Chapter 21 - Harold Coronado

Zweihänder.

13. March.
Monday, 9:00 a.m.
Harriet Medical City.

I HAD A LONG DREAM that I lost the moon.

I grieved every time I saw paperwork, every time I heard the phone ringing, and every time I walked into my empty room.

In my dream, Edward asked me why I wept for ordinary everyday things and I replied that they reminded me of the moon. It was weird, since I never really cared much for the moon.

When I woke up, I saw Ichaival sleeping on a hospital bench.

"Val," napabulong ako.

Nakabalot s'ya ng jacket at malalim ang pagkakakunot ng noo n'ya. 'Yong sakit at sama ng loob ko mula sa panaginip ko, hindi pa rin nawawala. Hindi ko alam kung bakit apektadong-apektado ako sa pagkawala ng buwan.

"Zwei?" Bumangon si Ichaival at lumapit sa 'kin habang nagkukusot ng mata. May tiningnan s'ya sa monitor sa gilid ng kama at sa pagpansin n'yang ito ay saka lang nag-register sa pandinig ko ang lahat ng mga beep at toot ng mga aparatong nakakabit sa 'kin.

"Anong nararamdaman mo, may masakit ba sa 'yo?" tanong n'ya.

"Wala na. Sina Edward? Nakauwi ba sila nang ayos?"

Tumango s'ya, pero parang may sama s'ya ng loob. "Kasama na nila ngayon si Sir Lance at Sir Arthur."

"Anong problema, Val?" Kumunot-noo ako. "May nangyari ba?"

"Wala," pagsisinungaling n'ya. "Magpahinga ka na r'yan."

"Val, ano nga 'yon?"

Sabay kaming napatingin sa heart rate monitor. Bumilis kasi ang tibok ng puso ko.

Sineryosohan ko s'ya ng tingin. "Kakalma lang ako kung sasabihin mo kung anong nangyari."

Humigpit ang pagkakatikom ng bibig n'ya bago s'ya bumuntong hininga at sumagot ng, "Sinabi sa 'kin ni Tita Elise na Wonderland ang pumatay sa papa ko."

"Wonderland?"

Umupo s'ya sa gilid ng kama. "Pinagtabuyan ko rin kahapon si Sir Arthur."

"Si mars? Bakit?"

"Bakit ko s'ya kakausapin? Pagkatapos ng mga ginawa n'ya at ng Wonderland?" Ikinuyom n'ya ang kamao n'ya. "Kinuha na nila ang papa ko, tapos ito pa ang ginawa ni Nicholas sa 'yo..."

Napangiwi ako at napatitig sa kanya. "Huh..."

"Bakit ganyan ang mukha mo?"

"Gwapo?"

"Dahil nasa ospital ka ngayon, sige."

Bumungisngis ako't umiling. "In-imagine ko lang kung anong klaseng buhay ang meron ako ngayon kung hindi ka kinupkop nila mama."

Bahagya s'yang bumaling sa kanan.

"I'm sorry, Val. Noong bata ako't hindi ko pa naiintindihan ang mga pangyayari, tuwang-tuwa ako na sa amin ka na nakatira."

May pait s'yang kumagat sa labi n'ya. "Zwei, 'wag na tayong makialam sa SMS."

Kumurap-kurap ako. Seryoso si Ichaival.

"Hindi na masama ang loob ko sa ginawa ng Wonderland kay papa, pero kung nagawa nilang pumatay ng tao para patahimikin sila, sigurado akong kaya rin nilang gawin sa 'tin 'yon. Si Sir Arthur nga, nagawang barilin si Joyeuse."

"Natatakot ka ba, Val?"

"Napanaginipan ko kagabi, ang dilim-dilim ng paligid."

"'Di ba may flashlight ka sa phone?"

"Tangina Zwei..."

Natawa na lang ako. "'Wag kang matakot." Ginulo ko ang buhok n'ya. "Hindi ka namin pababayaan."

Pinitik n'ya ako sa noo at ngumisi nang may halong pag-aalala. "Nahiwalay ka lang sandali sa 'kin, na-ospital ka na."

"Alam mo bang nag-ala Little Mermaid ako?"

Kumurap at nagpilit na ngumiti si Ichaival. "Bakit ba hindi ako nagtaka na hindi si Prince Erik ang napili mo."

"Dahil si Ariel ang nagligtas kay Prince Erik!"

Biglang bumukas ang pinto at sumugod sa loob si mama. Itinulak n'ya ang nakaharang na si Ichaival at yumakap sa 'kin.

"Harold!"

Yumakap naman ako pabalik. "Mama!"

"Harooold!"

"Mamaaaaa!"

Sabay kaming napatingin ni mama kay Ichaival, na punung-puno ng panghuhusga ang mga titig. Nag-isa ang braincell namin ni mama at sabay kaming tumawag ng, "Ciaaaan!"

Naiyak yata si Val.

Inayos ni mama ang buhok ko. "Mon beau, Papa's on the way, alright? May inaasikaso lang. Bukas ka na uuwi, okay?"

"Ano pong inasikaso ni Tito?" tanong ni Ichaival. Nag-ayos s'ya ng jacket at ng buhok.

"Emergency with Henrik. I'm so cross!" Nakapamewang si mama. "Inuna pa n'ya si Henrik kaysa kay Harold!"

Alam ko ang iniisip ni Ichaival. May kinalaman ito sa Wonderland.

Wala pang tatlong segundo ay bumukas muli ang pinto at si papa naman ang sumugod papasok.

"Harold!" Tumakbo at yumakap din s'ya sa 'kin.

"Papa!"

"Harooold!"

"Papaaaaaa."

Napatingin kami kay Ichaival. Inunahan na kami, s'ya na mismo ang umirap at nagsabi ng, "Ciaaan."

Ginulo ni papa ang buhok ko na inayos kanina ni mama.

"Papa galit sa 'yo si mama," sabi ko.

Kaagad namang naka-back-up si mama bago pa makapagtanong si papa. "What? You've been with Henrik high school, college, and your early adult life. You couldn't turn him down today for Harold?"

"You got here three minutes earlier than me???" sagot ni papa.

"'Wag po tayong mag-away sa harap ni Harold," sita ni Ichaival. Subtext: Ako ang tunay na nagbantay rito kaya manahimik kayong dalawa.

"Right," ang sabi ni papa, pero may pahabol pa s'yang, "but just so you know, I went to see Henrik to protect Harold."

Siningkitan s'ya ng mata ni mama.

"You're so beautiful when you're mad; come here." Umakbay si papa kay mama, niyakap ito, at humalik sa noo nito.

"Still not a reason to make me mad, Christian." Tinapik-tapik ni mama ang kamay ni papa na nakayakap sa kanya. "How was the talk?"

Naupo si Ichaival sa tabi ko at pareho naming hinusgahan si mama't papa. Hindi ko alam kung appropriate kung sasabihin kong "Respeto sa single!" pero sa masamang titig sa 'kin ni Ichaival, alam ko nang dapat akong manahimik.

"Henrik will protect our family, especially since his godson got hurt dealing with someone from Wonderland Org."

"Edward Dace, right?"

Napa-hoy! ako sa loob-loob ko sa sinabi ni mama. Hindi si Edward Dace ang taga-Wonderland, mama!

"There was the article about Edward being the son of a criminal mastermind from Coronado Chronicles," dagdag pa ni mama. "May kinalaman kaya ito ro'n?"

Dahan-dahang tumango si papa na parang napagtagpi-tagpi n'ya ang mga nangyari.

"Wala pong kinalaman si Edward, mama," sabi ko. "Kung tutuusin s'ya pa nga 'yong nadadamay."

"Kinausap ni Edward ang mga Brown kagabi, Harold," sabi ni papa. "Paano mo ipapaliwanag 'yon?"

"Kaibigan ni Edward ang mga Brown, walang ibig sabihin 'yon."

"Si Ciel ang kinausap n'ya."

Lagot, walang kaibigan 'yun.

"Pa, kilala ko po si Edward. Mabait ang batang 'yon, hindi n'on magagawang makipag-usap o makipagsabwatan sa mga sindikato. Mas gusto po n'ya ang tahimik na buhay."

"Hindi mo kilala ang mga tao, Harold. I know you're still condemning me because I failed to be a hero, but let me protect you this time."

I wasn't condemning you because you failed to be a hero. It's because you kept quiet and didn't report anything to the police.

That man died alone and betrayed and you made me an accomplice in lying and keeping the truth away.

Humigpit ang pagkakatikom ng bibig ko. Bumilis ang beep ng ECG machine.

Hinila ni mama si papa palapit sa pinto. "We'll let you rest, beau. Cian, ikaw na ang bahala kay Harold."

Ngumiti lang ako kay mama at naglayo na ng tingin pagkatapos. Nasulyapan kong nakakunot-noo si papa bago sila lumabas ng kwarto. Si Ichaival na ang naghatid at nagpaalam sa kanila.

Kung tama ang hinala ko na tatay ni Edward ang na-ambush noon sa mismong harapan ng hospital na 'to, sa mismong harapan ni papa at Luciano Lukas...

Tapos ngayon si Edward ang sinisisi n'yang may kasalanan ng lahat...

Beep beep beep beep beep beep!

Kalma, Harold.

Gaya ng sabi ni Mareng Taylor, shake it off. Gaya ng sabi ni beshywaps Elsa, let it go.

Kalma lang at magtiwala ka sa SMS, Harold. Sigurado akong ginagawan nila ng paraan ang lahat.

14. March.
Tuesday, 7:00 a.m.
Coronado Chronicles Newsroom.

"Bakit nandito kayong lima?" bungad ko.

Pumasok ako sa uni ngayon dahil mababaliw ako kapag sa dorm ako nagbakasyon at baka matuluyan lang ako kapag sa C-House ako umuwi.

Pagkapasok na pagkapasok ko sa newsroom, naabutan ko ang SMS at si Nicholas na nagbabatuhan ng dyaryo. Latest issue pa ng CC. Huling-huli sa akto, Dios miong mga batang 'to.

Nagtago si Nicholas sa likuran ni Edward.

Nagtaka ako, bakit magkasama ang dalawang 'to? Parang noong Linggo lang, nagpapatayan sila ah?

"Gago bakit daw tayo nandito," bulong ni Edward kay Joyeuse, sinamahan pa ng isang hampas sa braso.

Pinagpagan ni Joyeuse ang mala-porselana n'yang balat na nadikitan ng dukhang palad ni Edward. "Sorry, Zweihänder. We didn't know where else to go."

"Ikaw, Zwei, bakit ka nandito?" tanong ni Futhark. "Hindi ba dapat nagpapahinga ka?"

"Buti pa si Zwei pumapasok kahit walang pasok," pang-aasar ni Edward kay Joyeuse.

Pinasakan ni Joyeuse ng papel sa bibig si Edward. Si Nicholas ang dapat na gaganti para kay Edward ngunit pinulot na ni Joyeuse ang sapatos n'ya. Natakot 'yong magkapatid at lumapit na kay Futhark.

"Bakit kasama n'yo si Nicholas?" Kumunot-noo ako, pero alam kong nakangiti ako.

"Are you mad at me?" Dahan-dahang lumapit si Nicholas. "Look, I was just-"

"No, no, I'm sorry." Binaba ko ang bag ko sa table ng assoc.

"Don't apologise, Harold, you were in the right and I was wrong. Really wrong. The truth is I was jealous of Edward and my emotions got the best of me and I acted really badly." Yumuko si Nicholas. "I'm sorry for hurting you and calling you a traitor, Harold."

Nilingon ko sina Edward at pinasadahan ang mga ekspresyon nila sa mukha. Masama ang titig ni Futhark sa likod ni Nicholas. Napakaplastik naman ni Joyeuse. Si Laevateinn ay nakahilata na sa couch, at si Edward ay nakangiti.

Mukhang sa kanilang apat ay si Edward lang ang talagang sincere kay Nicholas.

At kung sincere s'ya ay baka tama nga si papa. Baka nagsabwatan nga ang magkapatid para sa Wonderland.

Baka nga hindi ko kilala ang mga tao.

"Jo, Fu, Ed, kausapin ko nga kayo sandali sa labas. Lae, Nicholas, dito lang kayo." Naghubad ako ng jacket, isinampay ito sa sandalan ng swivel chair ko, at pinasunod sa 'kin, sa labas ng newsroom, 'yong tatlong itlog.

Binigyan ko ng isang makahulugang tingin si Lae.

Si Futhark ang nagsarado ng pinto at nahagip pa ng tingin ko ang nawawalan ng pag-asang simangot ni Nicholas.

Alam n'yang hindi s'ya pinaniniwalaan ng mga tao at bakas sa mukha n'yang sanay na s'ya rito.

"Kayong tatlo," umpisa ko. "Ano ang totoong balak n'yo kasama ni Nicholas? Hindi ko alam kung na-teleport ako sa isang multiverse dahil noong Linggo lang ay magkakaaway kayo, tapos ngayon magkakabati na kayo."

"I'm being civil," ani Joyeuse. "We need him, that's all."

"So ginagamit mo lang s'ya. Ikaw Fu?"

"Ayos lang naman sa 'kin si Nicholas." Nagkibit-balikat si Futhark.

"Nakita kitang nakasimangot sa kanya kanina."

"Fine. Naiinis ako sa kanya pero kailangan ko s'yang pakisamahan dahil kailangan namin s'ya para manalo."

"Sinong kaaway n'yo? Tumiwalag na ba s'ya ng Wonderland?"

Nagtaas ng kamay si Edward. "Tinutulungan namin ngayon ang Wonderland para pabagsakin si Henrik Whitdur."

