Chapter 14 - Cold Blue

Futhark.

18. August.
Wednesday, 10:00 am.
372A High Street.

TANGHALI AKONG NAGISING, at nagising ako sa sahig ng kwarto ni Edward. Sandali kong inalala kung anong nangyari pagkauwi namin galing doon sa warehouse na pinagtataguan pala ng mga sindikato (o Mafia?).

Nakakatakot, kinakabahan pa din ako kagabi habang kaming apat ay nasa sasakyan ni Sir Lance. Ayoko nang maulit 'yung nangyari na 'yon.

Si Nicholas James na kaaway ni Joyeuse, dalawang beses naming nakita kahapon. Sina Sir Lance at Laevateinn na kayang makipagsabayan sa mga sindikatong may baril. Si Edward na may pinoproblema pala sa magulang niya. Si Joyeuse na siguradong walang kwenta na naman ang tingin sa 'kin.

Ang dami ko nang iniisip.

Hindi ko pa nakukuha 'yung mga gamit ko na kinumpiska nung mga sindikato kagabi. Nando'n 'yung cellphone ko, wallet, susi ng apartment, at saka 'yung iba ko pang gamit. Paano ko kaya mababalikan 'yon?

Napabuntonghininga na lang ako at bumangon. Sinipat ko ng tingin sina Edward, Joyeuse, at Laevateinn. Sa 372A pala kaming apat natulog. Si Edward, nasa sahig din at natutulog sa ibabaw ng kumot na kinakainan namin. Si Joyeuse nakabalandra sa kama. Si Laevateinn, sa ilalim ng kama natutulog. Nakikita ko 'yung paa niya.

Gusto ko sana silang gisingin kaso puyat at pagod sila. Hahayaan ko na muna silang matulog. Paano pala ako makakauwi sa apartment? May pagkain pa ba ako sa apartment para maipagluto ko sila ng agahan?

Nagising si Joyeuse. Kinapa-kapa niya muna kung nasaan 'yung salamin niya, pero hindi niya mahanap kaya tinitigan na lang niya ako nang masama. "Is that you, Futhark?"

"Oo," sagot ko.

"Good." Tapos bumalik na siya sa tulog.

Biglang sumigaw si Edward at bumangon. Pawis na pawis siya kahit na bukas ang aircon. Kaagad akong lumapit sa kaniya. Si Joyeuse, napabangon din at sumilip. Si Laevateinn, medyo napalundag ang puso ko nang nakita ko siyang nakasilip na mula sa ilalim ng kama.

"Anong problema, Ed?" tanong ko. Nakakunot-noong nanood si Joyeuse.

Umiling si Edward at sandaling nag-isip. I let him compose himself first.

Nakita na ni Joyeuse ang salamin niya. "What are we doing in 372A?" tanong niya. Si Laevateinn ay sumiksik na muli sa ilalim ng kama at ipinagpatuloy ang tulog niya.

"Sobrang puyat at pagod natin kagabi, hindi na tayo nagbalak umuwi sa mga kwarto natin?" Nagkibit-balikat ako.

"My dorm room is literally in the same floor." Nag-inat si Joyeuse, tapos may bigla siyang naalala. "We slept here because Edward said so, didn't we?"

Binato ni Edward ng notebook si Joyeuse. "Uh, dude? You picked the lock of my door and said that's it, let's crash in this room."

"Because you said, tonight was scary, "dudes". Samahan n'yo muna ako."

"First of all, fuck you. Hindi ako naniniwalang may sinabi akong ganyan. Second, nasaan ang accent mo kapag nagta-Tagalog kang hinayupak ka?"

"Well, then give me proof that you didn't say that."

Pumagitna na ako sa kanilang dalawa. "Ako yata ang nagsabing masyado nang gabi kaya dito na muna tayo makitulog."

Umirap si Joyeuse. "There's no way to figure this out, you all have an awful memory. I'm going back to my room. See you at uni." Narinig ko ang tahimik at walang tono na hagikgik ni Laevateinn.

"Papasok ka?" tanong ko. Hindi ako makapaniwala na may balak siyang pumasok sa klase.

Naglakad siya papuntang pinto bago siya sumagot ng, "Of course not. I'm going back to sleep."

Binato siya ni Edward ng ballpen. "Teka lang, drama queen!"

"Stop throwing things at me! What is it?"

"Ano nang sunod nating gagawin?"

"What?"

"Dude, anong sunod nating gagawin? Like, magkikita ba tayo sa uni, hahanapin ba natin si Sir Lance o ano?"

Kinunutan lang ulit siya ng noo ni Joyeuse. "Don't you have your own life? Go and attend your classes or whatever. Besides, Futhark is the mother, is he not? Go and ask him."

Bahagya akong natawa. "Actually, naghihintay lang din ako ng gagawin galing sa 'yo. Ikaw ang mas nakakaalam ng tungkol sa initiative, saka 'di ba balak mong kausapin si Sir Lance?"

"We talked yesterday."

"So... Do you still doubt him or...?" tanong ni Edward.

Umiling si Joyeuse at may mumunting ngiti sa kanto ng labi niya. "I don't."

"Kahit na nagsinungaling siya?" tanong ko.

"He admitted that he has lied to us for our sake." He sighed. "And now my brain's back on, I am fully awake. Futhark, go and cook brunch, I'll see you guys here in half an hour."

"Wala 'yung wallet ko, pati 'yung phone ko."

"Go and borrow some from Edward Dace."

"Col cavolo! Ang kapal ng mukha mo, mag-ambag ka, gago," sabi ni Edward.

Nagkrus ng braso si Joyeuse. "I don't have my wallet with me and didn't you say you had a few million in your bank account? It wouldn't hurt to break the bank once for the people who saved your ass, would it?"

"Saved my ass? Hindi ba ikaw 'yong sinundan namin kaya—"

"You followed Futhark yesterday, didn't you?"

"Okay," malakas kong bigkas para tumigil na sila. "Ako ang may kasalanan nung kagabi kaya ako na ang sasagot ng agahan ngayon. Uuwi muna ako sa apartment ko at babalik na lang ako dito ng 10:30. Makakatagal naman siguro kayo ng hanggang 10:30, ano?"

"Uh, yeah? Pero bitbitin mo palabas si Laevateinn. Teka... Oy 'di ba may aso siyang kasama kagabi? Nasaan na 'yon?"

