FIMBULWINTER || Chapter 2 - Fake Calm

PAGES FROM HEIMDALL'S INFAMOUS BLACK NOTEBOOK. (Yep, the one SMS hated.)

July 13, 2010

Yo, Balder.

Was at the beach to write about the sunset-beautiful things I see, like what you said-when this massively annoying prick of a kid appeared in my field of vision. I knew he was following and spying on me. Had my guard up since this afternoon. Lost my patience after seeing the pathetic sand castle he made with rocks he gathered from the sea.

It was obvious he wanted something. He was doing an awful job in shadowing.

Looking up close, I knew this boy is a Lukas. 13 years old or so. Surely, he's a Lukas. That dark hair and those oceanic blue eyes belonged to a Lukas.

Luciano Lukas bullied me twice or thrice. Thought I'd show his son.

Walked up to the Lukas kid (he was looking frustrated with the turn of events in his chaotic castle) and said, "If you want to, just ask me and I'll take you along."

He stared. Five seconds. Then scowled. What is this kid's fucking problem? He pointed at a steep cliff overlooking the sea.

"Take me up there with you," he said.

Had to ask why in the most patient manner I've ever done my entire life.

"The world looks brighter from up there."

The certainty in his voice made me wonder if he was right, so I took him to the cliff. He was right.

Oi Balder. I've seen the most beautiful sunset in my whole life.

Futhark.

2. September.
Thursday, 5:00 p.m.
Harriet Medical City.

NAPATAYO SINA Sir Lance at Edward nang makita nila ang nalaglag na glitters mula sa notebook na ninakaw ni Sir Arthur mula sa base ng Wonderland Org sa Pampanga. Mas galit at gulat si Joyeuse, kitang-kita ko ang panginginig ng kamay niya.

"Nicholas, he..." gigil na bulong ni Joyeuse. "He knew you'd steal the list so he swapped the notebook with a fake one."

Sir Arthur took a step forward. "I swear I didn't know I stole a fake." Monotonous ang pagkakasabi niya, pero may diin akong naaninag kaya siguradong nagsasabi siya ng totoo.

"That's alright," ani Sir Lance. "I was expecting him to protect the list anyway." Inilabas ni Sir Lance ang phone niya at nagsimulang magbukas ng files.

"If you were expecting him to swap the notebooks, why did you ask me to steal this from the base?" tanong ni Sir Arthur. "Were you toying with me?"

"No, I will never do that to you."

"Lance was toying with you," sabi ni Joyeuse.

"Yep, pinag-trip-an ka po ni Sir Lance," gatong pa ni Edward.

"Boys, 'wag kayong ganyan," saway ko sa kanilang dalawa. "Sigurado akong may dahilan kung bakit pinag-trip-an ni Sir Lance si Sir Arthur."

Umubo si Joyeuse, "Try again."

"Huh—" Napansin ko ang titig sa 'kin ni Sir Lance at Sir Arthur, at doon ko napagtanto ang nasabi ko. "I-I mean sigurado po akong may magandang dahilan kung bakit pinapunta ni Sir Lance si Sir Arthur sa Pampanga!"

Natawa si Sir Lance bago niya ipinakita kay Joyeuse ang phone niya. "Even though I had the backup data on my phone, I asked Arthur to steal the physical notebook in Pampanga to see how far Nicholas has planned to stop us. If the notebook was faked then natunugan na ni Nicholas na babaligtad kami sa org para sa Seven-Minute Semblance."

The March Hare's loyalty belongs to me.

Napangiwi ako sa bigla kong naalala.

"From the moment you saved us from the syndicate in the drug bust," sabi ni Joyeuse, "Nicholas knew you'd betray the org soon. You're lucky you're still alive."

Nagkibit-balikat si Sir Lance at ngumisi kay Sir Arthur. "Guess I have the most powerful lucky charm in the world."

"Will you please stop flirting every minute?" nandidiring pagmamakaawa ni Joyeuse habang chine-check ang cellphone ni Sir Lance.

Pumalakpak si Edward. "Perkele, akala mo kung sinong hindi malandi."

"I was actually talking about this four-leaf clover I preserved." Dinukot ni Sir Lance mula sa bulsa niya ang isang transparent na bato na mukhang gawa sa epoxy. "One leaf is damaged, but it still works."

