Eponine

2



Halos hindi ako makakain habang nakatingin kay Seven at sa kanyang fiancée. Ipinagsasandok niya ito ng kanin at itinatanong pa kung anong gusto nitong ulam. Hindi ko tuloy mapigilan ang humigpit ang hawak sa tinidor at kutsara ko.


"Gusto mo ng shrimp?" mahinahong tanong ni Seven kay Allanis. Ngumiti lamang iyong huli bago umiling.


"Kumain ka na. Ako nang kukuha ng akin." she said. Ang hinhin niya. Ngiti lang siya ng ngiti at hindi magsasalita kung hindi kakausapin. At wala ngang kumakausap sa kanya. Nandito kaming lahat sa bahay ni Uncle Stan dahil sa pagbalik ni Seven.


Tinapik ako ng pinsan kong si Rielle bago lumapit sa akin. "I hate her." bulong niya. Ngumiti lamang ako. Binalik ko ang tingin ko kay Allanis na nagsisimula ng kumain.


"Pa," tawag ni Seven kay Uncle. Hindi siya nito pinansin at patuloy lamang sa pagbabalat ng hipon para kay Auntie Tori.


"I want to marry Allanis. I'm asking for you blessing---"


"No." maiksing sagot ni Uncle. Kinagat ko ang labi ko para pigilin ang aking ngiti. Huminga lamang ng malalim si Seven bago hinawakan ang palad ni Allanis sa kaniyang tabi. Bwisit.


Alam kong walang ginagawang masama sa akin si Allanis pero nakakainis siya ha. Naiirita ako kasi hinahawakan siya ng Seven ko.


"Pa, my decision is final. Isa pa, twenty five na ako. Matanda na ako."


"Matanda ka na nga kaya umaasa akong kaya mo ng gumawa ng tamang desisyon. But this just proves to me that I am wrong." Matapang na sagot ni Uncle. Kami naman ay tahimik lamang na nakikinig sa away nilang dalawa.


"Tan tan, kalma lang." paalala ni Auntie. Tiningnan ko si Mama na masama rin ang titig kay Allanis. Even Auntie Avvi is making a face while staring at Seven.


"Kailan kayo magpapakasal?" tanong ni Auntie Iris. Bumaling si Seven kay Auntie at sasagot na sana noong tumaas ang kilay nito.


"Hindi ba siya nagsasalita? Puros ikaw ang sumasagot Seven." Masungit na sabi ni Auntie Iris. Nanlaki ang mata ko dahil ito ang unang pagkakataon na nakita ko siyang nagtaray.


"Baka hindi marunong magsalita iyang fiancée mo Seven." Si Auntie Lana ang sumabat. I bit my lip and smiled.


"Aunties." Nagmamakaawang sabi ni Seven. Pinunasan lamang ni Allanis ang bibig niya bago ngumiti na para bang walang nangyari.


"Hindi pa po namin naplano ni Seven. Gusto po kasi naman na makuha muna ang blessings ninyo bago kami gumawa ng kahit na ano." Aniya. Sa sobrang hinahon niya ay nakakairita na siya.


Sakto naman ay ang pagdating ni Ate Serise. Taas noo siyang pumasok sa bahay at agad na napatingin kay Allanis. Ibinaba niya ang bag niya sa couch.


"What is she?" nandidiri niyang turo kay Allanis. Seven sighed before standing.


"Serise." Madiin nitong sabi. Ngumiti si Ate Se bago inalis ang kanyang fur scarf.


"Joke lang. Ikaw naman, di na mabiro." Mataray nitong sagot. Lumapit si Ate Se bago naglahad ng kamay kay Allanis.


"Serise Victoria Montreal." Aniya. Akmang aabutin na ni Allanis ang kamay niya noong hinila iyon ni Ate Serise at biglaang tumalikod. Nakita ko kung paano napapikit si Seven sa inis sa ginawa ni Ate Se.


"Buti pala papakasalan mo si Seven. Bakla kaya dati yan." Sabi ni Ate Serise. Wala pa ring pagbabago sa reaksyon ni Allanis.


"Yeah. Ex kaya niya ako. Pati rin si Noah." Sabat naman ni Kuya Rome bago tumabi kay Ate Serise. Napangiti ako lalo pat namula si Seven.


Ngumiti si Allanis. "Seven told me about that. He was just bored that time so he pretended to be gay." Mahinhin nitong sabi. Tumaas ang kilay ni Ate Serise bago sumandal sa may upuan.


"I won't let you marry my brother." Madiin niyang sabi. Tumingin si Seven dito at umiling.


"I agree with your sister." Si Uncle Stan na ang nagsalita. Pinisil ni Seven ang ilong niya bago kami tiningnan lahat.


"Thank you for the warm welcome." Sarkastiko niyang sabi. Binato niya iyong napkin sa may table bago lumabas. Ibinagsak niya iyong pintuan at dumiretsyo sa may garden.


"I'm sorry po." Sabi noong si Allanis. Akma niyang susundan si Seven noong tinawag siya ni Ate Serise.


"At sinong nagsabing pwede mong sundan ang kapatid ko. Stay in here." She said. Minsan nakakatakot din itong si Ate eh. Tiningnan ko ulit iyong pintuan. Nakarinig kami ng pag andar ng makina ng kotse.


