CHAPTER 24
Chapter Twenty Four
Wedding
Pagkatapos ng anim na buwang preparasyon para sa kasal namin ni Hermes ay nasa harapan na ako ng isang puting wedding dress.
Last week ay umuwi kami sa Pilipinas para dito idaos ang pag-iisang dibdib namin. Kasama namin ang buong pamilya sa pag-uwi.
Gusto sana naming doon nalang magpakasal pero narito at naiwan namin ang iba pa naming mga pamilya. Pati narin ang mga kaibigan namin ay narito.
"I'm so happy for you!" Hiyaw ni Georgina at niyakap pa ako.
Sabay kaming tumitig sa wedding dress na napili ko. Halos lumuha na ako ng makita ko ang finish product. I can't believe this is really happening! I lost faith in love after what happened between me and Marcus but now... Ang kasal na pinapangarap ko ay abot kamay ko na.
"Thank you George!"
Binitiwan niya ako para puntahan at suriin ang damit.
Ang isang off shoulder wedding dress na mayroong magarang mga makinang na sequence sa harapan maging sa likod. Just like what I wanted. Hermes literally gave me everything. Gusto ko ng simpleng kasal pero sinabi niyang gusto niyang maging magara iyon kagaya ng pagmamahal niya sa akin.
"Kayo rin pala ni Hermes ang magkakatuluyan. Masaya ako para sa inyong dalawa. Seryoso! Kung hindi man siya napunta sa'kin, atleast napunta naman siya sa'yo." Nakangising sabi ni George.
Humagalpak nalang ako ng tawa dahil doon. Baliw na talaga siya. Noong una ay hindi ko pa iyon nasabi sa kan'ya dahil hindi ako makapaghaligap ng mga dapat na salita para sabihin 'yon. Hermes helped me. Siya ang nag set-up ng tawag para sa lahat ng mga kaibigan namin at ipaalam ang nalalapit na kasal. I was shocked when she cried over that call. She was really happy for me. Damang dama ko ang kasiyahan niya na totoong masaya para sa amin ni Hermes.
"Eh, okay lang ba talaga na siya ang kinuhang groomsman ni Hermes? Isn't it awkward?" Hindi siguradong tanong ni George.
Napailing naman ako. She was talking about my ex.
"Hermes wants it to be formal. Sila ang matalik na magkaibigan noon and Marcus is pleased to be his groomsman." Sabi ko ng pormal.
Hindi pa man kami nagkikita ni Marcus matapos iyong pag-alis ko rito pero alam kong maayos naman ang lahat sa amin. We parted ways with no baggage. Maayos ang pagihiwalay namin. Nakamove on na ako at tiyak akong pati siya ay nakapag move-on narin.
It has been almost five years!
Tumango tango nalang si Georgina na parang nakuha naman ang nais kong ipahiwatig.
"This is gorgeous! Nauna pa kayo sa amin ni Iran!" Hiyaw niya at bumalik na sa tabi ko.
"Kasi naman bakit hindi niyo pa sundan si Yohann?" Kinuha ko ang magazine ng mga wedding dress na nasa gilid ko.
"Hello?! Kakalabas palang nung bata!" Natatawang sabi niya.
"Ilan ba bago kayo ikasal?" Kumunot ang noo ko.
Sa palagay ko naman ay hindi na nila iyon kailangan. Sa pagsasama nilang dalawa ay masaya naman sila kahit na hindi sila kasal. I can see it in her eyes.
"I don't know. Kahit naman walang kasal eh. Siguro may mga bagay rin na kailangan mo nalang makuntento. I loved my family so much Blaire. Kahit walang pormalidad sa amin ni Iran ngayon, wala paring pagsidlan ang saya ko."
Nangilid ang mga luha ko dahil sa sinabi niya. In life, being contented is really everything. Kasi minsan kapag naghahangad tayo ng mas higit sa meron tayo ngayon ay doon pumapasok ang mga disappointments at heartaches.
I've learned so much.
Tulala ako habang inaayusan ako ng isang kilalang make-up artist. Ngayon na ang araw ng kasal namin ni Hermes at hindi ko na kayang patagalin pa ang pagkikita namin. Buong araw ko siyang hindi nakita kahapon dahil sa pamahiing hindi matutuloy ang kasal kapag nagkita ang groom at ang kan'yang bride sa araw bago sila ikasal.