"Lance, what is wrong with your phone?" biglang tanong ni Joyeuse. Nausod ako nang kaunti para masilip kung anong kakaiba ang tinutukoy ni Joyeuse.

Napuno ang screen ng salitang "ERROR", hanggang sa namatay-sindi ang phone at tuluyan nang nag-black ang screen.

"Anong ginawa mo, nasira mo?" tanong ko. Sinubukang sindihan muli ni Joyeuse ang cellphone.

Hinampas niya muna sa akin ang phone bago niya ito inabot kay Sir Lance. Aniya, "There was an error, Lance. I think you downloaded the wrong file. I haven't seen the document itself."

"An error?" Tinitigan ni Sir Lance ang phone niya.

"Parang bumaha po ng error sa screen tapos namatay-sindi tapos boom, nasira po ni Joyeuse," biro ko.

Tumaas ang kilay ni Sir Lance. Bigla niyang tinanggal ang sim card ng phone niya at saka ito binato sa sahig at inapakan. Napasigaw kami ni Edward. Sayang 'yung cellphone, touch screen pa naman!

"You were hacked?" 'di makapaniwalang tanong ni Joyeuse. "That wasn't an ordinary hacker."

Narinig ko ang mahinang pagsinghap ni Edward. Isa nga rin pala siyang hacker. Malamang ay alam niya kung anong nangyari.

Nagtanong siya, "How could he hack into your phone, you don't even have your own Wi-Fi, I checked 372A."

"I own all Wi-Fi networks available around 372A," sagot ni Sir Lance habang pinupulot ang basag-basag na piraso ng phone niya.

"¡Que! Pati po 'yung "Bhouzxc_Manhuel_Mapagmahal" ang pangalan?!"

"All of them."

"They are decoys," paliwanag ni Joyeuse. "It's to make sure he's not suspicious. You know the house itself is actually owned by a "Seth Fortes"."

Kumunot-noo ako. "Pinakialaman mo 'yung cabinet na sinabi kong 'wag mong gagalawin o lalapitan?"

"Lance's phone was hacked, Futhark, can we please focus on our dear adviser's safety?"

Tinitigan ko na lang siya dahil napapangiwi pa siya sa kung anumang nararamdaman niya.

Naglabas ng panibagong phone si Sir Lance at nag-type. "Nicholas hired a hacker, we need to figure out who the hacker is before he hacks into anything more confidential."

Tinapik-tapik ni Joyeuse ang tuhod ko habang nagtatakip ng bibig. Nakapikit ang kaliwa niyang mata and it's obvious he's in pain. "Water," mahina niyang pakiusap.

Kakagising lang niya ilang oras ang nakakaraan pero ganito na kaagad ang bumungad sa kanya. Hindi pa rin siya kumakain. Kailangan pa niya ng pahinga, kahit hindi halata. Kapag pinilit pa niyang mag-isip o kumilos ay baka mabinat lang siya.

Inabot ko sa kanya ang tumbler na dinala ko para sa kanila at bumaling kina Sir Lance. "Tutulong po kami ni Edward," sabi ko. "Pwede pong maiwan si Lae rito para magbantay kay Joyeuse."

Nasamid si Joyeuse at naubo. Nabugahan pa ako ng tubig. Galit siyang bumigkas, "Wot, yer leaving me 'ere?!" Pagkatapos ay umubo pa siya at napayuko sa sakit.

"He's right," pagsang-ayon ni Sir Lance. "Jule needs to rest."

"But how will you catch the hacker without me?"

Tinitigan namin siya. Namumutla, may benda sa katawan, may karayom sa kamay, umaaray sa kaunting pagkilos. Hindi ganito ang detective na kailangan namin sa panahong ito.

Nagtaas ng kamay si Edward. "I'm pretty good with computers," sabi niya. "I have a better chance of tracing the hacker than drama queen."

Naglakad patungong pintuan si Sir Lance at nagsabi kay Lae, "Right, Laevateinn stay with Jule, just in case." Nauna nang lumabas si Sir Arthur, pagkatapos abutan ng isang plastic ng mansanas si Lae.

Nagligpit ng gamit si Edward at sumunod kay Sir Lance. Malalim ang iniisip niya. Ako naman ay kinausap muna si Joyeuse, na mukhang malapit nang magmarakulyo. "Kapag talagang magaling ka na," sabi ko, "sasamahan kita sa kahit na anong kasong gusto mong imbestigahan."

