Chapter 9: Hello, Stranger


HALOS mapanganga si Ian habang pinagmamasdan kumain ang dalagang nahila niya kanina, buhat ng pagkataranta. Paano't mula nang mailapag ang mga in-order niyang pagkain at inalok niya ito'y hindi na ito nagdalawang-isip pa. Kaagad na nitong nilantakan ang dalawang klase ng silog na animo'y wala nang bukas.

It's already twelve midnight when he felt hungry. Matapos kasi ng tensyon kanina sa matandang bahay ay ngayon lang niya napagtantong hindi pa siya kumakain. At dahil wala siyang sapat na kaalaman sa mga lugar sa Laguna, kaya naman nagpatianod na lamang siya sa dalaga nang tinanong niya kung may alam itong makakainan.

Matapos sumakay kanina ng jeep ay bumaba sila sa isang 24-hours na Tapsilogan. Open-space iyon at talaga namang pinipilahan ng mga tao kahit pa madaling araw na.

"Bakit hindi ka kumakain?" tanong nito sa kanya kahit puno pa ng pagkain ang bibig nito. "Ako nga pala si Venus pero my friends call me, Vee."

Tipid siyang ngumiti dahil sa kawalan ng table manners nito. Pagkuwa'y inilapit pa niya rito ang porksilog na dapat sana'y order niya para sa sarili. Mukhang magtutubig na lamang siya para sa gabing iyon.

"Uy, salamat nga pala sa libre ha? Noong isang gabi pa 'ko hindi kumakain eh."

Natigilan siya sa pag-inom ng tubig at diretsong napatingin kay Vee. Kaya naman pala kung kumain ito'y daig pa ang bibitayin. Pero posible kayang maka-survive ang isang tao na ilang araw nang hindi kumakain? Hindi niya rin alam. Never pa naman niya naranasan magutom, maliban na lang ngayon.

Nasa kalagitnaan siya ng malalim na iniisip nang bigla na lamang masamid ang dalaga, dahilan upang tumalsik ang iilang butil ng kanin sa kanyang mukha. Gumuhit ang tuwid na guhit sa labi niya at saka mariing napapikit.

"H-hala, sorry!" Matapos itong uminom ng tubig ay kaagad siyang tinulungan nitong alisin ang mga butil ng kanin sa kanyang mukha. "Pasensya ka na talaga!"

Unti-unti siyang nagmulat ng tingin at halos mapalunok siya nang mapagtanto kung gaano sila kalapit ng dalaga sa isa't isa. Sandali siyang napatitig dito at kaagad niyang napansin kung gaano kaliit ang mukha nito. Kapansin-pansin ang mga mata nitong tila sumasabay sa kanyang labi tuwing ito'y ngingiti; pati na rin ang ilong nitong katamtaman lamang ang tangos.

"Baka matunaw na 'ko sa kakatingin mo nang gan'yan."

"I-I'm not!" At saka siya mabilis na nag-iwas ng tingin sa dalaga. Rinig niya ang bahagyang pagtawa nito bago muling itinuloy ang kinakain.

Napailing na lamang siya at saka bumaling ng tingin sa screen ng kanyang cellphone. Mula nang umalis siya kanina'y minabuti niyang i-set iyon sa flight mode, nang sa gayo'y wala munang makahanap sa kanya. He needs time to sort things out for himself. Then he'll face the consequences later on.

"Ang ganda naman ng kasama mo sa picture. Jowa mo?" Halos mapatalon siya sa gulat nang bigla na lamang sumulpot sa kanyang tabi si Venus. Dahilan para maitago niya ang cellphone sa bulsa ng kanyang hoodie.

Ang tinutukoy nito'y ang lockscreen wallpaper niya na larawan nilang dalawa ng best friend na si Candace. Kuha iyon noong magkaroon ng Homecoming Dance sa kanilang eskwelahan, dalawang taon na ang nakalilipas.

"Aren't you aware of the word privacy? Jeez," kunot-noo niyang turan dito.

