CHAPTER 15
Chapter Fifteen
Fifth Day
Nauna akong nagising kay Marcus after we had sex. I couldn't say that we made love because I don't know if he still loves me. Parang may gumuhit na naman na matalim na bagay sa puso ko.
Magkaharap kami ngayon habang yakap niya ang katawan ko. Marahan kong hinaplos ang mukha niya. He lose some weight. Alam ko ang katawan niya. Mas naging define ang jaw line niya at bahagyang lumiit ang mga muscles sa kan'yang mga braso.
Nangilid ang mga luha ko. Am I that cruel to the both of us?
Kahit na ayaw ko pang kumawala sa mga yakap niya ay ginawa ko parin ang dapat kong gawin.
Dahan dahan kong kinalas ang pagkakayakap niya sa'kin at maingat na umalis sa tabi niya. Dumiretso ako sa banyo para maligo.
Nang makatapat ako sa shower head ay hinayaan ko lang na umagos ang tubig mula doon patungo sa aking katawan. My tears are falling as well.
I gave myself to him once more and that would be the last. Alam kong iyon na ang huli.
Hindi naman ako nagsisisi sa nangyari kung hindi mas nalungkot lang ako dahil pakiramdam ko'y mahal niya parin ako pero hindi na pwede. Dahil kahit na mahal niya ako ay hindi na siya masaya.
Is that really possible? Hindi ba dapat kaya mo siya mahal dahil napapasaya ka niya?
Paglabas ko ay wala na si Marcus sa kama. Emptiness filled me. Para bang nauulit ang pangungulila ko sa umpisa.
Pinaalalahanan ko ang sarili kong malapit na. Malapit ng matapos ang kabaliwan ko.
Nagsuot lang ako ng tshirt at shorts pagkatapos ay inayos ko na ang mga gamit ko. Ngayon ang alis namin sa resort at balik sa Manila. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako sa kwarto.
Nasa pintuan si Marcus kausap ang isang lalaking may hawak ng trolley. It's our lunch. Tanghali na kami nagising pareho dahil sa nangyari kagabi.
Kumain kami ni Marcus. Kaswal lang ang naging usapan namin. Ni hindi namin pinag-usapan ang nangyari kagabi. I'm afraid to ask. Besides, it's just sex. Right?
Hinatid niya ako sa bahay. Hapon narin ng makarating kami dahil sa traffic at stop over para bumili ng snacks.
"Thank you Marcus." Nakangiti kong sabi sa kan'ya.
"Anytime Blaire."
Tinulungan niya akong tanggalin ang seatbelt ko. Sa paglapit ng katawan niya sa'kin ay inatake na naman ng kaba ang puso ko. I can smell his favorite perfume. That's still the perfume I asked him to wear. Napangiti ako.
Ibinaba niya ang maleta ko pagkatapos ay nagpaalam na. Pagdating ko sa kwarto ay bumuhos nalang ulit ang mga luha ko. Kung hindi pa tumawag si George ay hindi pa ako matatahimik.
"What?!" Hiyaw niya sa kabilang linya.
"Yeah..."
"Bakit ka pumayag! Gaga ka! He is basically your ex now Blaire. Sabi ko na nga ba e, katangahan talaga 'yang paghingi mo ng pitong araw kasama siya! That's the dumbest thing you could ask for your ex boyfriend!" Tuloy tuloy niyang pagalit sa'kin.
I can hear disappointment in her voice and I totally understand her.
"Thank you ha." Umiyak na naman ako.
Alam ko namang mali talaga eh. Pero wala akong magawa. Mahal na mahal ko si Marcus! Hindi ko siya kayang isuko ng gano'n gano'n nalang.
"Look! I'm sorry pero nagsasabi lang ako ng totoo."
"I know George! I just love him so much. Kung pwede ko lang palitan ang puso ko at ireformat ang utak ko ay ginawa ko na simula palang nong gabing hiniwalayan niya ako." Napaupo ako sa kama ko.
