and I was immediately comforted. Nakakamiss pala si Kuya.


"Umiiyak ka eh. Sinungaling." Aniya. Pinunasan ko ulit iyong luha ko. Babawiin ko ang sinabi ko. I don't miss my jerk of a brother.


Sa inis ko ay pinatay ko na ang tawag. Inilapag ko lang ang cellphone ko sa kung saan bago ako pumunta sa aking kwarto. Kinuha ko ang gamit kong pangpinta at isang maliit na canvass.


Dumiretsyo ako sa may garden at doon nagsimulang magdrawing. Sa harapan ko ay may malaking puno ng oak at pine, sa ilalim noon ay koleksyon ng iba't ibang kulay ng rosas. I painted them all, in the middle was a girl in black, holding a dying rose.


"That's sad." Puna bigla ni Allanis sa ginagawa ko. Muntikan ko pang mabitawan ang brush at bahagyand dumumi ang pinipinta ko.


"It's supposed to be sad." Sagot ko at agad na niligpit ang gamit ko. Kinuha ni Allanis iyong canvass at tinitigan iyon. Tinitigan ko siya. Damn, but the girl is really pretty. Kaya siguro hindi siya mabitiwan ni Seven. Kaya siya yung gustong pakasalan.


"Can I have this?" tanong niya. She looked so hopeful kaya napatango na lang ako.


"I remember Kim here. You know, the play Miss Saigon? Kim was left by Chris for another girl." Tulala niyang sabi habang nakatingin sa painting ko. Nangunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanya.


"It was the worst play I have ever seen." Aniya habang tumatawa ng pagak. She bit her lip and breathe hard.


"Dapat pinapatay yung mga lalaking nagpapaasa, diba Chantal?" she joked. Ngumiti lang ako at tumango.


"Thank you for the painting." Aniya. She waved at me before going back inside the resort. Niligpit ko ulit iyong gamit ko at sumunod na rin kay Allanis.


Dumiretsyo ako sa banyo para hugasan ang naiwang pintura sa kamay ko. Pagkalabas ko ay nakita ko si Allanis na hinihila ng lalaking hindi ko nakilala. Patakbo akong sumunod para tingnan iyon para mabigla lang noong makita ko si Kuya Shawn.


"Bakit mo kinakausap si Chantal?" galit na sabi ni Kuya Shawn dito. Why? Bakit ako?


"Concerned ka?" patuyang sabi ni Allanis kay Kuya. Nakita ko ang pagngiwi niya dahil sa hawak ni Kuya dito.


Pinilit ni Allanis alisin ang hawak ni Kuya Shawn sa kanya. "Stop it!" she hissed. Lalong humigpit iyong hawak ni Kuya sa kanya.


"You stop it. You are already marrying Seven. Hindi ka pa ba masaya doon Allanis? The girl is already hurting." Anas ni Kuya Shawn. Lumapit na ako dahil mukhang nasasaktan na talaga si Allanis.


"Wala naman siyang ginagawa Kuya." Sabat ko. Biglang binitawan ni Kuya Shawn si Allanis at tiningnan ako.


"Chantal." Bati niya sa akin. Tiningnan ko si Allanis na hinihimas ang braso niyang hinawakan ni Shawn. Is she hurt?


"Hiningi lang niya yung painting ko." Paliwanag ko. Nag iwas ng tingin si Allanis sa aming dalawa. Dumako naman iyong tingin ni Kuya Shawn sa painting na hawak ni Allanis.


Matagal walang nagsasalita sa aming tatlo. Sa sobrang tahimik ay narinig namin ang pagdating ni Seven. Nagtataka siyang nakatingin sa amin pero iyong titig niya ay nagtagal kay Allanis.


"What happened?" tanong niya rito. Hinawakan niya ang braso ni Allanis at tiningnan.


"Wala. Tumama lang ako sa pader kanina. Chantal and Shawn helped me." Sagot nito. Hinimas ni Seven ang namumula niyang balat bago ito nginitian.


Hindi na ako nagpaalam sa kanilang tatlo. Ayaw kong makita ang ganitong eksena. Ayaw kong makita si Seven at Allanis na magkasama. I just want them gone. It hurts so much to look at them. I can't. it breaks me.


------------------------

Song Used:

Lea Michele - Cry

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016