I Do

27



Have you ever felt that overwhelming emotion? It was like you know everything has changed and yet you are not afraid of the change because at the end, the one you wanted the most will be beside you, holding your hand and never letting you go.


This is what I am feeling right now. Pakiramdam ko ay kaya kong kalabanin kahit na iyong mga madadayang pulitiko para lang maipanalo ko itong relasyon namin ni Seven. Yes, we are officially in a relationship. Every hard work has now paid off. My wish under the seven stars has come true.


Posible pala iyon. A childish wish, a hopeful thinking from fairytales, can be a grown up lady's reality.


Nag inat ako at inalis iyong braso ni Bullet na nakayakap sa akin. The three of us are on the same bed. Malaki naman iyong kama at halos hindi rin natulog si Allanis. She was crying so hard last night and we don't even know why. I really want to comfort her but I don't know how. Baka kasi inis pa siya sa akin dahil sa trato ko sa kanya noon sa Italy.


Noong makapag hilamos ako ay dumiretsyo ako sa kitchen kung saan kami nag dinner ni Seven. Nandoon na yung mga magkapatid at umiinom na ng kape nila.


"Morning." Bati ni Seven sa akin, iyong labi niya ay may malawak na ngiti. I bit my lip to stop myself from smiling. Ano ba yan Cha! Nag good morning lang eh! Bakit ba napapangiti ka? Langya.


Hinila niya iyong upuan sa tabi niya at hinintay akong makaupo.


"Anong gusto mong kainin? May pancake dito. Gusto mo ba? O ipagluluto na lang kita?" tuloy tuloy niyang tanong. Napanguso ako habang nakatitig lamang sa kanya.


"Ito na lang." sagot ko at tinuro iyong pancake. Mabilis niya akong kinuhanan ng pagkain at nilapag agad iyon sa harapan ko.


Noong kakain na sana ako ay napansin ko sina Kuya Shawn at Kuya Seth na nakatingin sa aming dalawa.


"What?" tanong ni Seven sa mga kapatid niya. Ibinaba lamang ni Kuya Shawn iyong kape niya at inayos ang salamin sa mata bago binalikan iyong binabasa niyang dyaryo.


Binato na ni Seven si Kuya Seth ng tinapay. "Stop staring at her!" inis na sabi nito. Tumawa lang si Kuya Seth at nangalumbaba.


"Finally huh, little bro?" biro nito. Nangunot ang noo ko at tiningnan si Seven na namumula.


"Shut up Seth."


Tumango si Kuya Shawn. "Yeah. Wala ka namang masabing matino kaya shut up ka na lang." ganti ni Kuya. Namilog iyong bunganga ni Kuya Seth at napanguso.


"Palibhasa kasi, iyong sayo hindi mo pa nakukuha Shawn. Pakamatay ka na. Bwisit ka." Inis na sabi ni Kuya Seth. Nilingon siya ni Kuya Shawn bago ipinakita ang middle finger kay Kuya Seth.


"Manahimik ka." Bwisit na sabi ni Kuya Shawn. I pursed my lips and just stared at the two of them. Naalala ko si Kuya. Palagi rin kaming nag aaway noon eh.


I felt Seven's hand on mine. Tiningnan ko siya at nginuso niya ang pagkain ko. I just rolled my eyes and ate the pancakes. Nasa tabi ko lamang siya at hinihintay na matapos ako sa agahan.


"Let's go to church." Aya niya sa akin. Tumango lamang ako dahil nasa bibig ko pa iyong tasa ng hot choco na ginawa niya para sa akin. He smiled at me before rubbing my head.


"Seven!" sigaw ko. Para naman kasi akong bata sa ginagawa niya eh.


"Magbihis ka na. When you're done, I'll fix your hair." Lambing niya. Napanguso lang ako at agad na tumakbo pabalik sa kwarto namin.


Noong makapasok ako ay tulog pa rin si Bullet. Si Allanis naman ay kakalabas lang ng banyo at bagong ligo.


"Mag almusal ka na." sabi ko rito. Umiling lang siya at kinuha ang maleta niya. Inilagay niya roon ang gamit niya at hindi na ulit nagsalita.


Napakamot na lamang ako sa noo ko. Aww, should I talk to her? But how? Sa huli ay hindi ko rin siya nakausap dahil lumabas na siya ng kwarto. Mamaya ay kakausapin ko na talaga si Allanis.