Sumipol si Laevateinn, at bigla kaming may narinig na sumigaw sa labas. Mga nagsisigawang lalaki at mga yabag ng nagtatakbuhan. Binuksan ni Joyeuse 'yung pinto at sumilip, at sumugod sa loob ang aso na humabol sa amin kagabi. Nagsiksikan kaming tatlo nina Edward at Joyeuse sa sulok ng kwarto, habang 'yung aso ay sumuot sa ilalim ng kama.

"Okay...?" bulong ni Edward. "So we found the hellhound, and now I'm transferring to a different room."

"I'm taking a shower, then. Futhark, brunch." Lumabas na si Joyeuse na akala mo ay nakakuha ng alila.

Sumilip si Laevateinn mula sa ilalim ng kama, at habang nakayakap pa sa aso niya ay nagsabing, "We're going home but we'll be back here."

Nagdabog na si Edward at lumabas ng kwarto. Nagagalit 'yon na ginawa naming clubhouse ang dorm niya, hindi lang siya makapalag kay Laevateinn at Joyeuse.

Sorry, Edward.

18. August.
Wednesday, 12:00 pm.
CAS Faculty Room.

PAGKATAPOS KONG PAKAININ NG TANGHALIAN 'yung tatlo ay dumeretso ako sa CAS faculty room para kausapin si Sir Lance tungkol sa mga gamit naming nakumpiska. Luma't mumurahin na nga lang ang cellphone ko, kukuhanin pa sa 'kin. Ang salbahe naman ng mga sindikato na 'yon.

Hindi ko alam kung nag-lunch kung saan si sir pero nagbaka sakali na lang din ako. Nag-abang muna ako sa labas nang mga ilang minuto, bago ako kumatok at pumasok. Si Sir Lance ay nasa table niya, nakatitig sa class records niya habang nakahalukipkip at malalim na nag-iisip.

Dahan-dahan at nahihiya akong lumapit.

"Sir?"

"It took you five minutes to gather the courage to walk up to a professor's table?" tanong niya, habang nakatitig pa din sa class records niya. "I could see you from the two-way mirror."

"Nahihiya po kasi ako."

Binigay na niya sa wakas ang buong atensyon niya sa akin. "Nasa akin nga pala 'yung mga gamit n'yo. Cassandra gave it to me after the police cleared it. Of course, after making sure that they were really civilian property."

I sighed in relief. "'Yan nga po ang pinunta ko dito."

Inilabas ni Sir Lance mula sa desk drawer niya ang isang plastic bag at iniabot ito sa akin. "Please take a seat, I'd like to ask you something."

Tumango ako, naupo, at sinilip 'yung laman ng plastic bag. Phones, wallets, keys... Tsk. May kulang.

"You're looking for this, aren't you?" Inilapag niya ang isang bote ng gamot sa harap ko. Kaagad kong kinuha at ibinulsa.

"Thank you po," bulong ko.

"The initials on that bottle." Umabante si Sir Lance at ipinatong ang kaniyang baba sa kaniyang kamay. "KAW. I was wondering why it wasn't KAG, for Kiel Alf Gomez."

Dahan-dahan akong umiling. "Apellido po ng tatay ko ang ginamit ko."

"And just one look at your mother's name and we figured out who your father is."

We?

"Hindi naman po mahalaga kung sino siya," sagot ko. "At saka Gomez po ang gamit ko."

Tumango si Sir Lance. "Mr. Gomez, did you have second thoughts in signing the contract for the initiative?"

"Po? Bakit po? Hindi naman po ako nag-alinlangan o ano?"

"I see." Sumeryoso ang tono ni Sir. Hindi naman siya galit, pero kinabahan ako. "Take extra care of yourself."

Alam ko po.

"Inaalagaan ko pong mabuti ang sarili ko, sir."

"Ayokong lumabas na pinipigilan kita, and I don't want to be the villain here, but remember that once 'that'—" tumuro siya sa direksyon ng bulsa na pinagtaguan ko nung gamot—"interfered or got in the way of the initiative, we'll have to drop you out from the curriculum."

"Ano pong mangyayari sa iba kapag inalis ako?"

Nagkibit-balikat si Sir. "If they agreed to replace you, then you'll be replaced. But should they refuse... We might abort the initiative altogether."

Magagalit sa 'kin sina Joyeuse at Edward kapag nalaman nila 'to. Lalo na si Joyeuse. Kung ano-ano na naman ang sasabihin n'on sa 'kin.

Dagdag ni Sir Lance, "Kapag lang naman. Continue your medication and please don't hesitate to approach me if you need help or if you're not feeling well. You have everything under control, right?"

Tumango ako. "Lalapit po ako sa inyo kapag hindi ko na po kaya."

"Good. Don't you think Jule and the others should be aware? Isn't it better?"

Ngumiti ako at umiling. "'Wag na po, sir. 'Wag n'yo pong sasabihin kahit kanino. Please."

"Alright. But Arthur knows. He's the one who figured out about your father. Sorry, nakita niyang binabasa ko 'yung label ng bote noong chine-check ko 'yong mga gamit."

Pinilit kong 'wag mawala 'yung ngiti ko. "Of course."

"You don't have to worry about it, Arthur and I will keep your secret safe. At the same time, you can turn to him for help, if I were unavailable."

"Thank you po, sir."

"Now about the contract signing, sabihin mo roon sa tatlo na magkita tayo sa labas ng office ng president bukas. 7 am sharp, dahil tutuloy tayo sa registrar para ayusin ang curriculum at reg form n'yong apat. Make sure they are presentable and well-behaved."

"Opo, sir."

"And Mr. Gomez?"

"Po?"

"Please think about this carefully. That would be all. Dismissed."

19. August.
Thursday, 5:00 am.
372A High Street.

IT WAS A BRAND NEW DAY, at dahil sigurado akong magbabagal kumilos 'yung tatlo (or dalawa dahil hindi ko alam kung papaano ko-kontakin si Laevateinn), ay inagahan ko talaga ang gising para magising ko sila nang maaga. Naisauli ko na din ang lahat ng gamit nila kahapon, kaya matatawagan ko sila sa cellphone nila.