Nakanguso siya kanina pero noong sinabi kong sasamahan ko siya ay biglang tumaas ang kilay niya. "Really, you? I want that statement on record. That's a promise."

Natawa na lang ako at kay Laevateinn naman nagbilin, "Kahit anong ingay o pagdadabog ni Joyeuse, 'wag mo siyang sasakalin please. Kapag buhay pa si Joyeuse pagbalik namin bukas, bibilhan kita ng apple pie."

Tumango si Lae. "I will do my best for apple pie."

Nginitian ko silang dalawa at bago ako sumunod kina Edward sa labas ay naghuling habilin pa ako, "May pagkain sa eco-bag na dinala ko, Lae. Kapag dumating ang pagkain para sa pasyente, kumain kayong dalawa. 'Wag kayong mag-aaway."

Ako na lang kaya ang maiwan dito para magbantay? Pero kailangan ni Edward ng kasama dahil kakabahan at matatakot siya kung mag-isa lang siya tapos sina Sir Lance at Sir Arthur pa ang kasama niya sa bahay.

"Joyeuse, 'wag kang mag-da-drama queen kay Lae, ha? Lae, kahit labag sa loob mo, kapag may kailangan si Joyeuse, sundin mo muna ang utos niya ha? Kumain kayong dalawa at matulog din kayo, magpahinga kayong mabuti. 'Wag na 'wag kayong mag-aaway, ha? Ha?"

"Halika na, Fu, hindi ka pakikinggan ng dalawang 'yan!" Hinila na ako ni Edward. Muntik pa kaming bumagsak sa lapag dahil bumigay ang tuhod ko sa biglaan niyang paghila. Buti ay nakatayo rin ako kaagad.

2. September.
Thursday, 7:00 p.m.
372A High Street.

PAGKATAPOS MAGHAPUNAN ay pinapunta kami ni Sir Lance sa silid-aklatan ng bahay niya. Ito 'yung sinasabi niyang kwarto ni Lae. Madilim at puno ng libro, at pati sa lapag ay may mga pinagpatong-patong na libro. Amoy mansanas din sa loob.

Sa isang lamesa ipinatong ni Edward ang laptop niya, at nagsimula na siyang mag-type ng kung ano-ano. Nanood kami ni Sir Lance sa likod niya.

"Paano mo hahanapin ang hacker, Ed?" tanong ko.

Nag-pause siya sandali sa ginagawa niya para sagutin ako ng, "Titingnan ko muna kung paano niya na-access ang phone ni Sir Lance, kung ginamit niya ang mga internet connection dito sa 372A."

Dahil kung 'yon ang ginamit niya ay malamang damay ang gadgets ko, perkele.

Napangiti ako. Oh, Edward.

Lumingon si Edward kay Sir Lance at sa kanya naman nagtanong, "Wala naman po kayong naka-save na password or bank accounts sa phone n'yo na 'yan, sir? Facebook, Twitter?"

Napanganga sa gulat si Sir Arthur nang may bigla siyang ma-realize, pero walang sounds na lumabas mula sa kanya kaya parang fake ang gulat niya. Hinampas niya nang mahina ang balikat ni Sir Lance. "My high scores."

Napanganga rin si Sir Lance, pero sarkastiko ang dating. "Oh, right, nobody cares about your high scores."

"My hard work."

"Nobody cares."

"My Minecraft house."

"Nobody cares."

"I have a panda, Lance."

Tinitigan na lang ni Sir Lance si Sir Arthur. Nakatalikod man sa 'kin si Sir Lance ay alam kong nagpipigil siya ng ngiti para simangutan si Sir Arthur.

Nagtanong ulit si Edward, "My dudes, sinama n'yo po sa phone n'yo na puro games 'yung importanteng file na may kinalaman sa org n'yo?"

Nagturuan ang dalawang professor. Naunang manlaglag si Sir Arthur: "We were on a mission once and Lance got so bored he downloaded like 50 games."

Umubo nang malakas si Sir Lance. "Edward, the hacker."

"Ich sehe," tawa ni Edward at nagpatuloy sa ginagawa niya. Tumahimik kaming lahat para panoorin (at subukang intindihin) ang ginagawa ni Edward.

