CHAPTER 20

Chapter Twenty

Flowers


"Manang..."

Natigil ako ng makita ang mga taong nasa loob ng apartment ko habang pabalik balik sa pagkuha ng mga bulaklak galing sa kung saan.

"Good morning Ma'am." Bati pa ng isa sa kanila.

"Manang, anong nangyayari?"

Lumapit ako sa kan'ya ng makita siyang inaayos ang iilang bulaklak na nasa kitchen counter lang.

Halos mapuno na ang buong living room dahil sa dami ng bulto bultong ipinapasok nila.

"Blaire! Ay hindi ko nga rin alam, pinabibigay daw sa iyo kaya pinapasok ko na." Aniya bago ibigay ang kulay silver na card.

Hindi ko pa man nababasa ang nakalagay doon ay may kutob na ako kung kanino galing ang mga bulaklak.

"Good morning Blaire..." Napataas ang kilay ko ng mabasa ang maiksing note na naroon.

God! Nagmistula ng hardin ang apartment! Pakiramdam ko ay kumulo ang tiyan ko hindi dahil sa gutom kung hindi sa ibang dahilan.

Hindi lang ito basta rosas. Mayroon ding carnations at iba't iba pang klase ng mga bulaklak.

"That is the last flower vase. Can I have your signature here?" Anang babaeng nakangiti ng malawak sa akin.

Nagpatianod naman ako at pinirmahan ang kan'yang hawak na papel.

"You're so lucky!" Mas lalong lumawak ang ngiti sa mga labi niya.

Nahihiya akong tumango at nagpasalamat sa kan'ya bago balingan si Manang na aligaga na sa dami ng mga bulaklak.

"Saan ang mga ito Blaire?" Tanong niya sa mga bulaklak na nakapatong sa coffee table.

"Kayo na po ang bahalang mag-ayos." Ngumiti ako bago siya iwan.

Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang aking cellphone at matawagan si Hermes. Siya lang ang tanging naisip kong magpapadala ng sandamakmak na bulaklak para sa akin. This is crazy! He is now driving me crazy!

"Hermes. Uh, Ikaw ba?" Natigil ako ng marinig ang paghinga niya sa kabilang linya.

"Nandiyan na?"

"Oo, Hermes naman-"

"Hindi mo ba nagustuhan?" Pagpuputol niya sa sasabihin ko.

Napalunok ako.

"No. I mean, they're beautiful but-"

"Good. I'll be there in five." Aniya bago tuluyang patayin ang linya.

Napapikit nalang ako ng mariin ng marinig ang matinis na tunog doon.

Imbes na tumunganga ay naligo na ako. Paglabas ko sa banyo ay nakita ko si Manang na may inilagay naring dalawang flower vase sa magkabilang gilid ng aking bedside table at isa naman sa vanity mirror ko.

Hindi ko mapigilan ang pag ngiti. Paano niya nalamang gusto ko ng bulaklak? Wala sa sariling tumungo ako sa vanity mirror ko at kinuha ang bulaklak na naroon.

Napapikit nalang ako habang inaamoy ang bango nito. Carnations are my favorite. Mukha kasi silang nakakaganda kapag nakikita ko. I don't know, they just lighten up my mood.

Umupo ako at ilang minuto pang tinitigan ang sarili sa salamin.

Do I deserve this? Oo deserve kong sumaya pero si Hermes? Ayaw kong mahulog sa kan'ya.

Kaya ko bang pigilan ang sarili ko kung ngayon pa lang ay unti unti niya ng nagigiba ang pader sa pagitan namin?

Napabuntong hinga na naman ako. Nag-ayos ako ng kaunti at nagsuot lang ng pants at black shirt. Wala naman akong balak umalis ngayon dahil gusto ko lang talagang magpahinga.

Hindi naman ako pagod pero ang utak ko? Hindi na kaya.

Sinubukan kong i-chat si Georgina.

Ako:

Hi George! How are you?

Isa pa 'to. Hindi ko alam kung anong magiging reaksiyon niya kapag nalaman niyang gusto ako ni Hermes. Magagalit kaya siya sa'kin?

Kalalapag ko lang ng cellphone ko ng magreply siya.

Georgina:

Oh my God! Aren't you dead?! Shit! I miss you Blaire! I hate you!

Natawa ako ng mabasa iyong reply niya. Parang naririnig ko pa ang inis at matinis niyang boses habang binabasa 'yon. Agad akong nagtipa ng sagot.

Ako:

I miss you too! Sobra.

I don't know what else should I tell her. Na finally hindi ko na naiisip si Marcus? Fuck that was once upon a time.

Wow... Napangiti ako ng maisip ko ang pagbanggit sa pangalan niya na wala akong naramdaman na kahit ano. Mas nasa isip ko kasi ang isang lalaki na ngayon ay papunta na sa apartment.

Georgina:

I miss you too! Kailan ka ba uuwi? Talaga bang wala ng balikan Blaire? Seriously? Kakalimutan na ba kita? Tell me!