Inuna kong katukin si Edward. Pinagbuksan naman niya ako pagkatapos nang ilang minuto. Walang-wala siya sa wisyo at tanging mga haluyhoy lang ang naririnig ko mula sa kaniya. Nakapikit pa siya nang magtanong siya, "Hvorfor?"

"Sabi n'yo sa 'kin kahapon gisingin ko kayo ng 6 dahil maaga tayo sa office ng president!" sagot ko. "Kanina pa ako naghihintay dito, quarter to 7 na!"

Napatalon siya at tuluyang nagising. "Perkele, Fu! Baka magalit sa 'tin si Sir Lance kapag na-late tayo! Gago, bibilisan ko na."

Tumango ako. "Gigisingin ko lang si Joyeuse."

5:25 am.
304B High Street.

20 MINUTES NA AKONG KUMAKATOK sa pinto ni Joyeuse nang marinig ko ang mahinang kalansing ng isang susi mula sa awang sa ibabang bahagi ng pinto. 'Yung susi ni Joyeuse, mukhang pinadaan na lang niya sa awang para ako na mismo ang magbukas ng pinto niya.

Bumuntonghininga ako bago ko binuksan 'yung lock. Nakadapa pa din siya sa kama niya, at komportableng-komportableng nakabalot ng kumot.

"Joyeuse," tawag ko.

Habang nakasubsob ang mukha niya sa unan niya ay sumagot siya ng, "Now that yer in, please stop knocking, eh? You crack on an' just feck off, aye lad? Yer not me oul wan, pick the other key I threw outside an' ya didn't notice." Pagkatapos ay nakatulog na ulit siya.

"Bakit ka nagbabato ng susi?" tanong ko, at mahina siyang pinalo sa likod. "Gising na. Paano kung ibang tao pala ako tapos binato mo lang 'yung susi mo?"

"Of course, t'was you, I heard ya knock on Coronado Chronicles's door yesterday. It was the same knock."

"Hindi lang naman ako ang gano'n kumatok." Pinag-iisipan ko kung hihilahin ko ba siya palayo sa kama niya, pero sigurado akong mapapatay niya ako kapag nalaman niyang 5:30 pa lang.

"Your old-fashioned metal bracelet was rattling the door too,"

"Hindi lang naman ako ang nag-iisang may bracelet na ganito."

Bumangon siya at naupo, habang pinanliliitan ako ng mata. "You're the only one I know who can knock for 20 minutes at my door. Non-stop. Like a real bloody annoyance."

"May appointment tayo ng 7 sa president's office. Sabi ni Sir Lance siguraduhin kong presentable kayo."

"Why don't you go and fetch Edward Dace first?"

"Alam kong sasabihin mo 'yan kaya inuna ko na siya. Bumangon ka na kasi."

Ramdam kong pinapatay na niya ako sa isipan niya habang inaalis ang pagkaka-pugad sa kanya ng mga kumot niya. Dito ko nalaman na punum-puno pala ng papel at notes ang ilalim ng kumot. Mukhang may inaasikaso siya bago siya natulog. Nakonsensya akong ginising ko siya kaagad.

"Anong oras ka pala natulog?" tanong ko, habang naglalakad pabalik sa may pintuan.

"About thirty minutes ago," nanggagalaiti niyang sagot.

"Sorry."

May bumangga sa pinto at mahinang kumatok, at dahil nasa tabi ko lang naman ang pinto ay binuksan ko na. Si Edward. Bihis na siya at ready nang pumasok, pero nakapikit pa din talaga siya.

Tapos may bumasag sa bintana ni Joyeuse at nagising ang diwa nung dalawa.

Tinakbo ni Joyeuse 'yung bintana at dumungaw. Sumigaw siya, "Laevateinn! You didn't have to break my window!"

Tapos ay nasapul siya ng isang hilaw na isda sa mukha.

"Bakit may isda si Laevateinn?" bulong ko.

Ibinato sa 'kin ni Joyeuse 'yung isdang binato sa kaniya, at padabog siyang lumabas ng kwarto. Hinabol ko siya ng tingin at nagtanong, "Hihintayin ka namin sa labas ng office ng president?"

Nakita kong napansin niya ang oras mula sa wall clock sa hallway. Lagot ako. Sumigaw si Joyeuse ng isang napakahaba at tinis na, "Futhaaark!"

7:00 am.
Office of the President
Coronado University

KASAMA NA NAMIN SI SIR LANCE. Naghihintay kami ngayon sa loob ng office ni Dr. Christian Coronado, ang president ng Coronado University. Pinaupo kaming apat (ako, sina Edward, Joyeuse, at Laevateinn) sa conference table na nasa gitna ng office, habang si Sir Lance ay nakatayo sa likod ni Joyeuse.

Malawak at maaliwalas ang loob ng office ni Sir Coronado. Ang isang pader ay puno ng trophies at plaques, ang isa naman ay puno ng framed certificates. Ilan sa mga certificate ay may pangalang "Dr. Marcial Lo", at 'yung iba ay sa "Harold Coronado". May isang certificate doon na may pangalan na "Luciano Lukas", pero hindi ko mabasa kung para saan.

Pagkatapos, malapit sa lamesa niya ay apat na TV na naka-screw sa pader. Nakapatay pa ang mga ito ngayon. Puno ng folders at mga dokumento ang lamesa niya. Kapansin-pansin ang isang picture frame na nasa ibabaw ng mga folder. Hindi ko lang masilip kung ano'ng nasa picture.

"The Chancellor is here," anunsyo ni Sir Lance. Lumingon kaming lahat sa pintuan at napatayo.

Isang napakaganda't nakangiting babae ang pumasok sa kwarto. Nakasuot siya ng isang napakakulay na dress na may kapansin-pansing lace na bulaklak sa kanang dibdib. Nakataas ang buhok niya, parang 'yung mga nakikita kong foreigner sa TV. Ang puti niya at parang lumiwanag 'yung kwarto nung pumasok siya.

Ilang segundo namin siyang tinitigang maglakad at maupo sa dulo ng conference table. Si Edward, napansin kong nakanganga. Si Joyeuse, pinasadahan 'yung chancellor ng tingin mula ulo hanggang paa, bago napukaw ng mga plaque sa pader ang atensyon niya. Si Laevateinn, tahimik lang na nakatitig sa chancellor.