"Ibig sabihin pwedeng ma-hack lahat ng messages ko sa phone ko?" tanong ko kay Edward.

Natigil ulit siya sa pagta-type at saka humalakhak. "Dude! 'Yung Nokia mo? 'Yung de-keypad at sumasayaw kapag nagva-vibrate?"

Niliitan ko siya ng mata.

"Unless you find a way to connect that phone to the internet, then you're safe from hackers." Bumalik na siya sa tina-type niya. "Plus I doubt they'll find anything malicious or confidential in your messages. Sigurado akong kahit mga hacker ay babahag ang buntot at magtatago mula sa sinag ng pagkabanal mo."

Bumuntonghininga ako at naglakad palabas ng kwarto. "Magtitimpla na lang po ako ng kape."

"I'll join you," sabi ni Sir Arthur at nauna nang bumaba sa kusina.

Sinabi ni Sir Arthur na "he'll join me" pero nagpunta lang talaga siya sa kusina para kumuha ng isang garapon ng pretzels. Akala ko ay aakyat na ulit siya sa library pero sumandal pa siya sa ref at doon kumain ng pretzels habang pinapanood akong magtimpla ng kape.

Naisip ko na awkward naman kung hindi ko siya kakausapin. "Hindi ko po kayo personal na napasalamatan kahapon, Sir Arthur," sabi ko. "Salamat din po sa pagbili ng gamot ko. Babayaran ko po kayo kapag nakuha ko na ang sweldo ko."

Inipon niya sa isang pisngi ang lahat ng nginunguya niya. "You don't have to pay me back," sabi niya. "That's the least I could do for your service around here."

Service around here.

Matapos ang ilang minuto ng katahimikan ay nagsalita ulit si Sir Arthur, this time habang nakikipagtitigan sa pretzel niya. "I haven't heard your opinion regarding Lance and me being in Wonderland Org. I was expecting Dave to be furious and throw a tantrum but he was handling this issue well. What did you or Uresonderry tell him?"

"P-Po?" Lumakas at bumilis ang kabog ng dibdib ko kahit inosenteng-inosente ang pagkakatanong ni Sir Arthur at kahit na kumakain pa siya ng pretzels habang nag-uusap kami. "Ang sinabi po ni Joyeuse sa 'min ay siguradong may magandang dahilan si Sir Lance sa lahat ng ginagawa niya a-at hindi niya kami pababayaan."

Kumagat sa pretzel si Sir Arthur. "I've never doubted Lance. I don't know how to ease your mind, and I don't know what you or Uresonderry are planning, but..." Itinuro ako ni Sir Arthur gamit ang pretzel. "Please don't betray Lance."

Pagkatapos ay binitbit na niya ang garapon ng pretzel palabas ng kusina. Bago siya makalabas ay seryoso niya muna akong tinitigan. 'Yung matalim at nanlilisik na tingin.

"Don't ever think of betraying Lance," banta niya at kumagat ulit ng pretzel. Side effect ba ng gamot na ininom ko ang panginginig ng tuhod at kamay ko? Hindi dapat ako matatakot sa isang taong puno pa ng chocolate ang pisngi.

At hindi rin naman hinintay ni Sir Arthur ang opinion ko tungkol sa pagiging member nila ng org. Siguro hindi naman talaga 'yon ang gusto niyang itanong.

••• FIMBULWINTER •••

NAGISING AKO ng alas-tres ng umaga. Nagising ako dahil sa samot-saring ingay na naririnig ko. Ilang minuto bago ko napagtantong tahimik ang paligid ng 372A High Street.

Pagkatapos ay may narinig akong sumisinghot at parang umiiyak. Madilim ang paligid at ayokong dumilat. Baka kung ano lang ang makita ko.

Gusto ko lang naman ng isang gabi na walang nagsasalita, sumisigaw, umiiyak, o nagkakantahan sa utak ko. Kahit isang tahimik na gabi lang.

Bumahing ang hallucination. Napatalon ako mula sa pagkakahiga ko at napasinghap nang malakas. Kinapa ko ang bracelet ko. Nasa kaliwa pa rin.

"I'm fine," I told myself. "I'm fine."

Nagdagdag ako ng isa pa, para makasiguro.

"I'm fine. Mawawala rin ang naririnig mong 'yon, Kiel."

