Born To Love You
32
Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang pagbuksan o hayaan ko siyang magsawa na lang sa kakakatok. I haven't arrived with a decision yet when my phone rang. Dinampot ko iyon at nabasang si Seven rin ang tumatawag.
My heartbeat was racing and I don't even know what to do. Oh damn it!
Noong hindi ako sumasagot ay mas lalo lang siyang kumatok. Sa huli ay binuksan ko rin ang pintuan ko at masama ang tingin na ibinigay sa kanya. Tinitigan lamang niya ako, mula sa tuwalyang nakabalot sa buhok ko hanggang sa robe na tanging suot ko.
Sumipol siya sabay lapag noong hawak niyang bulaklak at regalo sa may mesa.
"You let strangers enter your room while wearing something like that Cha?" aniya. Napayuko lang ako bago sinara iyong pintuan. My gaze was fixed on the bouquet he brought. Pink na tulips iyon na may kasamang puting rosas.
Dinampot ko iyon bago tiningnan si Seven. "Why are you here?"
Namulsa siya. "Change your clothes first." Utos niya. Nilapag kong muli iyong bulaklak at dumiretsyo sa kwarto ko. I wore my black and pink tutu dress before blowdrying my hair. Kinuha ko na ang heels ko at purse bago lumabas.
Noong makita niya ako ay agad na kumunot ang noo niya. "You're going somewhere?" he asked.
"Bar." Simple kong sagot. Lalong lumalim iyong kunot sa noo niya. Tinitigan ko lamang siya bago ko tinalikuran. Bahala siya sa buhay niya. Paniguradong aangal lang siya at pagsasabihan na naman ako ng dapat gawin.
"Bar? Anong gagawin mo doon?"
Hinarap ko siya. "Magbibilang ng langgam, sama ka?" sarkastiko kong sabi. He stared at me for a while before the side of his lips rose and formed a smile.
Namulsa siya at tiningnan iyong bulaklak sa mesa. "I actually went here to say sorry about what happened." Aniya. Hmph! Sorry? Ewan ko sayo.
Naiinis pa rin ako na pinagtabuyan niya ako. I am relieved his not the father but I am still hurt when he told me to get lost.
Kinuha niya iyong kamay ko at marahan iyong pinisil. "Sasama ako sa pagbabar mo." Deklara niya. Nanlaki ang mata ko at aangal pa sana noong hinila na niya ako palabas ng aking kwarto.
"Hoy! Sinong nagsabing pumapayag na ako?!"
"Kahit hindi ka pumayag sasama pa rin ako Chantal!"
"Pero—"
Humarap siya sa akin bago ngumisi. "Come on, wag mo na akong awayin. I'm already going to say sorry Cha." Aniya. Napalobo lamang ang pisngi ko at hinayaan na siyang hilain ako.
Habang nasa may elevator ay tinititigan ko iyong repleksyon niya. He's just wearing his leather jacket, white shirt and a pair of ripped jeans. Iyong dogtag niya ay nakasabit sa leeg niya habang iyong diamond studded ear piece niya ay kumikinang sa ilaw.
Napanguso na lamang ako habang nararamdaman ko na naman iyong pamilyar na pagbilis ng tibok ng puso ko. I have known him since I was little but I will never get used to the feeling of seeing him beside me. He's too perfect.
Sumalubong sa akin iyong Ferrari Enzo niya. Pinagbuksan niya ako bago siya umikot at sumakay.
Lumigid siya sa direksyon ko at inabot iyong seatbelt sa may bandang pisngi ko. Habang kinakabit niya iyon ay nakatitig lamang siya sa akin.
"What?" pagsusungit ko. Napailing lamang siya bago ako binigyan ng mababaw na halik sa ilong.
"Ang sungit mo. Di pa tayo bati?" aniya. Umirap lamang ako at humalakhak naman siya.
Maingay na at buhay na buhay iyong bar noong makarating kami. Hinila ako ni Seven at inilagay sa may bandang harapan niya. Hindi na siya pumila para makapasok at nakipag usap lamang sa bouncer sa harap.
"You know him?" I asked. Tumango lamang siya.
"Stay close, okay?" utos niya. Pinitik niya iyong ilong ko bago siya tumawang muli.
"That hurts!"
Pinagsalikop niya iyong mga kamay namin at tinitigan ang mga daliri ko.
"When we get home, check my gifts for you." Aniya. Napanguso lamang ako at tumango.
"I'm very sorry Cha." Sinsero niyang sabi. Tinitigan ko siyat hindi na sumagot. Napabuntong hininga lamang siya at inakay na ako papunta doon sa may gilid. Sofa iyong napili niyang pwesto. Pinaupo niya ako roon at hinubad ang leather jacket na suot niya. Nilatag niya iyon sa hita ko.
