Marius
6
I am eating lunch with the brothers and of course, Allanis. Kinakain namin iyong niluto niya para kay Seven. How sweet right? Napakacaring niyang girlfriend at kahit nagagalit ako sa kanya ay hindi ko mapigilang hindi mainsecure. Allanis is very pretty. She's tall, blond, and nice. Sinong hindi magugustuhan siya?
"Do you want to go to the beach later?" tanong ni Kuya Seth sa akin. Bumaling ako sa kanya bago tumango.
"Wala na kayong trabaho nun Kuya?" sabi ko. Umiling si Kuya bago ginulo ang aking buhok.
"No, I'm done for today. Wanna go with me?" masuyo niyang tanong. Ngumiti lang ako bago tumango.
"Sure!" excited kong sabi. I think I have to go to the beach. I need to be more lively lalo pa't medyo nalungkot ako ng nakita ko kung gaano kabait at kaperpekto si Allanis.
"Sasama ako. May kailangan akong kausaping tao doon." Aniya. Wow, so I will be accompanied by the two Montreals? Paano naman iyong pangatlo?
Tiningnan ko si Seven na kumakain pa rin. Allanis was looking at me. Noong makita niyang nakatingin rin ako sa kanya ay kaagad siyang ngumiti.
"Can we come too? Matagal na tayong hindi lumalabas Seven." Aniya sa katabi. What? Akala ko ba moment ko lang ito?
"Sure babe." Sagot ni Seven sabay hawak sa palad ni Allanis. Yumuko ako para hindi nila makita ang pagngiwi ko. Padabog na ibinaba ni Kuya Shawn ang baso niya bago pinunasan ang kanyang bibig.
"Kung aalis tayong lahat, sinong magbabantay ng opisina?" iritadong tanong ni Kuya Shawn. Palipat lipat ang tingin niya sa magkapatid.
"Kaya nga may empleyado tayo hindi ba Shawn? Pahinga naman tayo kahit minsan." Depensa ni Kuya Seth. Tumawa si Allanis at tiningnan si Shawn.
"Listen to your brother Joaquin. Hanggang ngayon ba naman, workaholic ka pa rin?" Allanis said. Kuya Shawn raised his eyebrows before shaking his head. Bumuntong hininga siya at tumango na lamang.
"Huwag tayong masyadong magtatagal ha?"
Napapalakpak si Seven sa narinig. "Papayag ka din pala eh. Ang arte mo." Natatawa nitong biro kay Kuya Shawn. Tumango si Kuya Seth at nag apir pa silang dalawa.
"Shut up, the two of you." Inis na sabi ni Kuya Shawn. Tumayo na si Kuya Shawn at iniwan na kami sa may mesa. Hanggang sa makalayo ito ay tumatawa pa rin sila Seven.
Ang service ng resort ang naghatid sa amin sa may Santa Marinella, malapit sa mismong Rome. Tahimik ang lugar at halos walang tao roon. Idagdag mo pang malinis talaga at sadyang maganda ang dagat.
Nauna kami ni Allanis bumaba dahil iyong tatlo ay maghahanap pa raw ng pwede naming pwesto. Kinuha ko lamang iyong gamit ko at hinayaan na ang magkakapatid.
"Bihis na tayo?" aya ni Allanis sa akin. Inakay niya ako sa may banyo at pinauna pa akong magbihis. Isang two piece tiger print na bathing suit ang dala ko. Pinatungan ko lang iyon ng itim na maxi dress bago ko pinusod ang aking buhok. Noong makalabas ako ay si Allanis naman ang nagpalit.
Habang hinihintay ko si Allanis ay tinawag kami ni Kuya Shawn. Nakaboardshorts na lamang siya at papunta na sa akin. Noong makalapit siya ay sakto namang paglabas ni Allanis.
Para siyang modelo noong lumabas siya. Hapit na hapit sa katawan niya iyong puti niyang bikini, iyong alon alon niyang buhok ay hinihipan ng hangin habang siya ay nakangiting nakatingin sa akin.
"Thank you for waiting for me." Aniya sa akin. Tumango lang ako at hinarap si Kuya Shawn.