May lumuhod na mukhang nuno sa punso sa bandang paanan ng kama at kinuhit ang paa ko. Doon na ako nagsi-sigaw.

"AAAAAAAAAHHHHHHH!"

Nagtalukbong ako ng kumot at sumiksik sa sulok ng kwarto, sa pagitan ng kama at ng pader.

"FUTHARK, IT'S ME!" narinig kong sigaw ng boses ni Edward. "IT'S ME! EDWARD DACE!"

Nasa kaliwa ang bracelet. Hindi ka nagha-hallucinate, Kiel, mukha lang talagang dwende ang kaibigan mo.

May nagbukas ng pinto at ilaw sa kwarto. "What happened?!" Boses ni Sir Lance.

Dahan-dahan kong inalis ang kumot na nakataklob sa ulo ko. "I-I'm sorry," sabi ko. "A-Akala, akala ko po multo si Edward."

"Multo?" tanong ni Edward. Nagpunas siya ng luha at suminghot.

Hindi ko pwedeng sabihin na nuno sa punso ang talagang inakala ko.

"I thought assassins attacked you." Nagkamot ng ulo si Sir Lance at binuksan ang bintana. Doon pumasok ang nakapikit pang si Sir Arthur.

"G-Galing bintana?" 'di makapaniwalang sambit ni Edward. "Paano n'yo po naakyat—paano po kayo nakababa—paano po kayo nanggaling sa bintana at bakit po sa bintana—I have so many questions right now."

Tumango sa kanya si Sir Arthur at nakapikit na naglakad. Sa isang mahina at paos na boses ay nagsabi ang pupungas-pungas na professor ng, "Dogs. We're getting dogs. Or snakes. Snakes are good. Snakes don't bark loudly or scream at night." Nakalabas siya ng kwarto nang nakapikit.

Naghikab si Sir Lance. "Aaand now I can't suggest adopting a human child."

Ah. Sorry po.

"I locked the windows again. Be careful. There are knives under the mattress." Naglakad na rin palabas si Sir Lance. "Good night."

Sinarado ni Sir Lance ang ilaw at ang pinto. Bumalik ako sa kama at si Edward ay naupo sa paanan. "Edward," tawag ko. "Ikaw ba 'yung umiiyak?"

Garalgal na ang boses ni Edward. "I didn't mean to wake you up."

"Bakit ka umiiyak? Naaalala mo na naman ba ang mama mo?"

Tumango siya. "I thought if I found the hacker, I could hack his computer in return and gain access to the org itself and learn where they hid my mum."

"Oh, hindi mo nakita kung sino ang hacker?"

Umiling si Edward. "Not yet. He was well hidden. I can't trace him."

"Nakatulog ka na ba nang ayos?" tanong ko. "Sigurado akong kapag nakatulog ka ay maiisip mo rin kung pano mahahanap ang hacker."

Sumimangot lang siya.

"Totoo ang sinasabi ko. With no enough REM sleep—"

"Bakit ganyan ka, Fu?" Pinitsarahan ako ni Edward. "Paano ka nakakatulog nang alam mong nasa ospital sina Lae at Joyeuse, kinidnap ng Wonderland Org ang mama ko, at may nang-hack sa phone ni Sir Lance? Hindi ka ba nag-aalala?"

Paano ka nakakatulog.

Hindi ka ba nag-aalala.

Bakit ka ganyan, Kiel?

Paano ako nakakatulog?

Hinawi ko ang kamay niya mula sa kwelyo ko.

Tingin mo hindi ako nag-aalala? Tingin mo nakakatulog ako nang ayos? Tinatanong mo kung bakit ako ganito?

"Edward," sabi ko sa isang mababang boses.

Nagulat siya at napaatras. Wala pang tulog si Edward at nag-aalala siya. Wala pang tulog si Edward at nag-aalala siya. Wala pang tulog si Edward at nag-aalala siya.

Hinawakan ko siya sa balikat at nginitian siya. "Walang masamang mangyayari sa mama mo. Maliligtas natin siya. Walang magagawa ang pag-aalala mo at ang pag-iyak mo. Kailangan mong magpahinga para makapag-isip ka nang tuwid, para makapag-isip ka ng paraan kung paano mahahanap ang mama mo. Bukas pupuntahan natin sina Joyeuse sa ospital."

Humigpit ang pagkakatikom ng bibig niya.

