Chapter 5 - Uncovered Fragments
Futhark.
15. August.
Sunday, 6:45 pm.
372A High Street.
TINITIGAN NAMIN NI JOYEUSE SI EDWARD.
Tumawa ako nang bahagya para hindi ganoon ka-awkward para sa kanya, at bago pa man siya masupalpal (na naman) ni Joyeuse, ay nagtanong na ako ng, "Anong ibig sabihin nitong parang bibig sa pinaka-kaliwa?"
Hiniram ni Edward ang notebook ko at sinimangutan ang sulat ko. Sa kunot ng noo niya, alam kong hindi niya naiintindihan ang kahit ano sa mga isinulat ko. Sa totoo lang, sapul na sapul na ako ng panghuhusga niya.
"This is a mouth?" tanong niya, na may kasamang pagtaas ng isang mapanuring kilay.
Dahan-dahan akong tumango. "Sa... Sa pagkakaintindi ko."
"Well if it's a mouth then it could be an Egyptian hieroglyph. An R. And this one," itinuro n'ya ang nasa pinakataas sa kanan, "is a Rune. It's Othalla, or the letter O."
Kumuha ako ng ballpen at isinulat sa tabi ng bibig, R. Sa tabi naman ng tinutukoy na "Othalla" ni Edward ay isinulat ko ang letrang O. Meron na ako ngayong R, KO, P, O, O, Ni, Na, at M.
"This triangle at the lower right corner," sabi ni Edward, "looks like a Delta from the Greek Alphabet."
Muli kong isinulat ang sinabi niyang letra. Sa gilid ng mata ko ay nakikita kong nagse-cellphone si Joyeuse at halatang walang pakialam sa sino-solve namin ni Edward. Umupo siya sa kama ni Edward at iniwan kaming dalawang nakaupo sa sahig.
"This X is a Rune as well, it's Gebo, the letter G." Mas isiningkit pa ni Edward ang mata niya at inilapit sa mukha niya ang notebook ko. "Hindi ko sigurado kung Hebrew alphabet 'tong dalawa sa taas at kaliwa ng M."
Ang pangit kasi ng sulat mo, Kuya Psyche.
"Uhm," simula ko, "baka pwedeng makigamit ulit ng laptop mo para makita natin ulit 'yung cipher."
"I don't think you need to do that," sabi ni Joyeuse. Bigla yata siyang naging interesado. "You just need to lay down all deciphered characters and guess the rest."
"You must be good at guessing," bulong ni Edward sa sarili niya.
"Ito ang nakuha namin," sabi ko at ipinakita kay Joyeuse kung nasaan na kami sa cipher. Hinusgahan niya muna ako bago niya itinutok ang mga mata niya sa hawak kong papel.
Literal na tatlong segundo niyang tinitigan ang cipher bago siya ngumisi at sumandal pabalik sa pader. "Follow that arrow beside the KO Baybabayin. Counter-clockwise. All the letters in the outer section. And then write the characters down."
Kumuha si Edward ng sarili niyang ballpen at papel, at nilista ang mga nakuha naming letra na nasa labas na banda ng cipher. "KoRONaDO ang sinasabi ng anim na characters sa pinakalabas, kung magsisimula tayo sa KO. Koronado," sabi ni Edward.
"Wow, auspiciously, we're studying in a university called Coronado," sarkastikong bigkas ni Joyeuse.
"Anong ibig sabihin ng GPNiNaM?" tanong ko. "Grade Point Ni Na Na Na—"
"Sing and I'll fucking kick you out of this room," malutong na banta ni Edward. Kinuha niya ang laptop niya at iniharap sa 'kin. "I-log in mo ulit sa account mo. Kailangang makita nang mabuti ang cipher dahil Diyos na mahabagin, Futhark. Ang sulat mo."
Sumimangot ako nang kaunti at ini-log in muli ang account ko sa CAS website. Lumitaw ang mas malinaw na bersyon ng cipher. Ibinalik ko kay Edward ang laptop niya. Nagtagpo na naman ang mga kilay niya.
