All I Am Saying Is..
22
"Cha~" Ungol ni Kuya. Nagpagulong gulong siya sa kama ko habang ako ay nasa sahig lang at nakatingin sa kanya ng masama.
"Kuya naman!" naiinis ko ng sabi. Pinapapunta niya kasi ako sa bahay nila Uncle Stan para hiramin iyong music sheet kay Ate Serise. Ayaw ko namang pumunta doon matapos ng sagutan namin ni Seven kagabi. Alam kong napakaduwag nitong ginagawa ko dahil nagtatago ako sa kanya. But I really want to give myself time to process everything that he said last night.
"Di ka ba naawa sa akin?" pacute na sabi ni Kuya. Tinatamad na naman kasi siyang tumayo. Pero kailangan niyang ipractice ang saxophone niya dahil manghaharana si Uncle Ethan kay Auntie Avvi. Nag away kasi sila dahil nasunog ni Auntie iyong niluluto niya. Uncle made a bad joke and Auntie got really mad.
"Aish! Ayaw ko nga kasi pumunta sa bahay nila." Sagot ko. Pinatong ni Kuya ang baba niya sa baymax kong unan bago ngumisi.
"Di ka pa rin nakakaahon Cha? Ang lakas naman yata ng kapit nung Montreal na yun sayo." Tukso ni Kuya sa akin. Inilabas ko lang ang dila ko bago siya binato ng polbo. As usual, hindi na naman siya umiwas.
"Aaw, ang sakit nun." Aniya. Umupo siya at hinimas ang noo niyang natamaan ko.
"Kunin mo na kasi Cha. Sandali lang naman yun. Ang arte mo." Sabi niya bago binato pabalik sa akin iyong pulbo. Umiwas ako bago padabog na tumayo.
"Nakakainis ka." Sumusuko kong sabi bago ako bumaba.
Tuloy tuloy akong pumasok sa bahay nila Ate Serise. Sa sala pa lang ay naririnig ko na si Bullet na kumakanta sa tapat ng sofa. Noong tuluyan akong makapasok ay nakapameywang siya habang sumasayaw sa harap ni Kuya Seth.
"Pag 3 pataas! Magbonakid preschool 3 plus!" kanta niya. Tinatakpan lamang ni Kuya iyong bibig niya para pgilan ang ngiti niya. Biglang pumadyak si Bullet at ibinigay ang cellphone kay Kuya Seth.
"Sir naman kasi. Papasa load na!" aniya. Nakanguso at kunot noo. Umiling si Kuya Seth.
"Ayaw ko!"
"Ang damot mo! Tinapos ko na lahat ng utos mo! Para bente pesos lang na pasa load! Isang libo kaya load mo!" sigaw niya. Tumikhim ako at sabay silang napatingin sa akin.
"Chantal! Papasa load!" salubong ni Bullet sa akin. Tumayo si Kuya Seth at lumapit rin.
"May kailangan ka Cha?"
Tumango ako. "Pinapakuha po ni Kuya yung music sheet kay Ate Serise." Sabi ko. Ngumanga si Kuya at tiningnan si Bullet.
"Kunin mo yung music sheet sa kapatid ko." Utos niya. Nanlaki ang mata ko bago umiling.
"No! Ako na lang!"
Tumawa si Bullet. "Ako na! Kay bestie na lang ako hihingi ng paload. Music sheet lang naman diba? Wala na akong ibang kukunin? Wala na akong aagawin? Baka may masaktan---"
"Elizabeth." Sabat ni Kuya Seth. He gave Bullet a death glare and she stopped. Tumalikod lang siya at umakyat na sa kwarto ni Ate Serise.
"Upo ka muna Cha." Alok ni Kuya. Paupo pa lamang ako sa sofa noong nakarinig ako ng mga boses na papasok sa bahay. Noong bumukas iyon ay nakita ko si Seven na nakangiti. Lalong lumawak ang ngisi niya noong makita ako.
And then he moved along side. Doon ay pumasok si Allanis, ngiting ngiti. Her honeyblonde hair was waving from side to side. She's too damn pretty. Noong makita niya ako ay agad siyang ngumiti. I smiled back. Nasaan na ba si Bullet? Kailangan ko na yung music sheet.
"Hey Seth! Chantal." Bati ni Allanis sa amin. Tumayo si Kuya at niyakap siya.
"Welcome to Philippines." Anas nito. Tumawa lang siya. Even her laugh is so pretty. Nakakaasar.
"Sorry sa abala ha? I'll just stay here for a month." Aniya. Napatingin ako rito bago kay Seven na nakanguso at nakatingin lamang sa akin. Noong makita niya akong lumingon sa kanya ay agad siyang nag iwas ng tingin, ngumingisi pa rin.
"A month? Ang bilis ng bakasyon mo." Kuya Seth said. Tiningnan ko ang kwarto ni Ate Serise. Ako na lang yata ang aakyat para kuhanin ang music sheet.
"Yeah. I have to go back immediately to Greece before my wedding." Sagot niya. Napalingon ako dito. Wedding?