Wrong move. Kung meron man akong dapat hingan ng tawad ay 'yon ang sarili ko. I've caused so much pain. Ako ang dahilan. Ako ang may kasalanan. Masyado akong mapilit sa mga bagay na hindi na talaga pwede.
"What's your plan Blaire? Do you want me to come over?"
"No no... I'm okay George." Pinunasan ko ang mga luhang patuloy na lumalandas sa mukha ko at tumawa nalang para hindi na siya gaanong mag-alala.
"Okay, are you sure?"
"Yeah..." Pinilit kong pasiglahin ang boses ko.
Si Georgina lang ang tanging pinagsabihan ko ng lahat ng nangyayari sa'min ni Marcus. Wala akong ibang pinagsabihan tungkol sa estado ng relasyon namin kahit pa sila Mommy.
Sino pa nga ba ang pwede kong pagsabihan? Ang circle of friends namin ni Marcus ay iisa at alam kong malalaman din nila 'yon eventually.
Siguro kapag pumunta na ako sa Australia. Tatlong araw nalang naman e. Pagkatapos ng seven days ay aalis narin ako. Wala narin namang dahilan para manatili pa ako dito sa Pilipinas. I only stayed because of him.
"Basta bukas ha..." Dagdag ni Georgina sa kabilang linya nang matapos ang paghikbi ko.
"What? Anong meron bukas?"
"Duh?! Birthday ni Leonne remember? Same club tayo bukas. Game ka?" Kung kanina ay pagalit ang boses niya, ngayon naman ay excited siya sa mga sinasabi.
"Titignan ko."
"Ikaw bahala. Di ba sixth day na bukas? You should come. ituloy tuloy mo na yang kagagahan mo..." Natatawang sabi niya.
Ganito ba talaga kapag best friend mo? Real talk kung real talk? Yung tipong maiisip mo talagang ang tanga tanga tanga mong tao? It's gonna be all over soon.
"Sige..." Nasabi ko nalang.
"What's the status of you and Hermes huh?" Kuryosong usisa ni Leonne isang araw ng magkita kami sa isang restaurant kasama si Harriette.
"Friends?" Bale walang sagot ko kay Leonne habang patuloy lang ang atensiyon sa pagkain ko.
I know Hermes is a great guy, but we are just friends. Parang hindi pa ako handang pumasok sa isang relasyon. Isa pa, hindi ba awkward na makarelasyon mo ang kaibigan ng ex mo? Bestfriend to be exact.
"Sus, friends pa ba 'yong ipinakilala na sa mga kamag-anak? Parents nalang ang kulang Blaire!" Natatawang sabi pa nito.
Tumango tango naman si Harriette. Nagtaas ako ng tingin para sulyapan siya ng masama. Mas lalo lang tuloy lumawak ang pag ngisi niya dahil sa ginawa ko.
"Friends nga. Friends..." Hinabaan ko pa ang pagkakasabi ko no'n.
"Ang manhid mo Lozaga! Hindi ka pa ba nakakamove-on kay..." Napaisip siya sa sunod na babanggitin.
"It's been a year Leonne!"
"Honey, don't pressure Blaire. She'll find her man soon, just like I patiently waited for you. Just give her some time to figure everything out." Kumindat si Harrie sa'kin.
"Thank you Harrie! Finally." Umirap ako kay Leonne na napapailing nalang dahil sa ginawang pagtatanggol ng kan'yang asawa sa'kin.
"I'm just saying, Hermes is a good guy. Give him a chance if ever..." Sa sinabing 'yon ni Leonne ay para akong naliwanagan na hindi ko maintindihan.
Hindi naman officially nagtatanong si Hermes ng kung anong galing sa'kin. Ayaw kong isipin ang mga bagay na iniisip nila. I want Hermes and I to be friends. Masaya akong kasama siya at ayaw kong bigyan ng kahulugan ang mga ginagawa niya para sa'kin.
That would be unfair. He's too good. Bakit nga ba wala siyang nagiging girlfriend?
Ipinilig ko nalang ang ulo ko. What if he likes me? I mean... more than friends?
Ugh, this is too fucking crazy!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top