Biglang lumamig sa paligid.

Tama nga si papa.

Tapos si Henrik Whitdur pa ang kinakalaban nila.

"Edward... Bakit?"

"Bakit ano?"

Napahawak ako sa sintido ko at napapunas ng mukha. "Teka, hindi ko naiintindihan. Bakit kayo nasa panig ng Wonderland ngayon?"

Si Futhark ang naunang sumagot. "Hindi Wonderland ang kinakampihan namin ngayon. Gusto lang naming pigilan si papa sa binabalak n'ya."

Ang sabi ni papa ay poprotektahan kami ni Henrik. Bakit s'ya gustong pigilan ng SMS?

"Anong binabalak ni Henrik?" tanong ko.

Tumalim ang tingin ni Joyeuse. "He wants to conquer Wonderland and exploit its resources. He's basically starting a criminal organisation and he's using your father to fund him."

What?

"Not just fund him," gatong ni Edward. "He's using your father's name to scare Wonderland's clients and take them."

"So ang naisip n'yong paraan para pigilan si Henrik Whitdur na gumawa ng isang criminal organization ay ang pagtulong sa Wonderland, isang criminal organization?"

Sabay-sabay silang sumagot, pero hindi pare-pareho ang sagot nila:

"Exactly," sagot ni Joyeuse na may halong kindat at finger guns.

"No!" Iling ni Futhark.

"Close, but eh." Ngumuso si Edward.

Siningkitan ko sila ng mata. "Ano ba talaga? Joyeuse?"

"I'm sorry," umpisa n'ya. "I was focused at the task on hand and I thought we all agreed to do whatever it takes to destroy Henrik, if that means helping Wonderland. Plus, Laevateinn said he'll help Wonderland so technically I wasn't wrong. Now if you ask your father to stop helping Henrik, that would be brill."

Detective si Joyeuse pero hindi n'ya ma-solve kung nasaan ang moral compass n'ya.

"Futhark?"

Nagtaas ng dalawang kamay si Futhark. "Ang pagiging criminal organization ay wala sa equation. Ang target na pigilan ay si Henrik Whitdur. Kung lalapit kami sa Wonderland para magawa 'yon, lalapit kami. Kung may ibang paraan na hindi namin kailangang makisawsaw sa Wonderland, gagawin namin 'yon."

Pagkatapos ay nagtaas s'ya ng kilay na parang may biglang nag-click sa kanya.

"Jo, kaya hindi natin nakausap nang ayos si Henrik no'ng Linggo..."

"Because you screwed it up?" Hinalukipkip ni Joyeuse ang braso n'ya.

"No, dahil magkaiba tayo ng dahilan! Hindi nagtugma ang iniisip natin kaya hindi natin na-back-upan ang isa't isa!"

Nanatili sa kanya ang mga mata ni Joyeuse pero wala roon ang simpatya o pagsang-ayon. Parang naaalibadbaran si Joyeuse sa presensya ni Futhark, pero wala s'yang magawa kundi pakisamahan ito.

Lagi na silang nag-aaway noon pa man kaya nakakapagtaka kung bakit parang mas malalim ang pinag-awayan nila ngayon.

"Edward," 'ka ko. "Bakit mo sinabing close?"

Tumingin muna si Edward kay Joyeuse at Futhark bago s'ya sumagot ng, "This might sound crazy but... I'm helping Wonderland because I... because I want Wonderland."

Iyan din ang gusto nila Sir Lance at Sir Arthur.

Ang baguhin ni Edward ang Wonderland.

Hopefully, hindi mapariwara ng landas si Edward.

Hopefully, he wants Wonderland because he wants to make it better, not make it or himself worse or stray into depravity.

Futhark seemed proud of Edward. Joyeuse looked uneasy.

"Alam ba ni Nicholas ang mga dahilan n'yo?"

Napatikom ng bibig si Edward at napalagay ng kamay sa likuran n'ya. Si Futhark ay dahan-dahang umiling. Si Joyeuse ay sumagot ng:

"He doesn't need to know our reasons. We're bringing Henrik down and that's what he wants and that's all that matters."

"E pano 'yan." Tumuro ako sa pinto. "Kanina pa s'ya nakikinig sa usapan natin."

Pansin ko ang biglaang pagsimangot ni Futhark. Ayaw na ayaw n'ya kay Nicholas. Hindi ko naman s'ya masisisi dahil una, silang dalawa ang magkaagaw kay Alice. Ikalawa, kung anu-anong sakit ng ulo ang binigay ni Nicholas sa kanila.

Mahirap talagang makisama sa taong alam mong may malaking kasalanan sa 'yo at sa mga tao sa paligid mo.

Binuksan ni Edward ang pinto. Si Lae, nakatayo sa may pintuan at nagtagpo ang tingin namin. Ang lalim ng asul n'yang mata. Pwede kang maligaw o malunod.

Tinapik ni Lae ang balikat ko at kay Nicholas naman ako bumaling. Nakaiwas s'ya ng tingin at nagpipigil s'ya ng emosyon.

"Heh," mahina n'yang tawa. "Jule is using me, Futhark doesn't trust me at all, and Edward wants Wonderland." Humarap s'ya sa 'min at ngumiti, kahit na ang pula na ng ilong n'ya. "It's okay. As long as we defeat Henrik, right?"

Naaawa ako sa kanya. Gusto ko s'yang sinupin. Gusto kong lumapit sa kanya pero sigurado akong itutulak n'ya ulit ako palayo kung ngayon ako lalapit... dahil hindi ako ang gusto n'yang tumanggap sa kanya.

"What do I need to do?" tanong n'ya. "I did bad things but I don't know how to undo them. I don't know if I regret them too because I know I did them to make daddy proud." He sniffled. "What do I need to do?"

"You could start by saying sorry," tugon ni Futhark.

"I'm sorry!"

"That's very superficial," saad ni Joyeuse.

Desperado na si Nicholas. "I don't know how to make it seem sincere!"

"Why would you make it seem sincere? If you have to act then you're not really sincere."

Lumapit si Nicholas kay Joyeuse at mahigpit na kumapit sa braso nito. "I just don't know how to be sincere! This is my face! I promise, and I swear, with every fiber of my being, I swear this time I'm trying to be good!"

Iniwasan ni Joyeuse ang nagmamakaawang tingin ni Nicholas.

"Jule... Are you still mad at me for shooting you?"

Oh no.

Naitulak ni Joyeuse si Nicholas palayo sa kanya. "Get away from me," bulong n'ya.

"Jule, I'm sorry for everything!" Tumalon lang ulit si Nicholas palapit kay Joyeuse. "I didn't mean to shoot you, I was trying to protect you!"

"Leave." Nagtakip ng tenga si Joyeuse.

Inilayo ni Futhark si Joyeuse, pero lumalapit lang nang lumalapit si Nicholas. Ako na ang humawak sa braso ni Nicholas kaso mapilit s'ya.

"I didn't want you to be involved in Wonderland, I wanted you to stay innocent and away from everything dirty my family has done!" iyak ni Nicholas.

"Nikki, tama na muna," sabi ko. Hinila ko na s'ya palayo kay Joyeuse dahil nanginginig na ang drama queen.

"All I did, Jule, was for you! I had to sacrifice our friendship because you said you wanted to be a detective and you can't be the detective you wanted to be if you're affiliated with Wonderland! I wanted to keep you safe because you're my best friend!"

"SHUT UP, SHUT UP!" Tinulak ni Joyeuse si Futhark at sinugod si Nicholas.

Hinarang ko ang katawan ko sa pagitan nilang dalawa. Si Edward, hinila na si Nicholas palayo kay Joyeuse.

"Jo, Joyeuse, kalma. Kumalma kayo."

"YOU WENT ON AND DESTROYED MY FAMILY!"

Pinigilan kong makasuntok si Joyeuse. Kahit na parang masahe lang sa likod ang suntok n'ya. Mas masakit pa ang hampas ni Macey kapag kinikilig.

"I didn't destroy your family!" sigaw ni Nicholas.

"Kalma, halika na muna sa labas, Al." Ginamit ni Edward ang palayaw na tinatawag ni Alice kay Nicholas.

"You convinced me there's something wrong with me!" bulyaw ni Joyeuse. "You convinced me that I shot Corey because I was a psychopath!"

"I was a kid, I didn't want your parents to put the blame on me! I was scared so I had to use you!"

"I HATED MYSELF!" Nakalusot si Joyeuse sa braso ko at nakaisa ng suntok kay Nicholas. Naisahan n'ya rin ng suntok si Edward dahil pinoprotektahan nito ang kapatid n'ya.

"Lae, back-up na," tawag ko.

"Let them fight," sagot ni Lae.

"Magkakasakitan sila."

"A few bruises, yes. But it would heal something that's been hurting them for years."

Buti pa si Lae maayos kausap, pero pano si Edward na nadamay at nasapok kahit na pumipigil lang?

"You made me think I'm incapable of loving and feeling loved." Nabawasan ang lakas ng sigaw ni Joyeuse. Naglalabas na lang s'ya ngayon ng sama ng loob. "You went as far as paying a fake psychiatrist. Why?"

"I..." Napakapit si Nicholas sa manggas ng damit ni Edward. "I was... mad at you. For being mad at me... because of something I did..."

Hindi namin pwedeng asahan na rational lagi ang dahilan ng mga tao, lalo na't bata lang si Nicholas no'ng ginawa n'ya ang mga inuungkat nila ngayon.

Pero hindi rin namin s'ya pwedeng ipagtanggol dahil nakasakit s'ya ng tao.

Hinaplos ni Futhark ang likod ni Joyeuse. "Jo, baka hikain ka n'yan. Kumalma na kayo."

"Please forgive me." Lumuhod sa harap namin si Nicholas. "Jule, Edward, Harold, please forgive me. I promise I will be good, I promise I will never harm any of you ever again. Please, please forgive me."

Tumulo ang luha ni Nicholas sa carpet.

Gusto kong sumagot ng, "I forgive you." pero kailangang mauna ni Joyeuse.

"Nicholas," malumanay na tawag ni Edward. "You're from Wonderland."

"I know, but I still want to be your friend, your brother, I don't wanna be in-"

"Listen, idiot." Pinitik ni Edward sa noo si Nicholas. "When I said I want Wonderland, that includes you. We're going to do it together."

Napakurap si Nicholas at kitang-kita ko ang pagkinang ng mga mata n'ya. Hindi ko inaasahang si Edward ang mauunang magsalita.

"I'm sorry, pero gusto kong malaman mo ang plano ko." Tumalungko si Edward sa tabi ni Nicholas. "I know Wonderland is a shitty organisation running on crime and evil deeds, and that's the reason why I want to claim and take it."

Napalunok si Nicholas, pero nakikinig s'yang mabuti kay Edward.

"It's not because I'm Dave Casedale Drew or because I'm Norcross's firstborn or whatever. I want Wonderland because I want to change it for the better. Cleanse it, you know what I mean? So maybe when we tell people we're from Wonderland, they'll feel... safe and secured. Not scared."

Napakagat sa labi n'ya si Nicholas.

"So... are you with me?" Tumayo si Edward at inalok ang kamay n'ya.

Napangiti ako sa mga narinig ko.

Edward Dace ikaw ay isang alamat.

Yumuko si Nicholas. "You can't go against Nathan and Lucy and Ces and Sam and... You can't, there's too many of them. It's dangerous."

"Oh I know exactly what I'm going to do," paniniguro ni Edward. "And I need your help. Let's do this together."

Suminghot si Nicholas. "Edward..." Tinanggap n'ya ang kamay na inaalok sa kanya.

Pero bago pa man s'ya makatayo ay binuhusan s'ya ni Joyeuse ng kape sa ulo. Hindi nakagalaw si Nicholas. Nanlaki lang ang mata n'ya habang tumutulo sa mukha n'ya ang kape.

Napasinghap kaming lahat.

"Joyeuse!" sigaw ko. Tumakbo ako papunta sa coffee table at kumuha ng tissue at basahan.

"Drama queen, grabe!" Kumuha ng panyo si Edward sa bulsa n'ya at pinatong sa ulo ng gulat na gulat na si Nicholas.

Nakuha ni Joyeuse ang metal tray ni Macey at saka pinaghahampas si Nicholas.

Dito na pumigil si Laevateinn. Binuhat n'ya si Joyeuse at binato sa couch. Tumabi naman sa kanya si Futhark, na alam na masama ang ginawa ni Joyeuse, pero natutuwa sa kabila nito.

Kailan naging ganito kasama ang ugali ng mga batang 'to? Anong nangyayari sa kanila?

"Nicholas, may damit ako sa-" Hindi ako pinakinggan ni Nicholas. Nagtatakbo na s'ya palabas ng newsroom.

Ngayon, lahat kami ay nakatingin kay Joyeuse.

"Bakit mo binuhusan ng kape?" tanong ko. Binabaan ko ang boses ko.

Hindi sumagot si Joyeuse. Nakipagtitigan s'ya sa bintana.

"Nagso-sorry sa 'yo 'yung tao, lumapit na sa 'tin para makipag-ayos. Kung may respeto ka sa kapwa mo, hindi mo gagawin 'yon."

Nagtaas ng kilay si Joyeuse. "He shot me and you're siding with him because I poured coffee on his head?"

May binulong sa kanya si Futhark. Medyo nainis ako.

"If Edward wants to be his friend and to be in Wonderland, he can go." Tumayo si Joyeuse at naglakad papunta sa pinto. "But this is too much for me now. I'm going back to Ireland."

Humarang si Edward sa pinto. "Perkele, pinaglaban ka namin sa tatay mo para mag-stay ka rito sa Pilipinas tapos uuwi ka ng Ireland dahil lang kay Nicholas?"