"Tingin ko hindi letter M ang M na ito," sabi ni Edward. "Kung papansinin n'yo, pareho silang kulay pula ng Othalla. Tingin ko Rune din 'yan... Uh, Ehwaz?"
"Are you asking us?" tanong ni Joyeuse, na may kasamang mapang-asar na tingin.
"Bakit ba lagi kang nagsasabi ng "Are you asking?" Ano ngayon kung gano'n ang tono ko?" galit na tanong ni Edward.
"Well I thought you were one with conviction in his words." Nahiga si Joyeuse at nagsimula na namang mag-cellphone. Dagdag niya, habang pumipindot sa cellphone niya, "Conviction is also power, Edward Dace."
"Then it's Ehwaz. The letter E," mariin na bigkas ni Edward Dace. Ang sama ng tingin niya kay Joyeuse. "And this X that we thought is a Gebo... I don't think Elder Futhark is used in this."
"Dahil hindi siya kulay pula?" tanong ko.
"Yeah." Nag-isip sandali si Edward. "X, X... Saan pa ba may X...? Greek? Russian?"
"Ano ang X sa Greek alphabet?"
"Ch. As in the -k sound. Kaya ang Christmas ay minsang inii-spell as X-Mas—" May biglang naisip si Edward. "Greek, X... Christmas... Christougenna... Xpi... Futhark!"
"Edward!"
"Hindi P ang inakala nating P! It's the Greek letter Rho!"
"Lower your voice, you don't want students outside thinking we're all friends," sabi ni Joyeuse habang may pinag-aaralang mabuti sa phone niya. Napansin kong pabaligtad niya itong tinititigan.
"Hindi kita papansinin," sabi ni Edward habang sinusulat ang mga bagong letra. "Ito na." Ipinakita sa 'kin ni Edward ang isinulat niya.
Sinubukan kong basahin ang cipher base sa sinabing paraan ni Joyeuse. "Koronado... Chroni... E... Eh?"
"'Yung kasunod ng Ni na Baybayin at E na Elder Futhark ay parehong Hebrew. Kaf, o K; at Lamed, or L. And the one in the middle is the Egyptian Hieroglyph for S."
Isinulat ko ang mga letrang sinabi ni Edward. "Meron na tayong..."
Biglang tumayo si Joyeuse. "Coronado Chronicles," sabi n'ya. "The Tissue Paper of Destiny directs to the rendezvous Coronado Chronicles on August 16, at 3 o'clock in the afternoon. I need to visit Coronado Chronicles, the uni's student publication's newsroom tomorrow."
Napanganga si Edward (at ako, pero mas dramatic 'yung sa kanya). "Pa'no mo nalaman 'yung tungkol sa August 16? 'Yun ang nasa Tissue Paper of Destiny ko at hindi ko naman isinigaw kanina ang nakuha kong sagot sa code ko!"
Joyeuse smirked. "I've already solved your code earlier. I told you it was a really simple code." Kaya pala umalis na s'ya kanina, dahil na-solve n'ya sa isang tingin ang code na ibinigay kay Edward.
"E di ikaw na ang matalino."
"Now that's smart shaming."
"Hindi ka naman naaapektuhan no'n dahil wala kang hiya."
"Just pointing out, because according to John B. Watson's Behaviorism Theory—" He shook his head. "Never mind."
"Oh, may alam ka rin sa Psychology!" saad ko. "Sinong prof mo?"
"Does that even matter, Top 1 of CAS department?"
"Top 1 ka? Hindi halata," komento ni Edward. Wala sa mukha n'ya ang panlalait. He's just being honest. Pagkatapos ay humarap s'ya kay Joyeuse. "Kung sa 'kin nakuha ang araw at oras at kay Futhark nakuha ang lugar. Oy, hinayupak," si Joyeuse ang tinutukoy n'ya, "anong ambag mo rito sa kalintikang 'to?"
