Cosette
1
Mahal ni Eponine si Marius kahit na bulag ang huli sa kanyang pag ibig. But she doesn't mind that. She will still love Marius despite everything. She went to the war and sacrificed her life for a man who cannot love her back.
It's funny how I see myself in Eponine's shoes. Pakiramdam ko ay katulad niya ako. Eponine and I are both alike, we are in love with a man who will never see us.
It was a rainy day. Three thousand nine hundred and fifty four days have passed ever since he left for States to study. Ang tagal na hindi ba? It's been three thousand nine hundred and fifty four days eversince he left with my heart on his sleeve.
Three thousand nine hundred and fifty four days of running to catch him. Three thousand nine hundred and fifty four days of trying to make him see me. Three thousand nine hundred and fifty four days of failing.
Siguro sa ganitong aspeto kami nagkakapareho ni Eponine. Pareho kaming nagmahal ng mga lalaking hanggang sa tingin na lang namin. I have spent the past twenty years of my life, waiting and hoping for Seven Montreal to finally notice me.
I still remember the day I realized I will fight with everything that I have just to get him.
Nagising ako sa ilang beses na hampas ng unan sa akin. Noong binuksan ko ang aking mata y nakita ko ang kapatid kong nakatingin sa akin.
"Why?" I hissed. Damn Caius Falcon. Bwisit talaga.
"Get up." Utos niya. Kinuha ko lang ang unan at nagtalukbong.
"Chantal." Mas madiin na ang tono ni Kuya. Pabalag kong tinanggal ang kumot ko bago siya tiningnan ng masama.
I just hate my brother. Pasalamat siya at mahal siya ni Mama. Kung hindi ay sasabihin ko kay Papa na ipaampon na lang siya. He's been trashing my whole life for the past sixteen years. Mabuti pa ang pinsan kong si Rielle, hindi siya pinapahirapan ni Kuya Rome. Pero ako? Haaaay.. walang araw na dadaan na hindi kami nag aaway ni Kuya.
"Bakit ba?" tanong ko dito. Hinihila na niya ang kamay ko para patayuin ako. I just pouted. Sabado ba ngayon? Sabado lang naman umuuwi itong kapatid ko eh.
"May iuutos ako." aniya. Padabog akong bumaba ng kama at sinundan ang kapatid ko papunta sa kusina. Tahimik pa ang bahay. Tulog pa yata sina Papa.
"Bakit ang aga mo?" tanong ko sa Kuya ko. Hindi niya ako sinagot. Asa pa ako sa kapatid ko. Minsan talaga adik si Kuya.
"Hatid mo ito mamaya sa Wave." Aniya bago niya inilahad ang isang malaking lunchbox sa harapan ko. Napangiwi ako bago siya tiningnan ng masama.
"Eh Kuya!"
Pinitik niya ang noo ko at halos mapasigaw ako sa sakit. "Bilis na. Huwag kang tamad." Sabi niya sa akin. Iniabot ko ang lunchbox bago ko hinimas ang aking noo.
"Ang sakit ng pitik mo." Naiinis kong sabi. Ngumisi lang si Kuya bago kinuha ang apple sa mesa at kinagatan iyon.
"Pinipitik ko ang noo mo kasi mahal kita Chantal." Katwiran niya. Ngumuso lang ako.
"Pinipitik mo yung noo ko kasi may iuutos ka sa akin Kuya Cai." Sagot ko bago ko inagaw ang apple niya. Mabilis akong pumanhik pabalik sa kwarto ko para magbihis at ihatid ang lunch sa Wave.
Inis kong ibinagsak ang suklay sa may tukador. Why can't I even fix my hair?! Palagi na lang akong hindi nakakapag ipit ng maayos. Kaya nga noon ay si Seven ang nagbabraid ng buhok ko.
God I miss him. I miss him so much. Ilang taon na rin noong umalis siya para mag aral sa Europe. Ngayon ay graduate na siya at tumutulong kina Kuya Seth sa pagpapalakad ng resort nila sa may Italy.
I haven't seen him for years now. Kamusta na kaya siya? Ni wala nga siyang facebook o twitter man lang. May instagram nga siya pero hindi naman siya nagpopost. Nakikibalita na lang ako kay Ate Serise ng tungkol sa kanya para lang malaman kung okay lang ba siya o ano.
I know I am still young to feel this way. I am just sixteen years old. Pero kahit na bata pa ako ay sigurado na ako sa nararamdaman ko. I love Seven Alessandro Montreal.
They say that if you wish under the seven stars, then your wish will come true. Naniniwala ako roon. Lahat ng ritwal na kailangang gawin para matupad ang kahilingan ay sinubukan ko na. I will do everything for Seven. That is how much I love him.
