CHAPTER 19
Chapter Nineteen
Special
Si Hermes ang date ko ng dumating na ang christmas party namin. Hindi naman talaga kailangan pero dahil sa King and Queen of the night ay kinailangan naming mamili ng magiging kapareha.
He ask me to be his date at binigyan pa ako ng napakalaking bouquet ng flowers. Inintriga tuloy ako nila Jaila sa nangyari.
"This is new! Are you sure you guys are just friends?" Nakataas ang kilay niyang tanong habang sinusuri at inaamoy ang bulaklak na ibinigay sa'kin.
"Of course!" Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagdududa niya.
"Well, I've never see him gave flowers to anyone. Even date a girl. Nah!"
Ako rin. Gusto kong sabihin sa kan'ya.
Si Hermes ang mas nag effort sa susuotin namin ng pumayag ako sa pagyaya niyang maging date ko.
He is wearing a navy blue tuxedo na mayroong champagne color necktie samatalang ang suot kong long dress ay kakulay rin ng kan'yang necktie. Mayroon itong mga sparkling sequence sa harapan at backless naman ang likod.
He gasp when he finally saw me getting out of my apartment. Parang mas lalong nalaglag ang panga niya ng makalapit na ako sa kinatatayuan niya.
"Stop staring Hermes." Natatawang biro ko.
Pakiramdam ko kasi ay namumula ang pisngi ko sa mga makahulugan niyang paninitig sa akin.
"I like the view. You are beautiful Blaire." Sabi niya bago ilahad ang kamay para alalayan ako patungo sa kan'yang sasakyan.
"Sus! Nambola ka pa." Binalewala ko ang sinabi niya at nagpatianod nalang.
"You really are." Aniya bago ako pasakayin sa passenger's seat ng kan'yang kotse.
Tuluyan na akong nangiti dahil sa sinabi niya. It's been a while. Ngayon ko lang ulit narinig sa isang tao na maganda ako. Ipinilig ko nalang ang ulo ko ng may pumasok na naman sa utak ko.
Mabilis kaming nakarating sa venue. Malayo palang ay nagkikislapan na ang mga camera ng nakahilerang photographer sa entrance na may red carpet pa.
Huminga hinga ako ng matapat na ang sasakyan ni Hermes doon. Parang umurong ang dila ko sa kaba nang huminto sila at kinuhaan ng picture ang nakasaradong sasakyan.
Hermes held my hand. Sa paglingon ko sa kan'ya ay ngumiti siya.
"You'll be okay. Just stay with me..."
Kitang kita ko sa mga mata niya ang kakaibang ekspresyon. Hindi ko mapigilan ang pagkalito.
Umibis siya sa sasakyan para pagbuksan naman ako. Nakita ko na naman ang gwapo niyang mukha kasabay ng pag spark ng mga flash galing sa mga kumukuha ng litrato.
Isinukbit ko ang kamay ko sa braso niyang nakahanda na sa akin.
"Mr. Montgomery! It's a pleasant surprise that you now have a date! Can you tell us about her?" Tanong ng isang babaeng mayroong mahabang buhok na blonde.
Ang pag-aaring kumpanya ni Hermes at ang christmas party na ito ay hindi lang para sa mga empleyado niya kung hindi ang lahat ng mga nasa itaas ng corporate world. Parang gusto kong manliit ng mabaling sa akin ang atensiyon ng mga reporter at camera man.
"She must be very special!" Hiyaw naman ng isang black american sabay lahad rin ng kan'yang mikropono sa harapan namin.
Sumulyap sa akin si Hermes saka ngumiti. Iyong ngiti na parang nagsasabing huwag akong mag-alala. Everything will gonna be just fine.
"She is..." He paused. "Blaire Lozaga is special to me." Sabi niya at marami pang sinabi sa mga ito.
Hindi ko na 'yon masyadong naintindihan dahil sa unang sinabi niyang nagpablangko ng utak ko. Nang maramdaman ko ang paglalakad niya ay saka lang ulit ako natauhan.
"I'm sorry. Masyado talaga silang makulit." Sabi niyang hindi nawala ang mga ngiti sa labi.
Gusto ko siyang tanungin tungkol sa naging sagot niya pero natakot ako. Naguguluhan na ako at buhol buhol na ang pag iisip ko.