Noong makapagbihis ako ay tinuyo ko lamang ang buhok ko at basta na lang iyong inipitan. Inayos ko iyong skirt ko bago ko itinali ang sintas ng aking rubber shoes. Pagkababa ko ay naroon na si Seven at hinihintay ako.


Naka grey lamang siyang long sleeves, sa leeg niya ay may dogtag na nakasabit. Ngumisi siya at nilapitan ako para alalayan sa pagbaba sa hagdan. Noong makalapit siya sa akin ay napabuntong hininga na lamang ako. How can you be so good looking Montreal? Is that even legal?


"Let's go."


Tiningnan ko ang paligid. "Tayong dalawa lang?"


Tumango siya. "Yeah. I told you, this is a date Cha. Bakit ako magsasama ng iba kung date ito?" aniya. Napanguso lang ako. Sabi ko nga diba! Date nga kasi ito. Cha, talaga, di ka nag iisip.


Dinala niya ako sa pinakamalapit na simbahan sa Pundaquit. Immaculate Conception raw ang pangalan ayon doon sa isa naming napagtanungan. Noong pumasok kami ay saktong kakasimula pa lamang ng kasal. Pumwesto kami ni Seven sa likuran habang pinapanood ang couple na nag aayos na para makaupo sa harapan ng altar.


' Did you know love was made for us, only fairytales come close enough,a love created in heaven

in all my dreams I've never been even near to the feeling you give to me I believe that we are too strong to break our trust,

Do you know love was made for us.'


Nakita ko iyong pagyugyog ng balikat noong lalaki habang nililingon niya iyong bride niya. Hindi ko alam kung bakit pero naiiyak ako habang pinapanood ko sila. They must have loved each other so much.


"Are you crying?" tanong ni Seven sa akin. Noong hinarap ko siya ay agad niyang pinunasan ang aking pisngi.


Ngumiti lang ako habang siya ay hinila ako palapit sa kanya. His hands setteled on my waist while I kept watching the wedding. Naramdaman ko iyong bibig niya sa aking buhok kaya nilingon ko siya.


"Maybe I will cry a river when we get married Cha." Aniya, seryoso at halatang di nagbibiro. How can he say such simple things and yet make me feel such complicated feelings?


Hinawakan niya iyong kamay ko at pinisil iyon.


'Here you are my destiny, and nothing can be better noooo
lets make a promise we'll always stay this way yeah...'


Inipit niya iyong buhok ko sa gilid ng aking tenga. "I love you Chantal." Aniya. Napangiti ako at hindi ko na napigilan ang sarili ko. Niyakap ko siya ng mahigpit. Iyong tipo na matagal ko ng gustong gawin noon pa man.


Oh how can dreams be this great?


Noong dumating na sa parte ng wedding vows ay mataman akong nakikinig. Hinihintay kong magsimula iyong lalaki. Naiiyak pa kasi siya at nanginginig habang nakaharap sa kanyang bride.


"I.." panimula ng lalaking muling umiyak na naman. Natawa na lamang ako. Pero iyong ngiti ko ay nawala noong si Seven ang nagsalita sa tabi ko.


"I, Seven Alessandro Montreal, is damn fortunate to have you, Chantal Eleanor Falcon, as my beloved wife, to love and to hold, to protect and to care for, that even death can set us apart."


Napatitig ako sa kanya habang siya ay nakatingin lamang sa kinakasal sa harapan. Iyong plano kong pakikinig doon sa groom ay nawala na. Sa kanya na lamang nakatuon ang pansin ko.


"I promise to bear with your childishness, to cook food for you, to massage your feet after a long hard day of working, to make you smile, to keep you happy, to make you feel loved and to be nothing but contented by being my wife. You will not ask for more because I will lay my world down your feet. I will be forever kneeling, following your whims. What makes you happy is my happiness, Chantal. You are my wish under the seven stars. You are my rule. You are my love." Basag ang boses niyang sabi. Tinakpan ko ang bibig ko para hindi mapahagulgol.


"In this world where fantasies are lies, you are my reality Chantal." Aniya. Hinawakan niya iyong baba ko at pinunasan ang luhaan kong pisngi.


"Do you take this man as your lawfully wedded husband...?" bahagya kong narinig iyong pari. Tiningnan ko si Seven na naghihintay rin ng sagot. Tumango ako at muli na namang naiyak.


"I do. I so much do." Umiiyak kong sabi. Ngumisi lamang siya at hinalikan ang aking noo.

--------------------------------------

Song Used:

Love Was Made For Us - Berry John

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016