Ginulo ko ang buhok niyang parang pugad ng ibon at nagsalita sa isang mababang tono-ang sapat na baba ng tono na magsy-sync sa mga kuliglig sa paligid, para mapakalma si Edward. "Matulog ka na. Magiging ayos din ang lahat."

Another pitch higher and he'll be disoriented.

Another pitch lower and he'll be intimidated.

"You're not alone in this," I reassured in the appropriate pitch and tone.

He took a deep breath. He was convinced, nonetheless. Salamat naman. I could finally sleep.

3. September.
Friday, 5:00 p.m.
Harriet Medical City.

PAGKATAPOS NG mga klase ko ay dumaan pa ako sa library para magsauli ng mga librong due ngayon, kaya hindi ako kaagad nakapunta sa hospital. Walang klase si Edward tuwing Friday, maliban sa klase namin kanina sa Martial Arts, Philosophy at Intro to Crim. Nauna na siya sa pagbisita kina Joyeuse.

Habang naghihintay ako sa tapat ng cashier sa ospital ay chineck ko ang bag ko para makita kung kumpleto ang dala kong documents (na sa akin ipinagkatiwala nina Sir Lance) para ma-discharge na 'yung dalawa. Kanina ko lang nalaman na may sarili palang kwarto si Lae dahil inoperahan din siya at pinagpapahinga rin siya dahil sa sugat at tahi niya.

Ako na mismo ang nanghihinayang sa babayaran ni Sir Arthur dahil hindi ginamit ni Lae 'yung kwarto.

Napakunot-noo ako sa nakita kong papel na nakasingit sa mga notebook ko. Hindi ako ang naglagay nito rito.

May gumalaw ng bag ko. Kailan? Posibleng kanina noong nasa library ako.

Lumingon-lingon ako sa paligid. Baka may nagmamatyag sa 'kin at hindi ko alam. Pero sino ang maglalagay nito sa bag ko?

Binuksan ko ang papel. May mga picture sa loob, at nauna kong binasa ang nakasulat:

KIEL ALF WHITDUR.

I'D BE MORE CAREFUL IF I WERE YOU.

Tinitigan ko ang note nang ilang segundo bago ko tiningnan ang mga picture.

Picture ko habang naglalakad sa harap ng Coronado Chronicles Newsroom.

Picture ko na kumakatok sa pinto ng dorm ni Edward.

Picture ko na may mga kausap na professors.

Picture ko habang nakikinig sa seminar ng Literature Club nitong Miyerkules.

Picture ko na kausap si Edward sa tapat ng 7-Eleven.

Picture naming tatlo nina Joyeuse at Edward habang nakaupo sa sidewalk ng San Lazaro, noong naligaw kami dahil kay Sir Bascardo.

Nabitiwan ko ang mga pictures at nalaglag ang mga ito sa pantalon ko. Sinong nagpadala nito? Sinong nagsingit nito sa notebooks ko? Paano nila nakuha ang mga litratong 'to?

Binasa ko ulit ang note. Pansin ko ang panginginig ng sarili kong mga kamay.

Madiin at dare-por-Dios ang pagkakasulat. Kilala ako bilang Kiel Alf Whitdur. Kapansin-pansin ang diin sa "Whitdur".

I'd be more careful if I were you?

Hindi 'to si Nicholas James. Sigurado akong hindi siya ang nagpadala at nangalap nito. Sino ang nagpadala nito at bakit siya nagpadala nito?

May sapat akong supply ng gamot at hindi ko kailangang tipirin ang sarili ko kaya pwede akong mag-isip mabuti ngayon. I can stress myself into figuring out who did this.

May lumapit na nurse sa 'kin. Napansin ko ang pagkabigla niya nang lumingon ako sa kanya. "S-Sir Uresonderry? I mean, 'yong bill po nung Uresonderry at Lukas?"

Ngumiti ako sa kanya. Baka nagulat siya dahil nakasimangot ako bago ang usapan. "Opo."

Ibinigay niya sa 'kin ang mga papel at itinuro kung saan dapat pumirma.

Sino kaya ang naglagay ng "Laevateinn Lukas" para kay Lae?

Pero mas kailangan kong isipin kung sino ang nagpadala ng pictures. Stalker? Imposibleng may stalker ako. Sinisigurado kong walang nakakasunod sa akin kapag umuuwi ako sa 372A o sa mismong apartment ko.