"Leave me alone, Edward."

"Umuwi ka sa 372A at doon ka magpakalma."

"You want me to stay where Arthur is?"

"I want you to go where Sir Lance is because apparently, he's the only one who can knock some sense into your thick skull."

"Kahit hindi ka sa 372A umuwi, Jo," sabi ni Futhark sa napakaamo n'yang boses. "Magpalamig ka muna ng ulo."

Lumayas na si Joyeuse.

Hinarap ko 'yong dalawa. "Futhark, anong binubulong mo kay Joyeuse?"

"Anong binubulong, Zwei?" Kabadong tumawa si Futhark.

"Kanina ka pa may binubulong kay Joyeuse. Anong binubulong mo sa kanya at bigla s'yang nanghampas?"

"Pinapakalma ko lang s'ya, Zwei, wala akong binubulong na masama."

"Okay, wala kang binubulong na masama. Alam mong bad trip sa 'yo si Joyeuse. Naisip mo bang baka dumadagdag ka sa inis n'ya at noong napuno na s'ya, kay Nicholas n'ya naibunton ang galit n'ya?"

"May karapatan s'yang magalit kahit kanino. It's a way to protect himself."

"Hindi kung pinupuno n'yo lang s'ya ng galit. Minsan maganda ring magpatawad, Fu."

"Kailan mo patatawarin ang papa mo?"

I can't believe you'd stoop that low, Futhark.

Sineryosohan ko s'ya ng tingin. "Ako ang may problema, hindi si papa. And I'd appreciate it if you didn't attack me from that angle, Futhark, dahil hindi ka rin perpekto."

Si Futhark naman ang nag-walk out matapos ang ilang segundo naming pagtatantsahan.

Nag-aalinlangang nagpaalam sa 'kin si Edward, "Susundan ko lang sila. Baka kung anong gawin nila, pareho pa namang may saltik ang dalawang 'yon."

"Sandali, Edward."

"Hmm?"

"Alalahanin mong illegal ang gawain ng Wonderland."

"Ilegal din ang gustong gawin ni Henrik."

"Whoever wins will never make you a good person. Alalahanin mong gusto mong maging detective. Isang kapanalig ng hustisya."

Nag-iwas ng tingin si Edward. "I will remember that." Tapos ay iniwan n'ya kami ni Lae sa kwarto.

Naupo ako sa desk ko at saka nagmasahe ng sintindo.

Anong nangyayari sa SMS?

Tumayo si Lae sa tabi ng lamesa ni Ichaival. "They're smart, but they're also hurt and confused," sabi n'ya at umupo sa swivel chair ng assoc.

Tinitigan ko lang s'ya. First time yata naming magha-heart-to-heart talk. Ang huling taong nakausap ko nang masinsinan na nakaupo rin sa pwestong 'yon ay si Sir Arthur.

Parang nag-flash pa sa harap ko ang malungkot na tingin sa 'kin ni Sir, pero ibang-iba si Lae sa kanya. Magkapareho sila ng mata at halos magkasing-katawan sila, pero mas malakas ang presensya ni Lae at mas payapa s'yang tingnan.

"You're confused, Zweihänder," dagdag pa ni Lae. "And I know you're dying to know who's right and who's wrong."

"I'm a journalist," sagot ko. "I need to know who's right and who's wrong."

Umiling s'ya. "You don't. What you need to know are the facts, and then you act based on what you have."

Ngumisi ako. "So far ang meron tayo ay ang fact na menopause na si Joyeuse, sirang-sira si Nicholas, at attitude si Futhark. Ano ba talaga ang meron sa Wonderland ngayon? Ang sinabi sa 'kin ni papa ay kinausap n'ya si Henrik para protektahan kami."

"The boys were telling the truth. Henrik is using your father to pay for his finances and to get leverage."

"And you want me to stop my father from helping Henrik."

"I want you to do what you think is right."

"Hindi n'yo magugustuhan kapag ginawa ko ang tingin ko ay tama."

"You'll walk straight to the police station and report everything you know."

"Stops everything altogether."

"You heard Edward's goals. You're pulling the plug on that too?"

"Kayang gawin 'yon ni Edward kahit na hindi s'ya kasama sa Wonderland."

"Yes, but remember that in your version, Edward is in jail or juvie. Because you'll walk straight to the police station."

Bumuntonghininga ako, yumuko, at nagkamot ng ulo.

"You are confused because you are biased, Zweihänder."

Napatingala ako kay Lae. "Ako? Biased?"

"You are unconsciously biased because the other side's Henrik and your father."

"No, no, I'm not biased, I'm trying to..."

Tahimik lang na naghintay si Lae.

"I'm trying to..."

"What are you trying to do, Zweihänder?"

Ano bang gusto ko?

Ayokong magaya ang CC sa SMS. Ayokong madamay si papa at mama sa criminal ventures ni Henrik.

Gusto kong suportahan si Edward sa mga plano n'ya. Kailangan kong suportahan si Edward sa mga plano n'ya.

"Zweihänder," tawag ni Lae. "Maybe it's time for you to stop weighing what's right and wrong and start acting on what you believe is right."

Panahon na para kumilos.

Iba talaga ang dating ng mga salita ni Lae. Parang biglang gustong tumayo ng katawan ko at magmartsa palabas ng newsroom. Pakiramdam ko ay kailangan kong kumilos kaagad.

Tumayo ako at sumunod si Lae. "Kakausapin ko si papa."

Tumango s'ya. "Before you leave, I want you to know this detail."

Sinuot ko ang jacket ko. "Ano 'yon?"

"Njal, my father..."

"Not Luciano Lukas? Okay."

"He has long white hair."

"Like Elsa?" Bumungisngis ako.

"You might be told that he killed Edward's father, Norcross."

Nalunok ko 'yong tawa ko.

"He's the one your father and Luciano tried to save."

Dahan-dahan sa pagbagsak ng balita, Lae.

"Tatay ni Edward 'yong lalaking nakaluhod sa harap ng tatay mo?"

Tumango si Lae.

"Building on that, tatay mo ba ang pumatay sa..."

Naglakad na si Lae patungo sa pinto. "Norcross might've killed Njal's real son... but Njal would never kill someone he treated like a real son."

"So... did he treat Norcross as his real son or...?"

Ngumiti si Lae. "Njal didn't kill Norcross."

"Who did?"

Nagkibit-balikat si Lae at lumabas na ng kwarto.

Alam ba n'ya kung sino ang tunay na pumatay sa tatay ni Edward?

Baka si...

Hindi naman siguro si papa? Si Luciano? Baka si Luciano, tingin pa lang pumapatay na ang panget na 'yon. Pero isa nga pala si Luciano sa nagpilit na magligtas kay Norcross.

Ang sabi nila Sir Lance ay in-ambush si Norcross. Kung isa sa mga tao ro'n ang bumaril kay Norcross, baka nga hindi si Njal ang pumatay sa kanya at nagsasabi si Lae ng totoo.

Si Lae rin ang tipo ng taong hindi magsisinungaling.

"Huy, Zwei."

Napasigaw at napatalon ako sa biglang pumasok. Si Ichaival.

"Bakit nandito ka? Nag-iwan ako ng mga laruan at pagkain sa dorm, ah." Nilapag n'ya ang bag n'ya sa upuan ng assoc at dinikit ang likod ng palad n'ya sa leeg ko.

"Hot ako pero wala akong sakit," biro ko.

"Bakit ka nandito?"

"Magche-check dapat ako ng articles, pero pauwi na ulit ako."

"Bakit?"

Interview, Val? "Kakausapin ko si papa."

"Tungkol ba sa Wonderland 'yan?" Nagsalubong ang kilay ni Ichaival. "Kinausap ka ng SMS, ano? Pinakiusapan ka na pigilan ang papa mo? O si Sir Arthur ba ang kumausap sa 'yo?"

I can't believe we're having this conversation.

"Hindi SMS ang kumausap sa 'kin, Val. Masama ang binabalak ni Henrik at kapag hindi natin sila pinigilan ni papa, madadamay pati tayo."

Nanliit ang mata ni Val. "Paano tayo madadamay? Poprotektahan tayo, 'yan ang sinabi ni Tito Christian kahapon."

"Hindi alam ni papa ang nangyayari."

"Alam mo ang nangyayari?"

"Alam ng SMS ang nangyayari. Kailangan nating pigilan si Henrik."

"Ano bang ginagawa ni Tito Henrik?"

'Yan tayo Val, tito at tita ang lahat.

"Gumagawa s'ya ng sarili n'yang mafia, kagaya ng Wonderland."

Napahawak si Ichaival sa arm guard sa kaliwa n'yang braso. "Bakit?"

"Hindi natin alam."

"Siguro dapat din natin s'yang kausapin."

Natawa ako. "Akala ko ayaw mong madamay?"

Umirap s'ya. "Kasali ka. Kasali ang SMS. Malamang kailangan kong sumali dahil baka may mangyaring masama."

I had a dream that I lost the moon.

Ngumiti ako. "Thank you, Mommy Val."

Knock, knock, knock, knock.

Bumukas ulit ang pinto. Pumasok ang isang aligagang Mistletoe at nagpaikot-ikot sa newsroom. Agad naming nilapitan at pinaupo sa couch.

"Mist? Anong problema?" tanong ko.

"Z-Zwei," nagpapanik n'yang bigkas. "Zwei tinanggal sa trabaho ang lahat ng mga kapatid ko."

"What?!" napahiyaw kami ni Val.

"Teka," tumingin sa 'kin si Val bago umupo sa tabi ni Mist, "pati si Ciel?"

"Sinisante s'ya ng airline, hindi na s'ya pwedeng magpiloto do'n." Napalunok si Mist. "Sinabihan din ako na baka titigil na muna ako sa pag-aaral. Anong gagawin ko, Zwei?"

"Kausapin natin si Edward. Hali' kayo."

••• GENIUSFORSALE •••

372A High Street. Si Edward lang ang kasama ng aming power couple, Hemlock. Wala si Futhark, wala si Joyeuse, wala si Lae. Hindi na rin ako umasang kasama nila si Nicholas.

Sa couch kami pinaupo ni Sir Lance, habang nakatayo s'ya sa tapat ng whiteboard. Si Sir Arthur ay nakaupo sa tabi n'ya. Pareho silang nakapambahay.

Hindi pumasok sa uni si Sir Arthur, at feeling ko ay dahil bumalik na si Sir Lance, hindi na s'ya aalis sa tabi nito.

Hindi ko alam kung dahil matagal kaming hindi nagkita o ngayon ko lang s'ya nakita nang malapitan na naka-itim na t-shirt, pero grabe sa maskels Sir? Sana all.

"So you're saying that all of your siblings lost their jobs? As in a snap?" tanong ni Sir Lance.

Tumango si Mistletoe. "Bigla na lang daw po silang pinaalis, kahit na parang ayaw ng boss nila."

Sumabat si Edward. "No offense, ha, pero may trabaho ba si Orion? 'Di ba Team Bahay 'yon?"

"Dahil writer s'ya, technically si Or na lang ang may trabaho sa 'min."

"Oh, buti naman," sabi ni Ichaival.

"No, hindi mabuti, Val!" Pumadyak si Mist. "Mas lalong na-pressure si Or at mas nagiging clingy at wala s'ya lagi sa sarili! Tinawag n'ya akong Orion, Val, tinawag n'ya ako sa sarili n'yang pangalan!"

Tinititigan naming tatlo nila Edward at Val si Mist. Naghamak ng komento si Edward:

"Hindi ba lagi namang parang sabog si Orion?"

"Tinawag n'ya akong Edward Dace tapos nagtaka s'ya kung bakit ang tangkad ko."

"Sir Dad kailangan po nating tulungan ang mga Brown!"

"There's no doubt Henrik and Christian are behind this," ani Sir Lance.

Medyo napaatras kami ni Ichaival.

Kung ipagpapatuloy namin 'to, sina papa nga ang makakalaban namin.

"Alam po ni Tito Christian na kinausap ni Edward si Ciel Brown noong Linggo, Sir," sabi ni Val.

Humawak si Edward sa baba n'ya, nag-iisip. "Ibig sabihin gustong ipakita ni Henrik kung anong kaya n'yang gawin sa mga taong hindi susunod sa kanya. Nasampolan ang mga Brown dahil sila ang una naming kinausap."

"Anong sabi ni Ciel, Mist?" tanong ko. "Nagalit 'yon, malamang."

"Wala pa s'yang sinasabi sa 'min."

"Dapat matuwa 'yon." Ngumisi si Edward. "At dapat matuwa ang lahat ng kapatid mo."

"Hah? Bakit naman?"

"Hindi ba alila kayo ng gobyerno? Ngayon, malaya na kayo. Kaya siguro hindi pa ako tinatawagan at sinisisi ni Kuya Rainbow, dahil masaya sya't nakawala rin s'ya sa kinaaayawan n'yang trabaho."

"So the joke's on Henrik," saad ni Sir Lance. "Because Edward made the right choice of going to Ciel Brown, the government lost a powerful family working for them."

"And Wonderland gained a brilliant source of manpower."

So imbis na matakot ang mga tao kay Henrik at sa kaya n'yang gawin, manghihinayang sila na kalaban na nila ang mga Brown at iisipin nilang padalos-dalos masyado si Henrik.

Naisip ba 'yon ni Edward kaya si Ciel Brown ang nilapitan n'ya o sinwerte lang s'ya?

"Anong ibig mong sabihin, Ed?" tanong ni Mist. "Bakit Wonderland? At bakit mo kinausap ang kuya ko?"

