Chapter 3: Inside a Teenager's Mind


"HELLO mga lakwatsera!" bungad ni Divina sa camera. "Nandito ako sa 2022 Philippine Tourist Expo sa SMX Convention Center! I'm excited to go in with my cousins."

Itinapat nito ang hawak na camera sa kanila ni Kali kaya naman wala na siyang ibang nagawa kundi ang kumaway. Did he ever mention that he hates being in front of a camera? Pero heto siya't walang magawa kundi sumunod sa mga trip ng pinsan niya.

"Sucks to be the youngest," turan niya sa sarili.

Sandali siyang napalingon sa pinsan at halos matawa siya nang makita ang pilit nitong ngiti. Kahit papaano tuloy ay nabawasan ang pagka-badtrip niya. Samantala'y nauna nang maglakad sa kanila si Divina habang abala pa rin ito sa ginagawa.

"What on earth are you staring at?" pagtataray sa kanya ni Kali. Paano't maya't maya pa rin ang pagsilip niya sa bawat facial expression na ginagawa nito.

Umiling-iling siya habang pilit na nagpipigil ng tawa. "Nothing? I'm just amused by how authentic your smile was. Sharp as a knife."

"Why, you little—"

Hindi na niya pinatapos sa paghihimutok si Kali. Kumaripas na siya agad ng takbo papunta sa entrada para kumuha ng gate pass at map, gaya ni Divina. Matapos kasi nilang mananghalian ay kaagad na silang dumiretso sa lugar na iyon para 'di umano sa isang tourist expo. At dahil wala rin naman siyang choice kundi ang sumama, kaya nagpatianod na lang siya sa kanyang mga pinsan.

Napansin nilang marami-rami ang mga taong pumapasok sa main entrance kaya minabuti nilang sa kabilang pinto na lang pumasok. Hindi niya maiwasang mamangha sa mga booths na naroon. It was actually his first time being at this kind of event and he got to admit that it's quite cool. Gaya kanina'y nauuna pa rin sa kanila sa Divina, habang si Kali nama'y tahimik na nakasunod lamang sa likuran niya.

"What's that?" turo niya sa makulay na pagkaing nakalagay sa isang bilao. Sandali niyang nilingon ang pinsan na si Kali at saka muling bumaling ng tingin sa booth, kung saan may naka-display na iba't ibang uri ng kakanin.

Marahang sinundan ng dalaga ang direksyong itinuturo niya at saka unti-unting tumaas ang isang kilay nito. Right now, she's giving him a sight of disbelief which made him confused.

"What?" Ian mouthed nonchalantly.

"Pinoy ka pero hindi mo alam 'yan? Eh 'di sapin-sapin!" yamot na komento sa kanya ng pinsan. "My goodness! Partida, your parents run a chain of Filipino restaurants in the US, ha?"

Ang ngiti sa labi niya'y unti-unti na namang nawala. It's confirmed! Ipinaglihi nga sa sama ng loob ang pinsan niyang ito. Hindi niya tuloy maiwasang isipin kung paano nito name-maintain ang ganoong ekspresyon mula pa kanina. Minsan, sumpa rin talaga magkaroon ng matalino sa pamilya e — nagmumukha tuloy siyang walang alam.

"What a temperamental being, jeez…" 

Umiling-iling na lang siya at saka nagpatuloy sa paglalakad. Sa hindi kalayua'y natanaw niya si Divina na abala sa pag-pose, kasama ng sa tingin niya'y mga followers nito. Aba'y hindi na kasi nito halos maituloy ang ginagawa dahil sa kaliwa't kanan na nagpapa-picture. At the back of his head, he can't believe that his cousin can actually be the next big thing.

"Divine, let's just meet at the guest services desk after two hours or so. Nadi-distract ako sa mga fans mo at pagba-vlog mo," ani Kali at saka siya mabilis na nilingon. "Isasama ko na itong si Ian."

Hindi na nila hinintay na sumagot si Divina dahil kaagad na siyang hinila paalis doon ni Kali. Awtomatiko na naman nga siyang napasimangot dahil nakakaramdam na naman siya ng gutom at balak sana niyang humiram muna ng pera kay Divina. Eh kaso, ewan ba niya rito kay Kali kung bakit parang lagi na lang nagmamadali sa buhay.

===●○●===


"I'M BORED and hungry, Ate Kali!"

Sa wakas ay nagawa na niyang maghimutok sa pinsan. Paano't hindi niya mawari kung paano napapalagay ang dalaga sa simpleng pag-upo, habang patingin-tingin sa mga travel brochures na nakuha nila kanina.

"Quit whining like a spoiled kid, Ian. I'm not your babysitter to deal with your childish behavior. At saka isa pa, can't you see that I'm busy?"

"Wow! You call that busy? It must've sucked being an adult."

