Chapter 16: Better With You


GANAP nang lumubog ang araw subalit hindi pa rin maalis ni Ian ang tingin sa screen ng kanyang cellphone. Hindi na niya halos mabilang kung ilang araw na ba ang nakalipas mula nang pinili niyang maglayas. Kumusta na kaya ang ibang kamag-anak niya? Ni minsan kaya'y sumagi sa isip ng mga ito na hanapin siya? Sa kabilang banda'y ilang beses na rin niyang pinigilan ang sarili na tawagan ang dalawang pinsan na sina Kali at Divina. Kumusta na rin kaya ang dalawa?

"Huy, okay ka lang?" Napaangat ang tingin niya kay Venus at bakas ang pag-aalala sa mga mata nito.

Tipid siyang ngumiti rito bago tumango. "Yeah, I'm fine."

Kasalukuyan silang nagpapalipas ng oras sa isang open-spaced na kainan, malapit pa rin sa lawa ng San Pablo. Pahaba ang puwesto ng mga stalls na naroon. At bawat tent ay nagtitinda ng iba't ibang uri ng pagkain pero karaniwa'y street foods lang din naman. Mayroon din restaurant at coffee shop sa malapit. At gustuhin man niyang doon yayain ang dalagita'y mukhang hindi na maaari. Paano't kanina niya lang napagtantong limang daang piso na lang pala ang natitira niyang pera. At ngayon nga'y iniisip niya kung saan sila magpapalipas ng gabi ni Venus, gayong kapag naubos ang pera niya'y hindi na nila magagawang tapusin ang bucket list ng kanyang Lola Remedios.

"Gusto mong maglibot?" muling tanong sa kanya ni Venus na ngayo'y nakalahad na ang kamay sa kanya. At nang siguro'y napansin nito ang pag-aalinlangan niya'y ang dalagita na mismo ang kumuha ng kamay niya at hinila siya palayo roon. "Pabebe ka talaga boi! Daming arte eh."

"I'm not being maarte!" singhal niya rito, dahilan para mapahinto sila sa paglalakad. Kumunot ang noo niya nang mapatakip ng bibig ang dalagita. "What are you doing?"

"Hala! Nagsalita ka ng Tagalog word!" She gasped with so much amusement, as if he did something extraordinary. "OMG talaga! Hindi ka na alien!"

Napailing na lang siya at saka nauna nang maglakad. Ayaw niya kasing ipakita ang hindi mapigilang ngiti sa dalagita. Mahirap na! Baka kung ano na naman isipin nito.

"Hoy, hintay naman! KJ talaga ng isang 'to eh." Naramdaman niya ang paghabol sa kanya ni Venus kaya naman binagalan na niya ang paglalakad.

Hindi niya maiwasang punahin ang mga kumikislap na ilaw sa mga puno. Patay-sindi ang mga iyon at nagbibigay ng iba't ibang kulay na talaga namang kaygandang pagmasdan. At mula sa may dulong parte ng kanilang nilalakaran ay kapansin-pansin ang kumpulan ng mga tao. Animo'y may event na nagaganap para sa gabing iyon.

"What's happening there?" Sandali siyang huminto sa paglalakad at itinuro ang direksyon kung saan naroon ang mga tao. Sinundan naman ni Venus ang itinuturo niya at saka ito napasinghap.

"Ah… may banda sigurong tumutugtog. Tara, lapitan natin!" Muli ay hindi na nito hinintay pa ang pagpayag niya dahil kaagad na siyang hinila nito palapit doon.

At tulad nga ng inaasahan, marami-rami rin ang taong naroon. Subalit hindi gaya ng sinabi ni Venus, walang bandang tumutugtog doon kundi isang grupo lang na nagba-busking. May isang kumakanta, ang isa'y tumutugtog ng gitara, habang ang isa nama'y abala sa cajon beatbox. Turns out, soft opening pala ng isang hotel and resort ang pa-event na iyon.

The said hotel looked like an old house that was renovated to give a modernized look, without destroying the original structure of it. Mayroong malaking gate roon na gawa sa metal. Mga iilang puno na napapalamutian ng makukulay na ilaw. At sa gitna nga ng malaking fountain ay naroon ang grupo ng nagba-busking.

"Are you having a good time?" usal ng babaeng singer sa mga manonood. Napuno ng palakpakan ang buong lugar, at maging siya'y napapalakpak na rin. "This next song is dedicated to those people who have been through the worst but still chose to move forward… our rendition of Nightbirde's It's Okay."

Nagsimulang tumugtog ang gitarista hanggang sa nagsimula na rin kumanta ang mang-aawit. Sa una'y inakala niyang normal na kanta lamang ito… but everything changed when the song reached its pre-chorus. 

"You're nothing but a pain, Ian! When will you grow up like a decent young man?"

For a moment, he felt like the song speaks for the way he feels this whole time. That unexplainable feeling that makes his heart throb in pain.

"Well if you like, I can talk to your parents and tell them you want to spend your vacation here instead."