"Bonjour, enchanté," bati ng chancellor sa 'min. Isa-isa niya kaming tinanguan. "Please be seated." Hinintay niyang makaupo kaming apat, at tumayo naman si Sir Lance sa likod niya, bago siya nagpatuloy sa introduksyon niya. "I'm Dr. Marcial Lo, and since I'm a busy lass, I am the Chancellor."

"Good morning, madame," bati ni Joyeuse. Gumaya kami ni Edward at bumati din. Si Laevateinn, tumango lang.

"So these are the chosen students for the curriculum, Sir Ducere?"

"Yes, ma'am," sagot ni Sir Lance. "They passed the screening and I witnessed their skills myself." Ngumiti sa amin si Sir Lance na parang nagsasabing, "Though may pagkatanga po sila minsan. Madalas."

Kay Edward nagtuon ng atensyon si Ma'am Marcial. "And your names are?"

"Edward," kaagad na sagot ni Edward. "Edward Dace."

Sa akin naman tumingin si ma'am, kaya nagpakilala na din ako, "Kiel po. Kiel Alf... Gomez."

Nagtaas ng kilay si Ma'am Marcial at dahan-dahang tumango. "Gomez din. Fabulous." Nginitian naman niya si Joyeuse. "Your name?"

"Jule Lewis Uresonderry," sagot ni Joyeuse.

Nasamid si Edward nang marinig niya ang "Lewis" sa pangalan ni Joyeuse. Nagpigil naman ako ng ngiti. Nananaksak ang tingin sa 'min ni Joyeuse.

"And the last one?" tanong ni Ma'am Marcial kay Laevateinn. Napaabante kami ni Edward sa kinauupuan namin. Ano kaya ang pangalan ni Laevateinn? Kahit si Joyeuse, nakatingin kay Laevateinn, nag-aabang din.

Napansin ni Laevateinn na nakatitig kaming tatlo sa kanya, pero blanko pa din ang mukha niya. "Laevateinn," sagot ni Laevateinn.

"Laevateinn?" ulit ni Ma'am Marcial.

"Laevateinn."

Dismayado kaming napatango ni Edward, at bumigkas din kami ng, "Laevateinn."

"Alright then, lovelies, Edward, Kiel, Jule, and, er, Laevateinn," humudyat si Ma'am Marcial kay Sir Lance, "you will be given the updated copy of the contract for the curriculum."

Si Sir Lance ang nag-distribute ng blue folders sa aming apat. Ito din yata 'yung folders noong Monday.

Nagpatuloy si Ma'am Marcial, "And surely, you boys know that the reason why we have a contract is to make sure that you keep everything about this curriculum confidential."

"A legally-binding contract for a curriculum," bulong ni Joyeuse, sabay ngisi.

"We added the conditions you asked for," sabi ni Sir Lance. "Section 4. We'll give you a few minutes to read, and we'll entertain questions afterwards."

Tumango kaming apat at nagsimulang magbasa. Wala pang isang minuto nang maghikab si Laevateinn at magbaba ng folder. Pinilit kong 'wag ma-distract at basahing mabuti 'yung kontrata, kaso nadapo ang tingin ko kay Sir Lance, na pinapanood kami.

If "that" interfered or got in the way of the initiative, we'll have to drop you out from the curriculum.

Napalunok ako.

Ibinaba na din ni Joyeuse ang folder niya. Si Edward, nararamdaman kong sinisipa-sipa na ako sa ilalim ng lamesa. Bakit ang bilis magbasa nina Joyeuse at Laevateinn, tanong siguro niya.

Naglagay ng sign pen sa harap namin si Sir Lance, kaya kaagad kong pinasadahan 'yung kontrata. Ilang minuto pa ang nakalipas at natapos na kaming lahat sa pagbabasa.

"Questions?" tanong ng nakangiting si Ma'am Marcial.

Umiling kaming tatlo, habang si Joyeuse na talagang mabusisi ay magtatanong sana, pero bigla siyang natigilan at napatango. Baka nasagot na niya ang sarili niyang tanong.

"Once you sign that," simula ni Ma'am Marcial.

"There's no turning back?" tanong ni Edward.

Natawa si ma'am. "There is turning back, sweetheart. No pressure. Just love what you do."

"But if we breach the contract, we'll be expelled," sabi ni Joyeuse. "That is pressure for an Edward Dace."

"Not without talking about it first. You're all good boys, I can feel it. If Sir Lance can count on you, I know I can count on you too."

Umalog ang balikat ni Sir Lance at nagpilit siyang ngumiti sa amin. "Why yes, of course I can count on them. Take the wrong jeepney to San Lazaro—I mean help the police with two felonies in two days, they really are... something."

Isang napakapekeng ngiti ang isinagot ni Joyeuse sa kanya. "I'm looking forward to working with you, Sir Ducere."

"Likewise."

Naroon pa din ang pekeng ngiti ni Joyeuse habang pinipirmahan niya ang kontrata niya. Iniabot niya kay Laevateinn, na siyang nakaupo sa kanan niya, ang sign pen. Sinubukan naming silipin ang pirma ni Laevateinn, baka sakaling makita namin kung anong pangalan niya.

Hindi namin nakita. Mabilis at ilang strokes lang ang pirma niya. Tapos ay iniabot niya kay Edward ang sign pen. Mabilis lang din pumirma si Edward, at pagkatapos niya ay narinig ko siyang bumulong ng, "I didn't explode. I've been worrying for nothing."

Ibinigay niya sa 'kin ang sign pen. Here we go.

Umubo si Sir Lance.

Ayaw ba niya akong pumirma? Pinag-isipan ko namang mabuti ang lahat, kaya bakit?

"What's wrong?" masungit na tanong ni Joyeuse. Are you having second thoughts?

Umiling ako at pumirma. "Ang pangit lang kasi ng pirma ko, ha-ha," pagsisinungaling ko.

Pumalakpak si Ma'am Marcial at binati kami ng, "That's it, then? Sir Ducere, the registrar." Ngumiti siya sa 'min. "Thank you, boys. See you around."

••• GODSFORRENT •••

10 A.M.. Kakatapos lang maayos ng bago naming reg forms, curriculum, at schedule. May tatlo kaming bagong subjects na magkakasama kaming apat: Fundamentals of Martial Arts & Disarming Techniques, Introduction to Criminology & Psychology of Crimes, at Philosophy.