Matapos ang pag-aayos sa akin ay tinulungan na ako ni Georgina at ni Mama na isuot ang damit ko. Huminga ako ng malalim ng maramdaman ang pagbugso ng maraming emosyon sa puso ko. I can't freaking wait to see Hermes. I can't wait to be his wife. I can't wait to spend the rest of my life with him. Pakiramdam ko ay nanghihina ako sa tuwing iisipin ko siya sa harapan ng altar.
I'm damn sure that my tears will fall as soon as I see him there. Sinuri ko ang katawan ko habang suot na ang puting wedding dress. Ang mga bisita naman ay kulay champagne ang kulay ng kanilang mga suot.
"You look perfect Hija!" Naiyak na si Mommy ng makita ang kabuuan ko.
"Mom!" Niyakap ko kaagad siya at pilit na pinigilan ang pagtulo ng sa'kin.
"Sorry..." Aniya ng magkaharap na kami.
"Mommy please don't make me cry." Pinilit kong ngumiti. Hinaplos niya ang mukha ko at tumango nalang.
Nakita ko si Georgina na tumutulo na ang luha sa gilid.
"Hey!" Tinaasan ko siya ng kilay at tumawa nalang para maibsan ang pagluha niya.
Kailangan ko silang pigilan para hindi ako maiyak ngayon pa lang.
"I'm just happy for you..." Lumapit siya sa akin para bigyan ako ng mahigpit na yakap.
Oo nga at nawalan ako ng pag-asa sa pagmamahal noon pero lahat naman ay nagbabago. Ikakasal na ako! Parang gusto ko nalang makita si Hermes para mawala na ang matinding kaba sa dibdib ko.
Inayos ulit ng artist ang make-up at buhok na bahagyang nagalaw sa pagsusuot ko ng damit kanina. Sa paglabas ni Mama ay siya namang pagpasok ni Ate Hera at ng kan'yang Mommy.
"Ate Hera!" Hiyaw ko at sinalubong ang yakap niyang nakahanda na para sa akin. Gano'n din ang ginawa ng ng Mommy ni Hermes sa akin.
"God Hija, I'm so lucky to be your mother in law!" Masayang sabi niya habang yakap ako.
"Mommy, masaya rin po ako. I love Hermes so much."
Binitiwan na niya ako at hinawi ang buhok kong kumalat sa aking mukha.
"Go marry my son now Blaire. We'll wait outside." Hinalikan pa nila ako bago sila lumabas.
Natigil si Ate Hera na para bang may nakalimutang ibigay sa akin. Bumalik siya sa harapan ko at inabot ang kulay itim na box na mayroong gold na ukit ng pangalan sa labas.
"I almost forgot this! Pinapabigay nga pala ng kapatid ko." Natatawang sabi niya sabay abot sa akin no'n.
"Thanks Ate."
"I'll get going Mrs. Montgomery." Kumindat pa siya sa bago tuluyang umalis.
Sa pagbukas ko ng box ay bumungad kaagad sa akin ang isang kwintas na mayroong diamond infinity sign. Oh Hermes! Ang regalo ko sa kan'ya ay isang rolex na ipinabigay ko naman kay Georgina.
Huminga hinga ako ng malalim ng makita si Daddy na pumasok sa silid kung nasaan ako. Automatikong nangilid ang mga luha ko. My first love.
"Daddy!" Ako ang lumapit sa kan'ya para yakapin siya.
Sa presensiya niya ay doon na tumulo ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
"Blaire ang make-up mo." Malambing niyang paalala sa akin.
Hindi ko tuloy alam kung ano na ang nangyari sa mukha ko dahil sa pagluha ko. Nag-angat ako ng tingin at hinarap si Daddy. Pinunasan niya ang luha ko.
"Masaya akong nahanap mo na ang para sa iyo. I'm sure Hermes will take good care of you. Mabait na tao ang mapapangasawa mo, ayos na ako doon Blaire."
Napangiti ako. Natutunaw ang puso ko sa mga sinasabi ni Daddy. He is right. Hermes is a great guy and I love him so much.
"You deserve the best anak."
"Thank you Daddy. I love you!" Niyakap ko siya ulit.
Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko ng lumabas na kami ni Daddy at tumungo sa bridal car. Sa isang kanto lang ang malaking simbahan na gaganapan ng kasal namin ni Hermes kaya imbes na sa bahay ay dito na kami tumuloy sa hotel kahapon.
"Are you ready?" Tanong niya ng makaharap na kami sa matayog na pintuan ng simbahang pag-iisahin kami ni Hermes.
Bumuntong hinga ako at tumango. Inilagay ko ang kamay ko sa braso niya.
"I'm ready Dad..."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top