"Ian, kailangan mong tumayo sa sarili mong mga paa."

Like it's written for someone like him… someone who has everything in life but still feels empty.

"Aba't ano'ng ipinagmamalaki mong inggrato ka? Na porqué laki kang Amerika kaya tingin mo, lahat ng tao pera ang habol sa 'yo?"

Mariin siyang napapikit, pilit dinadama ang bawat salitang nilalaman ng awitin. At hindi tulad ng banayad na hampas ng tubig sa lawa… ang mga alaala ng kanyang nakaraan ay rumaragasa't isa-isang nanunumbalik.

"You're a good friend of mine, Ian. I'm blessed to have you in my life…"

"Ian? Huy!" Isang malakas na hampas sa braso ang iginawad sa kanya ni Venus at sapat na iyon upang bumalik siya sa katinuan.

Muling napuno ng palakpakan ang buong paligid at doon din niya napagtanto ang mga luhang kumawala sa kanyang mga mata. Mabilis niyang tinalikuran ang dalagita upang palisin ang mga iyon. Mukhang masyado siyang na-carried away sa kanta at hindi na niya napigilang maging emosyonal.

"Hoy, ayos ka lang ba?" Muli siyang tinapik ni Venus at sa pagkakataong iyo'y hinarap na niya ito. Bakas ang pagkabigla sa mukha nito. "Teka, umiyak ka ba?"

Mabilis siyang umiling. "I d-din't cry! It was just the… the dust! Yes, some dust that went inside my eye."

Venus gave her a sight of suspicion. "Sus! Alam mo, minsan hindi naman kabawasan sa pagkalalaki mo kung iiyak ka. You're still a human being who talks like an alien!"

"W-what? An alien?!" Kulang na lang yata'y lumaki ang butas ng ilong niya sa sobrang inis na naman, lalo nang tinawanan lang siya ni Venus.

"Oo! Kasi pilipit ang dila mo kapag nagta-Tagalog!" At saka ito tumakbo na parang bata. "Ano? Tatayo ka na lang d'yan?"

Napangiti na lang siya rito bago piniling sundan ang direksyon kung saan papunta ang dalagita.

===●○●===

MALALIM na ang gabi subalit hindi pa rin magawang aminin ni Ian kay Venus ang posibilidad na wala silang maayos na tutulugan sa gabing iyon. Paano't hindi niya mawari kung hanggang saan pa ang aabutin ng five-hundred pesos niya, gayong medyo mataas na rin ang presyo ng mga bilihin.

Napabuga na lamang siya ng hangin. Hindi naman niya alintana ang paggastos simula nang matuto siyang humawak ng pera. Ang lahat naman kasi ng bagay na kanyang gustuhin ay madali lang niya makuha… noon.

"Ang ganda naman nito," komento ni Venus sa kanyang tabi. Napalingon siya rito at nakita itong nakangiti, habang pinagmamasdan ang iilang bracelets na gawa sa itim na beads. "Magkano ho 'yung ganito?"

"Dalawang klase 'yan ineng," tugon naman ng tindera at saka nito itinuro ang pagkakaiba ng mga bracelets. "Itong swarovski, two hundred ang isa. Tapos ito namang jade, one-fifty ang isa."

"Ay… sige ho. Salamat!" Nakita niya kung paano napalunok ng sariling laway ang dalagita bago nito maingat na ibinalik ang mga bracelets.

Nagpatuloy na ito sa paglalakad habang siya'y naiwan doon. Tila ba napako ang tingin niya sa mga bracelet at may kung ano'ng hangin ang nag-uudyok sa kanya upang bilhin ang mga iyon. Pero sa kabilang banda'y iniisip din niya kung praktikal bang bilhin ang mga iyon gayong limang daan na lang ang pera niya. Bahala na!

"I'll take these two." Kaagad na niyang iniabot ang natitirang pera sa tindera at saka siya sinuklian nito ng one hundred fifty pesos. Pagkuwa'y sunod naman nitong iniabot ang supot na naglalaman ng kanyang binili. "Thanks!"

Nakangiti pa niyang pinagmasdan ang laman ng plastic bago itinuon ang atensyon sa dalagita. Ngunit halos manlaki ang mga mata niya nang wala na ito sa paningin niya.

"Where the heck is she?"

Wala na siyang sinayang na panahon. Naglakad-lakad na siyang muli upang hanapin si Venus. Kaliwa't kanan ang pagsipat niya sa buong paligid. Nagawa rin niyang daanan muli ang mga lugar na pinuntahan nila kanina pero wala ito.

"Alright, guys!" Muling napukaw ang atensyon niya ng babaeng bokalista. "Since we're up until dawn, we're letting random people in the audience… Come and play a song with us."

Unti-unting sumilad ang ngiti sa mga labi ni Ian. Mukhang alam na niya kung paano mahahanap ang dalagita. Sa mga oras na iyon, hindi rin niya mawari kung ano'ng pumasok sa utak niya. He just finds stepping into the crowd while raising his hand.

"I'll play a song to find someone…" 

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top