"I'll get some drinks." Paalam niya bago umalis. Habang wala naman siya ay inikot ko ang mata ko para tingnan ang paligid.
The bar was a high end one, that I am sure of. Hindi iyon ganoon kausok at katao. The music was loud but not to the point that you will be deaf before the night ends.
Nakarinig ako ng impit na sigaw sa likuran ko at agad ko iyong nilingon. Nanlaki pa ang mata ko noong makita ko iyong isang babae na halos gumapang na sa sobrang hilo. Lumapit kaagad ako rito at tiningnan siya.
"Miss, are you alright?" tanong ko doon sa babae. Pinilit ko siyang mapatayo. Her legs were wobbly but she still managed to stand. Dinala ko siya sa pwesto namin ni Seven.
"Who is she?" tanong ni Seven noong papalapit na sa amin. Pinunasan ko iyong pawis sa noo noong babae. She's shaking from head to toe. Pulang pula na ang pisngi niya pero maputla iyong labi niya.
Humawak iyong babae sa balikat ko at tinitigan ako. Her eyes are unfocused but she fought to keep her stare fixated on me.
"I think she was drugged." Sabat ni Seven. Napatingin ako rito bago ko binalik iyong tingin sa babaeng katabi ko.
"Dalhin natin siya sa ospital." Sabi ko. Tumango si Seven at pinangko iyong babae. Kinuha ko naman ang mga gamit na naiwan namin at sumunod sa kanya.
Pinasok siya ni Seven sa loob ng sasakyan. Sasakay na sana ako noong may tumawag sa amin.
"Hey dude, that's my girl." Sabi noong isang lalaki. Napatingin ako kay Seven pabalik doon sa lalaki. May apat pang lumapit sa kanya at doon na ako nagsimulang kabahan.
"Get inside the car Cha." Utos ni Seven. Malamig ang tono ng boses niya at may kakaibang diin roon. Napalunok ako at hindi agad nakagalaw sa kinatatayuan ko.
Nilingon niya ako. "Cha!" mas mariin niyang sinabi. My heart was racing as I opened his car. Tinulak niya ang pinto para masara. Hindi ko na halos makita ang nangyayari dahil hinarang niya ang katawan niya sa sasakyan.
I can hear their murmured voices. I cannot understand their words clearly. Ilang sandali muna silang nag usap noong lalaki bago biglang sumugod iyong isa at inundayan si Seven ng suntok. Napatili ako noong bumangga iyong katawan niya sa sasakyan.
"Seven!" sigaw ko at binuksan ang bintana. Humarap siya sa akin at pinunasan ang dumugo niyang bibig.
"Stay inside!" sigaw niya pabalik. Hindi ako nakinig at lumabas ako. What the hell is happening.
"I need that girl right now dude!" sabi noong lalaking unang kumausap sa amin. Nilingon ko ang paligid. Walang kahit na sinong dumadaan. Kami kami lamang ang nasa parking lot.
Dinura ni Seven iyong dugo sa bibig niya bago ako nilingon.
"My girlfriend will get mad at me if I'll give the girl to you." Aniya. Nanlaki naman ang mata ko.
Sabay na sumugod iyong tatlong lalaki sa kanya. Napapikit na lamang ako dahil hindi ko kayang makita iyong bawat sipa at suntok na nakukuha niya. Kinuha ko na lamang agad ang cellphone ko at nag dial roon.
"Hello? Uhm, Allanis, I need the number of the police." Nanginginig kong sabi. Napatili ako noong tumama iyong sipa noong isang lalaki sa tiyan ni Seven.
"What? What's happening?" nag aalalang sabi nito sa kabilang linya. Humarap si Seven sa akin, iyong labi niya ay may dugo na at nakapikit na iyong kaliwa niyang mata.
"I'll tell you the whole story later. We are at a bar near Empress Hotel. I'm with Seven. Five men started a brawl with him." Mabilisan kong pagkekwento.
"I'll call the police. Get some help inside the bar Cha." Suhestyon ni Allanis. Binaba ko iyong tawag.
Humarap ulit si Seven sa akin, as if he was checking if I am okay.
Patakbo akong pumunta sa entrance noong humarang iyong isa pang lalaki sa akin. Hinawakan niya ang siko ko bago napangisi. Kulang kulang iyong ngipin niya at amoy sigarilyo rin siya.
"Hey, let's get this chick too!" sigaw niya. Tumili ako at tiningnan si Seven.
"Fuck!" sigaw niya at tumakbo papunta sa amin. Nagpumiglas ako doon sa hawak noong lalaki na tumatawa lang.
"Feisty. I like that." He said. I slapped him with my free hand before stepping on his feet.
"Aww shit!" sigaw niya at napauklo.