"We offered your brother protection."

"Bakit hindi mo sila naprotektahan ngayong nawalan sila ng trabaho?"

"We're not exactly fixers, Mistletoe. We're on the protection racketeering. Isa pa ay hindi nga ako tinawagan ng kuya mo. Kung may kailangan s'ya, tatawag s'ya. Pero dahil tahimik pa rin ang phone ko ngayon, ibig sabihin ay nagse-celebrate si Kuya Rainbow na ngayon ay hindi na s'ya nakatali sa trabaho n'ya."

"Pero gusto mong magtrabaho para sa Wonderland ang mga kapatid ko! Ikaw naman ang magtatali sa kanila, ganon?"

"Much better, right?"

Tumayo si Mist. "No! Kilala kita Ed, ilegal ang ipapagawa mo sa kanila!"

"What they were doing wasn't exactly legal either. And at this point legality has lost its essence, so we're relying on the results. Kung sa 'kin sila magtatrabaho, may mga mabuti kaming magagawa."

"Hindi pwedeng magtrabaho para sa 'yo ang mga kapatid ko. 'Di hamak na mas matanda sila sa 'yo."

"Oh really? Then why did Jaune text me, asking if he could be a part of Winter Hexagon?"

Umilaw ulit ang salamin ni Edward at mas naging mabangis pa ang ngisi n'ya.

"Look at that, Missy, your sister Rose just offered herself to be my lawyer." May pinindot si Edward sa gilid ng salamin n'ya bago s'ya bumaling kay Mist. "I know Blanche likes me and Orion has called you "Edward Dace", so I reckon you're the only one who's not in."

"Hindi ka na nakuntento na alila mo ako, ginawa mo pang official sa buong pamilya namin?"

May pinindot ulit si Edward sa salamin n'ya at tumugtog sa speakers ang "Ceeelebrate good times, come on!" Pagkatapos ay humalakhak s'ya.

Napansin kong nakangiti si Sir Lance at Sir Arthur kay Edward habang nagsasalita s'ya. Parang proud na proud sila sa maliit na kriminal na pinapalaki nila.

It also seemed like they're watching an old friend in action, if that's what their sentimental look meant.

Pumasok sa eksena si Lae at Fenrir. "Edward Dace. It's time to blind Henrik from the outside world."

Sumaludo si Edward. Naalerto sina Sir Lance at Sir Arthur.

"What did he do now?" tanong ni Sir Lance.

"Henrik's men are following Futhark and the drama queen. Zweihänder, if you're going to talk to your father, do it now. Brother, talk to Henrik in behalf of Vorstellungen."

Napabaling kami ni Ichaival sa isa't isa. Dahan-dahan s'yang tumango.

"Zwei anong nangyayari?" kabadong tanong ni Mist. "Susugod ba kayo?"

Umakyat na sa second floor sina Sir Lance at Sir Arthur kaya tumayo na rin ako. "Mist, sumama ka muna kay Edward."

"K-Kay Edward?"

"May problema ka ba sa 'kin, Mist?" pagbabanta ni Edward habang pumipindot-pindot sa cellphone n'ya.

"Marami!" iyak ni Mist.

"Mist maliit lang 'yang si Edward," sabi ko. "Bardagulan kung bardagulan."

"Zwei baka magalit sa 'kin mga kapatid ko kapag sinaktan ko si Edward."

"Hah!" tawa ni Edward. "Ako na ba ang bagong paborito ng mga Brown ngayon?"

Pagalit na sumibi si Mist. "Ako pa rin."

"Zwei, kausapin na natin ang papa mo." Hinila na ako ni Val sa manggas ko.

"Right. Ed, Mist, kayo na ang bahala sa isa't isa."

"Teka," habol ni Edward. "Pwede n'yo bang sabihan sina Excal at Clarent na tingnan-tingnan si Macey? Baka kasi idamay s'ya ni Henrik, sira-ulo pa naman 'yon."

"Sasabihin namin sa kanila na 'wag munang maghiwa-hiwalay ngayon."

"I'm picking up idiots too," sabi ni Lae. "Edward Dace, take care of 372A. We'll meet you here."

"A'course." Binigyan ni Edward ng thumbs up si Lae. "I'll wait for you."

Nginitian s'ya ni Lae at binato ng mansanas.

14. March.
Tuesday, 12 nn.
Pay des Merveilles.

Sumang-ayon si papa na kumain ng lunch kasama namin ni Ichaival. Parang natuwa pa s'ya, hindi n'ya alam na aawayin namin s'ya.

"Harold," mahina n'yang sabi habang tinatakpan ang mukha n'ya ng menu, "payag ka sabihin ko sa crew na birthday mo ngayon?"

"Opo," mabilisan kong sagot. Nakalimutan kong mag-isip. Kinurot ni Ichaival ang tagiliran ko.

"Tapos pipicturan kita ise-send natin sa mama mo."

"Dapat kasama si Cian."

"Ako na lang po ang magpi-picture sa inyo," pagpepresenta ni Cian Gomez, ang KJ na bumubuklat-buklat sa menu ng appetizers. "Pero Tito, may gusto pong sabihin si Harry sa inyo."

Tinawag akong Harry. Uso yata ngayon ang pagtawag sa 'yo sa nickname mo bago ka traydorin.

"Sabi na nga ba't panakip butas lang si Kristina, Cian." Nag-high five kami ni papa.

Ano ka ngayon, Cian Gomez? Nag-backfire tuloy. Hehe.

Nagpilit tumawa si Cian, pero kitang-kita ang pangangasim sa mukha n'ya. "Hahaha, ilang years na po 'yang joke na 'yan."

Kasi kung hinahanap mo ako ng jowa, edi sana ligtas ka.

Tinapos ni papa ang tawa n'ya at umiling-iling. "Seryoso, ano nga 'yon?"

"Itatanong ko lang kung anong balak n'yong gawin ni ninong Henrik," sabi ko. "At kung mapo-protektahan n'ya talaga tayo."

Napaatras si papa. Ilang segundo n'yang pinaglaruan ang table napkin sa harapan n'ya bago s'ya sumagot ng, "Harold, pwede bang mamaya na lang natin pag-usapan 'to?"

"Nope."

Sumusulyap-sulyap si papa sa direksyon ni Ichaival, kaya't sabi ko, "Alam po ni Ichaival na Wonderland ang pumatay sa papa n'ya."

Tumango-tango si papa, gulat. "Alam kong mahirap tanggapin 'yon, Cian-"

"Madali lang po, tito," pagputol ni Ichaival, na parang wala lang talaga sa kanya ang lahat. "Ni hindi ko po s'ya hinanap dahil lagi kayong nand'yan ni Tita Marcial, wala kayong tinago sa 'kin kahit isang detalye, at minahal n'yo po ako na parang tunay n'yong anak."

"Kaya sana, pa," dugtong ko, "sana hindi ka rin magtago ng detalye sa 'min ngayon."

Huminga nang malalim si papa. "Malapit sa 'min ang mga Gomez, alam n'yo 'yan. Pero simula nang ipapatay ng Wonderland si Annar at kinailangang itago ni Henrik ang mag-ina n'ya, bigla na lang silang naglaho. 'eto, si Cian na nga lang ang natira.

"Wala kaming nagawa ni Henrik laban sa Wonderland, lalo na't napakatuso't napakahirap na kalaban ni Norcross Germaine, kilala n'yo 'yon?"

Tumango kami ni Ichaival.

"Tatay ni Edward?"

"Opo, alam namin."

Ikinuyom ni papa ang kamao n'ya. "Ngayon, Harold, may lakas na kami ni Tito Henrik n'yo na labanan ang Wonderland. Kaya na naming tumayo laban sa kanila dahil wala na si Norcross.

"Mabibigyan na namin ng hustisya ang ilang taong pinapatay n'ya, ang ilang taong nawalan ng tahanan at kabuhayan dahil sa kanya. Naiintindihan mo naman kung anong gusto naming gawin, 'di ba?

Ang sinabi ni Edward ay idaan sa resulta ang panghuhusga. Pareho nilang iniisip na para sa kabutihan ang ginagawa nila, pero nag-aaway sila dahil sa kinabibilangan nilang organisasyon.

"'Yan ba ang sinabi sa 'yo ni Henrik, pa?" tanong ko.

"Oo."

Tinanggap ko ang sagot.

"Pa... Kapag sinabi kong 'wag mo na lang gawin 'yan, anong gagawin mo?" Itinuon ko sa mga baso ang tingin ko.

Hindi sumagot si papa.

"Kapag sinabi kong baka mapahamak ka kapag tinuloy mo 'yan, anong gagawin mo? Na baka 'pag napasama ay madamay pati si mama, 'yong uni, 'yong ospital, 'yong hotel, 'yong-"

"Hindi mo kailangang isa-isahin, Zwei," bulong ni Ichaival.

"-'Yong funerarya. Itutuloy n'yo pa rin po ba ang balak n'yo ni Henrik?"

"Harold, may tiwala ako kay Henrik."

"Ginagawa mo ba 'yan para protektahan kami, pa?"

"Oo naman."

"Kung gusto n'yo talaga kaming protektahan, hindi ka po maglalaro kasama ng mga mapanganib na tao."

Magagalit na si papa. "Harold. Matalik kong kaibigan si Henrik."

"Anak n'yo po ako. Kami. Asawa mo si mama."

"Kahit gusto kong gawin ang sinasabi mo, hindi ko pwedeng basta-basta na lang iwan si Henrik sa ere. Akala ko pa naman naiintindihan mo kung bakit ko ginagawa 'to."

Bumuntonghininga ako.

"Pa... Inutusan n'yo ako na magsinungaling at manahimik no'ng nakita kong may hinabol ka na lalaking in-ambush."

"Para 'yon sa kapakanan ng nakararami, Harold."

"Alam ko pong si Norcross Germaine 'yon."

Napanganga si papa.

"At ngayon ay mas nagtataka ako kung bakit ang pagkamatay ng don ng isa sa pinakamalaking sindikato rito sa Pilipinas ay hindi nabalita o naisulat sa dyaryo. Alam kong may kinalaman kayo ro'n, pa."

"Nirespeto lang namin ni Henrik ang pagkakaibigan namin ni Norcross."

"Irespeto n'yo po ako bilang anak. Irespeto n'yo po si mama. 'Wag ka nang tumuloy sa kung anumang napag-usapan n'yo ni Henrik... pakiusap."

Tinitigan ako ni papa, naka-arko ang mga kilay at nakaawang ang bibig na parang may gustong sabihin.

Kapag pumayag ka, pa, bati na tayo. No hard feelings na. Dali na kasi.

"I'm sorry, Harold. Hindi kita mapagbibigyan ngayon." Tumayo na si papa. "Kailangan ko nang bumalik sa GB6."

"Pinalaki n'yo akong totoo at walang kinikilingan." Tumayo na rin ako at seryosong tumingin kay papa. "Siguro panahon na para ako na mismo ang magreport sa nangyaring pagpatay kay Norcross Germaine. Halika na, Val."

"Harold!"

••• GENIUSFORSALE •••

"Pinagbantaan mo talaga ang tatay mo, dude?" namamanghang tanong ni Edward habang kumakain ng ice cream.

Nakaupo kami ngayon sa dining table nila sa 372A High Street. May ilang laptop at mga notebook na nakakalat sa lamesa kasama ng ilang bowl at apa ng ice cream. Kasama na ulit namin sina Joyeuse, Futhark, at Laevateinn. Nautusan pa namin si Ichaival na gumawa ng meryenda.

Si Mist ay nakaupo sa bandang dulo ng lamesa, may ginagawa sa laptop. Katabi n'ya si Karlo Francisco, batang inampon ni Edward. May ginagawa rin sa laptop si Karlo habang may kandong na isa pang batang kumakain ng ice cream.

Katabi naman ni Edward si Helix Error, na noong sinubukang paalisin ni Futhark sa tabi ni Ed (makikinood yata sa tinatrabaho nila), ay umangil at nag-Korean. Kumalma lang s'ya no'ng binigyan s'ya ng candy cane at apa ni Lae. Apa lang talaga, walang ice cream. Masaya na s'ya dun.

"Hindi ko s'ya pinagbantaan, Ed," tugon ko. "Binalik ko lang sa kanya 'yong mga tinuro n'ya sa 'kin."

"As you should've." Nag-snap si Edward at bigla s'yang napalibutan ng mga holograms. Habang may kagat-kagat na kutsara ay nag-type s'ya sa hangin at isa-isang naglabasan ang mga CCTV footages, mga pictures ng board members at shareholders, at may nag-flash pang picture ni Macey pero kaagad n'yang natanggal.

"Any changes, boys?" tanong n'ya.

"Eobsseoyo," sagot ni Error, na nagtatali ng buhok.

"Wala rin dito," sagot ni Karlo, na binababa nang binababa ang kamay ng maliit n'yang kapatid dahil kanina pa dumudutdot sa screen. "Kevin, don't. Bahala ka, magagalit si Edward."

Pagkatapos ay may napansin s'ya sa screen malapit sa tinuturo ni Kevin.

"Edward, check the list of shareholders in GB6. Nawala ang pangalan ni Christian Coronado."

Hinila ni Edward ang isang puting hologram screen mula sa gilid papunta sa harapan n'ya. Ang galing, para kaming nanonood ng sci-fi film.

Sumilip sa likod n'ya si Joyeuse, pero hindi nagsalita. Bad trip pa rin yata.

"Zwei, nagbunga ang pagkausap mo sa papa mo!" masayang pahayag ni Edward. "Based on what I'm seeing here, it's as if Henrik severed all his ties with the Coronados!"