Nakita niya kung paano marahas na ibinaba ni Kali ang hawak na brochure at saka siya matalim na binalingan ng tingin. Gumuhit ng isang tuwid na linya ang labi nito na animo'y nagtitimpi sa inis. Gusto niyang matawa sa ekspresyon na ipinapakita nito ngayon pero hindi nagtagal ay pinili na lamang nitong humugot ng malalim na hininga, at saka ipinagpatuloy ang pagbabasa.

"Ate Kali—"

"Just go buy some food, Ian. Huwag mong ubusin ang pasensya ko, utang na loob."

Napakamot na lamang sa kanyang ulo si Ian. "But I don't have my money yet…"

Sandaling itinigil muli ng dalaga ang ginagawa nito para siya'y tingnan. "Wow. It must've sucked to be a kid," nakangising usal nito sa kanya at saka muling itinuon ang atensyon sa binabasa.

Napanganga na lamang si Ian nang mapagtantong tila naisahan na naman siya ng nakatatandang pinsan. He pressed his lips into a thin line while thinking of a best way to get back at her. In the end, an imaginary light bulb appeared right before his eyes and an idea popped up.

"You know, my mom said I have a special ability when it comes to my dreams," he said out of the blue but his cousin didn't flinch. "Wanna buy my dream?"

"And why would I waste my hard-earned money on your childish dream?" Sa wakas ay nakuha na niya ang atensyon ng pinsan. Nais nang kumawala ng pilyong ngiti sa kanyang labi subalit minabuti niyang huwag munang ipahalata iyon.

Sa halip ay lumipat siya ng upo sa mismong tabi ni Kali at saka ito seryosong tinitigan sa mga mata. Bahagyang kumunot ang noo nito sa ginawa niya ngunit determinado siyang kumbinsihin ito sa naiisip na ideya.

"Well, I noticed that you've been acting like you've lost a fortune so if you buy my dream… you'll feel better after." Nagawa pa niyang sikuhin ito sa kanang braso habang taas-baba ang isang kilay.

Ilang sandali rin hindi sumagot sa kanya ang pinsan. Marahil ay nag-iisip ito patungkol sa ino-offer niyang panaginip. 

"Ugh, fine! Ano'ng kapalit ng panaginip mo?"

Kaagad na lumawak ang ngiti niya nang sa wakas ay pumayag din si Kali. Mabilis niyang itinuro ang booth kung saan may nagbebenta ng makulay na pagkain na kung tawagin 'di umano'y sapin-sapin kanina. Nagawa pa siyang irapan ng pinsan bago nila tinungo ang naturang booth para bumili.

Abot-tainga ang ngiti ni Ian nang iabot sa kanya ng babaeng tindera ang isang styro container na naglalaman ng sapin-sapin. Wala na siyang sinayang na pagkakataon at mabilis na niyang tinikman iyon. Halos magningning ang mga mata niya nang malasahan ang katamtamang tamis at linamnam ng kakanin na iyon. Ang iba't ibang kulay niyon ay lalong nakapagbigay ng kaaya-ayang hitsura na talaga namang nakatatakam sa paningin.

"So now that you have your food, what's the dream I've paid for?" ani Kali na siyang nakapagpabalik sa kanya sa sariling ulirat. Muntik na nga niyang makalimutan ang tungkol sa panaginip na tinutukoy ng kanyang pinsan. Maingat muna niyang isinara ang styro container at saka seryosong tiningnan ang nakatatandang pinsan.

"Actually, I saw you and Ate Divine in my dream," panimula niya na siyang nagpataas ng kilay ni Kali. "She's covered with blood and you're…"

"And I'm what?"

Bakas ang namumuong anticipation sa mga mata ng dalaga at kitang-kita niya iyon. Bahagya muna siyang umatras bago ipinagpatuloy ang sasabihin.

"...and you're the grim reaper who's gonna take everyone's soul!"

Nakita niya kung paano napanganga sa kanyang sinabi ang pinsan na si Kali. Bigla na ngang namula ang buong mukha nito kaya hindi niya maiwasang matawa. Ngunit bago pa siya tuluyang mahuli nito'y kumaripas na siya ng takbo pabalik sa kinalulugaran ni Divina.

Kinagabiha'y tahimik na siyang nakahiga sa kanyang kwarto habang diretsong nakatingin sa kulay asul na kisame. Hindi niya maiwasang mangamba sa mga susunod na araw, lalo pa't ang nag-iisang dahilan ng pag-uwi niya ng Pilipinas ay upang bisitahin ang namayapang ina ng kanyang ama.

Lingid sa kaalaman ng iba'y may lihim siyang matagal nang ikinukubli. Na sa likod ng kanyang maligalig na pag-uugali ay isang malagim na pangyayari sa kanyang nakaraan na nais na niyang ibaon sa limot. Subalit hindi niya alam kung papaano. Isama pa ang mga panaginip na tila mga premonisyon na ayaw siyang patahimikin, sa tuwing ipipikit niya ang mga mata.

Guni-guni lang ba niya ang mga ito? O mga   signos na dapat na niyang ipagpawalang-bahala?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top