Finally
35
Thanks for this one heck of a ride. Sana makita ko pa rin kayo sa Eleven Signs. Maraming salamat sa umaapaw na suporta.
----------------------------
Noong makatulog si Seven ay agad akong lumabas ng kanyang kwarto. Sa tapat ng pintuan ay naroon si Ate Serise, nakaupo at nakatitig sa kawalan. When she saw me, she immediately rolled her eyes. Tumayo siya at kinuha ang kanyang bag.
"Ate.." I called her. She stopped walking. Nilapitan ko siya at hinintay na harapin niya ako. She breathed hard before turning to face me.
"I'm sorry."
"Sorry."
Sabay naming sabi. Napangiti ako habang si Ate naman ay tumaas lang ang labi. She bit her lip and smiled at me. Umupo kaming dalawa sa mga stool roon. We are both silent for almost a minute before I started speaking.
"Sorry talaga Ate. Hindi ko naman alam na may mangyayari kay Seven dahil sa pagbabar ko. I just want to prove myself, that's all." Anas ko. Lumobo ang pisngi niya bago tumango.
"I will forever hate that childish version of you Cha. I almost lost a brother because of that stunt." Mataray niyang sabi. Napalunok ako habang nakatingin lang kay Ate. Nakakaintimidate siya.
I mean, she is a Montreal. She is THE Montreal. Kahit nga ang mga kapatid niya ay natatakot sa kanya. Tumaas pa lang ang kilay ni Ate Serise ay nanlalambot na ako. Bukod sa mga magulang ni Seven, ang approval ni Ate ang pinakagusto kong makuha.
Huminga siya ng malalim at inayos ang kanyang buhok. "I was afraid.." aniya. Nilingon ko siya at hinintay ang sasabihin niya.
"I was scared Cha. Everytime that they fall inlove, I feel like they will love me less. The space that I occupy in their heart will be stolen by another bitch—not that I'm saying you're a bitch huh?" gagad niya. Tumawa lang siya at tinitigan iyong kuko niya.
"I'm just scared that one day, all of them are inlove and I am left alone. Ngayon pa lang, naiiwanan na ako. All I have is Seth and I can feel that I am already losing him Cha. He's starting to see his rule." She said. Napanguso lamang ako at hindi na nagsalita. I quite understand her. I know that I will freak out once Kuya Caius falls in love too. Really fall inlove. Iyong pagmamahal na kayang tapatan ang pagmamahal ng kapatid ko sa kutson niya.
"I won't hurt Seven." I promised. And it's true. After everything that happened, putting Seven in pain will be next to impossible for me. Alam kong marami pa akong dapat na matutunan, pero kung may naiintindihan na ako ngayon, it is the value of protection.
My parents protected each other from the pain of their past. Ate Serise wanted to protect her brothers from hurting. Kahit na anong klaseng pagmamahal pa iyan, kaakibat noon lagi ang pagprotekta.
Tinapik ni Ate ang palad ko bago tumayo. "I won't say sorry about the text message Chantal. I wanted to see your reaction once you learn that Seven's alive." Paliwanag niya. Tumango lamang ako at tumayo na rin.
"Now if you hurt my brother again Chantal Eleanor, I will hurt you too. Wala akong pakialam kahit na sino pa ang magalit sa akin. I don't care if Cai will hate me too. My brother's are more important." Banta niya.
"Ate, I won't. I promise that." Anas ko. Tinitigan lamang niya ako bago tumango.
"Don't be like Shawn's rule Cha. Kapag naiisip ko ang babaeng iyon ay kumukulo talaga ang dugo ko." Maarte niyang sabi. She winked at me before walking away. Pinanood ko lamang ang likod niya habang papalayo siya.
I promise Ate, until the very last drop of my breath, that I will never hurt him, my seven stars.
Days turned into months and years. Matagal na ang naging relasyon namin ni Seven. I won't say it was perfect. Our relationship was far from that. Madalas ay nag aaway kami dahil sa trabaho niya. He's always in Italy and I am here, at the Philippines. But we always find ways to mend things.
I guess that is the beauty of maturity. When you are a child, if something gets broken, you throw it and then find another replacement, but when you are older, if something gets broken, you have to learn how to fix it. Because you know that something so important can never be replaced.
We visited Greece this time. Valentine's ngayon at regalo raw niya sa akin itong bakasyon na ito. We were sitting at one of the ruins of Pantheon, hinihintay ang paglubog ng araw. He kissed my collarbone before putting his face in my neck.
"Cha, when will we get married?" ungot niya. Napangiti lamang ako at sinilip siya. He was pouting like a child while looking at me.
"Hmmn.."
Lalong tumalim iyong pag nguso niya. "Anong hmmmn? I proposed to you, for the twenty fifth time Cha. Ni isa ay wala ka pang tinanggap." Aniya. Tumawa lamang ako at hinaplos ang braso niyang nakapaikot sa akin.