"Let's go." Aniya bago agad na tumalikod sa amin. Sumabay si Allanis sa akin sa paglalakad. Hindi nakatakas sa akin na lahat ng madaanan namin ay napapatingin talaga sa ganda niya.
Noong makarating kami kila Seven ay halos manlumo ako. Seve smiled so widely before going to Alannis. Niyakap niya ito at binalutan ng tuwalya.
"You're too pretty. Everyone's looking at you." Anas niya. Nilampasan ko sila at lumayo ng bahagya.
Pasimple kong nililingon si Seven at Allanis na masayang nag uusap sa may gilid. Maya maya ay lumayo sila sa amin at pumunto sa may dalampasigan. Naglaro sila sa mga alon, hinahabol ni Seven si Allanis bago bubuhatin at ihuhulog sa may dagat.
I just sighed. Sana hindi na lang pala ako sumama. Hindi ko rin makausap si Kuya Seth dahil tulog na ito habang nagsusunbathing. Si Kuya Shawn naman ay seryosong nakatingin lamang sa dagat. Noong mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti siya.
"Wanna go for a walk?" aya niya sa akin. Tumayo na siya kaya napasunod na rin ako. Siguro nga ay mas magandang hindi ko na panuorin sila Seven at Allanis.
Habang naglalakad kami ni Kuya Shawn ay hindi ko maalis sa isip ko sila Allanis at Seven. Bakit ganun? Mahal niya si Allanis. Masaya siya habang kasama ito. Pero bakit niya ako hinahalikan? Bakit? Ang gulo.
"Si Allanis... do you think she loves Seven?" biglaan kong sabi. Kumunot ang noo ni Kuya Shawn bago ngumuso.
"I do." Aniya at para akong sinaksak sa sagot niya.
"What about Seven?"
Nag kibit balikat si Kuya Shawn. "We only have one chance to love Chantal. We are very cautious in loving someone because our first is also our last." Imbes ay sagot niya. Napangiwi ako at nilingon ulit ang likod ko. Nakasakay na sa likod ni Seven si Allanis habang nagtatawanan.
"They look so good together." Puna ko. Tumingin rin si Kuya Shawn bago tumango.
"Yeah." Simpleng sabi niya. Bumuntong hininga lamang ako at inalis ang tingin sa kanila.
Tahimik lamang kami ni Kuya Shawn habang paakyat kami sa isang malaking bato. Noong nasa may tuktok na kami ay papalubog na ang araw. Umupo lamang ako roon habang si Kuya ay naiwang nakatayo.
"Chantal.." tawag niya sa akin. Tiningnan ko siya.
"You're still crushing on my brother?" diretsyo niyang tanon. Di ko napigilan ang pamulahan ng mukha. But what's the use of denying right?
"It's more than just a crush now." Sagot ko. Ilang segundo muna siyang napatitig sa akin bago tumawa. Ginulo niya muli ang buhok ko bago tumabi sa akin.
"It hurts, right?" aniya. Hindi ko agad siya nakuha kaya kunot noo ko siyang tiningnan.
"What Kuya?"
Tiningnan niya ang dagat bago bumuntong hininga. "It hurts to fall inlove with a person you can never have." Natatawa niyang sabi, but I felt the pain he is trying to cover. Hinawakan ko ang braso niya at inaya na siyang bumaba.
Noong makabalik kami ay nandoon na rin si Seven at Allanis. Nakaupo sila sa may buhangin, sa likod ni Allanis si Seven na nakayakap at nakapatong ang baba sa balikat ng fiancée niya. Napayuko na lang ako pero hinawakan ni Kuya Shawn ng madiin ang kamay ko.
"Endure it Chantal." Bulong niya sa akin. Kinagat ko ang labi ko bago tumango.
Hinalikan ni Seven si Allanis sa noo at may binulong dito. Ngumiti ang huli at hinaplos ang pisngi ni Seven. I immediately looked away. It hurts like hell.
I guess Kuya Shawn is really right. It hurts to fall inlove with a person you can never have.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top