Wow, kami nga ang pinili ni papa at hindi si Henrik!

Nag-ring ang phone ko at agad kong sinagot dahil si papa ang tumatawag. Sasabihin ko na sa kanya na bati na kami at no hard feelings na.

"Hello, pa?"

"Harold, kung nasaan ka ngayon, siguraduhin mong safe ka."

"Safe naman po ako ngayon. Bakit pa, anong nangyari? Nagalit po ba si Henrik no'ng sinabi mong FO na kayo?"

Nagsimula na akong kabahan.

"No, hindi ko nasabi sa kanya na FO na kami. Binitawan at pinagbantaan n'ya ako bago pa man ako makapagsalita."

Hindi nasabi ni papa?

"Ang sabi n'ya ay alam n'yang magba-backout ako kaya inunahan na n'ya ako. Ngayon ay kailangan ko s'yang bayaran para hindi n'ya sirain ang pangalan natin."

"Papaaaa why naman ganon."

"Lagot tayo sa mama mo."

"Ikaw lang Pa, talino mo eh."

"Haha! Gotta go. Talking to my lawyer."

Binaba na n'ya ang tawag at hinarap ko naman ang mga sisiw. Patawa-tawa lang ako pero deep inside gusto kong sakalin si Henrik.

"Henrik knew our plan of asking Coronado," sabi ni Joyeuse.

Sumang-ayon ang lahat sa kanya.

"Somebody is telling Henrik every move we decide to make."

Nabanas na si Edward. "Tangina meron talagang spy sa 'tin, puta. Sino ba 'yon? Akala ko solid tayo? Mist baka ikaw 'yon ha."

"Ako?!" napahiyaw si Mist. "Alila mo na nga ako tapos ako pa spy?"

"De joke lang. Pero sino nga?"

"Is it Time?" tanong ni Joyeuse. "Whoever that bloody Fraulein Snow is..."

Hinalukipkip ni Futhark ang mga braso n'ya. "Ang alam natin ay kasama natin sa kwarto si Time."

"Time actively stops us. Accurately, even. That means Time was in this room last Sunday, and was in the newsroom this morning."

Nagkatinginan silang tatlo nina Edward at Futhark.

Bumuntonghininga si Joyeuse. "Why did we even trust Nicholas James in the first place?" Padabog s'yang umupo sa tabi ni Lae. "He was only acting right from the start."

"Humingi s'ya ng tulong sa 'tin kahit pwede naman silang magkampihan na lang ni Henrik right off the bat dahil gusto n'ya ng access sa mga plano natin," gatong ni Futhark.

Pinatay ni Edward ang mga hologram n'ya. "Paano kung hindi pala si Nicholas ang nagsasabi kay Henrik ng plano natin? Anong masasabi mo, Lae?"

Walang emosyon sa mukha ni Lae, pero dama mo 'yong regality kapag nagsasalita s'ya o tumitingin sa 'yo. At kapag wala s'ya sa sahig o sa lupa at kapag hindi nakabitin kung saang puno.

"When we all first met," bigkas ni Lae, "Jule told Edward Dace: don't jump into conclusions even if it's the only exercise you do."

"Alright mga dudes, isang trip down memory lane; hatid sa inyo ni Laevateinn Lukas."

Siningkitan ni Joyeuse ng mata si Lae. "I hate you."

"I'm not here to impress you. You hate me because I'm right."

"Tama si Lae," dagdag ni Futhark.

"I know. I'm amazing." Hindi tunog nagyayabang kapag galing kay Lae dahil sa kakaiba n'yang tono sa pagsasalita.

"Kailangan nating hanapin si Nicholas para masigurong hindi s'ya ang nagsasabi kay Henrik ng mga plano natin."

"What if Futhark's the one telling Henrik our plans?" Kumagat si Lae sa mansanas n'ya at nakipagtitigan kay Futhark habang ngumunguya.

"Why would I do that?"

"He's your father."

"Your father is Luciano Lukas, maybe you're helping him."

Futhark, marekoy, ang hilig magbalik ng atake, ah.

"My father is Njal."

"Your father is Luciano."

"My father is Njal. That's why he's the Alfadur. He's dad."

"No, your father is still Luciano."

"Isn't the fact that I'm insisting that Njal is my father a proof that I'm not helping some piece of human feces called Luciano?"

Sumimangot si Futhark.

"Did I win or are you going to attack me again?" Kumagat ulit si Lae sa mansanas n'ya.

Hindi na nagkaroon ng round two dahil dumating si Sir Arthur, nakangiti, at nagulat kaming lahat dahil kaya pala ng mukha n'yang gumawa ng gano'ng ekspresyon? Akala namin ay eternally na s'yang malungkot.

"Siegfried, I got fired," masaya n'yang balita.

Mars hindi ka dapat masaya, wala ka nang trabaho.

"A-Anong nangyayari sa mukha ni Sir Arthur, Zwei?" bulong ni Mist.

"Ang tawag do'n, Mist, ay pagngiti."

"Henrik has started targeting Arthur," sabi ni Lae. "Which was the original plan."

Naupo si Joyeuse at nagmasahe ng ulo. "That means whoever telling Henrik our plans was not with us this morning, but rather just with us in the room last Sunday."

"Kung target na si mars," sabi ko, "hindi ba dapat kayong mag-alala dahil baka kung ano pang gawin ni Henrik?"

Umiling si Sir Arthur. "I tried thinking of what more he could do, but aside from my job, I have pretty much nothing else to lose."

"Your family?"

"Oh no, my father's in danger," sarkastiko n'yang sabi.

"Sina Maria?"

"Maria is protected by Vorstellungen," sagot ni Lae. I don't know what Vorstellungen is but he sounded 100% sure.

"Si Sir Dad?" suhestiyon ni Edward. "I mean, sigurado tayong safe si Sir Lance pero... Aronno." Nagkibit-balikat si Edward.

"Hindi pa rin bumabalik si Ginoong Sir?" tanong ko.

Napansin ko ang pagyuko at pagsubsob ni Joyeuse sa lamesa. Baka nagko-concentrate sa pag-iisip, dahil nagtakip din s'ya ng tenga. Alam n'yo 'yong mga nagme-memorize ng multiplication table?

"'Wag n'yong pakabahin si Sir Arthur," sabi ni Futhark. "Baka nahihirapan lang si Sir Lance na hagilapin si papa."

Nilabas ni Sir Arthur ang phone n'ya. "Lance has texted me that he's speaking with Kristina Guevarra. That's thirty minutes ago. He's probably still talking to Henrik."

"Hindi naman mabilis makakausap si Henrik," sabi ni Edward. "Unless naglaban sila kaagad..." Napalunok si Edward. "Sir Arthur i-text n'yo nga po ulit si Sir Dad, baka napano na 'yon."

Nagtatakbo si Ichaival mula kusina papunta sa dining room nang may hawak na isang tray ng shawarma.

"Zwei! Buksan n'yo ang TV sa GB6! Nag-text si Macey, pinaghahanap daw ng pulis si Sir Lance!"

Patakbo pa lang kami sa sala ay bumukas na ang TV. Nagulat pa si Futhark at nabitiwan ang remote. Si Edward pala ang nagbukas, gamit ang phone n'ya.

Nakakabilib kung paano n'ya nagawang i-hack at kontrolin ang buong 372A High Street, pero nakakatakot din. Medyo nakakatakot pala si Edward, kahit ang liit n'ya at mukha s'yang chihuahua kapag galit.

"Patalastas na," dismayadong sabi ni Mistletoe.

"Tingnan mo sa ibang channel," utos ko.

Nilipat ni Futhark sa iba pang channel, tapos hindi na namin pinansing nag-pause s'ya ro'n sa patalastas ng 3-day sale ng isang mall.

"Why didn't Macey call us sooner?" tanong ni Joyeuse. Naka-abang kaming lahat sa mga lumalabas sa TV.

"She probably didn't know the news was about Sir Lance," pagtatanggol ni Edward. "Magpasalamat nga tayo may nanonood pa ng balita sa TV sa 'tin."

"Wala na sa ibang channel," sabi ni Futhark.

"It's okay, I found it on Youtube." Pumindot si Edward sa phone n'ya at nag-play sa screen ang interview kay Henrik Whitdur.

Napakaraming camera ang nakatutok sa kanya. Dinaig pa ang artista. Actually, dinaig pa ang Christmas tree dahil parang Christmas lights ang flash ng camera sa paligid n'ya. Halos hindi na s'ya makadilat.

"This is the first time I've ever been assaulted in my own office," giit n'ya. "I was lucky I only sustained an injury in my left shoulder."

"Dapat tinuluyan na ni Sir Lance ang hinayupak na 'to," komento ni Edward.

"I mean," sabi naman ni Futhark, "alam kong medyo nakakainis si papa (Edward: Medyo lang?), pero hindi ko alam kung bakit mananakit si Sir Lance, lalo na't alam n'yang napapaligiran s'ya ng mga tauhan ng GB6."

Tinapik-tapik ni Joyeuse si Edward sa mukha. "Edward Dace, rewind the video."

Iniwas muna ni Edward ang mukha n'ya mula kay Joyeuse at saka ni-rewind ang Youtube clip.

"There, stop."

Pinag-aralan namin ang clip at hinanap ang nakitang mali ni Joyeuse.

"Wherever you are, Lance Ducere," emote ni Henrik na may pagpikit-pikit pa na akala mo ay nasaktan talaga s'ya, sa kapal ng balat n'yang panget s'ya, "or wherever your friends are, I hope you come here to settle... because you would surely regret it."

"Anong meron, Joyeuse?" tanong ni Ichaival.

"Two things," paliwanag ni Joyeuse, "Lance is left-handed. He couldn't injure Henrik on his left shoulder. Next, he's blinking."

"Maraming camera, sino bang hindi mapapakurap?" sabi ni Edward.

"Would you blink one eye at a time?"

"Morse code?" hula ko. "May sinasabi si Henrik sa Morse code?"

Tumango si Joyeuse.

"Anong sinasabi n'ya?"

"I actually can't decipher it, the lights are giving me a headache."

"Karlo," tawag ni Edward. Kaagad na nagpunta sa tabi n'ya 'yong magkapatid. "I taught you Morse Code. Translate what this garbage is saying."

Binigyan namin ng ilang segundo si Karlo, pero nauna nang mag-react si Ichaival at Error, na parehong may background sa Morse Code, apparently.

"I..." Pinagkrus ni Karlo ang mga braso n'ya at kumunot-noo sa screen. "I... unve... 0imdayy...?"

"I have Heimdall," pagtatama ni Edward at ginulo ang buhok ni Karlo habang nakatingin nang masama sa pagmumukha ni Henrik. "He has Sir Lance and he wants us to come and "settle". Putragis ang tatay mo, Futhark."

"Settle," ulit ko. "Gusto n'yang sumuko kayo kapalit ni Ginoong Sir."

"Coronado's already paying him for protection. Perkele, talagang dinidikdik tayo."

Nag-tsk si Joyeuse. "Henrik will not stop until we're all defeated."

"My dudes, wala naman sigurong gagawing masama si Henrik kay Sir Dad, ano?"

Tumakbo palabas ng bahay si Sir Arthur, pero hinarang s'ya ni Fenrir.

"I'm going to Lance." Nakasimangot na ulit si Sir Arthur. Ang bilis nawala ng kasiyahan n'ya.

"Where?" sabi ni Laevateinn.

Hindi nakasagot si Sir Arthur.

"As I thought." Umirap si Lae at nagbaon ng dalawang mansanas sa isang sling bag. "Futhark, where is your father?"

Nagsimulang magligpit at mag-ayos 'yong iba.

"Hindi ko alam, Lae," sagot ni Futhark. Kanina pa ka pa attitude, ghorl.

Nagkatinginan kami ni Edward at pasimple s'yang umiling. Doon nag-click sa 'kin na baka inaatake ng sakit n'ya si Futhark, kaya kanina pa iba ang kilos.

Ang hirap pala kapag schizoprenic na, bipolar pa. Pwede kang kainisan ng tao kahit hindi mo sinasadya at hindi mo alam.

Sorry na, Futhark. Nadala lang ng emosyon.

"Sabi ni Kristina bumiyahe raw si Tito Henrik papuntang Pampanga," sabi ni Ichaival, na nakatingin sa phone n'ya. "Ang sinabi sa kanya ay i-clear daw ang buong araw n'ya ngayon at bukas."

"What's he gonna do in Pampanga?" tanong ni Sir Arthur. "Did he bring Lance there?"

"He threatened us but didn't tell us where to go," sabi ni Joyeuse. "What is his problem?"

"A lot." Binigay ni Edward ang phone n'ya kay Error tapos ay naglabas pa s'ya ng isang mas maliit na phone. "Error, Karlo, Mist. Kayong tatlo ang maiwan dito sa 372A. You'll be our eyes and ears, got it?"

"Got it," sabay na sagot ni Error at Karlo. Nagtinginan pa 'yong dalawa na parang magkakumpitensya sila sa atensyon at papuri ni Edward.

"T-Teka Zwei, iiwan n'yo ako mag-isa dito?" Kumapit si Mist sa manggas ko. "Ayokong maiwan mag-isa rito, baka may sumugod!"

"372A is safe," paniniguro ni Lae.

"Val, maiwan ka rito," utos ko naman.

Kaagad nakaangal si Ichaival. "No. Huling beses na inutusan mo akong maiwan, sa ospital kita pinuntahan."

Lagot. Mas mahigpit pa si Val kaysa kay mama. Minsan na akong hindi nakasama sa isang summer outing dahil kahit pumayag si mama at papa ay hindi s'ya pumayag. Partida, 15 ako noon at 12 lang s'ya.

