CHAPTER 23
Chapter Twenty Three
Surprise
Maaga akong pumunta sa bahay ni Hermes. I want to surprise him today. Simula na ng pagpaplano namin sa kasal naming dalawa.
Nagbake ako ng cheese cake na paborito niya. I like to surprise him this time. Dahil sa loob ng dalawang taon naming relasyon ay siya lang ang palaging gumagawa ng mga bagay na ikakasurpresa ko.
"Good Morning Miss Blaire!" Masayang bati ni Dalia sa akin.
Isa ito sa matagal na nilang kasambahay.
"Good morning Dalia. Si Hermes?"
"Tulog pa po yata." Nakangiti niyang sinabi.
"Sige, thank you!" Ngumiti ako at dumiretso na sa hagdan patungo sa kwarto ni Hermes.
Sa malaking bahay na ito ay siya lang ang tanging nakatira dahil may sariling bahay ang kan'yang mga magulang at si Ate Hera naman ay may sarili rin.
Dalawa ang kasambahay niya. Isa sa pagluluto at si Dalia para naman sa paglilinis. I have a key to his room. Ibinigay niya iyon para daw masanay na ako dahil kapag naging mag asawa na kami ay dito na kami titira sa malaking bahay niya.
He bought a bigger house than this one but I told him that this house is perfectly fine for us. Hindi naman ako maluho o mapili. Kahit sa kubo lang ay ayos na basta ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa.
Lumawak ang ngiti ko ng makitang walang tao sa kama niya. Inilapag ko muna ang cake sa lamesang naroon at maingat na lumapit sa banyo.
He is taking a bath. Mabuti narin 'yon para maayos ko pa iyong cake at sa paglabas niya ay masurpresa ko siya. Kinakabahan ako habang inaayos ang cake. May dala akong lighter para doon.
Wala namang partikular na okasyon. I just want to make his day better.
Things you do for love, right?
Natapos na ako at nakaupo na sa kama niya pero hindi parin siya lumalabas ng banyo. Nadi-distract na ako sa cellphone niyang kanina pa tunog ng tunog. Hinayaan ko lang iyon noong una pero ng umulit pa ang pagtunog ng tatlong beses ay hindi ko natiis na kunin 'yon sa bed side table.
Ang lahat ng tuwa ko ay inilipad sa malayong lugar ng makita ang isang partikular na pangalan sa screen.
Marcus.
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Naguguluhan ako. Napaupo ako sa gilid ng kama habang nanginginig ang mga kamay na binuksan ang isang mahabang mensahe doon.
Marcus:
Take good care of her bro. I'm happy for both of you. Just keep me posted about the wedding. I'll be glad to be your groomsman.
Napapikit ako ng mariin kasabay ng malakas na kalampag ng puso ko. Hindi ko alam na mayroon pa pala silang komunikasyon ni Marcus.
Anong ibig niyang sabihin na alagaan ako? And why do I feel so betrayed?
Oo at hindi naman big deal para sa akin si Marcus pero hindi man lang ba niya balak sabihin na nag-uusap pa sila? Damn! They're friends that's why! Pero bakit ganito? Bakit kailangan kong makaramdam ng sakit?
Binuksan ko ang isa pang message doon.
Marcus:
Congratulations Bro! I couldn't be happier. Blaire deserves the best. Thank you.
Hindi ko na nagawa pang basahin ang lahat. Ini-scroll ko nalang ang conversation nila para makita ang date noon. Napaawang ang bibig ko. Palagi silang magkausap.
Parang sinaksak ang puso ko sa nakita kong pinakaunang message.
Marcus:
Please take good care of Blaire for me bro. Promise me.
He replied.
Hermes:
Of course bro. All for you.
Parang piniga ang puso ko. Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng masasaganang luha sa mga mata ko.
So this is all just because of Marcus? Inalagaan at minahal niya ako para lang kay Marcus? Just what the fuck?!
"Blaire baby-" Natigilan siya ng makita ang cake sa kama niya.
Nakita ko siyang ngumiti pero ng bumaling ang mga mata niya sa akin ay kaagad din iyong napawi.
Tumayo ako. I don't want to talk to him! Sobrang sakit ng ganito. I felt so stupid. Nilagpasan ko siya pero agad niyang nahawakan ang kamay ko.
"Blaire, what's wrong?" Nakita ko ang kalituhan sa mukha niya.
Hindi ba dapat ako ang magtanong sa kan'ya kung bakit ginagawa niya ito ngayon para kay Marcus? Kung bakit napilitan siyang alagaan at mahalin ako dahil sa kaibigan niya?
Tangina.
Hinawi ko ang kamay niya at agad na ipinadapo ang aking kamay sa kan'yang pisngi.
