Chapter 15: Fading Hesitations
THE WHOLE ride going to the third destination according to Lola Remedios' bucket list was deafening. Walang ni isa man kina Ian o Venus ang nag-attempt na magsalita. At sa mga oras na iyo'y gusto na lamang sapukin ni Ian ang sarili dahil sa kanyang ginawa. Aba'y ano bang masamang espiritu ang sumasanib sa kaniya't parang napapadalas yata ang pagyakap niya sa dalagita?
Naroon pa rin sila sa bayan ng San Pablo, at ngayon nga'y kasalukuyan nilang tinatahak ang daan papunta kung saan. And during the whole excursion, there wasn't a split moment that he wouldn't glance at Venus. Hindi niya maiwasang ma-intriga sa buhay nito, lalo nang matapos ang nangyari kanina. Sadyang wala lang siyang lakas ng loob na buksan ang usapin ukol doon.
"Kung may gusto kang itanong, itanong mo na agad. Hindi 'yung pasulyap-sulyap ka pa d'yan."
Kaagad siyang natigilan sa paglalakad nang humarap sa kanya ang dalagita. Masuri siyang binalingan nito ng tingin at sapat na iyon upang dapuan siya ng kakaibang kabog sa dibdib. Iyon bang pakiramdam na nahuli siyang gumagawa ng kalokohan?
"I... I'm not staring!" pagpapalusot niya pa at saka mabilis na nag-iwas ng tingin. "Where the heck are we anyway? And how is this place related to my grandma's bucket list?"
Muli niyang sinilip ang reaksyon ni Venus at nakita itong umiiling-iling habang nakangiti. Kinuha nito mula sa bulsa ang bucket list ng kanyang lola at saka may binasa roon. "Yamang-tubig atin namang libutin. Huwag kang lilingon hanggang ang dulo'y hindi nararating."
"What does it mean?" Napakamot siya ng ulo dahil sa narinig. Totoong nakakaunawa siya ng wikang Filipino, subalit may mga salita pa rin na mahirap intindihin para sa kanya.
"Laking Amerika ka nga!" Muli nang itinago ni Venus ang papel at saka siya hinila nito papunta kung saan.
Inabot din ng mahigit kinse minutos ang kanilang paglalakad. Magkahalong pagod at ngalay ang nararamdaman ni Ian, subalit mas lalo siyang nanlumo nang tumambad sa kanila ang matarik na hagdan pababa.
"Okay, there's no way I'm going down tha-"
"Ang dami mong reklamo!"
Of course, Venus didn't let him finish his sentence. Bago pa siya makaangil ay hinila na siya nito sa braso at sabay nilang tinahak ang daan pababa ng naturang hagdan. The cold wind welcomed them as soon as they reached the metal railings that overlooks the lake. Ian can't help but to gasp for amusement. Tanaw mula sa kanilang kinatatayuan ang ilang mga bundok at sapat na iyon upang bigyan ng mala-dramatic scene ang lugar. Mayroon din maliliit na parke roon kung saan kasalukuyang nakatambay ang ilang mga tao.
"Iyan ang bundok ng Cristobal at Banahaw. Ang ganda 'no?" Tulad niya'y nakatuon din ang atensyon ni Venus sa mga bundok. Pasimple niya itong nilingon at napansin niyang nakapikit ito habang marahang nililipad ng hangin ang buhok nito. "Pero alam mo ba na..."
Kapwa sila natigilan ng dalagita nang sa pagdilat nito'y kaagad na nagtama ang kanilang mga mata. Mabilis siyang nag-iwas ng tingin dito at saka nagpanggap na parang nag-uunat. Bigla tuloy siyang nakaramdam ng pag-init ng kanyang pisngi dahil sa nangyari. Sa isip niya'y baka kung ano nang iniisip ni Venus at ayaw niyang ma-misinterpret nito ang mga ikinikilos niya.
"Kung nako-convert lang sa pera ang bawat nakaw mo ng tingin? Baka mayaman na ako." Muli siyang napalingon sa direksyon ng dalagita at nakuha pa siya nitong kindatan. "Pero don't worry! Hindi naman kita sisingilin."
Literal na bumilog ang bibig niya dahil sa nanunuyang pahayag ni Venus. Natawa na lamang ito sa reaksyon niya kaya naman muling sumambakol ang hilatsa ng pagmumukha niya. Confirmed! Pinagti-trip-an siya nito at ang lubos niyang ikinaiinis ay ang katotohanang nasasanay na siya sa tila pang-aasar nito sa kanya.