Nagkibit-balikat ito sa kanya. "Suplado ka rin 'no? Para nagtatanong lang eh."

Napailing na lang siya sa dalaga. It's been a while since someone got on his nerves. And to think they actually just met by pure accident. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung ganito ba halos ang mga kababaihan sa Pilipinas? Partikular sa probinsyang iyon.

"Huy, galit ka ba—"

"—what if I am? What are you going to do about it?"

Nakita niya kung paano nanlaki ang mga mata ng dalaga dahil sa biglaang pagtaas ng kanyang boses. Maging ang iilang customers nga roon ay napatingin din sa gawi nila. Napahugot na lamang tuloy siya ng malalim na hininga para tulungan ang sariling kumalma.

"I'm sorry—"

"Hindi, okay lang!" pagputol nito sa sinasabi niya. Pagkuwa'y kaagad na rin itong tumayo, handa nang umalis. "M-mauna na 'ko sa 'yo. Salamat ulit sa pagkain. Malaking bagay sa akin na nabusog ako ngayong gabi."

Ngumiti ito sa kanya bago tuluyang tumalikod para umalis. Ilang sandali pa ang tumagal bago nag-sink in sa kanyang isipan na wala nga pala siyang kaalam-alam sa lugar, kung saan siya naroon. Kaya naman kaagad na siyang tumayo para sana habulin ang dalaga.

"H-hoy! Bayad mo!" sigaw sa kanya ng cashier kaya naman dali-dali na siyang nagbayad at saka tumakbo paalis doon.

Nagpalinga-linga siya sa paligid para hanapin si Venus. Malalim na ang gabi subalit kahit papaano'y may mga tao pa rin sa paligid. Bukas din ang halos lahat ng poste ng ilaw sa gilid ng kalsada.

"Where on earth is she?" Ilang malulutong na mura na ang kumawala sa kanyang isipan dahil sa pinaghalong gutom, pagod at kaba.

Paano na lang kung may mangyari sa kanya? Lalo pa't wala rin siyang balak na umuwi sa matandang bahay hanggang dumating ang mismong araw ng pag-uwi niya sa Amerika.

Napayuko siya habang nakahawak sa dalawa niyang tuhod. Pilit niyang hinahabol ang kanyang paghinga dahil pakiramdam niya'y anumang oras ay mauubusan na siya ng hangin. One thing he hates the most is when his anxiety kicks in like a bully.

"H-huy, ayos ka lang?"

Mula sa harapan niya'y nakatayo si Venus. Madilim na ang paligid pero tanaw niya ang pag-aalala sa mukha nito. Tinulungan siya nitong makatayo nang ayos at saka sila sabay na naglakad papunta sa may bench na gawa sa semento.

For a moment, he felt a sigh of relief. Tila ba bigla na lang nawala ang agam-agam sa kanyang dibdib at nakapagtataka dahil ang taong madalas na nakapagbibigay ng ganoong comfort sa kanya'y ang best friend na si Candace.

"Sandali lang ha? Kukuha lang ako ng tubig." Akma nang aalis muli ang dalaga nang pigilan niya ito sa pamamagitan ng paghawak sa suot nitong shoulder bag. Puno ng pagtataka siyang binalingan nito ng tingin.

"Just stay here... for a while."

===●○●===

PASADO alas dos na nang madaling araw nang marating nila ni Venus ang isang Inn sa bayan ng Pagsanjan, Laguna. Heavenly Inn ang pangalan niyon, malapit lang halos sa ipingmamalaking Pagsanjan Falls ng bayan. Ayon sa dalaga'y iyon na ang pinakamalapit at pinakamurang lugar na maaari niyang tuluyan para sa gabing iyon.

"How much—"

"Ay, ate! Magkano ho kapag nag-stay ng hanggang alas otso nang umaga?" Agaran ang ginawang pagtakip sa bibig niya ni Venus at sa halip ay ito na mismo ang nag-inquire.