Hindi pa sinasabi sa 'min kung sino ang magiging prof namin sa mga subject na 'yon, pero kanina pa nananakot si Joyeuse na magiging prof namin si Sir Lance at babagsak na kaming lahat.

Nasa lobby kaming apat at naghihintay para kay Sir Lance, na inaayos naman 'yung workload ng mga magiging prof namin.

"So tuwing umaga ng MWF ay kayo ang kaklase ko," ani Edward.

Lumingon kaming tatlo sa kanya. Sumagot ako ng, "Oo. Tapos pagdating ng hapon, 'yung mga subjects natin sa kanya-kanya nating course."

"What's your course again, Futhark?" tanong ni Joyeuse, habang nanonood sa TV ng lobby.

"Psycholo—"

"Boring. What about you, Edward Dace?"

Nag-alinlangan muna si Edward bago siya sumagot ng, "Mass Co—"

"Awful. And you Laevateinn?"

"Gago 'to ah."

"What's your course, Laevateinn?" ulit ni Joyeuse. Tingin ko ay inisa-isa niya muna kaming tanungin para hindi magtaka si Laevateinn kapag siya na ang tinanong.

Tinitigan lang siya ni Laevateinn.

"Good talk." Sumuko na kaagad si Joyeuse at nag-cellphone na lang.

Dumaan sa harap namin ang tumatakbong si Kuya Zweihänder. Hindi niya kami napansin dahil tumatakbo siya at dali-dali siyang pumasok sa OSA. Ano kayang nangyari?

Dumating naman si Sir Lance, na may hawak na mga folders. Ang busy niyang tao, paano kaya niya nagagawa lahat ng mga dapat niyang gawin? Nang hindi nababaliw o nabu-burn out?

"You start your classes with Sir Henry Fortes tomorrow," sabi niya, habang binabasa ang notes niya sa maliit niyang itim na notebook. "7 am, sa gymnasium. Fundamentals of Martial Arts & Disarming Techniques."

"Ang aga," 'di makapaniwalang bulong ni Edward. "At saka bakit si Sir Henry po? Akala ko Literature ang tinuturo niya?"

"You'll see. Then after your classes with Sir Fortes, you'll have Philosophy with Sir Arthur Lukas. Jule, it's time you catch up with your classes."

"Great." Umirap lang si Joyeuse.

"Sa library ang Philosophy n'yo since apat lang kayo. Also sa library, 9 a.m., Intro to Criminology & Psychology of Crimes—with me."

"Criminology ang tinuturo mo, sir?" nahihiwagaang tanong ni Edward.

"Why? Akala mo pagala-gala lang ako sa Coronado?"

"Lance is a former cop," sabi sa 'min ni Joyeuse, kahit na parang labag sa loob niya. "That's until he decided to be boring and taught idiots instead."

"And now I'll be teaching three additional idiots," sagot ni Sir Lance.

Napurnada ang pagkamangha ni Edward nang tawagin kaming idiots. "Just three, huh? So duuude, sino 'yong isang hindi idiot?"

Ngumisi si Sir Lance. "Figure it out. See you tomorrow."

Pagkatapos n'on ay umalis siya at tumanaw muna kami sa kanya bago nagsabi si Edward sa 'min ng:

"Obviously, hindi ako 'yong idiot dahil hindi ako 'yong tangang nagpasimunong sumakay ng jeep pa-San Lazaro at 'yong tumakbo papuntang Cypress Street nung Martes, right, drama queen, Madam Rosa?"

"Hindi ako idiot, Ed," sabi ko.

Naghintay sila ng kasunod ng sasabihin ko.

"That's it? No supporting evidences?" tanong ni Joyeuse. "As expected." Ngumisi siya. "I know I am not an idiot. I have the IQ of a genius."

"And the personality of a twat, apparently," sabi ni Edward. Tumawa siya sa sarili niyang joke. Nahabag ako sa kanya.

Tumahimik kaming lahat pagkatapos ng joke ni Edward, at nabaling ang tingin namin sa mga taong naglalakad. Napansin ko si Sir Lukas, na galing sa direksyon ng office ng president.

Pinapanood na din pala nina Edward at Joyeuse si Sir.

"Si Sir Lukas," sabi ko sa kanila.

Lumunok si Edward. Ramdam kong may gusto siyang sabihin, pero hindi niya tinuloy. Si Joyeuse naman ay nakakunot-noo't parang dismayadong-dismayado sa nakikita niya.

"I now remember why I skipped his classes," sabi ni Joyeuse. "Because he's boring."

Nakaramdam si Sir Lukas at nagawi ang tingin niya sa direksyon naming apat. Halatang-halata naman kasi na nakatitig kaming apat sa kanya. Ngumiti ako at naglayo ng tingin, pero si Joyeuse, talagang nakikipagtitigan.

Lumapit tuloy si Sir sa amin. "Uresonderry," tawag nito. "Please be aware that the four of you needs to pass all subjects together. That means if you failed Philosophy or any subject, all of you will have to repeat a term."

"What?!" singhap ko.

"Yes, Mr. Gomez," ngiti sa 'kin ni Sir, "so please guide your teammates too."

"Laevateinn, pumapasok ka din ba sa mga klase mo?"

"Laevateinn is my student too. He has never attended any class. I hope it doesn't pressure you, Mr. Gomez, but please make sure they attend and pass their classes."

"Bakit bigla akong nagkaroon ng tatlong anak?"

"I'll see you tomorrow," paalam ni Sir Lukas bago siya nagpatuloy sa paglalakad.

No pressure, sabi nila. Just love what you do, sabi nila.

Hindi ko titigilan ang tatlong 'to kapag hindi sila nagtino.

20. August.
Friday, 6:20 am.
372A High Street.

HETO NA NAMAN AKO. Nasa pintuan ni Edward, kumakatok. Sinabihan ko silang dalawa ni Joyeuse na matulog nang maaga para hindi sila puyat ngayong umaga. Ilang minuto na akong kumakatok sa pinto ni Edward ay hindi pa din siya sumasagot, kaya pumunta na ako ng 304B, sa kwarto ni Joyeuse.

Nasa akin pa din ang susi niya kaya binuksan ko na ang pinto. Himala, gising siya at nakaupo sa may bintana na para bang hinihintay niya talaga ang pagdating ko.

"I have not slept at all," sabi niya, sabay kumpas sa mga papel sa sahig. "And I am mentally killing you as I speak. Tread cautiously, Kiel Alf Gomez."