Nagsimulang maglakad si Joyeuse papunta sa pintuan. Mukhang wala s'yang balak tulungan kami. Sabi n'ya na may kasabay na pagkibit ng balikat, "Bring apples with you tomorrow. Burrhus Frederic Skinner, innit?"
Pagkatapos ay lumabas na s'ya ng kwarto. Nagkatinginan kami ni Edward.
"Sino ang Burrhus Frederic na 'yon?" tanong ni Edward sa 'kin. "Lalaki n'ya?"
Tiningnan ko s'ya nang masama. "He's a Psychologist. He's also an author, an inventor, and a social philosopher. 'Wag mong dungisan ang pangalan n'ya."
"Okay. Bakit s'ya binanggit ni dramaqueen?"
"Sabi n'ya magdala ng mansanas... Ah!" Pumalakpak ako nang isang beses. "Reinforcement! Sa theory ni Skinner para sa Behaviorism, may tinatawag na Reinforcement at Punishment."
Tinaasan lang ako ni Edward ng kilay. Hindi s'ya ganoon ka-interesado pero alam kong gusto n'yang marinig ang sasabihin ko. Sabi n'ya, "So Reinforcement is another term for award?"
"Yes, because it reinforces behavior."
"Paano? Magbigay ka ng example. Like, si dramaqueen."
"Ah... Halimbawa... Kapag mabait sa 'yo si Joyeuse, bibigyan mo s'ya ng award... Halimbawa, kape. Kapag binibigyan mo s'ya ng kape tuwing mabait s'ya sa 'yo, the coffee reinforces the behavior, which is, 'yun nga, ang pagiging mabait sa 'yo. That will condition him into doing that rewarded behavior again and again."
He looked convinced. "So may Psychological term sa pang-uuto at panunuhol?"
Natawa ako. "Technically...?"
Ngumisi si Edward. May masamang balak ang batang ito. "Right. See you tomorrow then, Futhark."
16. August.
Monday, 1:45 pm.
Coronado University Male's Dorm.
ILANG MINUTO AKONG NAGHINTAY sa labas ng kwarto ni Edward.
Nagkasundo kaming dalawa na sabay kaming pupunta ngayon sa newsroom ng Coronado Chronicles. Kung paano, hindi pa din namin alam. Napagkasunduan din namin ni Edward na daanan si Joyeuse sa kwarto n'ya (kung nando'n s'ya) dahil kailangan namin ng mukhang ihaharap sa security guards o kaya sa OSA, kung sakaling pagalitan kami, dahil suspended kami at bawal kaming pumasok sa uni sa loob ng isang linggo.
Bumukas na ang pinto. Bumungad ang busangot na mukha ni Edward. "Hi. Pinagdedebatihan ko at ng katamaran ko kung sasama ba ako sa'yo o hahayaan ko na lang kayong dalawa ni Joyeuse ang humarap sa mga nangtitrip sa 'tin."
Umukos ako. "Sumama ka na. Paano mo magagantihan ang nang-hack sa accounts mo?"
Tuluyan s'yang lumabas ng kwarto n'ya. "Reasonable. Let's go. Saan ang palasyo ni dramaqueen?"
"Lumabas s'ya kahapon sa 304B. Tara."
••• GODSFORRENT •••
WALA SI JOYEUSE SA KWARTO N'YA. Hindi namin alam kung nasaan s'ya at kung paano namin s'ya mako-contact kaya nagpunta na lang kami ni Edward sa campus.
"Anong gagawin natin kapag dinampot tayo ng guard?" tanong ni Edward, habang naglalakad kami papunta sa main gate. "Dumaan kaya muna tayo sa 7-eleven para makabili ng panuhol?"
Sumakto na nasa tapat kami ng 7-eleven, kaya napahinto kami pareho. Pero agad din naman akong nagpatuloy sa paglalakad dahil hindi ko gustong manuhol para lang makuha ang gusto ko.