Napapitlag siya nang hawakan nito ang kamay niya. "Tara na't tuparin na natin ang ikatlong bagay sa bucket list ng lola mo!" At saka siya hinila nito papunta sa may malaking puno, kung saan matatanaw ang mga nakahilerang bisikleta. Nilingon siya nito at binigyan ng mapanuring tingin. "Marunong ka naman siguro mag-bike 'di ba?"
Tipid siyang tumango kaya naman nilapitan na ni Venus ang lalaking nagbabantay sa mga bisikleta at saka nag-abot ng dalawang bente pesos dito. "P'wede na kayong pumili ng gusto niyong sakyan," tugon ng lalaki sa kanila.
"Oh, pumili ka na!" ani Venus matapos imuwestra sa kanya ang mga nakahilerang bisikleta.
Maraming klase ang mga iyon. May mataas at mayroon din mababa ang upuan. Iba't iba rin ang kulay ngunit sa huli ay pinili niya ang kulay asul na may katamtamang taas lamang ng upuan. Si Venus nama'y pinili ang kulay pula. Sabay na silang sumakay sa mga iyon at nagsimula nang tumipa.
"How long will it take us to reach the end of this lake?" hiyaw niya sa dalagita na ilang pulgada lang ang layo sa kanya.
Sandali nitong inihinto ang sinasakyang bisikleta, dahilan upang mapatigil din siya. Hinarap siya nito at saka malawak na ngumiti. "Huwag mo nang tanungin dahil mapapagod ka lang!"
His eyebrows furrowed. "And why is that?"
"Because this lake has no end! Welcome to Sampaloc lake of San Pablo city!" Muli ay tumipa na ito hanggang sa tuluyan na siyang maiwan nito roon.
===●○●===
IT WAS already five in the afternoon and the sun is about to set. Kanina pa naikot nina Ian ang buong lake at laking gulat niya pa kanina nang malaman na paikot pala ang daan doon. Kasalukuyan silang nakaupo sa isang pahabang upuan na malapit din lang sa railings ng lawa.
"I don't get it." Ang katahimikang bumabalot sa kanila'y tuluyan na niyang binasag. "As you said earlier, the third thing on my grandma's bucket list is to go around a lake and never look back until you reach the end."
"Oh tapos?"
"This lake has no end!" Hindi pa siya nakuntento't idinipa pa niya ang dalawang kamay para ipagdiinan ang buong lawa. Bahagyang natawa sa kanya ang dalagita, dahilan para awtomatikong kumunot ang noo niya. "Is something funny?!"
"Wala naman. Masyado ka kasing literal kung umintindi ng mga bagay-bagay." Umayos ito ng upo at saka siya diretsong tiningnan sa mga mata. "Obvious naman na read between the lines ang peg ng lola mo sa bucketlist na ginawa niya."
Mas lalong kumunot ang noo niya. "Okay. Now, you're making no sense at all."
Nakita niya kung paano humugot ng malalim na hininga ang dalagita bago ito tumayo at lumapit muli sa railings. Taranta naman siyang sumunod dito at sabay nilang pinanood ang nalalapit na paglubog ng araw.
"Siguro, ang gusto lang iparating ng lola mo na hindi mo kailangang i-sentro ang sarili mo sa isang bagay para ma-reach mo 'yung goal mo." Nag-angat ito ng tingin sa kanya. "Parang kanina. Atat na atat kang marating agad ang dulo nang hindi man lang ina-appreciate ang lugar. Eh paano kung ang direksyon ng buhay mo ay tulad ng lawa na 'to? Walang katapusan, paikot-ikot."
Hindi siya nakapagsalita. Totoong masyado siyang driven na matapos agad ang nasa listahan ng kanyang lola. Kaya naman hindi na niya gaanong napagtutuunan ng pansin ang kahalagahan ng bawat lugar na kanilang pinupuntahan. And he came to realize that what he experienced today was somewhat related to his life - a series of never-ending struggles.
"Minsan, kailangan mo lang i-enjoy ang kung ano'ng nasa harap mo ngayon," dagdag pa nito. "Cherish every moment and never look back until you're ready to embrace your reality."
Bahagya siyang napayuko habang nagpipigil ng pagngiti. Sa isip niya'y paano nito nagagawa pang maging positibo sa kabila ng bigat at pasakit na pinagdadaanan nito? Na kung tutuusin ay hindi hamak na mas mahirap ang pinagdadaanan nito sa kanya. And for the nth time of his whole Philippines experience, an extraordinary girl rendered him amused and speechless.
In a blink of an eye, his hesitations start to fade.
==●○●==
The photos used in this chapter were not mine. Credits to the rightful owner.
http://mylifeandmytravel.blogspot.com/2012/10/sampaloc-lake-of-san-pablo-city.html?m=1
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top