Dahan-dahan akong lumapit at inilapag sa tabi niya ang maliit na thermos ng kape na inihanda ko para sana sa sarili ko. Umatras ako palabas ng kwarto, habang pinapanood siyang titigan ang kape. "Babalikan kita after 30 minutes. Please compose yourself."

Kumatok ulit ako sa pinto ni Edward. Pinagbuksan na niya ako, at pupungas-pungas siyang nagsabi ng, "Five minutes. Bihis na ako, pero gusto ko munang magmuni-muni kung tama ba ang mga desisyon ko sa buhay."

Tumango ako. Isinarado niya ang pinto.

Saan kaya ako maghihintay?

"Good morning, Futhark," bati ni Laevateinn mula sa likod ko. Hindi ko siya naramdamang lumapit kaya nagulat talaga ako nang bigla siyang magsalita.

"Good morning, Laevateinn!" bati ko pabalik, kahit na gusto ko talaga siyang tanungin kung paano siya napunta doon. "Buti ka pa ang aga mong gumising... O hindi ka pa natutulog?"

"I've slept."

"Good."

Awkward silence.

"Nag-agahan ka na?"

"Apple."

"Okay."

More awkward silence.

"Ano palang course mo?"

"Tourism."

"Oh." Hindi ko inaasahang sasagutin niya ang tanong ko. Mas lalong hindi ko inaasahan na Tourism siya.

Lumabas na si Edward mula sa kwarto niya. Nakita niya si Laevateinn. "Argh." Hindi ko naulinigan ang mga sunod niyang sinabi dahil bumulong-bulong na lang siya na parang bubuyog na masama ang loob. Parang nagrereklamo siya tungkol sa isang Keanu Lukas? Hindi ko narinig nang maayos ang unang part, pero sigurado akong nakarinig ako ng Lukas sa reklamo niya.

"Puntahan na natin si Joyeuse," anyaya ko, habang nakikiramdam kung magagalit ba si Laevateinn na nag-argh si Edward nang makita siya. Hindi naman nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Laevateinn at tahimik lang siyang sumunod sa amin patungong kwarto ni Joyeuse.

Ako na ang nagbukas ng pinto sa 304B.

"Joyeuse?" tawag ko, habang dahan-dahang binubuksan ang pinto.

Hindi gumalaw si Joyeuse sa kinauupuan niya mula kanina, pero hawak na niya 'yung thermos ng kape. Hindi na siya mukhang papatay.

"I've figured it out, Futhark," sabi niya habang nakangisi.

Hindi ko alam kung anong isasagot ko. "Natutuwa ako para sa 'yo," ani ko.

"Noel Limjoco was framed by his son's wife."

Oh.

"Noel?" tanong ni Edward. Lumapit siya kay Joyeuse. "As in si Pareng Noel?"

Lumapit din si Laevateinn, pero wala siyang sinabi.

"Yesterday, I asked Casey about Noel's background. The son's wife filed a report to the police, which was false, and yet Noel can't do anything to prove himself innocent because he did take things that wasn't his... anymore."

"Anong sabi ni Ma'am Cassandra?" tanong ko.

"I haven't followed it up yet." Tumayo si Joyeuse at nag-inat. "I am too sleep-deprived to deal with her."

"But not too sleep-deprived to attend classes, right?" tanong ni Edward. "Kasi dude, sa pagkakaalala ko, unang subject natin ngayon ay Martial Arts."

Bumagsak ang tingin ni Joyeuse sa hawak niyang thermos. Tapos sa akin naman siya tumingin. "Futhark, this is empty."

"Puno 'yan noong binigay ko sa 'yo, Joyeuse." Umiling ako.

"Futhark, this is now empty."

"Dudes, sa 7-Eleven na lang tayo bumili ng kape. Male-late na tayo."

20. August.
Friday, 7:07 am.
Coronado University Gymnasium.

NASA GYM NA SI SIR HENRY FORTES nang makarating kami. Inabot kami nang ilang minuto sa 7-Eleven dahil nakipag-away pa si Joyeuse doon sa coffee machine. Akala namin ay magagalit si Sir Henry, pero gaya ng sabi ni Edward (na member pala ng Literature Club na si Sir Henry ang adviser), chill lang si sir.

"Hello!" bati niya sa 'min. Halos kasing-tangkad ko si Sir Henry. Nakasalamin siya at nakasuot ng asul na bandana sa ulo, na siyang nagsisilbi ding headband, para hindi humarang sa mukha niya ang kulot niyang buhok. Hindi siya mukhang professor, para lang siyang senior college student na nautusang magturo ng Martial Arts.

"Hello po," bati ko sa kanya pabalik. Tumango lang 'yung tatlo. Nakaupo kaming lahat sa sahig ng gym.

Nakangiting nagpakilala si sir, "I'm Henry Fortes, 38 years old, sadyang magkalahi lang kami ni Edward kaya mukha akong 29. Kokolektahin ko ang class cards n'yo mamaya after class. Let's start the day by exercising!"

Tumayo kami at hinintay ang instructions ni Sir Henry.

"First exercise, head rotation." Inilagay ni Sir Henry ang kamay niya sa baywang niya. "Okay! One, two, three, four—bakit hindi kayo gumagalaw...?"

"Gumagalaw po ako," sabi ko. Lumingon ako kina Edward at Joyeuse. Si Laevateinn, naaaninag ko namang gumagalaw, pero sina Edward at Joyeuse parang mga tingting na nagpapatangay sa hangin.

"Ano, Edward," ani Sir Henry. "'Pag sa Lit ang sipag at daldal mo, pero sa exercise?"

Sumagot lang si Edward ng isang matinis na tunog na karaniwang naririnig sa mga baboy na kinakatay.

"Nag-agahan ba kayo?"

Sabay-sabay kaming umiling. Bakit parang kasalanan ko na hindi ko sila napakain ng agahan? Bakit parang kasalanan ko na nahuli din ako ng gising...?

"Sir, akala ko Literature ang tinuturo n'yo?" tanong ni Edward.

"I got an offer, Ed! Hindi ako makakahindi sa pera!"

"How are you going to teach us?" tanong ni Joyeuse.

"I know Martial Arts, I have a black belt."

"I have a leather belt at home," sagot ni Edward.

