I Don't Care
28
"Aalis ka din?" halos hindi ko makapaniwalang sabi kay Seven. Inililigpit rin niya ang maleta niya habang nasa tabi noon ang passport at airplane ticket niya papuntang Italy.
"I'll come back as soon as I can Cha. Nagkaproblema lang talaga sa resort." Paliwanag niya. Napaupo ako sa kama niya habang nakatingin sa damit na itinutupi niya.
"Pero sina Kuya Seth hindi naman babalik. Bakit ikaw lang?" reklamo ko. Ang unfair naman. Hindi ba't mas bibilis na maayos ang problema kung silang tatlo ang nandoon? Siya lang ang mag isa na babalik? Bakit ganoon?
Lumapit siya sa akin at ginulo ang buhok ko. Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay.
"Don't be sad. Paano ko maayos ang problema sa Italy kung naiisip kong malungkot ka dahil iniwan kita dito?" lambing niya. Napanguso na lamang ako at labag sa loob na tumango.
"How long will you be there?" Shit Cha. You sound so clingy.
"Hindi ko alam. Kung hindi naman kailangan ng atensyon, baka ilang araw lang. Kung malala ang problema, baka tumagal ng linggo." Sagot niya. I pursed my lips and Seven just laughed. Anong nakakatawa?
"Gusto sana kitang isama pero hindi pumayag ang Papa mo." Aniya. Wait, what? He called Papa?
"Pero.."
Umiling agad siya. "Cha, huwag na nating suwayin si Uncle ha? I've already brought you here without asking for his permission. Buti nga at hindi pa siya sumusugod dito sa Pundaquit." Biro niya. Ngumiti lang ako at hindi na nagsalita.
My heart is too heavy. He's leaving for Italy later. Ihahatid lang niya kami pauwi, magpapahinga ng kaunti tapos ay diretsyo na siya sa airport para umalis.
"Sana hindi ka masyadong matagal." Sabi ko na lang. What else could I say right? Trabaho niya iyon. The resort is his life work. I cannot stop him from going there.
He threaded his fingers on mine. Naiwan lamang akong nakatitig roon.
"Cha.."
Nilingon ko siya at ngumisi naman siya. Oh, how I love to see your smile Seven Montreal.
"I never got the chance to say sorry Cha. Sorry because I made you cry? Nah. I made you cry." Aniya. Napanguso lang ako at umiling.
"It's fine. As long as it's you, then it is fine." Seryoso kong sabi. Lalong lumawak ang ngiti niya habang nakatingin lamang sa akin.
Noong bumalik kami sa Maynila ay kaming tatlo lang ni Allanis at Seven. Si Kuya Seth at Bullet ay naiwan para asikasuhin ang resort sa Pundaquit. Si Kuya Shawn naman ay may kikitain na mga tao patungkol sa naging problema sa resort nila sa Italy.
Seven said the renovation designs for the resort were stolen. Iyong kalaban nilang resort ay ginamit ang design para mas pagandahin ang kanila. Iyon ang rason ni Seven sa pagbalik niya sa Italy. Sina Kuya Seth at Kuya Shawn ay maiiwan para naman tingnan ang iba pang mga resort na pinapagawa.
Noong makauwi kami ay agad nang nakasalubong si Papa sa amin. Nandoon siya sa may gutter habang nakaupo at tinititigan ng masama iyong sasakyan ni Seven.
"Papa!" bati ko dito sabay yakap sa kanya. My father hugged me but his eyes are locked on Seven. Napalunok ako habang si Seven ay lumalapit sa amin.
"Uncle." Aniya sabay man okay Papa. Tinitigan ko ang Papa kong masama ang tingin kay Seven. Oh, please be nice Papa. Son-in-law mo yan. Konting push na lang, ikakasal na kami eh.
"Mag usap tayo." Malamig na sabi ni Papa at pumasok sa bahay namin. Noong nilingon ko si Seven ay ngumiti lang siya. Nilingon niya si Allanis na nakatingin lang din sa aming dalawa.
"I'll go ahead." Paalam nito at pumasok sa bahay nila Uncle Stan. Noong makapasok na si Allanis ay kami naman ang pumunta kay Papa.
Dumiretsyo kami sa library. Nakaupo na si Papa sa couch habang kami naman ni Seven ay pumwesto sa sofa. Magkahawak kamay kaming dalawa noong humarap kami kay Papa.
Sa mesa na nakapagitan sa amin ay ang family picture namin. Nakatitig roon si Papa at hindi kami pinansin dalawa.