"Blaire?"
"Hindi mo na kailangan pang magpanggap at alagaan ako para sa kaibigan mo Hermes! Hindi mo kailangang pahirapan ang sarili mo para sa kaibigan mo! Hindi ka basurahan na taga salo ng itinapon na ng iba!"
"What are you talking about?!" Namumula ang kan'yang mukha dahil sa lakas ng pag sampal ko.
Namumula narin ang mga mata niya dahil sa inaasta ko ngayon. Fuck it! Fuck liars! Fuck everything!
Itinuro ko ang cellphone niya.
"Sa tingin mo ba hindi ko malalaman? Hanggang kailan mo balak itago ang lahat Hermes? Malaki ba ang utang na loob mo kay Marcus kaya pati pagmamahal sa akin ay kaya mong ibigay para ma-please siya ha?!"
"Blaire listen to me-"
"No you listen! I hate you! Hindi kita kailangan. Hindi ko kailangan ng pagmamahal mo dahil lang iniwan ako ng best friend mo! Hindi ko kailangan ng awa! Hinding hindi!" Sigaw ko.
Ramdam ko ang sakit ng lalamunan ko dahil sa galit at sa pag-iyak ko. Nakita kong tumulo ang mga luha niya. I know it bothered me but I don't care! Nananalaytay ang galit ko sa kan'ya ngayon. Mabilis akong tumalikod at lalabas na sana sa kwarto niya pero maagap ang mga kamay niyang yumakap sa katawan ko galing sa likuran.
Niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit. Hindi na ako nakaglaaw dahil hinang hina na ako. Kung hindi niya ako hahawakan ay tiyak na mabubuwal ako sa aking kinatatayuan.
This is painful. So painful that I wish I just died. Mas masakit pa ito sa pakikipag-hiwalay ni Marcus sa akin noon. The pain is unbearable. Humagulgol ako ng humagulgol.
"Blaire please hear me out! Hindi kita niloko. Hindi ko 'yon ginawa para kay Marcus. I love you! Hindi ko na siya dapat sundin dahil noon palang ay mahal na kita. Wala pa siya sa buhay mo ay mahal na kita." Pagsusumamong sabi niya.
Umiyak lang ako ng umiyak. Natatalo ng hagulgol ko ang mga gusto kong isumbat sa kan'ya.
"Blaire naman. Two years! Sinong tangang makikinig lang sa kaibigan para mahalin ka? I love you just before he exists! I love you Blaire!" Pinilit niya akong iharap sa kan'ya.
Gusto kong maniwala pero talagang malalim ang sugat ng puso ko sa lahat ng sakit na dulot no'n. Itinakip ko ang mga kamay ko sa aking mukhang patuloy sa pagluha.
"Blaire... Mahal na mahal kita at wala akong pakialam kay Marcus. kung mayroon man akong dapat pagsisihan ay hindi 'yon ang hindi ko pagsabi na mayroon parin kaming komunikasyon kundi ang hinayaan ko siyang mauna sa buhay mo. Kung ako ang nauna ay walang ganito! Ikaw lang at ako. Blaire... tangina mahal kita. mahal na mahal kita!" Rinig ko ang hirap sa namamaos niyang boses.
Marahan niyang hinawi ang mga kamay ko na nasa mukha ko.Pinunasan niya ang mga luhang dumadaloy doon. Naguguluhan at nasasaktan ako pero sa lahat ng sinabi niya ang naniwala parin ako.
"Blaire please? Paniwalaan mo ako. I don't want to lose you again. Hindi ko na kaya kapag napunta ka pa sa iba. Blaire baby please..." Tumulo ulit ang mga luha niya.
Kitang kita ko ang sakit sa mga mata niya dahil sa hindi ko pagsagot. Parang hinahaplos ang puso ko sa ganitong hitsura niya. Ayaw ko mang maniwala dahil sa dami na ng sakit na napagdaanan ko. Kaunti nalang talaga ang kaya kong ibigay na tiwala sa isang tao. Pero iba si Hermes. Mahal ko siya at hindi ko kayang nakikita siyang nasasaktan dahil sa akin.
Walang perpektong relasyon at wala ring perpektong tao. Nasa atin nalang kung paano natin mamanipulahin ang mga bagay para gumana sa isang sitwasyon.
"Hermes, nasasaktan ako..." Bulong ko sa kan'ya.
Hindi ko na nakilala pa ang boses ko dahil sa paglalim ng iyak ko.
Agad niya akong niyakap at hinaplos ako sa likod. Napapikit nalang ako at niyakap siya pabalik.
"I'm sorry Blaire... I'm sorry... I love you... Mahal kita, mahal na mahal Blaire..." Paulit ulit niyang sinabi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top