"I have a silk cummerbund," dagdag ni Joyeuse.

"Cummerbund? Nag-marching band ka ba?" tanong ni Sir Henry kay Joyeuse, tapos naalala niyang nagtuturo nga pala siya. "Teka, nililibang n'yo ako! 10 push ups, boys! Laevateinn, 'wag kang matulog habang nakatayo!"

••• GODSFORRENT •••

LIBRARY. Klase namin ng Philosophy kay Sir Arthur Lukas. Napagod sila nang husto sa pag-e-exercise pa lang sa klase ni Sir Henry, kaya mga wala na silang energy para sa isang active discussion. 'Yung mga librong dinala ni Sir Arthur para sa 'min, ginamit ni Edward para takpan ang mukha niya. Si Joyeuse nakatulala lang sa blangkong notebook niya.

Nakaupo kami sa isang mahabang table, at parang nagkaroon na kami ng automatic na sitting arrangement, dahil laging nakaupo si Joyeuse sa kanan ng sinumang nakaupo sa head ng lamesa. Katabi niya si Laevateinn, na kaharap naman si Edward. Ako naman ang kaharap ni Joyeuse, kaya kitang-kita ko kung nakikinig ba siya o hindi.

Walang nakikinig sa kanilang tatlo. Ni hindi sila nagno-notes.

"Edward Dace, please don't cover your face," bigkas ni Sir Arthur. Huminto muna siya sa sinasabi niya tungkol sa Absurdism para sawayin si Edward.

"I'm not sleeping," sagot ni Edward. Hindi pa din niya inaalis ang librong nakaharang sa mukha niya.

Si Laevateinn naman ang sinaway ni Sir. "Laevateinn, please wake up."

"I'm awake," sagot ni Laevateinn.

"Then please open your eyes and actually pay attention. Is there at least one person paying attention? I left a question."

"Aha!" Biglang bumalik sa realidad si Joyeuse.

"Yes, Uresonderry? Do you know the answer?"

"It was the delivery guy! The police checked the alibis of the kitchen staff and the family, but they didn't check the alibi of the delivery guy, who is connected to the family via the cashier, who was the husband's mistress!"

Sandali siyang tinitigan ni Sir Arthur. Bumuntonghininga si Sir Arthur at dahan-dahang umiling. "No, Joyeuse. Albert Camus was the author of Myth of Sisyphus."

Tumukba si Edward at nabitiwan ang librong ipinantatakip niya sa mukha niya.

Wala talagang nakikinig kay Sir Arthur.

••• GODSFORRENT •••

NAGISING AKO SA IDLIP KO nang patunugin ni Sir Lance ang isang bell sa harap namin, at inikot pa niya malapit sa mga tainga namin. Talagang nabulabog kaming apat. Nakatulog pala kami pagkatapos ng klase namin kay Sir Arthur at habang hinihintay si Sir Lance.

Bago pa masita ng librarian si Sir Lance ay isinauli na niya ang desk bell doon sa counter. Tapos nakangisi siyang bumalik sa amin at naupo.

"So your first two classes were a fail, huh?" aniya.

Hindi na naman makapaniwala si Edward. "How did you know, it's just a few hours—"

"Let's go to the canteen."

"Po? Canteen?" tanong ko.

"What would a professor expect from students who didn't eat breakfast? Let's go." Tumayo si Sir Lance.

"Sir duuude," bigkas ni Edward. "You're an angel."

9:00 am.
Coronado University Canteen.

Hinayaan kaming kumain ni Sir Lance, habang siya ay may binabasa sa class records niya. Siguro marami din siyang ginagawa at gusto din niyang makapagpahinga muna, kahit papaano.

"You can't perform well on an empty stomach," sabi niya sa 'min.

Tumango kami. Tama si Edward, isang anghel si Sir Lance. Naiintindihan niya kaming mga estudyante. Kahit kasalanan ko talaga na hindi kami nakapag-agahan.

"At the same time," dagdag ni sir, "your blood and your entire system focus on aiding your digestion."

Tumigil sa pagkain si Joyeuse at tumitig nang masama kay Sir Lance.

"That leaves little supply of blood in your brains."

Kinutuban ako sa ngisi ni Sir Lance.

"You know, your thinking process is slowed down by eating. The same as after eating, kaya kadalasan ay inaantok kayo pagkatapos kumain."

Naglabas ng ballpen si Sir Lance at itinuon ang paningin niya sa class record niya. "Now since it's still my class. Let's proceed to quiz number one for the first sem."

"What?!" Nabitiwan ni Edward ang tinidor niya.

Nagpatuloy lang si sir, "There will be a time limit so think carefully before you answer."

"Pulling a stunt like that when we're tired and eating." Sinaksak ni Joyeuse ng tinidor ang kanin niya. "You are the devil, Lance."

Humalakhak si Sir Lance. "I thought I was an angel?"

"Lucifer," bulong ni Joyeuse.

Hindi na siya pinansin ni Sir. "Dace, you're up. Question—"

Kaagad na lumunok si Edward at nagreklamo, "Bakit ako, sir?!"

"It's alphabetically arranged."

"Bakit alphabetical, sir?!"

"Why, ikaw pa rin naman ang una kapag ginawa kong by height."

"Edward, no." Tinakpan ko kaagad ang bibig ni Edward bago pa niya mamura si Sir Lance.

"Question, Dace," pagpapatuloy ni sir. "If a man with a thick Serbian accent approached you and asked for the time, what will you do?"

Kumurap-kurap si Edward bago sumagot ng, "Ask him... where he's from?"

Nag-scoff si Sir Lance. "No, Dace, you tell him the time. And if you're really the great Edward Dace, the linguistically intellectual, as you claim, wouldn't you know where he's from based on his accent, tone, semantics, and vocabulary?"

Nanliit si Edward. "I can do that," sabi niya, sabay nguso.

"Then why not now?"

"Well you put me on the spot and you're pressuring me!"

Nagsulat si Sir Lance sa maliit niyang itim na notebook. "We'll work on how you handle pressure, then. Next up, Laevateinn."

Nagtaas ng kamay si Edward. "'Yon na po ba 'yon, sir? Walang second chances?"

Binigyan si Edward ng isang seryosong tingin ni Sir Lance, na para bang base sa experience niya ang sasabihin niya. "There is no such thing as second chances in real life."

