CHAPTER 17
Chapter Seventeen
Don't Cry
Hindi ko na alam kung nakailang shots na ako ng samo't-saring alak. Basta ang alam ko lang ay lasing na ako.
Nang ibalik na ako ni Hermes sa table namin ay siya namang pag alis ni Marcus papunta sa kung saan. Pasalampak akong naupo doon. My world is spinning. Wala na akong pakialam sa mundo. I just want to get wasted!
Sumandal ako sa couch at sinubukang pumikit panandali. Naririnig ko ang malakas na hiyawan ng mga nagkakatuwaang tao.
Napadilat lang ako ng maramdaman ang paglapit ng kung sino sa tabi ko.
"Kaya mo pa?" Tanong niya.
Dumilat ako saglit para tignan siya.
Nakita ko si Hermes na nakadungaw sa akin. He looks so worried kaya naman nginitian ko nalang siya.
"Uminom ka muna." Aniya.
Dumilat na ako ng tuluyan. Tanging alak lang ang kayang magpabuhay sa akin ngayon. Drink till you drop nga 'di ba?
Kinuha ko sa kamay niya ang isang baso at walang ano-ano'y tinungga 'yon.
Natigilan lang ako ng mapagtanto kong walang lasa ang iniinom ko. It's just a glass of water!
"Hermes!" Inis ko siyang tinapunan ng tingin.
"What?" Kunot noo niyang tanong sa akin.
"I want alcohol not this!"
Padabog ko 'yong inilapag sa lamesang nasa harapan namin.
Tumawa siya ng mapakla dahil sa inasta ko.
"You can't even walk straight Blaire. Gusto mo parin? This is not you."
Halata sa boses niya ang pagkadismaya habang sinasabi ang mga bagay na gusto niyang ipahiwatig.
Sinamaan ko siya ng tingin. Aaminin kong natauhan ako sa sinabi niya kahit paano. Hinanap ng mga mata ko si Marcus pero bigo ako.
Nangilid ang mga luha ko at hindi pa man ako nakakapagsalita ay tumulo na ang mga 'yon.
"Bakit Hermes? Ano ba ako?" Napakumo ang mga kamay ko dahil sa sinabi.
Ano ba ang wala ako at nakaya niya akong iwan? May mali ba sa akin? Gusto kong sabihin ang lahat ng 'yon kay Hermes.
Hindi siya sumagot. Hindi ko alam pero mas lalo akong nasaktan sa hindi niya pagsagot sa tanong ko.
Matabang akong tumawa saka marahas na pinunasan ang mga luhang patuloy na dumadaloy sa mukha ko.
"Kung hindi mo kayang sagutin, huwag mo nalang sasabihin ang bagay na'yon. Kasi ako... K-Kahit ako hindi ko alam kung ano ako..."
Sinubukan kong tumayo kahit na nahihilo na talaga ako.
Gusto kong lumayo sa kahit na sino at mapag-isa. Nang maramdaman ko ang pag-alalay ni Hermes ay umiwas ako.
"Kaya ko Hermes. Please... Kaya ko nang mag-isa."
Kita ko sa mga mata niya ang pagtutol pero mas nanaig ang tigas ng ulo ko.
Hinawi ko ang mga kamay ko at naglakad ng mabilis paalis ng lugar na 'yon.
Hindi ko na kaya. Ang sikip sikip na naman ng dibdib ko. Hindi na ako nagpaalam kay Leonne at Georgina na abala sa pakikisaya sa mga bisita niya.
Nang tuluyan na akong makalabas sa bar ay huminga muna ako ng malalim at saka pilit na kinalma ang sarili.
I don't know if I can still drive. Inilibot ko ang mata ko sa malawak na parking lot. Ni hindi ko narin alam kung saan ako nagpark kanina dahil sa pagmamadali ko. I forgot my purse inside!
Ayaw ko ng bumalik. Nalunod na naman ako ng lungkot. I feel so fucking alone.
Marcus is my better half. Kung wala siya ay wala ding Blaire. How am I supposed to forget all that?
Tinanggal ko ang aking heels at naglakad ng nakapaa. Mabagal lang dahil takot akong matumba sa magaspang na daan.
Hindi pa man ako nakakalayo ay naaninag ko na ang isang bulto habang hawak ang kan'yang sigarilyo sa kanang kamay.
Nang mapukol ang tingin niya sa'kin ay agad niyang pinatay ang hawak.
"Blaire..." Napasinghap ako ng marinig kong muli ang pangalan ko sa bibig niya.
Ngumiti ako at pinunasan ang huling luhang tumulo sa mga mata ko.
Mabuti nalang at medyo madilim kaya umasa ako na sana hindi niya mapansin ang pag-iyak kong siya ang dahilan.
"Marcus." Pormal kong sabi.
Napangiti ako ng makita ang gwapo niyang mukha dahil sa ilaw ng poste.
"Nag smoke ka?" Inosenteng tanong ko kahit na kitang kita naman 'yon ng mga mata ko kanina.
Umiling siya.
"Yeah. Nasusuka na kasi ako. Are you okay?" Tanong niya at sinubukang kunin ang hawak kong heels.
"H-Huwag na. Kaya ko na Marcus." Iniiwas ko 'yon.
Ngumiti nalang ako para hindi na siya magpumilit pa.
"Uuwi na ako. Ikaw ba?" Tanong ko at sinubukang maglakad palayo.
Naramdaman ko naman ang pagsunod niya sa likuran ko.
"Ihahatid nalang kita."
"Hindi na. Mag tataxi nalang ako." Sabi ko.
"Blaire..." Napatigil lang ako ng maramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.
Hindi ko alam pero mas lalo akong nasaktan ng maramdaman ko siya. Parang gusto na namang tumulo ng mga luha ko. I bit my lower lip. Baka sakaling mapigilan ko pa.
"Blaire.. I'm... I'm sorry..." Literal na naputol ang paghinga ko sa sinabi niya.
I slowly turned to Marcus. Gusto ko siyang yakapin at halikan.
Putangina...
"Marcus-"
"I'm sorry Blaire." Pag-uulit niya.
Nang magtama ang mga mata namin ay nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. Hindi ko narin napigilan ang sarili kong yakapin siya.
Umiyak ako ng umiyak sa dibdib ni Marcus. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Sobrang sakit ng nararamdaman ko. Ni hindi na ako makapag-isip ng matino. Gusto kong magwala at magmura ng paulit ulit.
Bakit ganito katindi ang tadhana sa'kin? Bakit?
Mas lalong bumuhos ang luha ko ng maramdaman ang paglayo ni Marcus para harapin ako.
Napapikit ako ng maingat niyang pinunasan ang mga luha ko.
"Don't cry." Ngumiti siya.
Mamimiss ko 'to. Mamimiss ko 'yang ngiti niya. Mamimiss ko lahat lahat ng kay Marcus.
"Ihahatid na kita." Pagtatapos niya bago ibaba ang kamay niya papunta sa kamay ko.
Tumango tango nalang ako at sumunod sa pag giya niya papunta sa kan'yang sasakyan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top