"Cha!" tawag ni Seven sa akin. Humarap ako sa kanya habang siya ay abala sa mga lalaki sa paligid niya. He kicked the other one while he punched another. Sunod sunod iyong mga patama niya at natumba na iyong apat.
"This is a pain." Banggit noong lalaking humawak sa akin. May kung ano siyang hinila sa kanyang bulsa. Pinaglaruan niya iyon sa kamay niya habang pinapatunog niya ang kanyang leeg.
"Look boy, we're just trying to make some business here." Mayabang nitong sabi. Ilang hampas pa ang ginawa niya sa kamay niya bago lumabas ng tuluyan iyong patalim galing sa hawak niyang kutsilyo.
Namutla ako noong nakita ko kung paano kuminang iyong gilid ng kutsilyo sa dilim. Tumayo ng diretsyo si Seven at tinitigan ako.
"The world... will do better without men who try to act as if they are superheroes." Daldal pa rin noong lalaki. Sinenyasan ako ni Seven para dumiretsyo sa bar habang abala iyong lalaki sa kanya.
But I can't move my legs. I am afraid to take another step while the other guy is aiming a blade at him.
Ngumisi si Seven. "I'm just trying to impress my girlfriend." Pagbibiro niya. Humagalpak sa tawa iyong lalaki at lumapit na sa kanya ng tuluyan. The men swung the blade and Seven immediately dodged it.
Huminga ako ng malalim at tumalikod. Tumakbo ulit ako papunta sa bar noong makarinig na ako ng sirena ng mga pulis.
Oh thank God!
Nilingon ko ulit sina Seven. Iyong lalaki ay halatang nataranta na dahil sa pagdating ng pulis.
Hawak hawak ni Seven iyong braso noong lalaki para hindi ito makaalis.
"Let me go you son of a bitch!" the man cursed. Tumawa lang si Seven bago umiling.
"Nah." Aniya. The man screamed. Siniko niya iyong baba ni Seven kaya siya nito nabitawan. Mabilis namang nakahuma si Seven at akmang aabutin sanang muli ang lalaki.
The man swung his blade again. Nanlaki na lamang ang mata ko noong makita ko kung paano iyon tumarak sa tiyan niya.
"SEVEN!!" sigaw ko. Binitiwan ng lalaki iyong patalim at nagmamadaling tumakbo. Sakto naman ang pagdating mga pulis. Muntik pang mabangga iyong lalaki dahil sa pagmamadali.
Tumakbo ako at nilapitan si Seven. Hawak hawak niya iyong sugat niya sa tiyan habang hinihingal.
"Seven." Tawag ko rito. Nilingon niya ako bago napangiti.
"A-ayos ka lang?" aniya. Tumango agad ako kahit na luhaan ako. Tiningna ko iyong tiyan niya. Umaagos na roon ang dugo dahil sa lalim ng pagkakasaksak.
May mga lumapit sa aming pulis. Noong makita nilang sugatan si Seven ay agad silang nagtawag ng paramedic.
Iniangat ni Seven iyong kamay niya at hinaplos ang pisngi ko.
"S-sorry Cha." Aniya. Umiling ako.
"Seven, please. Huwag ka na munang magsalita."
Huminga siya ng malalim. Tumabi muna ako noong kinuha na siya para ipasok sa ambulansiya. Sumunod agad ako at pumasok roon.
Mabilisan ang pagbibigay sa kanya ng first aid. I cannot understand the words being said. But I can easily read their expressions. Alam kong malala ang tama niya.
Lumapit ako rito at hinaplos ang pisngi niya. Humarap siya sa akin at tinitigan ako.
"I'm glad...you're safe." Aniya. Pumikit lang ako. Hindi na ako halos makapagsalita dahil sa nararamdaman ko. Halo halong emosyon ang nararamdaman ko ngayon. Natatakot ako. Nagagalit ako sa lalaki, sa sarili ko, sa lahat.
Please, please be okay Seven. Please, be okay. Kahit na ipagtabuyan mo akong muli. Kahit saktan mo ako ng ilang beses pa. I'll be more mature, more understanding, more loving. Kahit na ano.
"I-I love you Cha. I am b-born to love you. And I will.. die for you. Anytime. Just for.. you." Nahihirapan na niyang sabi. Tumango lang ako at hinalikan iyong noo niya.
"I love you too Seven." Sagot ko. Pumikit ako ng mariin para pigilan ang mga luha. Tears won't help me this time. I need to be strong. I don't have to cry. I have to be strong.
I am begging you, seven stars. Please, just this once, let me see that smile again. Prove to me that there is still love in this world. Please, seven stars. Grant my wish.
God help us. Please.
------------------------
Si Seven po, mga kababayan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top