Walang nasabi si Edward, kaya nagulat kami nang magsalita si Laevateinn.

"Chances are different from opportunities, and opportunity lies in every corner. One must learn to look, in order to find."

Ngumisi sa kanya si Sir Lance. "Shoot a man with a gun and what does the doctor give him? 50-50 chances in living. Does he say you have 50-50 opportunity in surviving?"

"You're mixing chances and percentages."

Tumango si Sir at nagsulat. Parang nakuha niya ang gusto niyang sagot. "Alfadur-trained, can't argue," narinig kong bulong niya, bago niya tapusin ang sinusulat niya at nagbato ng isang mansanas kay Laevateinn.

"Jule."

Sumipsip muna ng kape si Joyeuse. "Lance."

Sandali akong nag-isip kung anong itatanong kay Joyeuse. Kakaiba ang paraan ni Sir Lance ng pagtuturo. Hindi ko alam kung diagnostic ba ang quiz na ito, pero sigurado akong ina-assess kami ni Sir.

Ang tanong ni Sir kay Joyeuse: "You see an elderly crossing the street. What do you do?"

Oh, so manners ba ang gustong ituro ni Sir Lance kay Joyeuse?

Nagtaas ng kilay si Joyeuse. "Depends. What kind of street is it? Busy or not? How old is the elderly? Is he/she disabled? Is he/she blind? Is he/she a relative of Nicholas James?"

"Dude, kapag may matanda, tinutulungan kaagad," sabat ni Edward.

"No, you need to assess the situation. That elderly could be a murderer."

"Correct," ani Sir Lance, habang nagsusulat. "Thinking before acting. Now, Gomez."

"Anong klaseng alphabetical 'yan, sir?" sabat na naman ni Edward. Hindi naman siya pinansin ni Sir Lance.

"Now for your question, Gomez: you are stuck in a room with Jule and Dace, and Nicholas James enters the scene. Jule is obviously irritated and furious, and Edward Dace is thrashing around, spewing profanities." He looked down on me. "What do you do?"

What do I do?

"That was our situation last time!" sabi ni Edward.

"Yes, and Gomez was unable to do anything."

Umubo si Joyeuse, "Useless."

Bumuntonghininga ako. Na-useless na naman ako ni Joyeuse. Tapos nananakot na naman si Sir Lance. "I... think before I act?" nag-aalinlangan kong sagot.

Nagtaas lang ng kilay si Sir. "Did you think before answering my question?"

Dahan-dahan akong tumango.

Isinarado ni Sir Lance ang notebook niya at ngumiti sa akin. "That answer won't convince anyone. Work on how you'll convince me, Gomez. I'll be leaving, then."

Tumayo si Sir Lance.

"Tapos na po ang klase, sir? Intro to Crim po ba 'yon?" tanong ni Edward, kahit na bakas sa mukha niyang masaya na siyang makakakain nang tahimik.

"The quiz is done," sagot ni Sir. "Jule and Laevateinn passed. I left some books for you in Coronado Chronicles's Newsroom. Study for next meeting's written exam, and make sure you've eaten breakfast. Dismissed."

Tapos ay umalis na siya.

Napatulala kaming apat sa pinto, bago binasag ni Joyeuse ang katahimikan.

"Wow, Laevateinn and I passed." Tumawa siya nang mahina. "And for whom again were you worried, Futhark?"

Nagpatuloy sa pagkain si Edward. "The quiz was unfair!"

"But you're smiling."

"Because we have a smartass adviser and I am eating."

Nawalan ako ng ganang kumain, kaso sayang ang pera kung hindi ko uubusin. Maraming bata ang nagugutom.

"Bilisan na lang nating kumain at pumunta na tayo ng Newsroom," sabi ko.

••• GODSFORRENT •••

NAABUTAN NAMING PALABAS NG NEWSROOM 'yong magandang babae na may mahabang buhok na taga-Theater Club. Siya nga yata 'yung pinunta ni Zweihänder sa Theater Club noong isang araw.

Kaano-ano niya si Zweihänder?

Baka nililigawan ni Kuya Zweihänder? Pero imposible 'yon.

Palabas din si Ichaival kaya nakita niya kami, at bago siya umalis ay pinapasok niya muna kami. Wala 'yung ibang staff sa Newsroom, at si Zweihänder na lang ang nasa loob at nakaupo sa lamesa niya. Ang tahimik sa Newsroom, at parang ang seryoso ng hangin.

"Nasa ibabaw ng table 'yung mga libro na iniwan ni Sir Lance," sabi sa 'min ni Ichaival.

Ngumiti ako sa kanya. "Salamat po."

Ngumiti lang din siya bago siya umalis at isinarado ang pinto.

Bumulong sa 'kin si Edward, "Nagdabog yata si Ichaival."

Baka nga may nangyaring away dito kanina kaya seryoso at ang bigat ng pakiramdam sa kwarto. Nilingon ko si Zweihänder, na tahimik na nag-iisip.

"Fuuu," tawag niya sa 'kin.

"P-Po?"

Napansin ba niyang nakatingin ako sa kanya?

"Bakit hindi ako artista?"

Hindi ko na pinag-isipan ang sagot ko. "Dahil loko-loko po kayo."

Habang binabasa ang isa sa mga libro na iniwan ni sir ay nagsabi si Joyeuse, "If you need an adviser, Henry Fortes is in great need of extra income. He might drop our subject."

Napatingin sa kanya si Zweihänder. "Paano mo nalaman na adviser ang pinoproblema namin?"

Hindi nag-alis ng tingin si Joyeuse sa libro. "Contest flyer on the bulletin board, a letter on your desk, a fight with your staff... What could it be?"

"Malay mo, nagkaro'n lang ako ng girlfriend."

Nagkibit-balikat si Joyeuse. "Yes, and Edward Dace grew taller than Laevateinn."

"Perkele, nananahimik ako," sambit ni Edward.

"Shut up, Edward Dace." Hinarap na ni Joyeuse si Zweihänder. "Although it wasn't official, we got ourselves an adviser. What do you say, we help you find one?"

Hindi katiwa-tiwala ang tono ni Joyeuse. Parang kang nakikipag-deal sa isang demonyo. Pati ang ngiti niya, may kabit na kalokohan. May masama siyang balak.

'Wag ka pong papayag, Zweihänder.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top