Hindi ko na namalayan na nasa kalagitnaan na ang party. Kasama ko ang mga ka officemate ko sa table samantalang siya naman ay kasama ang mga CEO at presidente ng iba't-ibang kumpanya.
Marami pang naging programa hanggang sa lumalim na ang gabi. Tulala naman ako buong oras kahit na nakikipag-usap kila Jaila. I'm still out of nowhere. Lutang ang isip at puso kong naririnig parin ang sinabi niya kanina.
Why am I so affected by that? I'm sure hindi naman siya seryoso doon? Siguro naman sinabi lang niya ang bagay na 'yon dahil sa mga makukulit na press?
"May I dance with my date now?" Hindi ko na namalayan ang pagdating niya sa harapan ko dahil wala ako sa normal kong pag-iisip.
"Uh.. I guess." Sabi ko.
Ngayon ko lang napansin ang pag dim ng ilaw at ang mga nagsasayaw sa gitna ng ballroom. Nang makarating kami sa gitna ay ngumiti siya ulit bago ilagay ang kamay sa bewang ko. Inilagay ko naman ang sa akin sa kan'yang balikat.
Nananatili lang akong nakatitig sa malamlam niyang mga mata habang sinusundan ang matamis na tugtog sa kabuuan ng lugar.
"How's the party so far?" Bulong niya sa akin.
"Okay naman. Congratulations nga pala." Tukoy ko sa year end na mas lumaki ang kita ng kumpanya niya.
"Thank you. You make it all possible." Seryos niyang sabi. Sa paninitig niya ay parang nawalan na ako ng lakas.
Bakit ganito? Bakit kailangang ganito ang maramdaman ko kay Hermes? Hindi ba mali 'to?
"A-ako?"
"You're my inspiration Blaire."
"Hermes-"
"At totoong espesyal ka sa akin. Totoong gusto kita. Gustong gusto Blaire." Parang napaso ako sa nag-aalab niyang mata kaya nag-iwas ako ng tingin.
I don't understand. Hindi ko kailanman maiintindihan kung bakit kami humantong sa ganito. Kung bakit parang gusto ko iyong sinabi niya. I'm so damn confused!
"I like you Blaire at hindi ko na 'yon kaya pang itago ng matagal. Naiintindihan ko kung hindi ka pa handa o kung ano mang dahilan. Basta maghihintay ako. Liligawan kita. I will do everything just to be with you. Hindi na ako magpapatalo ngayon..."
Hindi ko marinig ang malakas na tugtog sa ballroom dahil natatalo 'yon ng kaba sa dibdib ko. Nanginginig narin ang mga tuhod ko.
"Bakit ako Hermes? Hindi ko maintindihan. Bakit mo ako nagustuhan? I have nothing to offer Hermes." Napakapit ako nang mas maayos sa braso niya dahil kapag hindi ko 'yon ginawa ay tiyak na mabubuwal ako sa pagkakatayo.
Ngumiti lang siya.
"It's you who I really wanted Blaire. Noon pa..."
"Hermes, magkaibigan tayo-" He cut me off again.
"That doesn't mean we can't change that. Please give me a chance Blaire." Nakita ko sa mga mata niyang seryoso siya sa lahat at sa paglalahad niya ng nararamdaman sa akin.
Parang gusto ko nalang maiyak. Hindi ko na kaya, it's overwhelming. Hindi ko na naisip ang tungkol sa pag-ibig simula ng iwan ako ni Marcus. Parang nabura na ang bagay na 'yon sa puso ko pero ngayon...
Si Hermes. Siya ang bumabasag sa mataas na pader na inilagay ko sa palibot ng puso ko. Siya ang patuloy na tumutunaw sa lahat ng sakit rito. Siya ang tanging nagta-tiyagang pasayahin ako. Bakit hindi ko kaagad 'yon nakita?
I only see him as a friend. Am I cruel? Masyado ba akong naging manhid para hindi makuha ang gusto niyang ipahiwatig sa akin noon pa man? How am I supposed to love again kung hindi ko sigurado kung buo na ba ako?
Kung kaya ko na ulit? Kung hindi na ako ang dating ako?
It's scary... I don't want to hurt him. I won't hurt Hermes. Hinding hindi.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top