At bakit nila ako pinag-iingat? Bakit siya magbabanta sa akin ng ganoon? Pagbabanta ba talaga—oo, pinagbabantaan niya ako dahil sa nararamdaman kong galit mula sa pagkakasulat niya ng pangalan ko.

Taga-Wonderland Org ba ang nagpadala nito o ako lang ang talagang target ng nagpadala nito?

"Sir?"

Naputol ang train of thoughts ko noong kinausap ako ng nurse.

"Ngiti ka lang, sir, ang gwapo mo pa naman."

Tumawa na lang ako at tinapos ang pagbabayad ng bill.

Ngumiti lang ako?

Walang rason para ngumiti ngayon.

••• FIMBULWINTER •••

WALA SI Joyeuse sa kwarto pagdating ko. Si Edward ay natutulog sa bench at si Lae naman ay nakabalot ng kumot na parang cocoon sa kama. Ngumangasab siya ng mansanas habang nanonood ng Avengers sa TV.

"Lae, nasaan si Joyeuse?" tanong ko.

Lumingon siya sa 'kin habang may kagat-kagat pang mansanas. Nagkibit-balikat siya at habang nakikipagtitigan pa ay pinagpatuloy ang pagnguya ng mansanas niya.

Anong meron sa mga Lukas at sa pakikipagtitigan sa 'kin habang kumakain?

"Uuwi na tayo, mag-ayos na kayo."

"Can we go after Avengers?" tanong ni Lae.

Tinapik-tapik ko ang tuhod ni Edward para gisingin siya. Sinagot ko si Lae, "Ipa-download mo na lang kay Edward, doon n'yo sa 372A panoorin. Malaki ang TV ni Sir Lance."

Nagising si Edward.

"Si Joyeuse?" tanong ko sa kanya.

"Huh?" Nagkusot siya ng mata.

Wala si Joyeuse at hindi alam ng dalawang bantay? Kung hindi siya nagpaalam kung saan siya pupunta ay malamang naggagala lang 'yon dahil bored siya. Saan makakarating ang isang drama queen na hindi nakakalakad nang ayos?

••• FIMBULWINTER •••

Tama ang hinala ko na nasa lobby si Joyeuse. Doon ko siya naabutan, napapalibutan ng mga matatandang babae. Prenteng-prente ang pagkakaupo niya sa gitna, at animo'y mga amiga niya ang kakwentuhan niya. Kitang-kita rin naman na tuwang-tuwa sa kanya ang mga matatanda. Umiinom pa siya ng tsaa sa isang maliit na tasa.

Dahan-dahan akong lumapit at hinayaan siyang mapansin ako. Hindi niya ako pinansin at patuloy lang sila sa usapan nila.

"May apo akong babae na kaedad mo, ipapakilala kita hane?" sabi ng isa.

Isang mukhang mayaman na matanda naman ang kumuhit sa kanya at nagsabi, "My daughter is studying to be a doctor. You'll like her." Ang ganda ng diction niya, gaya ng mga Englisherang matanda sa probinsya.

'Yung matanda naman sa kaliwa ni Joyeuse ang kumuhit sa kanya at pumisil sa pisngi niya. "My last boyfriend. Dead. 30 years. I'm still young, unmarried."

Umubo ako nang malakas bago pa makapaghanap ng asawa si Joyeuse. Sa akin napunta ang atensyon ng lahat. Ngumiti ako sa kanila at nagbaling ng atensyon kay Joyeuse. "Hi, I'm a fan," biro ko. "Pwede po bang magpa-picture? Sikat na sikat ka, oh."

Ngumisi siya at ibinaba ang tasang iniinuman niya. "I see you've met my new friends. Ladies, this is our houseboy, Kiel. He idolises me so much, he stalks me."

Sabay-sabay na napa-oohh ang mga matatanda at pinasadahan ako ng tingin mula ulo hanggang paa.

Humigpit ang pagkakangiti ko. "Anong pinag-uusapan n'yo? Hindi ba dapat nasa kwarto ka, Sir Jule?"

"We're talking about politics, knitting, gardening, how many types of diabetes and allergies they have... Oh, and Lucresia over here gave me a recipe for what they call hamonado. I wrote it down for you." Nag-abot siya ng kapirasong tissue paper sa 'kin. Talagang nag-abala pa siyang magsulat ng recipe ng gusto niyang ipaluto.