Ako:

Sira ka talaga! Soon? Or you visit me here! Pwede namang ikaw ang pumunta. I'll give you tickets?

Georgina:

Hell no! Blaire I'm engage! Iran won't let me go anywhere aside from our bedroom!

Napailing ako ng mabasa 'yon. Sira talaga itong babaeng 'to! And yes, parang nasagot ang tanong ko kanina sa utak ko. About Hermes liking me. Engage na siya so wala ng problema?

Ugh! Why would I think of that. Bakit kailangan kong isipin pa ang opinyon ni Georgina? Hindi ba dapat mas intindihin ko ang pagiging magkaibigan naming lahat. Si Marcus, ako at siya.

Ako:

Kailan nga ulit ang kasal? I haven't received your invitation yet. Am I invited?

Georgina:

Of course! You'll be my maid of honor Blaire! Maybe next year. Iran wants to have babies first. Babies Blaire!

Hindi ko pa man nakikilala si Iran ay alam ko ng mahal niya talaga ang kaibigan ko.

Mailap si Georgina at talaga namang may ugali siyang minsan ay hindi mo matatagalan. But this Iran is crazy over her.

Napangiti ako ng maisip na naunahan pa ako sa pagpa-plano ng pamilya ni Georgina. Siya itong mapili noon at ayaw ng basta lang magkaroon ng boyfriend. Ilang beses narin naman siyang nagkaroon ng boyfriend pero siya rin ang nang-iiwan.

Ang sabi niya palagi ay wala sa mga lalaking 'yon ang gusto niyang makasama sa habang buhay. She tried Hermes pero mas mailap ang isang 'yon kaya wala na siyang nagawa kung hindi ang tigilan ito.

Ako:

Okay fine! Invitation ha!

Sabi ko bago ko itabi ang cellphone ko. Sakto naman ang pagtawag ni Manang dahil sa pagdating ni Hermes sa apartment.

Nagmamadali akong lumabas doon. Ngumiti agad siya ng magsalubong ang mga mata namin. He is still wearing a suit at may hawak pang isang kulay pulang box na hindi ko alam kung para saan.

"Hi!" Sabi niya at inilibot ang paningin sa kabuuan ng tinitirahan ko. "Ang dami pala." Ngumisi siya.

"Thank you Hermes. Hindi ko na tuloy alam kung saan ko ilalagay yung iba." Lumapit ako sa kan'ya at ibinigay niya sa'kin iyong hawak niya.

"Chocolates baka maumay ka sa flowers eh." Natatawa niyang sabi.

"You don't have to sent me flowers Hermes. And this..." Tukoy ko naman sa chocolate na nasa kamay ko.

"Anong gusto mo?"

Hinuli niya ang mga mata kong pilit kong iniiwas sa kan'ya.

Natigil ako at tumalikod nalang para ilagay sa lamesa iyong huling ibinigay niya. Ano nga bang gusto ko? Simple lang, yung hindi ako nalilito sa mga ganitong bagay.

"You ready?" Tanong niya na sinundan ako.

"Ready saan?"

"Lunch, dinner kahit ano. Ayaw kong buong araw nasa office lalo na kung wala ka..." Doon lang ako napalingon sa kan'ya.

Nakita ko ang malamlam niyang mga mata na tila ba nangungusap sa akin. Hindi ko mapigilan ang puso kong maghuramentado. Bakit ganito? Stop...

"Magpapaluto nalang ako kay Manang kung gusto mo?"

Nilagpasan ko siya para hanapin sana si Manang pero maagap niyang nahawakan ang kamay ko.

Nakuryente ako sa pagkakahawak niyang 'yon. Natigilan rin ako pansamantala at napapikit ng mariin. Matagal ko ng naramdaman ang bagay na ito. Matagal na matagal na.

"Blaire you can't get rid of me. Kahit na ayaw mo ay gagawa ako ng paraan para magustuhan mo ako pabalik. Lalo na ngayong wala na akong taong masasaktan kapag sinabi ko ang nararamdaman ko. Wala na akong matatapakang kaibigan." May pait sa boses niyang sabi.

Naramdaman ko ang paglipat niya sa harapan ko. Inangat niya ang baba ko para makita ko siya.

Parang gusto kong maiyak ngayon. Pakiramdam ko ay deserve ko parin ang salitang pagmamahal na matagal ko ng ibinaon sa kung saan.

"I love you Blaire. Kung noon ay nagpaubaya ako kay Marcus..." Huminto siya at mas humigpit ang hawak sa kamay ko. "Wala ng makakapigil sa akin ngayon. Maghihintay ako Blaire. Hayaan mo lang ako. Mahal kita. Mahal kita noon pa."

Kusa ng tumulo ang luha ko. I don't know what to say anymore. Ngayon ko lang narinig ang ganito kay Hermes. He is inlove with me? At tama ba ang narinig ko na dati niya pa ako mahal?

Ibig sabihin ay kinalimutan niya ang pagmamahal niya sa'kin para kay Marcus? Para sa kaibigan niya?

Bakit?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top