"Oy Psyche dude," tawag ni Edward sa 'kin.
"Ed hindi tayo pwedeng manuhol," sabi ko at binalikan s'ya dahil nakatayo pa din s'ya sa tapat ng 7-eleven.
"Alam kong hindi kita kayang demonyohin, hindi 'yung suhol ang tinutukoy ko. Si Joyeuse nasa loob ng 7-eleven. Pupuntahan ba natin?"
"Tara puntahan natin."
Sabay naming tinakbo ni Edward ang 7-eleven at sinalubong si Joyeuse sa may entrance, dahil kakalabas lang n'ya't kakatapos bumili. Isang plastik na puro de-latang kape at mansanas ang nakita kong bitbit n'ya. May hawak s'yang bukas na kape sa kabilang kamay. Bigla akong nag-alala para sa kalusugan ng batang ito.
Sumimangot s'ya no'ng nakita n'ya kami at nagpanggap na hindi kami kakilala. Pagkatapos ay nagpatuloy na s'ya sa paglalakad. Sumigaw tuloy si Edward ng, "Oi, hinayupak!"
"Ed, baka marinig ka ng mga prof," sabi ko't lumingon-lingon sa paligid. Baka may prof na makarinig kay Edward.
Patuloy lang sa paglalakad si Joyeuse na tila walang naririnig. Sinundan namin s'ya ni Edward. No'ng una ay paglalakad lang ang ginagawa naming tatlo, hanggang sa bumilis ang lakad ni Joyeuse at hanggang sa nagtakbuhan na kami.
"Oi gago, ano?" sigaw na naman ni Edward (o baka hindi s'ya sumisigaw at natural na malakas ang boses n'ya?). "Pagkatapos mong mangopya ng sagot sa 'min iiwasan mo kami?"
Tumigil sa pagtakbo si Joyeuse at hinarap kami (kunwari ay hindi ko s'ya nakitang muntikan nang madapa). "I planned to do it alone."
Hindi ko inaasahang nakaabot kami sa gilid ng campus. Nakikita ko na ang malawak na talahiban.
"Alone?" sabi ko kahit medyo hinihingal pa. "Hindi ba mas masaya kung teamwork?"
"The two of you are a team," itinuro n'ya kaming dalawa ni Edward gamit ang isang lata ng kape, "because you two need each other. Because one of you is pretty useless and I'm not even sure who is which."
Hindi pa tapos maghabol ng hininga si Edward ay bigla na s'yang tumawa. "Sabi ko nga! Perkele, umasa pa ako. Tara na Futhark, tayo na lang ang gumawa ng paraan para makapasok sa uni at makapunta sa Coronado Chronicles."
Ngumisi si Joyeuse at inubos ang laman ng iniinom n'yang kape. "Right, because only the two of you are suspended."
Nanlaki ang mata namin ni Edward nang bigla naming maalala na tinakasan n'ya ang guidance counsellor kaya hindi s'ya na-suspend, kahit na s'ya ang may kasalanan kung bakit kami suspended in the first place.
"You know," pagpapatuloy ni Joyeuse, "I've thought of running inside the campus to get rid of the two of you, but that clearly is being unfair."
Hindi yata nakapagpigil si Edward at biglang tumakbo sa direksyon ni Joyeuse, at patalon s'yang sinipa. Kaagad kong tinakbo at hinila si Edward palayo kay Joyeuse dahil kahit maliit si Edward ay hindi n'ya inurungan ang matangkad na si Joyeuse.
Napaatras si Joyeuse sa isang basurahan at tumumba kasama nito. Nabitawan n'ya ang mga pinamili n'ya.
Nagpupumiglas si Edward mula sa pagkakakapit ko sa kanya. "Fick dich und dein-umpfh-" Tinakpan ko na ang bibig n'ya dahil kahit hindi ko naiintindihan ang sinasabi n'ya, alam kong minumura n'ya si Joyeuse.