"Val, kasama ko naman ang full-force ng SMS at ni Sir Arthur. Walang masamang mangyayari."

"I wouldn't rule out tragedy, though," sabi ni Edward. "We do lots of stupid shit."

"And we have never actually won any mission we have had," dagdag ni Joyeuse. "Whenever we do something, Henrik would make another move to oppose us."

"Oh, like playing chess and you're the drama queen."

"Big talk for a dull checkers piece."

"Ano ako, jackstone?" sabat ko.

"Tapos si Futhark ay-"

"Edward, shut up." Bumaling si Joyeuse kay Ichaival. "You stay here and let Zweihänder come with us. He's a grown man. If he dies, he dies."

Okay po.

"Hindi n'yo kilala si Zwei," hirit ni Val. "'Pag nagkataon at nagkagulo at nalagay ang kahit na sino sa inyo sa panganib, hindi na mag-iisip ang isang 'to at uunahin n'ya kayo."

"Sounds like a pretty good reason to bring him."

"Joyeuse!"

Nilagay ko ang kamay ko sa balikat ni Ichaival. "Gagawin namin kung ano ang tingin naming kailangan."

"'Wag ka nang tumuloy," pakiusap n'ya. "Kung tutuloy ka, isama mo ako."

"Kailangan nila Mist ng-"

"Isama mo na ako, Zwei, please."

I had a dream that I lost the moon.

"Val, promise, maiwan ka na rito. Kailangan nila Mist ng magtatanggol sa kanila."

Mahigpit na kumapit sa mga braso ko si Ichaival.

Malumanay kong inalis ang mga kamay n'ya sa 'kin. "'Wag mong iwan si Mist."

"Binilin ka sa 'kin nina Tito at Tita, kailangan kong masigurong ligtas ka."

"Hindi lang ako ang responsibilidad mo."

'Wag ka nang sumama. Nanaginip ako nang masama.

"I'll stay here." Naupo sa couch si Sir Arthur at tinapos ang back-and-forth namin ni Ichaival. "Ichaival, go with Harold."

"Paano po si Sir Lance?"

"I trust Siegfried."

"As you should have." Nag-stretching sandali ng braso at balikat si Lae.

"Please bring Lance back to me, Niall."

Panandaliang natigilan si Lae at napatitig sa kapatid n'ya. Right there and then I saw an old severed bond being repaired.

Ngumiti si Lae kay Sir Arthur. "Then you'll give that necklace to him, brother."

Necklace.

Napakapit ako kay Val. Nasa 'kin pa rin 'yong sailboat necklace na jinekwat ko. Kay Sir Lance ko na lang ibibigay. Sasabihin ko ang burara ni Sir Arthur, nakita kong pakalat-kalat sa newsroom 'yong kwintas kaya pinulot ko.

"Please return safely," sabi ni Sir Arthur. Pinipigil n'ya ang ngiti n'ya. Naisip n'ya siguro na isang malaking pagkakamali ang pagiging masaya dahil kaagad may bawi.

Isa-isa silang naglakad papunta sa garahe.

"Pahiram si Zwei ng Ford mo, Sir, bye!" paalam ni Edward.

Hinagis ni Lae sa 'kin 'yong susi. "Pampanga."

"Ia-update ka namin sa mga mangyayari, Sir," paalam naman ni Futhark.

Isang irap lang ang paalam ni Joyeuse at tumango pababa si Ichaival.

Lumapit ako kay Sir Arthur habang 'yong mga kasama ay sumakay na sa puting Ford Ranger.

"Bakit po kayo nagpaiwan, Sir?" tanong ko. "Alam kong mas gusto n'yong kayo ang mismong pupunta ro'n para iligtas si Sir Lance."

Ngumiti s'ya sa 'kin. "If I went with them, then the days that I've spent away from Lance would be for nothing. It's time to let the boys grow up and see how far they've come."

"At kapag hindi nila kaya... I'll make sure I'm there."

I reached out my hand for goodbye and he shook it firmly. Ang lamig ng kamay ni Sir.

"I'm sorry, Harold."

"Why?"

"For everything I've done... And thank you."

Sumigaw si Edward mula sa garahe: "Zwei tara na, 'wag nang mag-moment!"

Tama ang nuno sa punso. Kailangan naming magmadali.

"Bye sir!" Tumalon ako't kumaripas ng takbo papunta sa labas ng bahay.

Si Ichaival na ang naglabas ng sasakyan mula sa garahe at naupo sa tabi ng driver's seat. Pinagkasya ni Joyeuse, Edward, at Futhark ang mga sarili nila sa backseat. Mabuti at si Edward ang pinaupo nila sa gitna dahil baka mag-combust si Joyeuse at Futhark kapag silang dalawa ang nagtabi. Si Lae at Fenrir ay inangkin ang likuran.

"Sa Pampanga tayo, Zwei," sabi sa 'kin ni Edward habang inaayos ko ang seatbelt ni Ichaival.

"Sa'n sa Pampanga?"

"Malapit sa border ng San Leandro at sa Windsor Hotel. I tracked Sir Dad's phone, so makikita natin kung sakaling magbago sila ng location."

Umapak na ako sa gas.

"Paano maho-hostage ni Tito Henrik si Sir Lance," nahihiwagaang tanong ni Ichaival, "eh parang malakas naman si Sir Lance?"

Paano kung sinadya pala ni Ginoong Sir na magpahuli para makita kung gaano na kalakas ang SMS? Sabi nga ni Sir Arthur, kaya s'ya nagpaiwan ay para ang SMS ang kumilos.

Kawawa naman ang mga batang 'to. Parang ang daming inaasa sa kanila.

"Maybe he had something against Sir Dad?" patanong na tugon ni Edward. "Like, blackmail."

"Magaling ngang mam-blackmail si Papa," sabi pa ni Futhark. "Pero anong pwedeng ipam-blackmail kay Sir Lance? Nasa bahay si Sir Arthur, kumpleto tayo."

"Scandal," sagot ko. "Maybe Henrik threatened him with a scandal. Sigurado akong nasa libro ni Henrik ang paggamit ng scandal para manira ng isang tao."

Suminghap si Edward, pero tunog sarcastic. "They're going to spread the word about Hemlock." Tumawa s'ya nang mahina. "I almost said the word of Hemlock; Perkele sorry kinakabahan ako kaya natatawa ako."

May narinig kaming kumalansing, parang bote, at narinig kong nagsalita si Futhark, "Aba't talagang nagbaon ka pa ng alak mo?"

"I found it here, you nutter," singhal ni Joyeuse.

"Asuus," pang-aasar ni Edward. "Kung hindi ka sinabihan ni Futhark, iinumin mo 'yan eh."

"This is a cheap bottle of wine. I won't even get drunk enough to enjoy your presence."

"Joyeuse," tawag ko. "Matulog ka na muna. Kailangan ay sigurado tayong hindi sasakit ang ulo mo kapag hinarap natin si ninong."

Shucks, literal na The Godfather si Henrik.

"Kayong lahat," dagdag ko. "Magpahinga kayo't kailangan ay malinaw at matalas ang pag-iisip n'yo mamaya."

Pero, sa kaloob-looban ko, nananalangin ako na walang mangyaring masama. Marami pa kaming kailangang gawin nang magkakasama.

14. March.
Tuesday, 3:30 p.m.
Pampanga.

ANG HULING HANTUNGAN namin ay isang magandang three-storey building na malayo sa syudad. Ang pinakamalapit na bahay ay isang kilometro pa. May ilang nakaparadang sasakyan sa ilalim ng mga puno, at may mga satellite dish sa bubong.

Nakita namin ang itim na Land Cruiser ni Sir Lance. Nandito nga ang aming Ginoong Sir.

"Are we going in?" tanong ni Edward. Nakatago s'ya sa likuran ni Futhark.

Si Joyeuse ay pasimpleng sumisiksik kay Fenrir at Lae.

Saka ko lang napansin na lahat kami ay nakatitig sa building. Nag-aabang. Kinakabahan.

"Hindi natin alam kung anong mangyayari sa loob," wika ko sa kanila. Tumalikod ako sa building para ipakita sa kanila ang determinasyon sa mukha ko.

Importanteng may pagkuhanan sila ng lakas ng loob at tapang. At kung makikita nilang hindi ako natatakot... maaalala nilang wala silang dapat katakutan.

"Pero alam natin ang kakayahan ng isa't isa. Alam kong kaya n'yong pigilan si Henrik, at alam n'yong nandito kami ni Val para sa inyo."

"What's the plan?" tanong ni Joyeuse. Sabay-sabay silang tumingin sa 'kin.

"Ano bang sitrep sa loob?" Saka ako humarap sa building at sinubukang sumilip sa salamin ng pinto. "Edward?"

Nilabas ni Edward ang phone n'ya. "Meron akong nahahagip na at least 20 sources of radio waves. Nothing above 1500 MHz, so wala silang advanced tech sa loob na hindi ko kayang kontrolin."

"20 sources... ibig sabihin ba n'on ay may 20 na katao sa loob?"

Umiling si Edward. "Posible na walang dalang radyo o kahit anong phone ang iba."

"Kung mga baril naman ang usapan?" Bumaling ako kay Lae.

Seryosong sumagot si Lae ng, "I don't have x-ray eyes, Zweihänder. But if we're with an Uresonderry, there surely are guns."

"Kailangan nating hanapin kaagad si Henrik para masiguro na walang unnecessary violence."

"If you got shot, you'd get another stamp on your frequently shot card," bulong ni Lae kay Joyeuse. Hinampas ni Joyeuse ang balikat n'ya.

Pinaghiwalay ko 'yong dalawa bago pa mabugbog ni Lae si Joyeuse. "Edward, malalaman mo ba kung nasaan sa building na 'to si Sir Lance?"

"No, pero malalaman ko kung malapit na s'ya o hindi. Hindi ko alam kung tahimik sa paligid ni Sir Lance o may ginawa sa phone n'ya dahil wala akong marinig no'ng sinubukan kong mag-eavesdrop."

"Kaya mo bang makinig sa kanya hanggang sa makaabot tayo kung nasa'n s'ya?" tanong ni Futhark.

"No, baka maubos ang battery ng phone ni Sir, mas lalo tayong mawawalan ng connection."

"Should we split into groups?" suhestiyon ni Joyeuse. "We'll find him faster that way."

"Henrik will find one of us faster that way too," sagot ni Futhark.

"Henrik has known that we're here ever since we pulled over."

"Nope," sabi ni Edward. "I disabled all CCTVs around."

"Still, Henrik knows it's us. Who else would disable his CCTVs?"

Nagkibit-balikat si Edward. "Vorstellungen? Sabi ni Lae kanina kay Sir Lance, sugurin n'ya si Henrik on behalf of Vorstellungen. Malay mo isipin nila na ang back-up ay galing sa Vorstellungen at hindi sa Seven-Minute Semblance."

The goal is to get to Henrik. Wala s'yang binigay na time limit dahil ang gusto n'ya ay matalo ang Wonderland.

Gusto n'yang matalo si Edward.

Gagamitin n'ya laban sa 'min si Sir Lance, kaya bago kami magkita at mag-usap ni Henrik ay dapat sigurado kami na walang magagamit na kahit anong laban sa 'min.

"We need to split up," desisyon ko. "Isang maghahanap kay Sir Lance at isang haharap kay Henrik."

"So we can be sure that there's no gun held against our heads," Joyeuse affirmed. "Smart."

Hindi pwedeng magsama si Joyeuse at Futhark.

Hindi kami pwedeng magsama ni Lae dahil pareho namin kayang makipaglaban.

Hindi pwedeng magsama si Joyeuse at Edward dahil pareho silang may utak.

Tiwala akong ligtas ang kabilang grupo kapag nandon si Val, kaya hindi rin kami pwedeng magsama.

"Val, samahan mo si Lae at si Joyeuse. Kami nina Futhark at Edward ang magsasama-sama. Kapag isa sa 'tin ang nakahanap kay Sir Lance, kailangan nating mag-message kaagad sa kabilang grupo. Likewise, kung makasalubong ng isang grupo si Pareng Henrik. Am I clear?"

Hindi na nagawang tumutol ni Ichaival dahil sa seryoso kong tono. Nagawa na lang n'yang bigyan ako ng isang nag-aalalang tingin.

"Crystal." Tumango si Edward.

"Tumingin kayo lagi sa phone n'yo, pero i-silent n'yo pa rin dahil baka ma-compromise ang location n'yo kapag may biglang tumawag."

"Okay."

"And lastly..." Pinasadahan ko silang lima ng tingin. "Stay brave."

Napasinghap at nahigit nina Edward, Futhark, at Joyeuse ang hininga nila, pero hindi sila nagsalita. Tumango lang sila at nag-ayos ng postura.

Si Ichaival, na nakakikilalang lubos sa 'kin, ay sumagot ng, "Fight with your heart."

Ngumiti ako sa kanila.

"We'll go through the back," sabi ni Lae. "See you, Zweihänder."

••• GENIUSFORSALE •••

Nakakakaba na walang sumalubong sa 'min pagpasok namin sa entrance. Ang tahimik pa nga, parang 'yong kalma bago ang unos. Madilim din sa paligid, walang katao-tao.

Tumatapik-tapik si Edward sa salamin n'ya. "I think Sir Dad's in the second floor."

"Good," sabi ko. "Kailangan na lang nating maghanap ng hagdan."

"Uh..." Tumuro si Futhark sa hagdan sa kaliwa namin.

Sabay kaming lumingon ni Edward.

Nakaupo sa paanan ng hagdan, nakapangalumbaba't nakangisi sa 'min... ay si Nicholas James.