"Sir---"
Dinampot ni Papa iyong litrato. "Alam mo ba, hindi ako tanggap ng pamilya ni Leria noon? Sinabi ba iyon sayo ng mga magulang mo, Seven? That Leria's family saw me as nothing but the boy who plays the guitar? Compared to your father, I am nothing. And Leria deserves a man who has everything."
Napalunok si Seven at yumuko. I squeezed his hand and looked at my father.
"Papa..."
"Huwag kang sumali rito Chantal. Gusto kong marinig ang sagot niya." seryosong sabi ni Papa. Umusog si Seven sa pagkakaupo at tiningnan si Papa.
"I know I will never be enough for your daughter, Uncle. Kahit kailan hindi ko mapapantayan iyong pagmamahal niyo para sa kanya. But let me love your daughter the only way I know how. Let me love her until there is nothing left in me."
Napanguso ako habang hinihintay ang sasabihin ni Papa. Seven's hand is shaking beneath mine. Alam kong ang desisyon at bas bas ni Papa ay malaking bagay para sa aming dalawa.
"Yes. No one deserves my daughter." Matigas ang boses ni Papa. Tiningnan niya ako at doon lumambot ang ekspresyon niya.
"She's..." yumuko si Papa at inalis ang salamin sa kanyang mata. Ilang segundo muna siyang huminga ng malalim bago kami muling hinarap.
"She's immature, and stubborn, and reckless. Palagi niyang ipipilit ang gusto niya kahit na mali. She's weird and funny and I don't even know how will I let her go." Nabasag ang boses ni Papa habang nakatingin sa akin.
"Uncle, I love her." sagot ni Seven. Tumango lang si Papa at pinunasan ang luhang nagbabadya sa mata niya.
"I know. Hindi ko naman pinagdududahan iyon Seven. Ang ayoko lang, masyadong mabilis itong nangyayari. Chantal's too young. Ang aga mo siyang kinukuha sa akin." reklamo ni Papa. Kinagat niya iyong labi niya at may isang luha na namang tumulo mula sa mata niya.
"Anak ko iyan eh. Noong wala ka pa,ako lang ang mahal niyan. Ako ang takbuhan niya. Ako yung magbubukas ng ketchup para sa kanya kapag di niya kayang buksan ang takip, akong magsusuot ng sapatos niya para sa kanya, ako iyong sasabihan niya ng problema. Ako lahat, Seven." Tumigil si Papa at napahawak sa dibdib niya. Mabilis naman akong tumayo at kinuhanan siya ng tubig. Inabot ko iyon sa kanya at uminom siya.
"Pakiramdam ko, iiwan na niya ako. Hindi na ako yung number one niya kasi nandyan ka na. Ikaw na yung tatakbuhan niya, hindi na ako." umiyak na si Papa. Niyakap ko siya at humagulgol kasabay niya.
"Papa, I love you. Dito lang ako, hindi ka namin iiwan. Mag aaway kami lagi ni Kuya tapos aawatin niyo kami ni Mama. " Bulong ko dito. Suminghot siya at pinunasan ang luha ko.
"Oh God Chantal Eleanor. Why did you grow up so fast?" aniya. Napangiti ako sa sinabi niya. Hinalikan niya ang noo ko. Noong kumalma na siya ay bumalik ako sa tabi ni Seven.
"Hindi marunong maglaba yan." Anas ni Papa. Ngumisi lang si Seven.
"I can do the laundry Uncle."
Tumango si Papa. "She doesn't know how to clean her own mess." Dagdag niya. Pinandilatan ko si Papa. Ano ba yan! Pa, wag namang ganyan! Baka takbuhan ako ni Seven.
Ayaw ko nang pakasal sayo Cha! Di na kita mahal! Maghanap ka ng yaya, hindi asawa!
Napapikit ako sa imahinasyon ko. Si Seven na nagmamakaawa habang hatak hatak ni Papa para lang mapilit na makasal sa akin. Damn, Cha.
"Hindi siya marunong---"
Tumawa si Seven. "Seriously Uncle. Kahit ano gagawin ko para kay Cha. She'll be my queen. I'll be forever on my knees, serving her." putol na ni Seven sa hinaing ni Papa. Ngumiti lang si Papa at tumango.
"She's going to be a handful Seven." Sumusukong sabi ni Papa. Hinawakan ni Seven ang kamay ko at tumango.
"I don't care." Mayabang niyang sabi. Ngumisi lang siya at kumindat. Si Papa ay parang nabunutan ng tinik at tumango.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top