"Oh damn! Yung kotse ko." Gulat na gulat na sabi ni Kuya Rome. Tumakbo siya palabas at muntik pang madapa sa nakakalat na binti ni Kuya Cai. SUmunod naman kami ni Ate Serise.


"Kinuha ni Seven yung kotse mo?" tanong ni Kuya Noah. Tumango lang si Kuya Rome.


"Bakla talaga yun, tinakasan tayo. Dapat di ko na iniwan yung susi sa loob." Naiinis na sabi ni Kuya Rome. Sinipa niya ang binti ng Kuya Cai na natutulog sa may sahig.


Kinuha ni Ate Serise ang isang unan at binato iyon sa kapatid ko. "Tumayo ka diyan Caius." Utos nito. Babalik na sana kami sa may dining noong nakita namin si Allanis na nakatingin sa amin.


"Susundan ko si Seven." Aniya. Umismid si Ate Serise bago umiling.


"I hate you." Aniya. Ngumiti si Allanis bago tumango.


"I know. But I am still marrying Seven." Sagot nito. Hindi ko napigilan ang matawa sa sagot nito. Nakakairita na para bang hindi man lang siya naiintimidate kay Ate Serise.


"Why? My brother doesn't love you."


"He's marrying me. Hindi pa ba sapat na dahilan iyon?"


Ngumiti si Ate Serise. "Seven never said that. Wag kang assuming. Nakakamatay yan." Tumatawang sabi ni Ate Serise. She eyed Allanis from head to toe before shaking her head.


"Seven can do better." Aniya at tuluyan ng bumalik sa loob ng dining. Allanis just sighed before following her.


Ilang oras pa naming hinintay bumalik si Seven hanggang gumabi na at hindi pa rin ito umuuwi. Lumalakas na rin ang ulan at madilim na ang daan. Kanina pa ako sa sala naghihintay habang ang lahat ay nasa may dining pa rin at nag uusap.


Noong kumulog na ay nagpasya na akong lumabas at hanapin si Seven. May dala ba iyong payong? Sana naman may payong sa sasakyan ni Kuya Rome. Baka lamigin na iyon.


Kinuha ko ang sasakyan ni Papa. Sana nasa loob lang ng village si Seven. Baka kasi hindi na ako makalabas dahil wala pa akong lisensya. Buti na lang at masipag si Kuya Matt at tinuruan akong mag drive.


Nakaabot ako sa may park at doon ako muna bumaba. Tiningnan tingnan ko kung nandoon ba si Seven. Nakita ko nga siya doon na nakaupo sa swing at nagbababad sa ulan. Kinuha ko agad ang payong at tumakbo papunta sa kanya. Pinayungan ko siya at wala na akong pakialam kahit ako na ang nababasa.


Nag angat siya ng paningin sa akin. "Anong ginagawa mo dito bata?" tanong niya. Gusto ko pa sanang umangal pero nanahimik na lamang ako.


"Magkakasakit ka nyan."


Nagkibit balikat lamang siya. "Ayos lang. Si Allanis, nasa bahay pa ba?" tanong niya. Napalunok ako bago tumango. It pains me to see him care for that girl so much. I want him to care for me too.


"D-do you... do you love her?" tanong ko dito. Kumunot ang noo niya sa sinabi ko.


"I am marrying her Cha." Aniya. Tumayo na siya at itinapat sa akin ang payong.


"Nababasa ka na----"


Naputol ang sasabihin niya noong bigla ko siyang niyakap. Nabitawan niya ang payong at pareho na kaming nababasa ng ulan pero wala akong pakialam.


"Diba hindi mo siya mahal? Diba Seven?" anas ko. Hinawakan niya ang braso ko pero hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya.


"Chantal..."


"I know the rule. Alam kong isang beses lang kayo kung magmahal. Kaya huwag mong mahalin si Allanis, Seven ha? Huwag siya please." Nagmamakaawa kong sabi. Huminga siya ng malalim.


"Pati ba naman ikaw Chantal? Akala ko kakampi kita." Nalulungkot niyang sabi. Lumayo ako ng kaunti sa kanya bago umiling. I breathe hard. Kaunti na lang at maiiyak na ako. But I don't want to cry. Mga bata lamang ang umiiyak at hindi na ako bata.


"I don't want you to marry her." desidido kong sabi. Umiling siya at lalayo sana noong kumapit ako sa may balikat niya.


"Cha---"


Hinila ko iyong batok niya at agad kong idinampi ang labi ko sa kanya. I closed my eyes as I felt his mouth on mine. Noong humiwalay ako sa kanya ay kitang kita ko ang pagtataka sa kanyang mukha.


Ngumiti ako dito. "You will marry me Seven. Hindi si Allanis o kahit na sino pang babae ang para sayo. I will be your rule Seven. I promise that." Pangako ko dito. Iniabot ko ang payong at ibinigay sa kanya.


"Just wait and see." Sabi ko rito. Naiwan siyang nakatayo lamang sa may park habang ako ay tumakbo pabalik sa kotse ni Papa.


Tiningnan ko siyang muli bago ko pinunasan ang isang luhang tumakas sa mata ko.


Isang beses lang daw magmahal ang isang Montreal. I will be your one. I promise that Seven Alessandro Montreal.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top

Tags: #wattys2016