I wasn't mad. Hindi ako nagagalit sa kanya.

Just... Just disappointed.

Alam kong pinagmalupitan s'ya nina Joyeuse, pero umaasa ako kanina na hindi na s'ya lalayo sa 'min, na baka kailangan lang n'yang magpalamig ng ulo at babalik din s'ya sa 'min.

Hindi ko alam kung noon pa lang ay magkasabwat na sila ni Henrik, pero kahit ganoon pa man ang kaso ay hindi ko magawang magalit sa kanya, lalo na't nakita ko kung gaano s'ya nagsisisi kanina.

Hindi rin mapanloko ang ngisi n'ya. Kumbaga sa theater ay parang naibigay sa kanya ang role ng villain and he had no other choice but to act.

"Ciao, Harold," bati n'ya sa 'kin. Hindi kay Futhark, hindi kay Edward.

I thought you're a Harold.

I'm a Harold.

"Sinasabi na nga ba," akusa ni Futhark. "Ikaw ang nagsasabi kay Henrik ng mga plano namin."

"So what if I was? It's too late now. They have Heimdall. You need to back off." Umangat ang kilay n'ya at pagilid na tumingin kay Edward. "Here, brother."

May hinagis s'yang flashdrive kay Edward. "This contains information about the Brown family and the Coronado family. Henrik said if I wasn't able to persuade you to back off, this will air on GB6."

In-access ni Edward ang flashdrive gamit ang phone n'ya.

"And here we thought Henrik would use the scandal card against Sir Lance," sabi ni Futhark.

Tinitigan lang s'ya ni Nicholas. Nakakapagtaka, dahil kadalasan, si Nicholas ang maingay at maraming dada. Kung kikilatisin ko ang hangin sa paligid n'ya, parang nawalan s'ya ng kulay at buhay.

Aha.

Hindi scandal ang ginamit ni Henrik na pam-blackmail kay Sir Lance.

Si Nicholas ang blackmail. Hindi nakipagkampihan kay Henrik si Nicholas, hostage din s'ya. At kaya nahuli si Sir Lance, kahit na kayang-kaya naman n'yang labanan si Henrik, ay dahil buhay ni Nicholas ang nakataya.

"Nicholas!" sigaw ko. I opened my arms. "Come home with us!"

I know I should've done this sooner.

Nagulat sina Edward at Futhark sa pagsigaw ko. Mas nagulat sila nang biglang naluha at umiling si Nicholas.

"Gago, ano na?!" hamon ni Edward.

Binuksan ni Nicholas ang butones ng coat n'ya at pinakita sa 'min ang mic na nakakabit sa kanya.

"Y-You have fifteen minutes to let go of Wonderland," banta n'ya. "Or that comes out."

"Che cazzo hai detto?!"Napatalon si Edward. "Fifteen minutes!"

"Edward, anong nasa flashdrive?" tanong ko. "Kaya mo bang pigilan ang paglabas n'yan? 'Di ba binulag mo na si Henrik? Paano n'ya nagagawang-"

Napanganga si Edward. "He's... He's with Betelgeuse... I can't-"

"That's right," walang tonong sabi ni Nicholas. "Along with the Romanians and the Norwegians, Betelgeuse jumped ship and helped Henrik."

Kinagat ni Edward ang labi n'ya at mas bumilis pa ang pagta-type n'ya sa phone n'ya. Bukod sa pagta-type sa phone ay tinatapik-tapik pa n'ya ang salamin n'ya.

"Nicholas, you can stop this," sabi ko.

Umiling lang ulit s'ya at nagpunas ng luha.

"Gah!" sumigaw na si Edward sa inis. "I need to connect to their satellite and I need my laptop!"

"Just let Wonderland fall!" sigaw rin ni Nicholas. "Just let Henrik win!"

"No! Remember, we have a new plan and you're in it!"

"I don't care! Just let go of Wonderland and you can all go home!"

"I said NO! Nein, nej, non! We're going to save Wonderland!"

"JUST LET IT GO AND LEAVE!"

Tumigil si Edward at binaba ang phone n'ya. Malalim s'yang nag-isip. Tahimik s'yang nanimbang.

Tapos ay tumingin s'ya sa 'kin.

"How much do you trust Ichaival?" tanong n'ya.

"A lot," tugon ko. "With all my life."

"That's how much I trust Joyeuse and Laevateinn."

"Then do whatever you need to do."

Dahan-dahan n'yang tinaas ang phone n'ya at nang hindi inaalis ang mata n'ya sa 'kin, hinubad n'ya ang salamin n'ya at may pinindot na kulay pulang button sa phone n'ya.

Pumutok, nabasag, at umusok ang salamin n'ya, sinundan ng isang malakas at matinis na tunog na sumabog sa paligid. Napatakip kaming lahat ng tenga.

Tumagal nang ilang segundo ang invisible na pagsabog at nang matapos ito, binulsa ni Edward ang phone at ang salamin n'ya.

"Anong nangyari?" tanong ko. "Anong ginawa mo?"

"Destroyed every technology within a kilometer radius," tahimik n'yang sagot. "Including my Midterm Project and my phone... and that mic on that idiot, so now he can-"

Tumakbo sa 'kin si Nicholas at yumakap. Kaagad akong yumakap pabalik.

"I'm sorry, Harold, I shouldn't have ran away! Henrik's men caught me and there was nobody to protect me and I was so scared! Heimdall came to help me but all I did was get him caught, I'm sorry!"

"You're safe with us now, Nik." Hinigpitan ko pa ang yakap. "Kasama mo na ang inahing manok mo."

Hagulgol kung hagulgol si Nicholas.

Lumapit si Futhark sa 'min, namamangha. "Paano mo naisip na gawin 'yon, Edward?"

"Kung hindi ako mananalo sa chess, itataob ko ang buong chessboard." Ginulo n'ya ang buhok ng kapatid n'ya. "I just knew something was wrong when this idiot wasn't sparkling."

"Paano si Betelgeuse at 'yong scandal ng mga Brown at Coronado?"

"Remember I have Jaune and Error in Winter Hexagon?" Ngumisi si Edward. "Jaune is still older and much more experienced than me; and Error stayed longer in Winter Hexagon with Betelgeuse. I can't defeat Betelgeuse, but those two have a better shot together. I alerted them before I destroyed everything here."

Kay Edward naman yumakap si Nicholas. "Brother! Thank you so, so, so, much! I love you so much brother!"

Iniwas ni Edward ang mukha n'ya palayo. "Yeah, yeah, I love you too. Now tell us what else Henrik has."

Suminghot muna si Nicholas. "Now that he no longer have the media at his disposal, all he could do is continue racketeering and be back on his networks tomorrow."

"So we need to make him surrender today... But how do we make him surrender?"

"Yes, Dave, how will you make me surrender?"

Dahan-dahang bumaba si Henrik (ang reyna) mula sa hagdan. Napapalibutan s'ya ng mga matatangkad at armadong lalaki (back-up dancers) (Sorry na, kabado lang.) at nang humarap sila sa 'min ay kaagad kaming tinutukan ng baril.

"Iaalay namin sa 'yo si drama queen," biro ni Edward, kahit na napakaseryoso ng pagkakasabi n'ya. "May artista ka na, may detective ka pa. Bonus na rin na gwapo at blond."

Paano namin matatalo si Henrik kung ganito na ngayon? Nakuha nga namin si Nicholas, pero hindi pa rin tapos ang laban.

Madadaan kaya sa santong dasalan si ninong? O santong paspasan? Power of friendship? Gusto ba n'ya ng kumpletong album ni Taylor Swift? Magtatapon na rin ako ng limang album ng One Direction.

"Sir Henrik," tawag ko. "Hindi mo po kailangang gawin 'to."

Ikinasa ng ilang lalaki ang baril nila. Napataas kaming apat ng kamay.

Kasama namin si Futhark, sasaktan ba ni Henrik ang sarili n'yang anak?

"Kiel, you don't need to raise your hands," tawa ni Henrik. "Come here with me. We've been planning this for a long time, you don't need to act like you're their friend."

Ang lakas ng singhap namin ni Edward.

"Fu...? Bakit ikaw...?" Hindi makapaniwala si Edward. "A-Anong... Perkele bakit hindi ako na-orient?"

Ngumiti lang si Futhark kay Edward bago s'ya nagbaba ng kamay at saka naglakad papunta sa tabi ni Henrik.

Hindi ba inaatake ng sakit n'ya si Futhark at talagang sinasabutahe n'ya talaga kami, kanina pa? Noong Linggo pa? Ilang buwan na?

"You don't need to be friends with those sons of Norcross." Nilagay ni Henrik ang kamay n'ya sa balikat ni Futhark. "You won't need anyone when you have me, your father."

"Right, that's creepy," komento ni Edward.

Pinag-aralan ko ang kilos at ang mukha ni Futhark. Ito ang tipikal na ekspresyon ng mukha n'ya kapag nasa uni kami, walang nagbago.

Ibig sabihin ay...

May kahulugan ang tingin ni Futhark sa 'kin.

Sa isang iglap ay nasipa n'ya ang isang lalaki pababa ng hagdan, inagaw ang baril nito, at naitutok kay Henrik. Tinulak ko palayo sina Edward at Nicholas at tumayo sa harapan nilang dalawa.

"Kiel, what are you doing?!" Nagpumiglas si Henrik mula sa pagkakasakal sa kanya ni Futhark. "I thought you-"

"Sorry, far." Sinabunutan ni Futhark si Henrik at paunti-unti silang umakyat ni Futhark sa hagdan. "I told you that Laevateinn and Edward are my friends. I've been with them longer than I've actually been with you."

"Kiel, you know our deal!" Umaapaw sa galit ang bawat pagbigkas ni Henrik. "You and William..."

William? Sinong William, Futhark?

"Nobody will care about a little relationship. And I don't care if I'm working with you or not because at the end of the day, ako pa rin ang nagluluto, naghuhugas, naglalaba, at naglilinis para sa SMS. And that's my job."

"Because he's not useless," dagdag ko.

"Drop that gun, Kiel, that's dangerous for you."

"Like you've ever cared about me or mor."

"Are you going to kill me, your own father?"

"I'm Schizoprenic, thanks to you. I could laugh and cry while mauling you to death."

"You say that but I know you don't have the heart to pull that trigger."

Bumunot ng maliit na kutsilyo si Henrik mula sa bulsa n'ya.

"Futhark, ilag!" sigaw namin ni Edward.

Nasaksak ni Henrik sa tagiliran si Fu bago may sumipa sa kanya mula sa likod at nahulog s'ya sa hagdan.

Nagkakasa pa lamang ng baril ang mga back-up dancer ay isa-isa na agad silang bumagsak. May snipers ba kaming kasama o may magic ang isa sa 'min?

"It's a small wound, don't be a baby," ang sabi ni Joyeuse, na s'yang unang sumaklolo kay Futhark. Inangat n'ya ang t-shirt at cardigan ni Fu para makita nang maayos ang saksak.

Si Laevateinn na sumipa at tumulak sa isang matanda pababa ng hagdan ay sumesenyas sa kawalan. S'ya ang nag-magic.

Umakyat kami nina Edward at Nicholas sa hagdan. Si Ichaival at Fenrir, sumalubong.

"Fu! Akala ko kaaway ka na namin, natakot ako. Pero perkele ikaw pala nagsasabi kay Henrik ng mga plano natin, pinagbintangan mo pa si Nicholas."

"Ahaha... Mamaya mo na ako kausapin, Ed, masa... masakit kasi."

Ang small wound na sinasabi ni Joyeuse ay walang tigil sa pagdugo, kahit tinatakpan na n'ya ng panyo.

"Lae, tinuluyan mo ba ang mga 'yan...? tanong ni Ichaival.

Umiling s'ya at pinakita sa 'min ang dart sa leeg ng isa. "They're all sleeping beauties."

Narinig naming umaray si Henrik at may kumalansing sa sahig.

Nang lingunin namin, nakita namin si Sir Lance na nakaapak sa kamay ni Henrik. 'Di kalayuan ay isang pistol gun.

"I can't believe you'd have the guts to shoot your son," iling ni Sir Lance.

"Why? If Njal can kill Norcross, why can't I-"

Mukha na ni Henrik ang inapakan ni Sir Lance. Ang talim ng titig n'ya, parang papatay rin. "Njal didn't kill NJ."

Nagtagpo ang tingin namin ni Lae. Ito 'yong sinabi n'ya kanina.

"Njal killed Norcross because Norcross killed Balder!"

Nakaisang sipa si Sir Lance sa sikmura ni Henrik.

"He's lying," ang sabi ko kina Edward at Nicholas, dahil mukhang gusto na rin nilang sumugod. "Njal wouldn't do that to someone he treated like a real son."

Nag-aalinlangang tumango 'yong dalawa.

"Dalhin na natin sa ospital si Futhark at iwan si Henrik dito."

"Hold on." Kumapit si Edward sa manggas ko. "I want to ask him something. Al, c'mon."

Bumaba 'yong magkapatid sa hagdan.

"Val, Jo, tulungan n'yo si Fu at pumunta na kayo sa sasakyan. Susunod kami."

Tumango silang dalawa at tinulungang bumaba ng hagdan si Futhark. Sinundan ko sina Edward.

"Look at you, traitor," bigkas ni Henrik habang tumatayo at pinapanood si Futhark na bumaba ng hagdan. "Nobody's friend."

Hindi na s'ya pinansin ni Futhark.

Si Ichaival ang pumatol. "Mawalang-galang na po, Tito Henrik. Wala ka pong kwentang ama at kaibigan. Masunog ka sana sa impyerno." Ngumiti s'ya pagkatapos at patuloy lang silang naglakad palayo.