"Ang minimum staying hours dito ay hanggang tatlong oras, two hundred fifty pesos 'yun." Marahang sumilip ang babaeng nasa trenta na siguro ang edad sa kanilang dalawa, bago muling itinuon ang atensyon sa dalaga. "Pero kung balak niyo-"

"—ay, hindi ako kasama! Ito lang kaibigan ko ang matutulog dito ngayong gabi," nakangiting sagot ni Venus.

Bahagyang kumunot ang noo niya dahil kanina lang niya napag-alaman na mag-iisang linggo na palang walang matinong tinutuluyan ang dalaga. At kung wala itong balak na magpalipas din ng gabi sa Inn na iyo'y saan ito pupunta?

"Kung hanggang alas otso mag-i-stay ang kaibigan mo, bali eight hundred pesos 'yun."

"We'll take two rooms then." At saka niya hinugot ang wallet mula sa kanyang backpack. Akmang magbabayad na dapat siya nang mabilis siyang hinila sa braso ni Venus.

"Hoy, bakit ga dalawang kwarto ang kukunin mo?" Halos pandilatan siya nito dahil sa hindi maipaliwanag na gulat. "Hindi mo ba narinig? Eight hundred ang isang kwarto lang. Ang mahal kaya—"

"—then what do you want me to do? Share a room with you?" Umiling-iling siya bago sumibol ang pilyong ngiti sa kanyang labi. "I mean, I won't mind if that's what you like."

Nakita niya kung paano napanganga ang dalaga dahil sa pang-aasar niya. "A-asa ka ha!"

He chuckled at her epic reaction. "Okay, look. You mentioned earlier that you had no place to stay, so this is the least thing I can do."

Wala nang nagawa pa ang dalaga dahil nilagpasan na niya ito. Dumiretso na siya sa main counter para magbayad sa dalawang kwarto na kanyang kukunin. Nang maiabot ang pera'y binigyan siya nito ng dalawang maliliit na towel, sabon at ang mga susi.

"Akyat lang kayo sa second floor tapos dulong part 'yung mga kwarto niyo."

Sabay silang naglakad ni Venus sa daan na itinuro ng receptionist. Walang nangahas na umimik sa kanilang dalawa lalo nang tinahak nila ang pahabang pasilyo ng second floor. He was about to say something to break the silence when they heard a loud noise from one of the rooms.

"What's—"

"Maglakad ka lang at 'wag mo silang pansinin."

Napatingin siya sa dalaga at napansin niyang parang umiiwas ito ng tingin sa kanya. Napakamot na lang siya ng ulo dahil doon. When they finally reached the end of the hallway, he gave the other key to Venus. She turned her back at him when he remembered the small bar of soap and towel with him.

"Uh, the receptionist gave these to me. I'm just not sure whether this will help dry my whole body after I take a—"

"—hindi naman kasi para sa katawan 'yan!" Sa wakas ay hinarap na siyang muli ng dalaga. Pero tulad kanina'y tila hindi ito makatingin nang diretso sa kanya.

"Hey, is something wrong?"

"W-wala!" At saka hinablot ng dalaga ang maliit na tuwalya at sabon sa kanyang kamay. "Pero kahit ano'ng mangyari, huwag mong gagamitin sa mukha mo 'yang towel."

His eyebrows furrowed in confusion. "And... why is that?"

"Juice-colored! Sa lahat ng laking Amerika, ikaw ang walang alam!"

Hindi na siya sinagot pa ng dalaga at sa halip ay dali-dali na itong pumasok sa loob ng kwarto nito. Naiwan siyang nakatayo roon at tanging pagkamot na lamang sa ulo ang kanyang magagawa. Ilang sandali pa ang lumipas at dinig na dinig pa rin niya ang kaliwa't kanang ingay sa iilang kwarto, bago siya nagkibit-balikat at tuluyan nang pumasok sa loob ng kanyang kwarto.

"What a weird stranger..."

PS. The names of some establishments were the product of the author's imagination. This is to protect the brand name of some existing business.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top