Isang matanda na baka si Lucresia ang humawak sa braso ko at bumulong, "Ang sikreto, hijo, ay salitre."

"This is why you have cancer, Lucresia," sabi ni Joyeuse. "Kiel, don't feed us saltpetre please."

Bahagya akong napatawa. "Kahit gustuhin ko naman e saan ako makakabili ng salitre? Matagal nang pinagbawal 'yon."

Dalawang kamay na ni Lucresia ang nakakapit sa braso ko. Sumenyas siya sa 'kin na ilapit ko ang tenga ko. Yumuko naman ako at nakinig sa kanya. "Sa may Juniper, hijo, may nagbebenta ro'n," sabi niya. "Construction worker."

"Juniper?" tanong ko. "Juniper Street po?"

Tumango si Lucresia. "Tapos ipiprito mo sa pineapple juice." Tumango na lang din ako.

Hinila naman ako nung Englisherang matanda. "Jule is a great young man, be good."

Kahit labag sa loob ko ay tumango ulit ako. "Opo."

Tumawa si Joyeuse. 'Yung tawang pang-demonyo talaga. "You don't have to worry about anything, Crescencia. We pay Kiel above the minimum wage so he's well-taken care of."

Nahila ako nung isa pang matanda at napisil din ang mga pisngi ko. "Ke-gwapo naman nitong houseboy n'yo, Julius!"

"Jule," ubo ni Joyeuse habang sumisimsim muli ng tsaa.

Nagulo na ang buhok ko at tingin ko'y namumula na rin ang mga pisngi ko. Nagpilit akong ngumiti sa kanilang lahat bago ko ipinagpaalam si Joyeuse, "Pwede ko na po bang ibalik si Jule sa kwarto niya? May importante po kaming kailangang pag-usapan."

Nagtanguan ang mga matatanda at nagkanya-kanya ng paalam kay Joyeuse. Inabot pa sila nang ilang minuto dahil nagpangakuan pa sila sa isa't isa na magkukwentuhan ulit sila kung saan kapag nakalabas na silang lahat sa ospital.

Nang makakawala na mula sa atensyon ng mga matatanda ay mabilis kong itinulak palayo ang wheelchair ni Joyeuse. Padabog ko ring pinindot ang "4th floor" button ng elevator.

Sumipol si Joyeuse pero hindi siya nagsalita o nag-comment. Alam niyang kapag nagtanong o nagsalita siya ay sisimulan ko na naman ang panenermon.

"Saan ka galing?" Ako na ang nagtanong.

Natawa nang bahagya si Joueuse. "I was browsing patient names to relax my mind then I stumbled upon a Charity Gome—"

Hinampas ko ang pader ng elevator. Nanlaki ang mata ni Joyeuse. Itinikom niya ang bibig niyang hindi niya namalayang nakaawang na pala. Pinag-aaralan ako ng tingin niya mula sa salamin ng elevator.

Nabigla rin ako sa ginawa ko. Tumahimik ako at naglayo ng tingin, pero ramdam ko ang titig ni Joyeuse.

Ding!

Bumukas ang elevator door. Dahan-dahan kong itinulak ang wheelchair palabas.

"Kiel Alf Gomez," bigkas ni Joyeuse. Hindi ako sumagot. "Be careful."

Nahinto ako.

"I-Ikaw ba ang—"

Hindi pwedeng si Joyeuse ang may pakana ng pictures. Wala siyang dahilan para gawin sa 'kin 'yon dahil harap-harapan ang pangwawalanghiya niya sa 'kin at sa mga tao. Hindi siya ang tipo na mananakot o mananakit.

Napansin ni Joyeuse ang pagkabalisa ko.

"If you had a psychotic episode around Lance, Arthur Lukas, or Edward," aniya, "you might be at risk of being dropped out of the initiative."

I scoffed. "Hindi ba 'yan ang gusto mo?"

Sumeryoso ang tingin niya. "I'm protecting your illness' confidentiality for our friendship's sake, but once you hurt somebody or yourself during a psychosis... I will put you in an asylum myself and have the chancellor remove you from the initiative."

Ah.

Jule Lewis Uresonderry.

You considered me your friend.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top