Mabilis akong nakarating sa may Wave.Agad akong nagpunta sa floor kung saan nandoon ang mga practice room. Sigurado akong nandoon si Ate Serise at ang iba pa.
Kumatok ako sa pintuan para hindi ako makadistorbo. Tanging si Ate Serise lang ang nasa loob at tumutugtog ng violin niya.
"Cha." Bati niya sa akin. Pumasok ako at inilapag ang lunchbox sa kanilang mesa.
"Pinapahatid po ni Kuya."
"Hindi siya pupunta dito?" tanong ni Ate. Umiling lang ako bago tumawa.
"You know him. Baka tulog na iyon sa bahay ngayon." Natatawa kong sabi. Ate Serise just rolled her eyes before opening the lunchbox.
"Wala sina Rome ngayon. Sinundo nila sina Kuya." Aniya habang nakatitig sa mga ulam. Ako naman ay hindi agad nakagalaw sa narinig.
"Sinundo? S-sino?" nauutal kong sabi. Ate just looked at me.
"Si Seven. Uuwi daw ngayon. Biglaan nga eh." Aniya. Muntik na akong matumba sa nalaman. I feel like my heart just suddenly swelled and now it is near bursting.
"A-anong oras daw?"
Kumagat muna siya sa chicken wings bago sumagot. "Mamaya pang alas tres. Malayo lang ang byahe kaya umalis na sina Rome." Paliwanag niya. Napangiti ako bago humawak sa aking dibdib.
He's coming back? Oh my god.
"Una na ako Ate." Paalam ko. Hindi ko na hinintay pa ang sasabihin ni Ate Serise. Nagmamadali akong umalis ng Wave para makauwi. Pagkarating ko sa bahay ay nagluluto na si Papa at gising na rin si Mama. Hinalikan ko ang pisngi nila bago tumakbo sa aking kwarto.
"Chantal, kumain ka muna ng tanghalian!" tawag ni Papa sa akin. Hindi ko na siya pinansin. Naghanap ako ng damit na pwedeng maisuot para salubungin si Seven.
Kinuha ko iyong floral kong peplum dress at skaterboots. Basta ko lang sinuklay ang kulot na kulot kong buhok bago naglagay ng kaunting lipgloss at polbo. Should I ask Mama to buy me make up? Nandito na si Seven. Kailangang lagi na akong maganda.
Ilang oras rin akong aligaga para sa pagdating niya. Nakatanaw lamang ako sa bintana ng kwarto ko para hintayin siya. Hanggang sa mag alas singko noong makita ko ang sasakyan ni Kuya Rome sa tapat ng bahay nila Uncle Stan. Bumaba agad ako ng kwarto at lumabas ng bahay.
"Baka madapa ka Cha." Tawag ni Kuya Cai na muntik ko ng mabangga. Hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa pagtakbo.
Ibinababa nina Kuya Noah at Kuya Matthew iyong mga gamit ni Seven. Ang dami niyang dalang maleta ha? Magtatagal na ba siya dito?
Noong bumukas ang pintuan ng kotse ay halos hindi na ako makahinga. Hinihintay ko ang kanyang pagbaba. Noong lumabas na siya ay agad niyang inalis ang shades sa kanyang mata bago nilingon ang paligid. Nag unat siya ng bahagya bago tumawa.
"Oh.. it's been a long time." Aniya. Ngumisi siya at napatingin sa akin. Iyong ngiti niyang malawak ay mas lalo pang lumaki pagkakita sa akin.
"Oy bata! Laki mo na." natatawa niyang sabi. Ngumiti lang ako. Tumakbo ako para mayakap siya. Sinagot naman niya iyon ng mahigpit.
"Tumangkad ka." Aniya. Tinapik niya ang ulo kong hanggang dibdib lang niya. Tiningala ko siya bago tumango.
Lumabas sina Tita Tori at Uncle Stan kaya humiwalay muna ako kay Seven. Kunot ang noo ni Uncle na para bang hindi siya masaya sa pag uwi ni Seven.
"I told you not to come home." Matigas nitong sabi. Bumuntong hininga lang si Seven sa tabi ko.
"Papa dude naman."
"Seven!" pagbabawal ni Tita. Ano bang nangyayari? Sa likod ko ay may narinig ulit akong yabag. Noong humarap ako ay sumalubong sa akin ang isang mestisang babaeng nakapulang damit. Ngumiti siya bago hinawakan ang kamay ni Seven.
Nakita ko ang pag ikot ng mata ni Tita Tori doon sa babaeng nakapula. Lumapit iyong babae kina Uncle Stan bago hinalikan ang kanilang mga pisngi.
"Allanis Ginnapolis Sir, Ma'am. I'm Seven's fiancée." aniya habang may matamis na ngiti sa labi niya.
-----------------
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top