"Ang atat mo. Diba sabi ko magpapakasal tayo kapag ready na tayo?" sabi ko. Umirap lamang siya at hinila ako palapit. He is now cuddling me while I am sitting on his lap.
"Ready na tayo Chantal. May bahay na tayo, graduate ka na. You're one of the most promising young artists. Ano pa bang gusto mo? What should I do to make you my wife, child?" he said. Hinarap ko siya at hinalikan ang ilong niya.
"Chantal, I'm not getting any younger. Gusto ko namang maranasan na habulin ang mga anak natin na hindi dumadaing ng rayuma." He urged. Ngumiti lang ako at hindi siya sinagot. Yumakap lang ako sa kanya habang siya ay napabuntong hininga na lamang.
"You're really a handful Chantal." Naiinis niyang sabi. I felt his hand caressing my hair and I just laughed.
"You love this handful Seven." Deklara ko. Tumawa lang siya at umiling.
"Damn right."
Pagkauwi namin ay dinagsa agad ako ng tanong kay Papa. Ano ba daw ginawa namin ni Seven sa Greece? Magkasama ba kami sa kwarto? Did he kiss me? Minsan ako na lang ang nahihiya sa mga tanong niya eh.
"Papa naman." Angal ko noong tinanong niya si Seven if he went over the boundaries already. Tinitigan ako ng masama ni Papa.
"Don't Papa me Chantal Eleanor. Nagtatanong ako para alam ko na kung mabubugbog itong boyfriend mo." Masungit na sabi ni Papa. Ngumuso lang ako at hindi na sumagot.
"We've been together for four years already Uncle---"
"—but it doesn't mean that you can take my daughter to bed already, Montreal. Alam ko ang galawan ninyo. Nambubuntis kayo para di na makawala. Look at your brothers. Ayaw kong maging ganun kay Chantal. I want her to be married first before being pregnant." Tuloy tuloy na sabi ni Papa. Tumango si Seven at uminom ng tubig.
"Kaya nga po Tito. We've been together for four years, at kahit naman pumapasok sa isip ko minsan na buntisin na lang si Cha para pumayag na siyang makasal kami.." tumigil siya at tinaas ang kamay noong binagsak ni Papa ang baso niya.
"Hindi ko naman po gagawin yun. Huwag niyo po akong itulad sa mga kapatid ko. Matino po ako. Mana po ako kay Mama." Pagtatapos niya. Napailing na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Baliw talaga itong Montreal na ito.
"Wala pa rin akong tiwala kahit na nagmana ka kay Toryang. Nananalaytay sa ugat mo yung dugo ni Stanley. Kahit kailan hindi ka magiging matino." Pagtatapos ni Papa. Inubos na niya iyong kape niya noong dumating si Mama.
"Oh? Nagkakape ka na naman Nathaniel? Mamaya niyan di ka agad makakatulog." Pagbawal ni Mama. Ngumiti lang si Papa at hinalikan ito sa labi. Napangiwi lamang ako at umubo.
"Youngest daughter here, guys?" pagtawag ko. Doon pa lamang humiwalay sa isa't isa ang mga magulang ko. Namula ng bahagya si Mama bago pinalo ang braso ni Papa.
Hinawakan ni Seven ang kamay ko. "Ganyan rin sana tayo kaso pa hard to get ka pa." aniya. Pinalo ko iyong kamay niya at umalis na sa lamesa.
"Pakasal na kasi tayo Chantal." Aniya, parang naghihingi lang ng kendi. Naghugas ako ng kamay at hinarap siya.
"Seven.." anas ko. Bumagsak ang balikat niya bago tumango.
"When will you say yes?"
Nagkibit balikat ako. I am planning to say yes to him on his birthday. Ilang buwan na lamang iyon at gusto kong maging espesyal para sa kanya iyon.
Tumigil na si Seven sa pangungulit sa akin noon. But I saw how his face fell and his shoulders dropped. Hinalikan lamang niya ang noo ko at walang paalam na umalis. Napanguso ako habang tinititigan ang likuran niya.
"Bakit kasi hindi mo pa pakasalan? Mukha namang seryoso." Komento ni Mama. Nakatayo siya sa may hamba ng pintuan at mukhang kanina pa naroon.
"Mama naman, kanina ka pa diyan?" sabi ko rito. Tumaas lang ang kilay ni Mama bago ako pinukpok noong sandok na hawak niya.
"Bakit? Bawal makinig sa usapan ninyo? Aba Chantal Eleanor, hindi ibig sabihin na matanda ka na ay pagbabawalan mo na akong makialam!" inis niyang sabi. Hinimas ko lamang iyong noo kong pinukpok niya bago napanguso.