"Kalma, Ed, kalma!" Inilayo ko si Edward mula kay Joyeuse at sa basurahang tumaob. "Joyeuse ayos ka lang ba?" Nilingon ko si Joyeuse na nakaupo sa gitna ng mga nagkalat na basura at may tinititigan sa tabi n'ya.
"Joyeuse?" Sinigurado kong malayo-layo si Edward bago ako tumakbo papalapit sa kawawang nasipa. "Ayaw mo pa bang tumayo, nabalian ka ba...?"
"It's a human limb," kaswal n'yang bigkas at itinuro ang isang pahabang itim na garbage bag na hugis braso ng tao at may dalawang daliring nakalitaw mula sa butas ng plastik.
Napaatras ako sa gulat. "Braso... at kamay ng tao?" Dahan-dahan akong lumapit para tingnan kung braso nga ng tao. Si Edward, nakasimangot na sinisilip kung anong tinitingnan namin ni Joyeuse.
Dumukot ng leather gloves si Joyeuse mula sa bulsa n'ya (buti na lang handa s'ya), sinuot ito, at hinila ang garbage bag pahiwalay sa ibang basura. Nang naihiwalay na n'ya ito ay inilabas n'ya ang phone n'ya at kinunan ng picture ang garbage bag. Lumapit na si Edward.
"Basurero ka na rin ba ngayon, dramaqueen?" panunuya na naman ni Edward, pero narinig ko ang mahina n'yang singhap nang makita n'ya kung anong kinukuhanan ng picture ni Joyeuse.
"Tingin ko dapat tayong tumawag ng pulis," sabi ko at lumingon-lingon sa paligid. Takbuhin ko na kaya ang security guards ng campus?
Maingat na binuksan ni Joyeuse ang garbage bag. Napansin ko na ang likot ng mata n'ya, na parang habang binubuksan n'ya 'yung garbage bag ay pinag-aaralan n'ya ang bawat sulok nito. Isang buong braso ng tao ang laman, pinutol mula sa balikat. Nakasuot pa din dito ng isang kulay puting long sleeve.
Sumagot si Joyeuse ng, "Of course, sure, go and call the police, I'll just... stay here and look out for this poor arm."
Nakangangang pinapanood ni Edward si Joyeuse. Tinapik ko ang balikat ni Edward at sinabi sa kanya, "Maiwan ka dito at bantayan si Joyeuse. 'Wag kayong gagawa ng kahit anong masama."
"Rito...?" mahina n'yang bulong.
"K-Kung ayaw mo at natatakot ka, pwedeng ikaw na lang ang tumawag ng pulis?"
Tinaasan n'ya ako ng kilay. "Ibig kong sabihin ay rito, Futhark. "Maiwan ka rito" ang tama."
Napabuntong-hininga ako sa sagot n'ya. "Ako na ang tatawag ng security guard ng campus."
"Hold up," pigil ni Joyeuse. "Call the municipality police instead."
"What?" tanong ni Edward.
"The owner of this arm is possibly from Coronado University."
Nanlamig ang batok ko. Naramdaman kong nagulat din si Edward at nanigas sa kinatatayuan n'ya. "Paano mo nalaman?" tanong ko.
Inilatag mabuti ni Joyeuse ang kamay sa harap namin at ipinaliwanag mabuti ang ebidensyang natagpuan n'ya. "This limb was a man's and was cut between the deltoid and the biceps. The bloodstains in the sleeve were still a bit reddish despite being totally brown. Judging from the state of the sleeve's fabric, a hacksaw was probably used to chop this limb from the body... Or maybe, the entire body itself was chopped into pieces."
"Dude, as in chop-chop?" tanong ni Edward.
"That's a theory." Iniangat ni Joyeuse ang kamay at ipinakita sa 'min ang palasinsingang daliri. "He had a ring, if you can see the traces," then he raised up the wrist part, "he also wore a thick, metal watch. Leather won't mark the skin like this."