Mommy Val namin 'yan.

"Is what you said true?" habol pa ni Henrik. "That Nicholas James is Time?"

Natigilan si Joyeuse at lumingon sa 'min. "You're Fraulein Snow?" tanong n'ya kay Nicholas. Hindi ko alam pero may something sa tono ni Joyeuse na parang gustong-gusto n'yang malaman kung sino si Fraulein Snow at hindi s'ya makapaniwalang it was Nicholas the whole time.

"I-" Nicholas seemed like he was backed into a corner. Lahat ay nakatingin sa kanya. "I-I'm-"

"Sabihin mo lang kung ano ang totoo," sabi ko. "Kami pa rin ang kasama mong uuwi."

Lumunok si Nicholas at takot na tumingin sa direksyon nina Joyeuse. "I'm not..." Kumunot ang noo n'ya. "I'm not just the Mad Hatter... I'm also T-Time..." Pumiyok s'ya sa huling salita.

"Jo, unahin natin si Futhark," mariing saad ni Ichaival. "Mamaya mo na puntahan si Nicholas."

"Hah! You are surrounded by traitors, Uresonde-" Bago pa man matapos ni Henrik ang panunukso (gaya ng isang full-blown demonyo) ay binalyahan s'ya ni Lae.

Hinawakan n'ya sa leeg si Henrik at sinabi kay Edward, "Ask him your question now."

"Right." Tumikhim si Edward. "I'm not gonna ask you about Norcross, I really don't care about that guy. I want to ask you, kindly, to surrender."

"I'm not going to surrender," singhal ni Henrik.

"You sure? You still want to create that highly illegal criminal syndicate?"

"And you can do nothing to stop me."

"Great, great." Tumango-tango si Edward. "I'm sure you can run that organisation whilst being in jail, right? Because you just admitted everything in front of Harold Coronado, one of the best collegiate journalists-personally trained by you."

Pinilit ni Futhark na manalo si Henrik dahil illegal nga naman ang pinaglalaban nila. Mas engrandeng panalo, mas maingay ang pasabog, mas maririnig ng publiko.

Naglakad palabas ng building si Edward at kinaladkad ni Lae si Henrik para sumunod sa aming maliit at tunay na leader.

Napakaingay sa labas ng building dahil may lumilipad na chopper sa 'di kalayuan. May mga police cars at nakita kong kausap ni Joyeuse si Ate Cassandra. Si Ichaival ay nakatayo katabi ni Futhark sa ambulansya.

Nakakatakot na naman ang ngisi ni Edward. "If you have good eyesight," sigaw n'ya kay Henrik, "you'll see that driving the chopper is my newest best buddy, Captain Arcen Ciel Brown, and with him is Kristina Guevarra, reporting everything live."

Maangas na itinaas ni Edward ang parehong kamay n'ya. "You use the media against us, I'll use the media against you."

"I thought you destroyed every technology within a kilometer radius?" tanong ko. "Paano mo na-contact sina Ciel?"

"I've had them ready hours ago. I actually got the idea from this drama fuck's TV appearance. You made Sir Dad look like a criminal? We can you look like a criminal-nope, scratch that.

"You're an actual criminal because you tried to kill your own son, you tried to create a syndicate, falsely accused Sir Dad of assault, and blackmailed Coronado into paying you for protection. Don't mess with a detective from Seven-Minute Semblance, sweetheart, because we can land you in jail-and we will."

After all this time, Edward Dace is still a detective. Grabe sa presentation, but still a detective.

Natutuwa akong inalala n'ya ang napag-usapan namin.

Dumura si Henrik sa lupa. "You still can't save Wonderland, it's a sinking ship!"

"Just fucking shut up and get arrested."

Lumapit si Ate Cassandra at ilan pang mga pulis para arestuhin si Henrik.

"This is not the end, Dave," banta ni Henrik. "I'm not the only obstacle in your life."

Nagbata-bataan ng boses si Edward. Bagay sa kanya dahil ang liit n'ya. "Ate Cass pinagbabantaan po ako oh."

Akala mo hindi s'ya ang nagplano ng lahat.

May dumaan na lalaking naka-hoodie, salamin, at face mask at pumasok sa loob ng building. Sinundan s'ya ng ilan pang pulis para hulihin ang iba pang naiwang kasabwat ni Henrik sa loob.

May kutob akong kilala ni Lae ang isang 'to. Siguro ay kasama nila sa "Vorstellungen" o isa sa mga snipers nila.

Saka ko lang napansin na hindi namin kasamang lumabas si Nicholas.

"Edward, nasaan ang kapatid mo?" tanong ko.

Naputol ang panunuya ni Edward kay Henrik. "Hah?"

"Si Nicholas, hindi natin kasamang lumabas."

Bumalik kami ni Edward sa loob at sumigaw ng, "Niiiiik! Nicholas! Wer na u?"

"Gago uuwi na tayo! Nicholas!"

Mula sa isang hallway ay nagtatakbo si Nicholas at hinila ang kamay ni Edward. "Edward! I thought I saw daddy!"

Kumurap-kurap si Edward. "Ano?"

"Then I heard him call me Nicholas!"

"Tangina pangalan mo 'yon eh! Wala na ang ama mo, umuwi na tayo."

"No! I really did hear someone calling me Nicholas!"

"Kami ni Zwei 'yong tumawag sa 'yo kanina ng-" Natigilan si Edward at sabay silang lumingon ni Nicholas sa kanan.

"You heard it too!"

"Bakit ako walang naririnig?!" Sinundan ko ang tingin nila. Wala namang tao sa hallway. Nabibingi na ba ako dahil sa lakas ng pagpapatugtog ko?

Tumakbo 'yong magkapatid sa hallway kaya sinundan ko.

Ang sabi ni Lae ay hindi pinatay ni Njal si Norcross at nagkibit-balikat lang s'ya noong tinanong ko kung sino'ng tunay na pumatay.

Hindi pinatay ni Njal si Norcross at hindi alam ni Lae kung sinong pumatay sa kanya dahil...

... Dahil hindi naman s'ya pinatay...?

Papa 'yung pinag-aawayan natin buhay pala, papa.

"Nik!"

Ayon, salamat sa Diyos at narinig ko rin!

"Dito!" Lumiko si Edward pumasok kami sa isang madilim na kwarto sa dulo ng hallway.

"Edward, marami akong napapanood na ganito," 'ka ko. "May multo d'yan."

"Is it daddy's ghost?" inosenteng tanong ni Nicholas.

"Gago 'wag."

"Nik," ulit ng lalaki sa dilim.

Nagtago 'yong magkapatid sa likod ko. Talagang sa 'kin pa kayo nagtago, eh napakatapang ko.

Nagpakita sa liwanag ang multo at-

"Cole Rey?" sabay-sabay at gulat naming bigkas.

Hindi pa rin pala s'ya umaalis ng Pilipinas?

Anong ginagawa n'ya rito at bakit n'ya tinawag si Nicholas?

"What are you doing here, Corey?" tanong ni Edward.

Tumayo sa harap namin si Cole Rey. Punung-puno s'ya ng confidence at charisma, pero kung noon ay cool s'ya, ngayon ay cold na. "Making sure ye idiots don't ruin Wonderland."

"You're from Wonderland?"

"Recognise." Naglabas ng phone si Cole. Kung gumagana pa ang phone n'ya, ibig sabihin ay wala s'ya rito no'ng nagpakawala si Edward ng isang mini-technology Armageddon.

"From what Table are you?" tanong naman ni Nicholas.

Ang liit-liit ni Nicholas sa tabi ni Cole, at mas nanliit s'ya noong tiningnan lang s'ya pababa.

"I'm surprised nobody told ya yer in t'e world's largest playground." Nilagay ni Cole ang kamay n'ya sa ulo ni Nicholas. "Ya t'ink yer t'e Mad 'atter after yer aul fella?"

Kapatid ni Joyeuse ang tunay na Mad Hatter...?

"Nobody's giving ye Wonderland. Taking out 'enrik an' 'is lads, t'at's wicked, but t'at's about it. At t'e end o' t'e day yer still not getting Wonderland."

May pinindot si Cole sa phone n'ya at saka s'ya lumabas ng kwarto. "You'll never own Wonderland. I'm sorry, Edward Dace, t'is is yer reality check."

Magre-react pa lang si Edward sa apology ni Cole ay hinila ko na kaagad ang kamay n'ya. Sigurado akong pasasabugin ni Cole ang buong building.

'Yon lang ang tanging paraan para mabura ang lahat ng ebidensya ng nangyari ngayong araw.

"Lumabas na tayo, Ed, Nikki!"

Hindi gumalaw si Nicholas. "All this and I wasn't even the real Hatter," nanlulumo n'yang bigkas.

"That doesn't matter, let's go!"

Eh kaso ni-lock ng napakabait na kapatid ni Joyeuse ang pinto mula sa labas.

Humanap ako ng upuan na pwedeng ihampas sa pinto, baka sakaling masira. Walang kalaman-laman ang kwarto.

Binangga ko ang pinto. Walang epekto.

"Nicholas, makinig ka sa 'kin," hinawakan ni Edward sa braso si Nicholas, "at makinig kang mabuti. Ano ngayon kung hindi ikaw ang Mad Hatter? Ikaw pa rin si Nicholas James Germaine at ikaw pa rin ang may kakayahang gumawa ng trabaho ng Mad Hatter! Sumama ka na sa 'min at mababawi pa rin natin ang Wonderland Org! Sa 'tin pa rin 'yon dahil tatay natin ang guma-"

Nag-crack na ang boses ni Nicholas. "I DON'T WANNA SAVE WONDERLAND! I want to drink tea and eat cake and play arcade games with you, I wanna play and jump around, I wanna read fairy tales and solve wee puzzles, go to night markets and eat fairy floss."

"Nicholas..."

"I don't want to save or think about Wonderland. I only want to be your brother."

Ginulo ni Edward ang buhok n'ya. "You're my brother, idiot."

"Tulungan n'yo na akong sirain 'tong pinto?" Ninenerbyos akong tumawa.

KABOOM!

May sumabog malapit sa 'min. Yumanig ang paligid. Sinisipa na namin ang pinto, ayaw pa rin. Tinalon ko na nga, hindi pa rin bumigay.

May malakas na tunog ng pagguho at umulan ng buhangin mula sa ceiling.

"Zwei, anong gagawin natin?" natatakot na tanong ni Edward.

KABOOM!

Isa pang pagsabog. Sumiksik sa 'kin 'yong dalawa.

"We stay brave."

"I'm scared," bulong ni Nicholas.

Gumuho ang pader malapit sa pinto. Nasira ang porma ng pintuan kaya madali ko nang nasipa ang pinto.

KABOOM!

Nakalabas na kami ng kwarto. Nagbabagsakan na ang ceiling, pader, at semento.

"Kaunti na lang!" sigaw ko sa kanila. Nakikita na namin ang labas. Kita na ang langit.

"Harold, bilis!" narinig kong sigaw ni Ichaival.

Lumingon ako sa likod ko. Nakakasabay pa 'yong dalawa.

KABOOM!

Yumanig muli ang lupa at nadapa kaming lahat. Nakita kong sumugod si Lae at binuhat na si Edward papunta sa mas ligtas na lugar. Mabuti at mabilis at malakas si Lae.

Tumayo ako at hinila si Nicholas. "Malapit na tayo, tara na, Nikki!"

"I'm scared," iyak n'ya. "I'm scared, Harold."

Sabay na kaming tumakbo.

Sana bumalik si Lae at buhatin si Nicholas. Sana sumugod din si Sir Lance para tulungan si Nicholas.

Gumuho ang lupang tinatakbuhan namin at nabitiwan ko ang kamay ni Nicholas. Nagkahiwalay kami at nahulog s'ya sa...

"NICHOLAS!"

Dumulas ako at nahawakan ni Sir Lance sa kwelyo. Pagkatapos ay hinila n'ya ako palayo at halos kaladkarin n'ya ako papunta sa sasakyan.

"Sandali lang Sir, si Nicholas!" sigaw ko.

"Sir Lance, si Nicholas po!" Yumakap si Edward sa binti ni Sir Lance para pigilan s'yang pumasok sa sasakyan. "Ate Cassandra!" sigaw n'ya sa kabilang sasakyan. "Si Nicholas! Bakit walang tumutulong kay Nicholas?!"

"It's too late!" sigaw pabalik ni Joyeuse.

Ine-evacuate na ang paligid. Umalis na ang ambulansya. Si Ichaival tinulak ako papasok sa sasakyan. Si Ate Cass, hinila si Joyeuse sa loob ng police car n'ya.

Pilit tinanggal ni Lae si Edward mula sa binti ni Sir Lance.

"It's not too late!" sigaw pa ni Edward. "You just don't wanna save him because you hate him!"

Walang sumagot sa kanya.

"Save him, he's a good person!"

Lumabas ako ng sasakyan at tinulungan si Lae na buhatin si Edward papasok sa sasakyan. Ang bigat sa damdamin.

"Zweihänder, please save him, I promise he's a good person," iyak ni Edward. "Please give him a chance."

Niyakap ko si Edward para hindi na s'ya makapalag at makapagmaneho nang ayos si Sir Lance.

"I'm sorry, Edward."

•••

Ciao, HeadphonesAndLuck here ~

That concludes Seven-Minute Semblance Book 3: GENIUSFORSALE. Hope you have had such a great time reading! Maybe the storm's over now, I wonder.

Drop your thoughts and see you on Book 4!

Happiness is on the way. Stay brave, chicklings.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top