Nagseryoso si Mama. "Chantal, anak. He's right. You only have once chance to live so you have to live to the fullest. Ano bang nakukuha mo sa pagtanggi sa kaniya? You both wanted to be married already, so what's stopping you?"
Yumuko ako. "I just want to be matured enough."
"You are Chantal. Admitting that you are childish is a sign of maturity." Anas ni Mama. Kinagat ko na lamang ang labi ko at hindi na nakasagot. What shall I say right? Lagi namang tama ang mga Nanay.
I went to my room and opened my windows. Maliwanag ang langit at kitang ktia ko kaagad ang seven stars sa langit. I traced it using my fingers and wished on it.
I wish for me and Seven to be together until we are old and wrinkled. I want him to be happy with me, I want to grow with him. I want everything to be like a dream. Or even better than a dream.
Maaga akong nagising kinabukasan. I cooked breakfast for Seven at noong matapos ako ay dinala ko iyon sa bahay nila. Nag doorbell ako at si Kuya Seth ang nagbukas para sa akin.
"Cha, tulog pa si Seven." Aniya. Nakasuot lamang siya ng sando at itim na sweatpants. Nanliit ang mata ko habang nakatitig sa leeg niyang bahagyang namumula.
"Napano yung leeg mo Kuya?" tanong ko. Tiningnan niya iyon bago ngumiti.
"Kissmark." Sagot niya. Naramdaman ko ang pag init ng mukha ko bago siya sinamaan ng tingin.
"Kadiri ka Kuya." Sagot ko. Tumawa lang siya at ginulo ang buhok ko. Dumiretsyo na ako sa kwarto ni Seven at nilapag ang almusal roon.
Tulog pa siya, iyong kumot ay nakabalot sa balakang niya. Iyong painting ko ng seven stars ay nasa may ulunan niya, tapos iyong silhouette ng babaeng kulot sa opisina niya ay nasa may paanan naman niya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko ang likod niya. Wala na naman siyang suot na pang itaas. Baka sipunin ito.
"Seven ko." Tawag ko sa kanya. Pinalakad ko ang daliri ko sa likod niya at bahagya naman siyang gumalaw.
Nagdilat siya at doon pa lang tuluyang nagising noong makita ako. "Cha?" he called me using that perfect bedroom voice. Hinalikan ko siya bago ko inilapit ang tray ng pagkain sa kanya.
"Breakfast in bed!" masigla kong sabi. Kinusot niya ang mata niya bago kinalkal ang pancakes, fried rice, at iyong fortune cookie na hinanda ko.
Napalunok ako at bahagyang kinabahan noong dumampot siya ng fortune cookie. Kinagat niya ng bahagya ang dulo noon at binaba ulit.
"You should break it into two. Fortune cookie yan." Sabi ko pa. Ngumisi lamang siya.
"I know. But I'll eat the pancakes first." Aniya. Tumango lamang ako at hinintay siyang kumain.
Noong iyong cookie na ay abot abot na ang tahip sa dibdib ko. Darn, kinakabahan ako.
"Ikaw, hindi ka pa kumakain?" anas niya habang nakanguso at akmang hahatiin na ang cookie.
"Mamaya na." wala sa loob na sagot ko. Hinati na niya iyong cookie at lumabas na roon ang maliit na papel na pinahanda ko. Kumunot ang noo niya at kinuha iyon.
Binasa niya iyong nakasulat. Nanlaki ang mata niya habang nakatingin roon. Sabay kunot naman ng noo niya.
"Anong yes? Ang gulo ng fortune cookie na ito. Wala naman akong tanong, bigla na lang sumasagot." Aniya. Nanlaki ang mata ko habang nakatingin sa kanya.
"You don't get it?" tanong ko. Tumango siya at kinain iyong fortune cookie. Habang ngumunguya siya ay nakatitig lamang ako sa kanya.
"Seven naman!" sigaw ko sabay hampas sa kanya. Kainis! Bakit di niya gets?
Ngumisi siya at niyakap ako. Bumagsak ako sa ibaba niya, iyong kulot kong buhok ay nahulog sa aming dalawa. He touched my hair and put it behind my ear.
"Say it Cha." Aniya. Napalunok ako, Iyong kaba ko ay muling bumalik habang nakatitig sa kanya.
"Come on, I want to hear it." Anas niya ulit. Huminga ako ng malalim at tinitigan siya ng diretsyo.
"Yes. I'll marry you Seven." Halos pabulong kong sabi. Pumikit siya at kasabay noon ang isang malawak na ngiti.
"Tangina. Finally." Aniya at hinalikan ako ng mariin. Buong puso kong sinagot ang halik niya.
Yes, finally. The seven stars are now mine. Finally... thank you.. thank you Seven.
------------------------------------------
Epilogue next :)
Maraming salamat!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top