"So," tanong ulit ni Edward, "nasaan ang singsing at relo n'ya?"
"Oh so you know how to think like a detective, huh?"
"Perkele, hindi ba tayo makakapag-usap nang walang dignidad ang tinatapakan?"
"Joyeuse ipaliwanag mo na lang kaagad dahil tatawag na ako ng pulis," sabi ko. "Paano mo nasabing taga-Coronado 'yan? Nasaan ang singsing at relo?"
"They were taken, to hide this person's identity. Either they threw them away or kept all evidences with them." Joyeuse's tone suddenly became flat. Parang robot na nagku-kwento sa 'min ng mga natuklasan n'ya. Pero parang hindi din kami ang kausap n'ya. "But keeping the evidences would be dangerous, so they must've thrown everything away after making sure the evidences can't be traced back to them. And if they need to get rid of evidences..."
"Paano," tanong ni Edward, "paano kung may naputulan lang ng braso tapos kinuha n'ya na lang 'yung singsing at relo n'ya kasi sayang naman, pwede pang ibenta?"
"I won't even bother looking up at you for that stupid question,"
"Ano 'yang kulay itim sa sleeve?" tanong ko naman, at itinuro ang itim na mantsa sa sleeve malapit sa kamay.
"It's ink. That's how I figured he's an office worker."
"Kung office worker, paano mo nasabing taga-Coronado University?"
Pinasadahan n'ya muna kami ni Edward ng isang mapangutyang tingin bago s'ya ngumiti at nagsabi ng, "Have you ever seen your professors?"
"Yeah?" sabay naming tugon ni Edward.
"The owner of this limb is wearing the uniform of a professor. Can you not see it?"
"That's the sleeve. It could be any uniform."
"No. It's the same as what Lance Ducere wore last Friday, at the library. I was studying his neatly pressed uniform because I was thinking that I've seen somebody wear that before. That's how I realized that it's because it was a uniform."
Hindi ba uma-attend si Joyeuse ng mga klase n'ya't hindi n'ya alam kung anong itsura ng uniform ng mga professor namin? O nagkakataon na ang mga professor n'ya ay 'yung mga hindi nagsusuot ng uniform?
"Sinong Lance Ducere?" tanong ni Edward. "S'ya ba 'yung prof na sumugod sa library kung saan ka nagbida-bidahan?"
"Ibig sabihin professor ang may-ari ng... ng braso na 'yan...?" kaagad kong dagdag, para hindi na magsagutan pa 'yung dalawa. "At kung pam-Friday ang suot n'yang uniform..."
"It means he was kidnapped or taken last Friday, and judging from the color of the blood and the stiffness of this limb, the assault was done yesterday."
"If that's the case..." Malalim na nag-isip si Edward. Tingin ko'y may naiisip s'yang theory. Ilang segundo s'yang nanahimik bago s'ya nagsabi ng, "If that's the case, then, that's not our problem anymore. Bye, punta lang akong Coronado Chronicles."
Napabuntong-hininga ako. Napansin siguro ni Edward ang pagkadismaya ko sa sinabi n'ya, kaya bigla s'yang nagdagdag ng, "Pero tingin ko mas uunahin kong maging isang punyetang kapanalig ng hustisya at tulungan kayong i-report ito sa mga punyetang pulis."
"Hindi mo kailangang magmura nang sobra," sabi ko sa kanya.
"Kinakabahan at natatakot ako," kalmado n'yang bigkas. "Karapatan at obligasyon ko ang magmura."
Tumayo si Joyeuse at iniwan sa lapag ang braso. Malalim din ang iniisip n'ya.
"Though, dramaqueen, may iniisip ako," sabi ni Edward. Nakuha n'ya ang buong atensyon namin ni Joyeuse. "Nasaan at anong nangyari sa katawan ng professor na 'yan?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top