I can feel my heart being shattered again. I thought it was not possible to hurt like this. Wedding pala huh? Just what I thought Montreal.
"Cha! Ito na!" sigaw ni Bullet mula sa taas. Patakbo siyang bumaba at iniabot sa akin iyong music sheet.
"Thanks." Mahina kong sabi. Natatakot akong baka mabasag ang boses ko. I can feel my throat drying already. Kaunti na lamang ay maiiyak na talaga ako.
Kuya's right. Hindi pa rin ako nakakaahon. Lunod pa rin ako. But damn it, gusto ko ng matapos ito. I don't want to hurt like this. Nakakapagod na rin.
They're getting married? Oh just damn it. At isang buwan na lang? Wow ha. Sabi ko na eh. Naglalaro lang siya. Bored lang siya kaya nanghihila na naman siya.
"Chantal."
Napatigil ako sa paglabas noong tinawag niya ako. I breathe hard. Agad kong binuksan ang lock ng gate nila noong hinawakan niya ang aking braso.
"Cha.."
Di ko na napigilan ang luha ko noong tumulo. Agad akong yumuko at pinaypayan ang mata ko.
"Napuwing ako. Bwisit." Naiiyak kong sabi. Hinawakan ni Seven ang baba ko at pilit akong pinapatingin sa kanya.
"Let me see it."
Inalis ko ang kamay niya sa pisngi ko. "No it's fine." Tanggi ko. Ngumuso siya at hinila ako palabas. Binuksan niya ang Ferrari Enzo niya para sa akin.
"Get in." utos niya. Umiling lang ako.
"I have to give this to my brother..."
"Get in Cha. Mag uusap tayo." Aniya. Hinila niya ang braso ko at pinapasok ako sa sasakyan niya. Agad siyang nagmaneho at dinala ako sa may parke. Nauna akong lumabas sa kanya at dumiretsyo sa swing kung saan ko siya hinalikan noong sixteen pa lamang ako.
"Why are you crying?" tanong niya. Umupo lamang ako sa swing. Kinagat ko ang labi ko dahil ayaw ko siyang sagutin. Ayaw kong malaman niyang umiiyak ako dahil ikakasal na siya kay Allanis sa loob lang ng isang buwan.
"Hey. Cha. Stop crying, please." Aniya. Umupo siya sa harap ko at pinunasan ang luha ko. Sinuntok ko ang dibdib niya pero hindi naman siya natinag.
"Umalis ka na. Hayaan mo ako dito." Umiiyak kong sabi. Pinunasan niya ang luha ko bago umiling.
"No, I'll stay here. I won't leave you."
Umiling agad ako. "You're always leaving me." Hagulgol ko. Narinig ko ang malutong niyang mura bago ako hinila para mayakap.
"I won't do that again Cha." Bulong niya sa akin. Lalo akong nagpumiglas. Hindi ako maniniwala sa kanya. Ayaw ko ng maniwala. Kapag nakinig ako ay masasaktan lang ulit ako. I am too tired hurting.
"Bumalik ka na sa inyo. Allanis is there. Go." Pagtataboy ko rito. Hinalikan niya ang buhok ko bago umiling.
"Nah. I'll stay here with you. I'll comfort you. I'll dry your tears." Masuyo niyang sabi. Hinampas ko siya pero hindi naman siya lumayo.
"Ayan ka na naman eh. Stop pulling me Seven!" protesta ko. Lumayo siya ng bahagya sa akin at hinawakan ang kamay ko.
"Lagi mo na lang akong pinapaasa. You're always giving me hope, mixed signals! Nakakainis ka na! Stop making me believe that we have a chance." anas ko. Ngumiti siya at hinalikan ang kamay ko.
"Listen to me Chantal Eleanor." Aniya. Hinawakan niya ang mukha ko at pinilit akong tumingin sa kanya.
"What you have for me... is the best thing that has ever happened to me." Dumaan ang hinlalaki niya sa pisngi ko at pinunasan ang luha ko.
"What I have for you..." tumawa siya ng pagak. " scares the shit out of me Cha." Huminga siya ng malalim habang ako ay hindi na makahinga sa sobrang kaba sa sinasabi niya.
"I won't be getting married with Allanis. Bago pa ako bumalik dito ay hiwalay na kami. It's you.. it has always been you. Kahit noong bata ka pa, ikaw na." dahan dahan niyang sabi. Para bang pinapatikim lang niya sa akin ang mga salita at pinapasabik ako.
"I.. I don't get you.." mahina kong sabi. Tumawa siya bago tumango.
"I'm nine years older than you Chantal. Ayos lang ba sayo iyon?" tanong niya. Ano bang sinasabi niya.
"Hindi nga kita maintindihan---"
He stopped me from talking. Hinalikan niya ang noo ko bago ako tinitigan ng diretsyo sa mata.
"All I am saying Chantal is.." pumikit siya at hinawakan ng mahigpit ang aking kamay.
"I'm really, really, so inlove with you." Nakapikit niyang sabi habang nanginginig pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top